App herunterladen
75.11% Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 160: Masakit Man Isipin

Kapitel 160: Masakit Man Isipin

Pagdating ng ospital, andun na si Enzo at Joel nagaantay sa kanila.

Dali dali nilang nilapitan ang mga partner nila at biglang napahinto si Issay, luminga linga.

'Bakit pakiramdam ko naririto lang si Anthon sa paligid?'

Bahagya syang kinabahan.

Diniretso nila si Nelda sa operating room at ang dalawa ay sa emergency dinala upang gamutin ang sugat nila.

Sa di kalayuan, naroon nga si Anthon. Nakamasid habang ginagamot si Issay. kanina pa sya narito pero ayaw nyang magpakita.

Nagtungo ka agad sya dito sa ospital ng malaman kay Leon ang nangyari kila Issay.

Gusto nyang lapitan ito pero pinipigilan ang sarili, nag aalala sya na baka matakot na naman ito sa kanya, kaya mas minabuti nyang huwag malaman ni Issay na narito sya.

Pinagmasdan nya na lang ito sa malayo habang ginagamot ang sugat at ng matapos, nakahinga na sya ng maluwag.

'Ang hirap pala ng ganito!'

Noong mga bata pa sila, lagi din syang nakamasid kay Issay sa malayo pero hindi sya nagaalala kung sakaling makita sya nito. Ngunit iba ngayon. Dahil noon hindi takot sa kanya si Issay di tulad ngayon.

Saka nya naisipan na i-text na lang si Issay.

Anthon: [Nalaman kong nangyari sa inyo, kamusta? Okey ka ba?]

Nang matanggap ito ni Issay, napamulagat ito ng makita ang pangalan ng sender at namutla.

Vanessa: "Okey ka lang Sis?"

Kinakabahang tanong nito ng makitang putlang putla si Issay.

Tumango tango si Issay, pinilit nilalabanan ang nerbyos na nararamdaman.

'Kaya ko 'to! Kaya ko 'to!'

Bulong ni Issay sa sarili.

Napapikit sya at pilit na kinakalma ang nararamdaman.

Natakot si Anthon ng makita ang reaksyon ni Issay ng mabasa ang text niya. Kaya mas minabuti na lang nyang umalis. Mukhang maayos na naman ang lagay ni Issay, makikibalita na lang sya ulit.

Vanessa: "Sis, alam kong hindi ka okey!"

At inakap nito ang kaibigan hanggat hindi nawawala ang nerbyos.

Pagkaraan ng ilang minuto kumalma na si Issay.

Issay: "Okey na ako Sis, huwag ka ng magalala!"

Nang makita ni Vanessa na normal na ang kulay ng kaibigan saka lang nya ito binitiwan.

Muling tiningnan ni Issay ang mensahe ni Anthon at sa tuwing nakakaramdam sya ng nerbyos humihinto sya at ipinipikit ang mata at nagdadasal.

Paulit ulit nya itong ginawa hanggang sa mawala ang kaba nya kaya hindi nya napansin na nasa likod na nya si Miguel.

Miguel: "Uy, sino yan, secret admirer mo?"

Nagitla ito sa biglaang pagsulpot ni Miguel kaya sa inis hinampas nya ng kanina pa nyang bitbit na bag ni Nelda.

Issay: "Kainis ka ginulat mo ko! Hmp!"

Miguel: "E, sino ba kasing ka text mo?"

Natatawang tanong nito habang sinusubukang basahin ang cellphone ni Issay.

Issay: "Wagka nga magulo dyan! Sinusubukan ko lang kontrolin ang balita para hindi na kumalat!"

Pagdadahilan nito.

May balak naman talaga syang gawin iyon pero nakalimutan nya saglit dahil sa naramdamang nerbyos kanina.

Miguel: "Asus, kunwari pa sya!" "Huwag ka ng magaalala sa media, nagawan ko na ng paraan na mapigilan sila."

Nangiti si Issay ng madinig ito.

Issay: "Salamat, lagi ka talagang maasahan!"

Vanessa: "Galing talaga ni Capt Miguel! Salamat po!"

Tuwang tuwang sabi nito at sumaludo pa!

Miguel: "Hehe! Syempre malakas kayo sa akin!"

"Eto lang namang kaibigan mo ang walang bilib sa akin e!"

Issay: "Oy, nagpasalamat na po ako, kanina pa!"

Miguel: "Pero seryoso na 'to!

Sa nangyaring ngayon, siguro naman magtatanda na kayo. Huwag nyo ng palalayuin ang mga bodyguards nyo! Sa posisyon nyo hindi na safe na wala kayong kasamang bodyguard. Kaya utang na loob huwag nyo silang pahirapan!"

Nagkatinginan si Vanessa at Issay.

"Opo 'Tay!"

Sabay nilang sagot saka tumawa.

Walang nagawa si Miguel kung hindi ang umiling iling.

'Haaay mga pasaway!'

Issay: "Halika na umakyat na tayo sa taas at baka kailangan ni Enzo ng kasama. Tyak humahagulgol na iyon!"

Pagdating nga nila sa operating room humahagulgol nga ito sa pagiyak sa harapan ng pinto kung saan inooperahan ang asawa.

Pagkakita ni Enzo agad kay Issay sinalubong nya ito ng akap at saka umiyak ng umiyak na parang bata.

Issay: "Tama na wagkang masyadong magalala magiging okey ang asawa mo!"

Enzo: "Humanda ang mga gumawa nito sa akin! Kung noon hinayaan ko lang sila dahil pamilya sila ni Nelda, ngayon sisiguraduhin kong makukulong sila kahit kamaganak pa sila ng asawa ko!"

Matapang nitong sabi pero hindi ito bumitiw sa pagkaka akap kay Issay kaya hinayaan na lang nya para kahit papaano kumalma.

Pinipigilan naman ni Miguel na sapakin ang lalaking ito dahil sinasamantala ang sitwasyon para umakap kay Issay.

Maya maya naalala ni Issay ang text ni Anthon. Binasa nya ulit ito at sinagot.

Issay: [Okey naman ako, salamat]

Oras na para simulan nyang tulungan ang sarili nyang lumaya sa nerbyos na nararamdaman.

Habang nag tetext ito pinagmamasdan sya ni Miguel. Batid nyang si Anthon ang nag text dito dahil nabasa nya iyon kanina.

'Mukhang unti unti ng natuto si Anthon.'

Sa paniniwala ni Miguel, hindi karapatdapat si Anthon para kay Issay, pero anong magagawa nya kung ito ang nasa puso ng mahal nya.

Masakit man isipin ngunit kailangan nyang tanggapin dahil ang mahal nya ay may mahal ng iba.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C160
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen