\
\\
...
"Dumating na si Luntian!" sabi ng isang babaeng taga - tribo na nagsisilbi sa pinuno.
Ïnabot ni Luntian sa babaeng iyon ang nahuling babay ramo.
Sabi ng babae sa kanya, "Ito ang inyong magiging hapunan. At makakaasa kayo na sasarapin ko ang pagluto nito."
Nakita ni Luntian ang bihag na si Ceith, tinanong niya ang mga taong nakahuli sa kaniya, "Ano ang nangyayari habang wala ako rito?"
At dumating ang mga nakakatanda at inutusan silang pakawalan si Ceith.
Nang siya ay nakawala na sa pagkagapos, inutusan naman siya ng isa sa mga nakakatanda.
Sabi niya, "Binata, isalaysay mo kung paano ka napapadpad sa aming kagubatan."
Nagsimula na magkuwento si Ceith, "Natangap ko ang kuwintas na ito mula sa isang matanda na iniligtas ko sa ilog. Nang isinuot ko ang kuwintas na ito, napapad ako sa daigdig niyo."
At nagusap-usap ang mga matatanda. Sinabihan nila ang pinuno na pakawalan na siya.
Sabi ng pinuno, "Sabi ng aming nakakatanda, ikaw ay nagsasabi ng katotohanan. Makakalaya ka na."
Masaya naman si Ceith sa binalita ng pinuno. At si Luntian naman ay may isang magandang ideya,
"Ama, puwede bang dumito muna siya hangang sa dumating ang tamang panahon na makakabalik na siya sa kanyang pinangalingan?"
Pumayag naman ang pinuno. At ito naman si Ceith, sumangayon na rin na manirahan sa kanila.
\
\\
...
-END-