Jheff's POV
"Kuya pwede ba tayo magbakasyon kahit 1 week lang? Pleeeeaaaassseeee?Please?Please?" - tanong ni lil sis
Yan ang bugad niya sakin pagkasundo namin sa kaniya sa classroom nila, uwian na at papunta na kaming parking lot. Ewan ko ba kung anong nakain niya at nag aayang magbakasyon, kung kalian 1 week na lang sembreak na.
Tiningnan ko naman sila jeff at vince pero nagkibit balikat lang sila
"Sabihin mo muna kung bakit?"-tanong ko sa kaniya, sumimangot naman siya
"Gusto ko lang"- sabi niya saka sumakay sa sasakyan.
Pagkasakay ko umupo ako sa tabi niya at sinalat yung noo at leeg niya.
"Ano ba ginagawa mo kuya?"-inis na sabi niya sabay kunot nang noo niya
"Wala ka naming sakit, sinasapian ka ba?"- tanong ko sa kaniya
Hindi kasi niya ugaling magbakasyon mas gugustuhin pa niyang mag stay sa Bahay at magbasa nang wattpad, manuod o kumain. Tapos ngayon siya mismo nag aaya, may himala ata.
"Gusto ko lang naman magrelax masama ba yun"-malungkot niyang sabi
*sigh*
"San mo ba gusto magbakasyon?"- tanong ko sa kaniya, tumingin naman siya sakin at nakita ko sa mga mata niya na excited na siya.
"Yehey thank you kuya"- sabi niya saka niya ko niyakap
Niyakap ko naman siya pabalik, hay di ko talaga siya matiis.
"Alam mo naming di kita kayang tiisin eh"- sabi ko sa kaniya, bumitaw naman siya sa pagkakayakap at humarap sakin
"Kaya love na love kita kuya eh"- nakangiti niyang sabi
Ngayon pa lang siya ngumiti nang ganyan yung totoong ngiti dahil sa nangyari. Gusto kong bugbugin yung lalaking yun kaya lang pinagbawalan ako ni lil sis, kahit sila daddy wala silang magawa dahil pinagbawalan din sila. At dahil nga prinsesa namin siya susundin na lang namin kung ano gusto niya.
Nakangiti lang siya hanggang sa makauwi kami.
Grace's POV
YEEHEEEY magbabakasyon kami, magbabakasyon kami
San kaya maganda? ah sa Tagaytay na lang sa may beach dun
*Next day*
"Wow ang ganda dito kuya, thank you thank you"- sabi ni grace sa kuya niya at hinalikan pa niya ito sa pisngi
Napangiti na lang ang kuya niya sa ginawa nito.
"Punta muna tayo sa room natin lil sis!!!"- sigaw niya sa kapatid niya dahil nagtatatakbo at nagtatampisaw na ito sa tubig na parang bata
Tumakbo naman si grace palapit sa kuya
"Let's go let's go"- sabi niya na halatang hindi na makapaghintay bumalik sa dagat
Nagtawanan lang ang mga kasama nila dahil sa kakulitan nang kasama nila na parang nung isang araw lang hindi nila mapahinto sa kakaiyak.
Nasa iisang kwarto ang mga babae at nasa iisang kwarto naman ang mga lalaki. Pagkatapos nila mag ayos nang gamit nila pumunta sila sa restaurant nang resort para kumain nang lunch. Hinila na nga lang nila si grace dahil gusto na nitong pumunta sa dagat.
Buffet ang napuntahan nila at sari sarili na silang kuha nang pagkain. Kukunin na sana ni grace yung nag-iisang chocolate cake dahil baka wala na daw ito mamaya nang biglang may kumuha.
Tiningnan naman niya kung sino kumuha at nagulat silang pareho
Grace's POV
"Vince?"- gulat kong tanong sa kumuha nang cake ko
"Eun Kyung este Gem ikaw pala"- sabi niya pagkakita niya sakin, pinagbawalan ko na kasi siyang tawagin ako sa Korean name ko.
"What are you doing here? akala ko ba may pupuntahan ka?"- takang tanong ko sa kaniya
"My family owns this resort, pinapunta nila ako dito para makita ko dahil ako na daw magmamanage nito" - sabi niya
Tumango na lang ako
"can I have that cake?"- tanong ko sa kaniya
"Sure here, chocolate cake addict"- sabi niya saka inabot sakin ang cake
"Yeah right, cheese cake addict"-sabat ko naman sa kanya sabay belat.
Pumunta na kami sa table at tinanong rin nila si vince kung bakit nandito siya. At sinagot lang din niya sa kanila yung sagot niya sakin kanina.
Kasama ko si Vince nandito kami naglalakad sa may tabi nang dagat habang nagkwekwentuhan,
Tapos naghabulan lang kami nang naghabulan hanggang sa napagod kami.
Hinatid niya ko sa room ko na katapat lang pala nang room niya, kaya pag may kailangan daw ako kumatok lang ako at lagi niya kong pagbubuksan.
Hay nakakapagod matutulog muna ko.
Jheff's POV
"Gisingin mo na"- sabi ni Ian
"Kayo na gumising"-sabi naman ni Andrew
Pambihira talaga mga to gigisingin lang c lil sis nagtuturuan pa, natakot na siguro sila.
"Jheff ikaw na gumising sa kapatid mo"- sabi ni dan sakin sabay tapik sa balikat ko. Nag good luck sign naman sila Ian
Anak ng, pambihira sila oh.
Magdidinner na kasi kami kaya kailangan naming gisingin si lil sis, pinuntahan kami ni babe kanina dahil ayaw daw nilang sila ang manggising dahil nakwento sa kanila nila Ian yung nangyari nung nagising nila si lil sis.
Kaya ngayon naghahanda ako baka last minute ko na to.
*gulp*
Pabukas na ko nang kwarto nang
"Jheff"- sino naman kaya to, hinarap ko naman yung tumawag sa pangalan ko
"Oh Vince ikaw lang pala, you scared me bro" - sabi ko pagkakita ko sa kaniya
"Oh bakit ganyan itsura mo, pinagpapawisan ka rin" sabi niya habang tinitingnan niya itsura ko
"Don't tell me hanggang ngayon ganun parin ugali niya"- dagdag pa niyang sabi
"You got it"- sagot ko sa kaniya
Well nabiktima na rin siya ni lil sis pero isang beses lang dahil isa na siya sa nakakagising kay lil sis na walang consequences. You know what I mean.
"Allow me"- sabi niya sabay pasok sa kwarto ni lil sis
Wooohhh nakaligtas ako dun ah.