App herunterladen
26.29% Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 56: Galit Si Edmund

Kapitel 56: Galit Si Edmund

Hinanap ni Ms. Onse si Nicole. Kanina pa siya pinapatawag ni Mr. Dizon para kausapin.

Hindi naman sinabi sa kanya kung bakit pero nalaman na rin nya dahil pinagtsitsismisan sya sa lahat ng sulok ng opisina at may video pa!

Nagkulong si Nicole sa loob ng banyo at hindi lumalabas hangga't hindi humuhupa sa pagiyak.

Pano sya lalabas? Namamaga pa ang mukha niya sa sampal ng ate nya at natatakot pa sya dahil baka pag nakita ulit sya nito, baka sampalin sya ulit.

Ni minsan hindi sya pinagbuhatan ng kamay ng Ate Nadine nya lalo na pagbinabanggit nya ang Mama nila.

'Pero ngayon ba't nagiba na si Ate?! Hindi na nya ako kinakausap at hindi na rin kami madalas magkita!'

'Wala na syang pakialam sa akin ngayon!'

'At malamang dahil yun sa lalaki na itsitsismis sa kanya!'

Maya maya, nadinig nyang tumatawag si Ms. Onse sa labas hinahanap sya.

Pinagbuksan nya ito.

"Ano bang nangyari sa'yo bata ka?"

May halong pagaalalang tanong ni Ms. Onse.

Kinuha ni Ms. Onse ang panyo nya saka binasa at dahan dahang idinampi sa namamagang mukha ni Nicole para humupa ang pamamaga nito kahit kaunti.

Gumaan naman ang pakiramdam ni Nicole sa ginagawang ito ni Ms. Onse.

"Ikaw naman kasi Nicole, masyado kang na spoiled! Hindi lahat ng gusto mo dapat masunod! Kaya 'wag mong laging ipinipilit dahil ikakapahamak mo yan!

At lagi mong tatandaan, hindi umiikot ang mundo sa'yo!"

Walang masabi si Nicole kay Ms. Onse alam nyang pinagsasabihan sya nito pero imbis na magalit inakap nya ito at saka umiyak.

Hindi sya katulad ng Mama nya. Ang Mama nya hanggang ngayong bata pa rin ang tingin sa kanya na walang kakayahang magisip at magdesisyon.

Samantalang si Ms. Onse, laging nyang sinasabi ang kakulangan nya at ano ang dapat nyang gawin.

"Oh, tama na yan!

Ayusin mo na ang sarili mo at kanina ka pa gustong makausap ni Mr. Dizon."

Nagaalinlangan si Nicole, ayaw muna nyang lumabas, nahihiya sya sa mga taong nakakita sa ginawa sa kanya ng Ate Nadine nya.

Napansin ni Ms. Onse ang pagaalinlangan ni Nicole.

"Nicole, hindi ka na bata, sa edad mong yan kailangan mo ng matutunang harapin ang problema. Kung gusto mong itrato ka na matanda, act like one. Kaya halika na, huwag kang magalala, sasamahan kita kay Mr. Dizon."

****

"Hmmm... Ms. Nicole Belmonte, sit down!"

Kita ang pagkadismaya sa mukha ni Mr. Dizon ng makita si Nicole.

"Ms. Onse, tipunin mo na ang lahat para sa emergency meeting!"

At iniwan na ni Ms. Onse ang dalawa.

"Ms. Nicole, napagkasunduan ng management na simula ngayon, hindi mo na pwedeng ituloy ang OJT mo sa kompanyang ito, kaya pwede ka ng umuwi!"

"Pero bakit? Si Edmund ang nagpasok sa akin dito, anong karapatan mong alisin ako?"

Mataray na tanong ni Nicole.

Napataas ang kilay ni Mr. Dizon sa talas ng dila ng batang kaharap nya.

"Kasi Ms. Nicole, para sa 'yong impormasyon, ako lang naman ang head ng HR at trabaho ko ang magpaalis ng mga staff o OJT na pasaway."

"Pero si Edmund ang nagpasok sa akin kaya sya lang ang dapat na magpaalis sa akin!"

"Alam na ni Edmund ang tungkol dito at maging sya ay pumayag din na alisin ka na sa kompanya!

Kaya sige na, makakaalis ka na at may meeting pa akong aatendan!"

Tumayo na ito at iniwan si Nicole na hindi na binigyan ng pagkakataon na makapagsalita.

"Si Edmund? Hindi! Hindi totoo ito! Si Edmund ang nagpasok sa akin kaya bakit nya ko paalisin?Malamang nagiimbento lang si Mr. Dizon dahil nuon pa man mainit na ang dugo nun sa akin!Kailangan kong makita si Edmund!"

****

Pagpasok ng mga empleyado sa conference room nadatnan na nila roon si Edmund.

Kanina pa ito nakaupo sa harap at nagaantay sa pagdating nila.

Pinatigil ni Edmund lahat ng ginagawa nila para sa meeting na ito.

Si Mr. Dizon ang kahuli hulihang dumating. Hudyat na maari na syang mag simula.

Saka lang tumayo si Edmund.

"Hindi na ako magpapaliguyligoy pa! May mga tsismis sa opisinang ito na naka abot sa akin at hindi ko ito nagugustuhan."

Nagkatinginan ang mga empleyado sa isa't isa.

"Tungkol ito kay Nadine!"

Kita ang kaba ng mga empleyado na naroon.

"Alam kong hindi kayo aamin kung sino ang nagsimula ng tsismis! Pero natitiyak kong lahat kayo ay may kinalalaman dito kaya lumalala!"

Galit na sabi ni Edmund habang iginala ang mga mata sa empleyado na naroon.

Nakaramdam tuloy ng hiya at takot ang lahat. Halatang guilty.

"Bakit may ebidensya ba kayo at iniisip nyong totoo yun?"

Lalong nakita ang pagka guilty ng lahat.

"Matagal na dito si Nadine at malamang halos lahat sa inyo kilala kung pano sya makisama, kaya papaano nyo nasisikmura na pagtsismisan SYA?!!!"

Singhal ni Edmund.

Hindi tuloy makatingin ng diretso ang lahat.

"Alam nyo ba kung ano ang ginagawa ni Nadine ngayon? Ha?!

Andun sya nagpapakahirap, dose oras nandito sa opisina, nagiisip, gumagawa ng paraan para maibalik sa dati ang kita ng kompanya!

Andun sya kasama ang production team nagiisip sa gabi nakikipagmeet sa kliyente sa umaga upang masiguro na sa darating na pasko may mga bonus kayong matatanggap! Pero kayo anong ginagawa ninyo? Pinagtsitsismisan nyo sya!

Inggit na inggit kayo sa promosyon nya kaya imbis na magsipag kayo puro tsismis ang ginagawa ninyo!

Bakit?

Dahil alam nyo na hindi nyo kayang higitan si Nadine kaya yan na lang ang ginagawa ninyo!"

Nanliliit na ang lahat sa sumbat na nararamdaman nila kay Edmund.

"Sa susunod na may marinig pa akong tsismis, sisisantehin ko kayo! Naintindihan nyo!

Wala akong pakialam kung maubos kayong lahat dito dahil hindi kailangan ng kompanya ito ang mga taong walang kakayahan kung hindi ang magtahi ng tsismis!"

Nagpupuyos sa galit si Edmund.

Samantala, narinig naman ni Nicole ang boses ni Edmund malapit sa conference room kaya pinuntahan nya ito at walang paalam na pumasok.

"Edmund!

Haha! Kanina pa kita hinahanap!"

Patakbo itong lumapit kay Edmund, nakangiti.

"Bakit nandito ka pa?"

Tanong ni Edmund sabay tingin kay Mr. Dizon.

Bigla tumayo si Mr. Dizon at nilapitan si Nicole.

"Ms. Nicole, hindi ba sinabi ko sa'yo kanina na hindi ka na OJT dito? At nainform ko na rin ang school mo, kaya makakaalis ka na! Meeting ito ng mga empleyado hindi ka pwede dito!"

"Edmund sabihin mo hindi totoo ang sinasabi nya!

Diba pumayag kang mag OJT ako dito kaya bakit nila ako gusto paalisin?"

"Nicole, una sa lahat hindi tayo close!

Ikalawa kaya ako pumayag na mag OJT ka dito dahil naawa na ako sa ate mo. Gusto ko syang tulungan para hindi sya mahirapan maghanap ng OJT para sa'yo dahil lagi ka na lang nakaasa sa kanya!

Pero masyado na akong naging mabait sa'yo, napagbigyan na kita, hindi ko na mapapayagan na manatili ka pa dito!"

"Pero bakit? Anong kasalanan ko hindi naman ako gumagawa ng karumaldumal gaya ni Ate Nadine?"

"Pati ba naman ikaw ganyan din ang tingin mo sa Ate Nadine mo?! Anong klase kang kapatid? Ginagawa ni Nadine ang lahat para sa'yo tapos kung ituring mo sya parang hindi mo kapatid? Wala ka man lang utang na loob! Anong palagay mo sa ate mo, alipin mo?

Matalik kong kaibigan si Nadine at natitiyak kong wala syang ginagawang karumaldumal! Malinis syang babae!

Kaya hindi ko hahayaan ang sinuman mag isip ng masama sa kanya kahit na IKAW!"

"Mr. Dizon, ikaw na ang bahala dito!"

At saka umalis si Edmund.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C56
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen