App herunterladen
47.36% Jonnie's Valentine [Tagalog Romance] / Chapter 9: Chapter 9

Kapitel 9: Chapter 9

Nang maghiwalay ang mga labi namin ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Hingal na hingal ako. Hindi ko alam kung dahil sa sari-saring emosyon na lumulukob sa akin o dahil sa halos isang minutong hindi ako nakahinga dahil sa halik ni Jimmy.

Ang landi ko lang. Hehehe..

"Nakakarami ka na..." sabi ko rito habang hindi halos makatingin rito.

"And more to come! Hahaha" sabi nito sabay hila sa mga kamay ko palabas ng room na iyon.

"Teka teka saan tayo pupunta? Hinihintay ako ni Bernard sa labas." Sabi ko habang pinipigilan ang mga kamay nito.

"Magde-date." Simpleng tugon nito. "Ako na ang bahala doon kay Bernard."

Nakita naming naghihintay pa rin si Bernard sa may dulong parteng corridor at kitang-kita sa mukha nito ang disgusto lalo na't napadako ang mga mata nito sa magkaholding hands naming mga kamay.

"Wait, san kayo pupunta?" Pigil nito sa amin.

"Ahm Bern, pasensya na ha. Mauna ka na, mag-uusap lang kaming dalawa." sagot ko rito habang patuloy na inaalis ang mga kamay ko sa pagkakahawak nito kaya lang, malakas talaga ito kaya hinayaan ko na lang.

"Huwag kang mag-alala pare, iuuwi ko siya ng very safe. Halika na Baby Jonnie..."

Hinayaan ko na lang ito sa paghila sa akin at binigyan si Bernard ng apologetic na ngiti. Kitang kita naman ang pagkagulat sa mga mukha ng mga

co-teachers niya ng napadaan kami sa faculty room. Buti na lang talaga at Sabado ngayon at walang mga estudyante. Dahil kung sakali, baka masermunan ako ng Principal ko ng wala sa oras. Ihahanda ko na lang ang sarili ko sa pambubuyo ng mga kasamahan ko sa Monday.

"Pasok ka na." Sabi nito ng pinagbuksan ako ng pinto ng kotse nito. Pagtingin ko sa likod ng kotse nito, may nakita na naman akong dalawang tangkay ng lavender na rosas. Nakita kong umikot naman ito papunta sa driver's seat nito at binuhay ang makina.

"Mag seat belt ka.." sabi nito sa akin. Sinunod ko naman ito pero nagloloko ata yung seatbelt kasi kahit anong hila ko, ayaw mabunot nung belt.

"Ano ba yan, Baby ka pa talaga. Ako na nga.." sabi nito sabay hila nito sa seatbelt ko. Halos magkadikit na magkadikit na ang mga mukha namin kaya halos amoy na amoy ko na ang pabangong gamit nito. It's a mixture of Lacoste Red at amoy ng sabong gamit nito. Very clean yet very manly ng amoy. Napabuntong hininga ako at halos pigilan ko ang paghinga ko sa sobrang lapit nito. Natatakot akonf baka may magawa akong hindi ko dapat gawin rito. Simula kasi ng nangyari sa kasal, nagiging manyak na ata ako. Hehe.

"Huminga ka Baby. Kung ano man yang iniisip mo, sinasabi ko sa'yo. I am very willing to do it." Wika nito habang tumititig sa mga mata ko at naglalaro sa mga labi nito ang mapang-akit na ngiti.

JuicekoLord, forgive me for I have sinned.

Ibinaling ko ang mukha ko sa kabilang panig at iniwasan ang mga titig nito, mahirap na baka totohanin ko yung sinabi nito.

"Magmaneho ka na lang, dami mong dada."

Ngumiti lang ito sa sinabi ko ay ginulo ang buhok ko sabay patakbo ng sasakyan nito.

---

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa biyahe. Ganito talaga kapag teacher, hahanap ng paraan para makakuha kahit sandaling tulog.

"Nasaan na tayo?" sabi ko habang pupungas pungas ng mga mata.

"Bandang Sta.Rosa na tayo " sagot nito habang tutok na tutok ang mga mata nito sa kalsada.

Tinignan ko ang paligid at napagtantong tama nga ito. Nakita ko kasi sa bintana ang malaking in can na coke at ibang soft drinks tanda na nasa pabrika kami ng Coca Cola na matatagpuan sa Sta. Rosa, Laguna.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Tagaytay." Maikling tugon nito.

"Tagaytay? Bakit?"

"Kasi nga, magdedate tayo. Kulit mo naman e."

"Date? Tapos Tagaytay pa? Pwede namang diyan lang sa Jollibee sa kanto. Saka hindi ito date, maguusap lang tayo."

"Ay naku di pwede. First date natin to."

Sabi nito sabay kurot sa pisngi ko.

"Aray ko! Masakit ah!" sabay palo ko sa kamay nito. Narinig kong nagchuckle ito.

"Ewan ko sa'yo.. " sabi ko sabay akmang matutulog ulit. Napansin kong binuksan nito ang cd player nito. Sunod na lang na narinig ko ay ang instrumental version ng kanta ni Stephen Speaks na "Passenger Seat." Ninamnam ko ang intro ng kanta kasi one of my favorite songs ko ang Passenger Seat. Actually, favorite ko talaga si Stephen Speaks.

Napadilatbako ng mga mata ko ng marealize kong hindi boses ni Speaks ang naririnig ko at I am amazed kasi nakita kong si Jimmy na pala ang kumakanta.

I look at her and have to smile

As we go driving for a while

Her hair blowing in the open window of my car

And as we go the traffic lights

I watch them glimmer in her eyes

In the darkness of the evening

And I've got all I need

Right here in the passenger seat

And I can't keep my eyes on the road

Just knowing that she's inches from me

We stop to get something to drink

My mind clouds and I can't think

Scared to death to say I love her

Then the moon peeks from the clouds

Hear my heart it speaks so loud

Tryin' to tell her simply...

That I've got all that I need

Right here in the passenger seat

And I can't keep my eyes on the road

Just knowing that she's inches from me

I know, this love grows...

And I've got all that I need

Right here in the passenger seat

And I can't keep my eyes on the road

Just knowing that she's inches from me

And I've got all that I need

Right here in the passenger seat

Oh and I can't keep my eyes on the road

Knowing that she's inches from me

And I've got all that I need

Right here in the passenger seat

Oh and I can't keep my eyes on the road

Knowing that she's inches from me

And I've got all that I need

Right here in the passenger seat

Nang matapos nito ang kanta ay natameme ako. Hindi ko akalaing maririnig ko ang boses nito exclusively for me. Feeling ko na naman tuloy para sa akin na naman ang kantang ito at natatakot ako na baka nga isang araw lang ay magtagumpay na ito. Magtagumpay na itong maibalik ang dating Jonnie nito.

"Naiinlove ka na ulit sa akin no?" Sabi nito na punong-puno ng confidence.

"H-hin-d-d-i ah!" Magkamatayan na di ako papahuli ng buhay!

"Okay, sabi mo e." Nakita kong tumatango tango ito pero halatang hindi ito naniniwala sa sinabi ko.

"Shoooooot!" Napasigaw ako. Naalala ko kasing di ako nagpaalam kina Mama at Papa sa pag-alis kong ito. Oo, alam kong matanda na ako pero need ko pa rin magpaalam sa kanila. Baka mag-alala sila e.

"Bakit?"

"Di ako nagpaalam kina Mama! Ikaw kasi e!" Sisi ko rito sabay kuha sa loob ng bag ko ng cellphone ko.

"Wag ka na tumawag." Pigil nito sa akin.

"Magagalit sila!"

"Alam nilang kasama mo ako. Pinagpaalam na kita okay?"

"What? Totoo?"

"Oo nga, kulit."

"Buti pumayag sila? Saka bakit parang sure na sure kang masasama mo ko?"

"Siyempre, alam ko namang di mo ko matitiis e."

"E di meow."

"Sige na. Tulog ka muna. Gigisingin kita pag andun na tayo."

----


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C9
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen