"My God. Zig?..." Napahawak ako sa dibdib ko nang makilala kung sino ang tinutukoy na regalo ni Lolo Raph.
I looked around. Nakita ko ang mga mata nilang lahat habang mataman na pinagmamasdan at hinihintay ang magiging reaksyon ko.
"Excuse me po." Pagkasabi ko nun ay automatiko ang mga paa ko na naglakad papuntang restroom na parang tumatakas sa realidad.
Dumaan ako sa harap ng kumag at sinadya kong banggain ang balikat nya.
Nang maramdaman kong wala ng taong nakatingin sakin ay saka naman kumawala ang mga luha ko.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin, bakit ba ako umiiyak? Sa pagkakaalam ko kasi tapos na akong umiyak sa kanya, five years ago pa. Nakakahiya tuloy kina Lolo baka kung ano pa isipin nila dahil sa naging attitude ko. For the fact na hindi nila alam ang tungkol sa anong nangyari at kung anong meron samin noon siguradong magtataka ang mga yun. Kasalanan ko, hindi ko sa kanila sinabi na we're more than bestfriends. Well, hindi naman na nila kelangan malaman diba? At kung nagkataon na nalaman nila Lolo, baka nagkagulo na ang angkan namin at baka nasira na ang pagkakaibigan ng dalawang matanda.
Pumasok ako sa loob ng cubicle, naupo ako saglit sa toilet bowl at kinalma ang sarili. Nang makita ko sya kanina gusto ko syang bulyawan at sapakin pero hindi pwede, sa ngayon dapat kong pigilan ang sarili ko kesa naman mag-away ang mga pamilya namin.
Lumabas na ako at inayos ang sarili.
"Ano ka ba naman Misty? Anong planong mong mangyari sa mga mata mo? Look at your dark circles, tapos ngayon namamaga pa. Diba sabi ko sayo wag kang papaapekto? Hindi ka na yung crybaby na iniwan nya dati. Diba matapang ka na? Pwes, ipakita mo. Tsaka utang na loob, birthday mo ngayon."
Kinakausap ko na naman ang sarili ko, baka kelanganin ko na naman ang psychiatrist nito.
Nang sa palagay ko ay hupa na ang mga mata ko at kalamado na ako ay lumabas na ako ng C.R.
"What took you so long? Imagine, I flew all the way from New York City tapos paghihitayin mo lang pala ako."
Napatalon ako sa pagkabigla ng makita ang taong nagsasalita. So naghintay pala sya? Well, I don't care. What took you so long, what took you so long mo mukha mo, diba dapat ako nagtatanong nyan and for the record wala pa yan sa tagal ng pinaghintay ko sayo.
Nakatayo sya ngayon malapit sa pinto and leaning on the wall, giving himself a God-like figure. Physically speaking, malaki ang pinagbago nya. Pero tingin ko, sa kabila ng mga changes sa kanya eh kilalang-kilala ko pa rin sya. Hindi ko sya pinupuri, dinidescribe ko lang sya. Isang kamay nya ay nakapamulsa at yung isa naman ay hawak pa rin ang bulaklak na dala nya kanina.
"You done checking me out?"Mayabang nitong turan. So full of himself.
"Kapal mo. Tsaka sinabi ko bang maghintay ka?" Matapang kong sabi.
"Wait lang, I'm just kidding." Nagpakawala ito ng mahinang tawa. Aba? Sira-ulo yata to.
"Well, you're not fuuny." Pambabasag ko sa kung anumang trip nya sa buhay.
"Why so masungit?" Tumuwid ito ng tayo at nilagay ang hintuturo sa kanyang baba na animo'y nag-iisip.
"Wala kang pake." Tinaasan ko lang sya ng kilay.
"Galit ka ba sakin? Galit ka ba kasi ngayon lang ako bumalik? I can explain Mist." Hinawakan nya ako sa balikat at iniharap sa kanya.
"I'm not interested." Walang emosyon kong sabi pagkatapos ay naglakad na palayo. Naramdaman ko syang sumusunod sakin pero hindi na ako nag-abalang lingunin sya.
Masayang kwentuhan ang naabutan ko ng makabalik ako sa table. Parang walang nangyari, parang wala akong ginawang kabalbalan.
"Oh she's here. Nakapag-usap na ba kayong dalawa?"
Matipid lang akong ngumiti kay Tito Gene bilang sagot.
"Yeah Tito Gene. Namiss lang talaga namin ang isa't isa." Biglang sabi ng kumag na nasa likod ko na rin pala. Umupo sya sa tabi ko, umakbay na parang friends talaga kami at ngumiti pa ng nakakaloko sakin.
Pakiramdam ko kumulo ang dugo ko sa sinabi nya. Hindi ko sya namiss, bwisit sya.
"Naalala mo Mist nung tumawag ka sakin the other day?" Tanong ni Lolo Raph. Yun yung sinabi nya sakin na nasa New York daw itong nakakabadtrip na nilalang sa tabi ko.
"Ah yes po. I remember that Lo."
"Sinabi kong nasa States pa sya, pero ang totoo nyan nakauwi na sya dito nun. Nagsinungaling ako sayo kasi masisira ang surprise namin pag sinabi ko ang totoo." Pag-amin ni Lolo Raph.
I knew it! Sya nga talaga ang nakita ko nung isang araw sa parking lot ng pinuntahan naming mall. Kahit kelan hindi nagkamali ang instinct ko.
Humarap ako sa chimpanzee sa harap ko at tinitigan sya na parang kinakabisa ang bawat linya ng pangit nyang mukha. Pwe!
"Mist, nakakaconcious ka. Don't stare at me like that." Ani nito na parang lumalaki ang ulo habang sinasabi ang bawat letra. Conceited masyado si koya.
Nagtawanan silang lahat. Ano bang nakakatawa? Bakit ba ang saya-saya nyo? Kasalanan kasi ng Zig na to, kung anu-anong sinasabi. Eh kung saksakin ko kaya ng tinidor ang lalamunan mo?
"Misty, wag ka nga masyadong magpahalata. Magpakipot ka naman kahit konti." Dagdag naman ni Migoy. Juskulerd!
"Shut up Migoy." Saway ko sa pinsan ko. Baka sila talaga ang magkamag-anak, pareho silang nakakahigh-blood.
Napuno na naman ng halakhakan ang buong area. Talagang bang masaya sila pag nabubwisit ako? Tch.
"Hija, happy birthday my dear. You're a grown up now." Biglang singit ni Lolo. In fairness, magaling syang nag divert bg topic.
"Thank you Lo, thank you for everything. I wouldn't gone this far without you all guys." Madrama kong sagot. Totoo naman yung mga sinabi ko kaso narealize ko na ang jeje pala.
"You're our princess Mist. We love you, you don't have to thank us." Tito Rob added.
"I think it's now time for you to be happy. Why not go on a date and have a boyfriend?" Isang sentence na hindi ko alam kung saan nakuha ng lolo ko.
"(Cough)" Hindi ako nakapagsalita at nasamid pa nga sa sinabi nya. Kelan pa sila naging magkautak ni Euri?
"Why not you and Zig go on a date? C'mon just try it. As a matter of fact, matagal na namin ni Art pangarap na maging isang pamilya tayo." Gatong naman ni Lolo Raph. Susme! Ako na naman ang nakita nila.
"What? I mean Lolo Raph hindi pa po ako ready. And I guess pwede rin naman kay Chino at Sydney na lang." Suggestion ko. Pero wait, mukhang mali ang reaction ko a. Obvious naman yata masyado na ayaw ko. E kasi naman, it's the most stupid idea I've ever heard in my whole life. Sino ba naman ang makikipagdate sa ex nya na nang-iwan sa kanya. Di ba ang absurd?
"Ouch. Wala pa man lang busted na ako." Nag-arte na kunwari nasasaktan. Epal talaga. Akala nya ikinagwapo nya yun?
"We're bestfriends, right?" Then I faked a smile.
"Exactly Mist! Hindi na kayo mahihirapan mag-adjust sa isa't isa dahil magbestfriend kayo." Nakisabat na rin si Tito Gab.
Sige ipush nyo pa ang kalokohan nyo. Argh! Is this really happening? Sana nananaginip lang ako.
"Guys, have a fine time together mamaya. You know, catching up?..."