App herunterladen
50% OUR UNTOLD STORY / Chapter 2: Untold story 1

Kapitel 2: Untold story 1

Kasal

"Good morning sir, nandiyan po si sir Norwin sa labas gusto raw po kayong makausap. Papapasukin ko na po ba?" isang mahihin na boses galing sa labas ng pintuan ang nakapagpatigil sa akin sa ginagawa.

Hinilot ko ang aking sintido habang tinititigan ang typewriter sa harapan ko. Kinuha ko ang nakaipit na papel dito at marahas iyong nilukot at itinapon kung saan. Nagkalat na ang lukot-lukot na papel sa lapag. I can't write!

"Maghintay siya sa sala---

Naputol ang sinasabi ko nang biglaang bumukas ang pinto at tumambad doon si Norwin. Naka-formal siyang damit at mukhang pupunta sa opisina wala rin siyang kolorete sa mukha, taliwas sa nakasanayan kong itsura niya.

"Sorry sir hindi ko na po siya napigilan." Saad ng aking assistant na si Kristel, todo ang pagyuko niya sa takot na mapagalitan ko nanaman. Kahapon kasi ay may pinapasok siyang tao dito at sobra akong nagalit nang makitang ginagalaw ang typewriter ko. Kumukulo ang dugo kong maalala iyon.

"Manager niya ako may karapatan akong pumasok dito!" sermon niya kay Kristel bago itikwas ang mga darili sa ere para paalisin ito.

Napahawak ako sa aking batok at sandaling itiningala ang aking ulo. I'm sure he's here to scold me for not updating.

"Fired her, humanap ka ng ibang may utak para magtrabaho sa iyo!" sumabog sa aking tainga ang sunod-sunod niyang pagpuna sa aking assistant.

"Ako ang nagsabig wag kang papasukin dito," I uttered.

"At bakit?" taas kilay nitong saad.

Tumayo ako at isa-isang pinulot ang papel sa lapag.

"Masyado kang maingay, hindi ako makapagsulat."

"For money's sake Neon I already gave you one month to go back in writing! Naghihintay na ang mga tao sa sunod mong nobela wala ka pa rin bang napipiga riyan sa utak mo?" he glance up to the ceiling.

Hindi ako kumibo. Pinagpatuloy ko lang ang paglilinis ng aking kalat at pagtatabi ng mga libro sa lamesa ko.

"Noong nakaraan na tumawag ako sa iyo sabi mo mayroon na? Where is it?"

Inilahad niya ang palad sa akin.

"I'm still working on it" a lie.

Matapos kong isalansan ng maayos ang mga ballpen na nagkalat sa aking lamesa ay tuluyan ko na siyang hinarap. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa aking silid sulatan.

Naglalaban ang mga kilay niya nang dumako ang paningin niya sa isang libro.

"Our untold story huh?" pagbasa niya sa unang pahina.

Agad kong hinablot iyon sa kaniya nang mapagtantong hindi iyon libro. Its a draft written by my wife.

"Mukhang may ibubuga iyan sa masa, let me see it" hinablot niyang muli ito sa akin at dahil ayoko iyong mapunit ay ibinigay ko na. Maarte niya iyong binuklat sa pinaka-dulo.

"Hindi ito tapos pero mukhang maganda, tapusin mo." Utos niya bago ulit iabot sa akin.

"Hindi maganda ang katapusan nito. Ayoko itong ipasa. Makakaalis ka na," malamig kong saad habang nakatingin pa rin sa hawak-hawak.

"Then make the ending happy!" simpleng saad niya tila ba napakadali ng sinasabi niya at kayang-kaya ko iyon.

"Ipasa mo ang unang chapter bukas," saad niya bago ako talikuran at malanding isayaw ang balakang niya sa ere.

I shut my eyes before I exhaled some air.

Pagmulat ko tumama ang mata ko sa hawak-hawak ko.

Our untold story

༺༻

Chapter 1

This is the happiest day of my life. I'm getting married!

Panay ang ayos ko sa belo ko habang tumatanaw sa labas ng kotse na sinasakyan ko.

"Malayo pa ba manong?" pagkuha ko sa atensiyon ng driver. Panay ang paghagod ko sa aking tiyan dahil bahagya itong sumasakit at parang matatae na ako sa kaba.

"Malapit na ma'am," sagot ni manong.

Ang isiping baka mainip si Neon ay nakakapagpakaba sa akin. What if he run on our wedding day? Makakaya ko ba ang kahihiyan at sakit kung gano'n nga?

"Manong pakibilisan po ng konti, please."

Hindi sumagot si manong sa pakiusap ko pero naramdaman kong mas bumilis na ang sinasakyan namin.

Napanatag lang ang loob ko nang sa wakas ay makarating na kami sa simbahan. I sweet smile escape from my lips when I see my dad waiting for me outside the church. I see some people who's wearing a formal attire beside him, its like they are announcing my arrival.

"Nandito na tayo ma'am," the driver said stating the obvious.

Sa halip na lumabas agad ay huminga muna ako nang maraming beses sa loob ng sasakyan. Ang kaninang malamig na pakiramdam sa aking tiyan ay bumalik.

Habang palabas sa sasakyan ay hindi ko maiwasang paypayan ang mukha sa loob ng aking belo. Mabuti na lang at waterproof ang make up ko, gosh!. Its too early to cry Kianna!

Sinalubong ako ni papa, he's wearing a black Armani suit, he looks younger now and more handsone. Agad niya akong nginitian habang nangingilid ang mga luha sa mata. Isinukbit ko ang aking braso sa kaniya.

"Ikakasal na ang Prinsesa ko."

Iyon ang huling pahayag ni papa bago bumukas ang pinto ng simbahan. Nagsimulang pumasok ang mga kasali sa unang kaganapan bago kami pumasok ni papa. Sinalubong kami ng mga tingin at palakpakan ng mga nakatayong mga tao.

Nagsimulang kumanta ang lalaki sa harapan ng piano. Ang tugtuging nagbibigay saya sa akin simula ng makilala ko siya ay pumailanglang sa loob ng simbahan.

I find a love for me

Darling just dive right in

And follow my lead

Well I found a girl beautiful and sweet

I never knew you were the someone waiting for me

'Cause we were just kids when we fell in love

That's a lie. Ako lang ang na-in love sa aming dalawa noon---hanggang ngayon.

Pilit akong ngumiti para makalimutan ang hindi magandang iniisip. Sandali kong itinuon ang paningin sa magandang disenyo ng simbahan. Beige ang motif ng kasal at talaga namang bumagay ito sa lahat.  

Halos manlambot ako habang naglalakad kami ni papa palapit sa altar. Ang lahat ng tao sa simbahan ay nakatingin sa amin at nakangiti. Ang lahat ay masaya maliban sa isa. . ."Neon," I whisper when I turn my gaze on him.

Baby, I'm dancing the dark, with you between my arms

Barefoot on the grass, listening to our favorite song

When I saw you in that dress, looking so beautiful

I don't deserve this, darling you look perfect tonight

Malayo pa ang agwat namin pero tila ba mula rito ay nararamdaman ko na ang inis niya sa akin. Para bang pinagkaisahan siya ng lahat ng naririto sa simbahan. His bestfriend is on his side to cheer him up but it's useless. His smile is fake!

But atleast he's here to marry me. I should be happy that I fulfilling my very own dream with him; to walk down on the aisle with him waiting for me infront of the altar.

Sa sobrang pag-iisip hindi ko napansing napahinto na pala kami ni papa sa paglalakd. Nanlalabo na kasi ang aking mga mata dahil sa pag-iyak.

Agad akong inalo ni papa para magpatuloy pero ang ginawa ni Neon ay mas lalong nakapagpatigil sa akin. Siya na mismo ang lumapit sa kinaroroonan ko. Ilang hakbang lang ang kaniyang ginawa bago ako maharap. Nakangiti si papa nang iabot niya ang nanginginig na kamay ko kay Neon, "Take care of my Princess, make her your Queen."

Para bang hinaplos ang puso ko nang makita ang pagtango niya kay papa. His features soften. Kung hindi lang pumasok sa isip kong hindi niya ako mahal iisipin kong naiiyak siya sa tagpong ito. O baka naman naiiyak talaga siya dahil maitatali na siya sa akin, mapuputol na ang buhay binata niya dahil sa akin.

Marahang tumigil ang pagkanta ng singer nang makalapit na kami ni Neon sa harapan ng pari. The wedding ceremony goes on.

Panay ang pagsulyap ko kay Neon sa kalagitnaan ng seremonyas. Seryoso siyang nakikinig sa pari.

Hindi ako makapaniwalang ikakasal na ako sa kaniya.

Pagkatapos ng halos kalahating oras na pakikinig sa pari ay sa wakas napunta rin kami sa pinaka-masayang parte ng kasal.

"Do you Neon Lopez take Kianna Erill Tan to be your wife? Will you love her, comforts her and honor her, in sickness and in health until you both shall live. If you do say I do."

"I do," sagot ni Neon.

Sa pagkakataon namang ito sa akin naman tumingin ang pari.

"Do you Kianna Erill Tan take Neon Lopez to be your husband? Will you love him, comforts him and honor him, in sickness and in health until you both shall live. If you do say I do."

"I do," walang pagaalinlangan kong sagot.

Matapos iyon ay nagharapan na kami ni Neon para basahin ang hinanda namin na wedding vows sa isa't isa.

Halos maluha nanaman ako nang mahawakan ko na ang mike at tumingin kay Neon ng taimtim.

How I love his dark eyes.

"Thank you for coming into my life," I suddenly stop and look at the card I'm holding. "Thank you for giving me reason to live, thank you for taking away my worries and pain, thank you for not running away this time. . .I love you. I have a long message inside my head but for now I stop right here," bahagya kong itinaas ang card na hawak ko at nagpatuloy sa pagsasalita, "Alam ko kasing mainipin ka." I laugh a little, "I will just promise you that I will love you until to my very last breath." Dahan-dahan kong isinuot sa kaniyang daliri ang singsing na para sa kaniya.

Nagpalakpakan ang mga tao ng ilang segundo. Tumigil lang ang mga ito nang maipasa ko na kay Neon ang mikropono at magsimula siyang mag-salita.

"Thank you for saying Yes to my proposal," huminto siya sa pagbabasa ng kopya niya. Kinabahan ako sa paraan ng pagkakatitig niya doon. Para bang tinitimbang niya ang mga nakasulat sa card at nagdadalawang isip na kung sasabihin niya ba ang mga iyon.

For sure, iba ang naghanda niyan para sa kaniya.

Napakagat ako sa ibaba ng aking labi habang pinagmamasdan siya. Please let's end this together.

"Thank you for giving me hope and a future to look forward to. I promise I will love and protect you no matter what. I hope our love last forever I love you internally Kianna." Walang tinginan niyang pinadausos ang singsing sa daliri ko. Nagpalakpakan muli ang mga tao.

Nakahinga ako nang maluwag.

Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay ngumiti siya ng tipid. Kasunod no'n ang pagsasalita ng pari.

"And now I pronounce you husband and wife," Pinal na saad ng pari.

"You may now kiss the bride."


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C2
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen