App herunterladen
71.36% Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 152: Handa Na Kami

Kapitel 152: Handa Na Kami

Ramdam na ramdam ng ina ni Nelda ang kakaibang saya ng anak, kaya nangako itong ka kausapin ang ama para tigilan na sya.

Ito ang unang beses na nararamdaman nyang masayang masaya ang anak at ayaw nya itong masira.

Nelda: "Salamat po Mang at naintindihan nyo po ako!"

Kaya walang nagawa ang ama ni Nelda kundi iurong ang mga plano nito. Ayaw nyang magalit ang asawa nya at baka tuluyan na syang iwan, gaya ng banta nito sa kanya nung pilit nyang inihiwalay ang anak sa asawa.

Masayang masaya si Nelda.

Noon, lagi nyang iniisip kung paano sya magugustuhan at mapapasaya ang ama pero kahit anong gawin nya pareho pa rin ang resulta. Ngayon, wala na syang pakialam kung magustuhan sya o hindi ng ama.

Ang mahalaga ngayon ay kung magiging masaya ba sya.

Sabi ng duktor nya, "natural na isipin natin ang sarili nating kaligayahan at walang masama duon".

Kaya simula ng magdesisyon si Nelda na sundan si Issay, nagiba na ang naging pananaw nito sa buhay.

Kung noon nais lang nito na hanapan ito ng mali, ngayon hinahangaan na nya ito.

Gusto nya kung paano mabuhay si Issay simple, malaya at masaya. Hindi nito gaanong iniintindi kahit na ano mang problema ang dumating at magaan lagi ang pakiramdam na sadyang nakakahawa.

Kaya nasisiyahan syang kasama ito kahit na lagi syang iniinis nito, gaya ngayon na tinitingnan nya ang ginawa nyang proposal.

'Grabe, pakiramdam ko para akong estudyante na nagpapa check ng assignment!'

Pero hindi ito naiinis at matyagang inaantay si Issay na matapos kahit na sa kalooban nya nakakaramdam na sya ng taranta.

Nung sabihin nya kay Issay na gusto nyang subukan na maging assistant, sinabi nya lang yun dahil gusto nyang malaman ang ginagawa ng anak niyang si Nadine.

Pero ng binigyan sya ng assignment ni Issay, na challenge sya kaya sinubukan nyang gawin.

Kaya ng matapos na nya ito, masayang masaya sya dahil hindi nya akalain na magagawa nya ito.

Nagmamadali syang ipinakita ang ginawa nyang proposal kay Issay. Masayang masaya syang iniabot ito at makikitang proud na proud sya sa sarili nya pero laking gulat nya ng hindi man lang nagiba ang expression ng mukha ni Issay habang binabasa ito.

Hindi nya tuloy alam kung nagustuhan nya ba o hindi ang ginawa nya.

Pagkatapos basahin ni Issay, ibinalik nya ito sa kanya na puro correction.

Nakakunot ang noo ni Nelda ng makita ang ginawa ni Issay sa pinasa nyang proposal.

Issay: "Bakit?"

Nelda: "Bakit ang daming mali? Hindi mo ba nagustuhan?"

Issay: "Basahin mo para malaman mo kung bakit!"

Nelda: "Pinaghirapan ko yan e!"

Para itong batang nagtatampo.

Issay: "Sinabi ko bang hindi!"

Nelda: "Hindi ka man lang ba nasiyahan sa effort ko?"

Issay: "Nag effort ka ba talaga o kinopya mo lang sa Google?"

Nagulat si Nelda.

'Bat nya alam? Pero kahit kinopya ko lang yun pinaghirapan ko din yun ah!'

Nelda: "Sabi mo kasi pag aaralan ko ang paggawa kaya ginoogle ko!"

Naka nguso nitong sabi.

Issay: "Oo sinabi ko nga pagaralan mo pero hindi kopyahin. Ibig sabihin hindi lang kailang mong matutunan ang ginagawa mo, kailangan mo rin itong maintindihan!

Naintindihan mo naman ba ang pinaglalagay mo dyan at kung para saan yan?"

Kumukulo na ang dugo ni Nelda.

Nelda: "Oo syempre! Anong akala mo sa akin! Hmp!"

Sabay talikod nito.

'Ang lupit nya talaga! huhuhu!'

Pero ng tiningnan nya ang mga nilagay na notes ni Issay sa bawat pages, unti unti na nyang naiintindihan kung bakit nya nilagay iyon.

Kaya inulit nya ulit sa umpisa pero pag pasa nya marami na namang mali ng ibalik ni Issay.

Paulit ulit, pabalik balik pero hindi makikitaan ng pagsuko si Nelda.

Makailang beses man nya itong ibalik kay Issay, hindi sya sumusuko gusto nyang patunayan kay Issay na kaya nya. Kahit inabot pa ito ng tatlong araw.

Kaya ng pumasa na kay Issay ang ginawa nya, naglulundag ito sa saya subalit sandali lang iyon dahil may iniabot ulit na folder si Issay sa kanya.

Nelda: "Ano yan?"

Nagaalinlangan itong kunin.

Issay: "Malaki ang pinagdadaanan ng kompanyang yan ngayon, pati mga empleyado nawawala na ng pagasa. Gusto kong pagaralan mo at mag suggest ng pwedeng gawin para maibalik natin ang dating gana ng mga tao. "

Napaisip ito pero sa bandang huli kinuha din ang folder at tahimik na umalis.

Nakita ni Issay ang nagaalab na mata ni Nelda.

"Mukhang magiging interesado ang susunod nyang gagawin!"

Sabi ni Issay sa kausap nya sa phone.

Si Enzo ang asawa ni Nelda ang nasa kabilang linya.

Sa simula pa lang na pangungulit ni Nelda sa kanya lagi na nya itong inirereport kay Enzo.

Ikinatutuwa naman ito ni Enzo dahil sabi ng duktor lumalaki ang improvement ng asawa nito, kaya hindi nya pinipigilan ang ginagawa kahit na nahihiya na sya kay Issay.

Enzo: "Salamat sa lahat Issay. Balang araw makakabawi din ako sa'yo!"

Issay: "Anong balang araw? Ikaw ay tutulong sa akin para marecover ko ang bago kong kompanya!"

Napangiti na lang si Enzo.

Bago sila umuwi, natapos na ni Nelda ang pinagagawa sa kanya ni Issay at ng ipasa nya ito nagulat sya na pinatong lang sa lamesa at hindi man lang nito binuksan.

Nelda: "Hindi mo man lang ba titingnan?"

Issay: "Masakit ang mga mata ko kaya wala akong planong basahin. Sabihin mo na lang sa akin kung ano ang nakalagay dito!"

Lumapit sya sa lamesa ni Issay para kunin ang folder pero agad itong itinago ni Issay sa drawer.

Nelda: "Bakit mo itinago? Akala ko ba gusto mong basahin ko sa'yo?"

Napataas ang kilay ni Issay.

Issay: "Ang sabi ko sabihin mo sa akin kung ano ang nakalagay dito hindi ko sinabing basahin mo!"

Napakamot ang ulo ni Nelda.

'Diba yun din ang ibig sabihin nun?'

Nelda: "Paano ko sya sasabihin sayo kung wala akong tinitingnan na kopya?"

Issay: "Kung ikaw ang gumawa nito tyak alam mo kung ano ang nakalagay dito. Gusto kong madinig sa bibig mo mismo ang ginawa mo!"

Nelda: "Ako naman talaga ang gumawa nyan ah!"

Issay: "Wala naman akong sinabing hindi ikaw ang gumawa! Gusto ko lang madinig!"

'Ang lupit nya talaga!'

Nelda: "Kailangan ko bang tumayo?"

Issay: "Nasa sa iyo yan!"

Pero nanatili itong nakaupo at mamaya maya tumayo.

Kinakabahan.

'Jusko, para akong nasa resitation! Haaay!'

Habang nakatayo ito at natataranta lihim na nangingiti si Issay.

'Para syang si Nicole!'

Gusto nyang tumawa pero pinigilan nya para malaman ni Nelda na seryoso sya at naghintay na magsimula ito.

Nang magsimula itong magsalita halatang kinakabahan ito pero habang nagtatagal makikita sa mga mata at kilos nito ang isang palaban na babae.

Kahit na minsan nagtatanong si Issay at nalilito si Nelda pero tuloy pa rin ito hanggang matapos.

'Mukhang handa na kaming lumaban sa gera!'

Kaya pagkatapos maayos ang pagsasalin sa pangalan nya ng kompanya ni Roland, isinama nya si Nelda sa listahan ng mga tauhan nya.

Kasama si Vanessa, Nelda at Ames, sabay sabay silang nagtungo sa bagong LuiBel Realty.

Pagdating doon dirediretso ito sa opisina ng presidente at hinarap ang nakaupo doon.

"Ehem!"

Issay: "Tapos ka ng maglaro? Ako naman!"


AUTORENGEDANKEN
trimshake trimshake

Dahil po sa undas baka hindi ako makapagpost... Pasensya na po wala kasing internet sa pupuntahan ko!

Pero pipilitin ko parin makapag post.

Salamat po and God bless!

Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C152
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen