App herunterladen
37.55% Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 80: Nagtanan?

Kapitel 80: Nagtanan?

"Issay!"

Masaya ang tinig na iyon, punong puno ng pananabik ng bigkasin ang pangalan nya.

Nagulat si Issay, hindi nya ito inaasahan. Pamilyar ang tinig na iyon, hindi sya maaring magkamali!

Puno ng sari saring emosyon ang nararamdaman ni Issay ng lingunin nya ang tumawag sa kanya.

Nakita nyang naka tayo sa di kalayuan ang isang lalaking punong puno ng pananabik ang mga mata.

Issay: "Mi...guel?

Pabulong nyang usal.

Hindi sya makagalaw sa kinatatayuan nya. Kumakabog ang dibdib at tila humihina ang kanyang paghinga na parang may nakadagan sa kanya.

Kay tagal na pinanabikan ni Miguel ang mukhang ito. Simula ng umalis sya at iwan si Issay, hindi pa rin nya magawang kalimutan ang maamong mukha nito.

Nagkaroon man sya ng asawa, hindi pa rin mahihigitan ang pagmamahal na nararamdaman nya dito. Masasabi nyang ito lang ata ang babaeng tunay nyang minahal maliban sa kanyang ina.

Miguel: "Kay tagal na panahon ng huli kitang masilayan, salamat at nakita rin kita!"

Tuwang tuwa nitong sambit. At sa bawat salita nito unti unti syang lumalapit kay Issay na lalong nagpapatindi ng kabog ng dibdib nya.

Nakatulala itong nakatingin sa dating kasintahan. Hindi makapaniwalang nagbalik sya. Pero bakit ngayon pa?

Miguel: "Kamusta ka na Irog ko?

Hindi makapagsalita si Issay, tanging luha lang ang sinagot sa tanong nya.

Hanggang sa magkalapit na sila at nag tititigan sa bawat isa.

Sa isip ni Miguel.

'Ito ang babae na lubos kong pinang hinayangan!'

Sa isip ni Issay.

'Ito ang lalaking una kong minahal!'

'Ibinigay ko ang lahat pero mukhang hindi pa rin sapat dahil nagawa pa rin nya akong saktan!'

'Pero bakit hindi ko magawang umiwas? Bakit ayaw sumunod ng katawan ko sa nais ng ng isip ko?'

Patuloy sa pagluha ang mga mata ni Issay na nagpalungkot kay Miguel. Hindi nya akalaing ganito ang magiging reaksyon ng dating kasintahan sa muling pagkikita nila.

Kaya....

Inakap nya si Issay.

Dala din siguro ng matinding pananabik ni Miguel kay Issay kaya nagawa nya itong akapin ng mahigpit at matagal na tila ayaw nyang pakawalan.

Miguel: "Kay tagal kong pinanabikan na ma akap kang muli, Irog ko!"

Ito ang tagpong nadatnan ni Anthon pagpasok nya sa resort.

Bakit kayakap ng lalaking iyon ang Mahal nya?

Kilala nya ang taong iyon, sya ang dating kasintahan ni Issay. Pero bakit? Bakit sya narito? At bakit nya kayakap ang Mahal ko?

Nagtago sya, hindi nya matagalan ang nasaksihan. Ang sakit na nararamdaman nya ay tila bumabalot sa buong katauhan nya, hindi na nya makayanan. Kailangan nyang umalis at lumayo!

*****

Mama Fe: "Gene, ano ba talaga ang nangyayari? Bakit wala si Anthon? Akala ko may kausap lang?"

Natapos na ang pagpapasalamat sa bisita at marami na rin nakaalis pero wala pa rin si Anthon.

Gene: "Ma, nawala po ni Kuya Anthon ang singsing kaya umuwi sya upang maghanap ng kapalit sa mga alahas nyo!"

Napakunot ang noo ni Mama Fe sa narinig.

Gene: "Ma, wag po kayong magalit sa ginawa nya, kailangan lang nya ng ipapalit pansamantala!"

Mama Fe: "Hindi naman ako galit sa pagkuha nya ng alahas, naintindihan ko yun!

Ang hindi ko maintindihan ba't kayo naglihim sa akin na may nangyayari na palang problema?"

Gene: "Kasi po Ma, lagi kayong magkasama ni Ate Issay!"

May katwiran si Gene. Pano nga naman masasabi sa kanya ang problema kung katabi nya si Issay.

Mama Fe: "Pero ano na ang nangyayari? Bakit hanggang ngayon wala pa si Anthon? At pati si Issay nawawala na rin!"

Gene: "Hindi ko rin po alam!"

"Sinabi ko na po kay Joel na hanapin sila!"

Sa totoo lang kinakabahan na si Gene ayaw lang nya ipahalata sa ina.

Ang sabi ni Joel ay pabalik na ito kanina, pero isang oras na ang nakakalipas pano kung may nangyari sa kapatid nya pabalik dito?

Gene: " Ma, mabuti pa po magpahinga na muna kayo sa silid nyo para makatulong din ako sa paghahanap!"

"Wag na po kayong masyadong magalala sa dalawang yun at baka nagtanan na yun!"

Nangiti naman si Mama Fe sa narinig.

Tapos na ang selebrasyon pero may mga tao pa rin naman na naroon at tila magpapabukas na ang mga ito gaya ni Belen at ni Uncle Rem.

Nagtataka si Belen bakit natapos ang selebrasyon na walang nangyaring pag po propose.

Matutuloy pa ba ito o hindi na? Aminado syang isa ito sa dahilan kaya siya nagpunta rito.

Nagpaalam mun sya sa tiyuhin.

Belen: "Uncle Rem nakahanda na po ang silid, kung gusto nyo ng magpahinga. Dito lang po ako sa mga kaibigan ko!"

Tumango lang ito sa pamangkin at saka bumalik sa pakikipag huntahan sa mga kaibigan.

Naghanap sya ng matatanungan at nakita nya si Joel.

Belen: "Anong nangyari, bat di natuloy ang inaasahan natin?"

Joel: "Hindi ko rin po alam, Madam!"

Isinama ni Joel si Belen sa isang silid.

Naroon si Gene, Vanessa, Madam Zhen, at Jaime.

Nagtaka sya dahil parang may meeting sila.

Belen: "Mukhang may pinagpupulungan kayo, pwede bang sumali?"

Nakangiti syang binati ng lahat.

Joel: "Madam, may konti ngang problema! Nawawala po si Kuya Anthon at Issay at hindi po namin sila makontak!"

Napakunot ang noo ni Belen.

Belen: "Baka nagtanan?"

Gene: "huh?"

Ito rin ang sinabi nya kay Mama Fe kanina, pero dahilan lang nya yun para wag magalala ang ina.

Ngunit ngayon nadinig nya na sinabi ng iba, napangiti ang kalooban nya. Pasimple nyang sinulyapan si Belen.

May posibilidad ang naisip ni Belen pero kailangan pa rin nilang makatiyak bago maniwalang may katotohanan ito.

Gene: "Siguro mas maganda kung maghiwahiwalay tayo!"

"Madam Zhen pwede po bang pakisamahan po ang Mama kinakabahan kasi ako sa kanya e!"

Madam Zhen: "Walang problema, hindi ko rin naman kayo magagawang samahan dahil gabi na at hindi ako pamilyar sa lugar!"

Saka close na kami ni Fe! Hehe!"

Gene: "Salamat po!"

Sila Madam Belen at Vanessa at Jaime naman dito maghahanap sa resort tapos kami ni Joel ang babalik sa bahay para hanapin si Kuya!"

Belen at Madam Zhen: "Bakit?"

Hindi pa nila alam ang buong pangyayari kaya kinuwento nila sa kanila.

Joel: "Gusto lang po namin masiguro na walang ibang nangyaring masama kay Kuya Anthon habang pabalik ng resort!"

"Nakupo! Wag naman sana!"

Kinabahan silang lahat.

Pano nga kung naaksidente si Anthon?

At nasaan si Issay?


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C80
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen