Paglabas ni Joel ng ospital, namataan nya ang isang ambulansiya na kararating lang.
Hindi nya ito pinansin nung una pero ng magbukas ang pinto ng ambulansya napansin nyang tila pamilyar sa kanya ang lulan nito. Kinutuban sya at napatigil sa paglakad.
'Ma?'
Habang ibinababa ang stretcher, pinagmasdan nyang maigi ang pamilyar na matandang babaeng nakahiga dito. Ayaw nyang maniwala na may posibilidad na tama ang kutob nya. Kinakabahan na sya kaya unti unti syang lumapit.
"Mama?!"
At ng matanaw nito si Anthon na huling bumaba mula sa ambulansiya, nabalutan na sya ng takot. Tiyak na nya na ang ina ang matandang babae na nakahiga sa stretcher.
"Mama!"
Sigaw nito na hindi namamalayan na tumutulo ang luha habang patakbong hinahabol ang stretcher na dala ang ina at mabilis na gumugulong patungo sa loob ng emergency ng ospital.
"Ma! Ma!"
Naabutan nya ito na inililipat na sa kama.
Tumambad sa kanya ng malapitan ang itsura ng ina na tila wala ng buhay.
Natulala sya at parang napako ang mga paa at hindi na rin nya maikilos ang buong katawan ng makita ang ina.
"Sir! Duon muna po kayo Sir! Pakiusap!"
Tila nagising sya ng itulak sya ng isang nurse palayo sa ina.
Joel: "Pwede ba sabihin nyo sa akin, ako ang anak nya, anong nangyari sa Mama ko? Bakit sya nagka ganyan? Kanina lang hinatid ko sya sa hotel malakas pa, kaya paanong.....?"
Hindi pa rin sya makapaniwala na ang nakikita ng dalawan mata nya ngayon ay ang kanyang ina. Ang kanyang ina na nasa kama ng emergency at sinusubukan nilang bigyan ng lunas.
"Na istroke po ang Mama nyo Sir. Maupo muna po kayo at hayaan nyo kaming gawin ang trabaho namin."
Sabi nito habang itinutulak sya papalayo sa ina.
Walang nagawa si Joel kungdi ang tanawin ang ina habang pinapanuod niya ang mga duktor na ginagamot ito.
Hindi nya matanggap kahit kitang kita na nya. Tila bangungot ang lahat. Pinipilit nyang gisingin ang sarili dahil takot na takot na sya na baka totoo na ang bangungot na ito.
Nang lumingon sya sa kaliwa natanaw nya sa malapit si Anthon na tila nakatingin sa kawalan.
Naalala ni Joel ang sinabi ni Vanessa kanina.
'May kinalalaman kaya sya sa nangyari sa Mama?'
Nilapitan nya ang Kuya nya at hinila nya palabas ng emergency.
Joel: "Kuya, hindi ko maintindihan, anong nangyari sa Mama at bakit magkasama kayo?"
Pero wala itong kibo at blanko ang tingin parang iniwan na ng katinuan.
Hinawakan nya sa kwelyo si Anthon at tinanong.
Joel: "Magsalita ka Kuya! Ikaw ang kasama ng Mama, kaya alam mo kung papaano ito nangyari sa kanya!"
May ginawa ka ba sa kanya, huh? Anong ginawa mo sa kanya at nagkaganyan sya?!"
Pero hindi pa rin sya nito sinagot tila walang naririnig.
Sa inis ni Joel sinuntok nya si Anthon, napaupo ito at pumutok ang labi pati gilagid ay nagdugo sa isang suntok na iyon.
Hindi nya akalain na ganito kalakas sumuntok ang bunso nyang kapatid. Hindi ito gumaganti ng suntok sa kanya kahit kailan.
Napatingin sya kay Joel.
Joel: "Pag nalaman kong may kinalalaman ka sa nangyari sa Mama, tandaan mo 'to, kalimutan mo ng magkapatid tayo! Dahil hindi kita mapapatawad!"
Tumalikod na ito at bumalik sa loob ng emergency.
Hindi tumayo si Anthon. Hindi nya alam ang gagawin. Maging sya'y takot na takot sa nangyayari at tila nawawalan sya ng kakayahang magisip.
Ngayon, nakakaramdam sya ng pagiisa.
*******
Sa hotel.
Nakita ni Edmund si Anthon na sumakay ng ambulansiya kaya nagtaka ito. Nilapitan nya ang nurse at nagtanong kung anong nangyayari.
"Yung pong nanay ni Sir Anthon na stroke kaya tumawag ng ambulansiya!"
"Kilala nyo po ba sya?"
Tanong ng nurse ng makitang interesado ito.
Edmund: "Oo, Family friend."
Pagkatapos tanungin ang nurse, bumalik sya sa meeting room nila upang sabihin ang nakita nya. Nadatnan nya duon si Tess na tila natataranta.
Edmund: "Tita Tess nakita mo ba si Ate Isabel?"
Tess: "Ay Edmund buti dumating ka! Kanina, nakita ko si Vanessa at yung boyfriend nya na isinasakay sa kotse si Ms. Isabel. Dadalhin nila sa ospital dahil namimilipit ito sa sakit ng tiyan!"
"Kanina ko pa tinatawagan si Madam para sabihin ito pero hindi sya sumasagot! Paakyat na nga ako sa taas para hanapin sya!"
Edmund: "Halika sabay na tayo. Mukhang alam ko kung nasaan sya. May sasabihin din ako sa kanya!"
Pagaari ng Perdigoñez Corp. ang pagdadausan ng anibersaryo kaya natural lang na sa Suite room sila ni Belen at Edmund.
Tumanggi si Issay ng alukin sya dahil ayaw nya daw ng masyadong mataas. Nalulula sya.
Pag bukas nila ng pinto, nadidinig nila na tila may nagaganap na Rated PG sa loob ng silid. Kaya agad na dumiretso si Edmund sa silid ng tiyahin para bulabugin sila.
Edmund: "Tiya! Tiya! Alam ko pong andyan kayo, kailangan ko po kayong makausap!"
Sinuway sya ni Tess.
Tess: "Teka, baka magalit si Madam!"
Edmund: "Emergency ito kailangan nyang malaman!"
Nagulat ang nasa loob. Nagkatinginan.
Belen: "Bakit ba? Nagpapahinga na ako!"
Pero binuksan na ni Edmund ang pinto ng bahagya ng nakatalikod sa kanila at saka nagsalita.
Edmund: "Pasensya na Tiya pero mahalaga po ang sasabihin ko sa inyo at kailangan nyo agad malaman."
Belen: "Edmund!"
Agad nitong kinuha ang kumot.
"Bakit ba hindi ka makapag antay dyan Ha! Hmp!"
Singhal nito.
Pero hindi umalis sa pwesto nya si Gene na kasaluluyang nasa ilalim ng kumot dahil hindi pa sila tapos. Nagbabakasakaling umalis agad si Edmund.
Edmund: "Pasensya na Tiya, Tito, kung naistorbo namin kayo! May mahalaga kasi kaming kailangan sabihin sa inyo!"
"Nais lamang naming sabihin na si Ate Isabel ay nilusob sa ospital ni Ate Vanessa dahil sa pananakit ng tiyan at saka nakita ko din si Anthon kani kanina na sumakay ng ambulansiya para dalhin naman ang Mama nya sa ospital. Baka daw na stroke."
Natulala ang dalawa at napatigil si Gene sa ginagawa.
Edmund: "Yun lang po Tiya Tito!
Sige po ituloy nyo na ang ginagawa nyo!"
At isinara na nito ang pinto.