App herunterladen
60% Aloha (The First VIP Club Trilogy) / Chapter 9: Chapter 9: Jealous

Kapitel 9: Chapter 9: Jealous

Tumulong ako kay Manang sa pagliligpit ng kinainan namin at dinala sa lababo. Huhugasan ko na sana ng inagaw ni Manang ang pinggan sa akin. "Ako na diyan Aloha, may klase ka pa baka malate ka." anito

"Sige po Manang Fe."

Hindi na ako nag atubili pa lumabas sa kusina pero tumigil ako ng narinig ko ang boses mula sa dining area, boses 'yon ni Third. Sumilip siya ng bahagya. Hindi sa nakikialam ako pero iba ang dating ng pag uusap ng mag ama.

"Hinahanap niyo ba si Lovie Dad?" seryosong tumingin ito sa ama.

Hindi niya marinig ang sinabi ng Don kasi nakatalikod ito sa gawi niya.

"Ano na naman ang dahilan mo Dad?"

"Iyon ang mahirap sayo iba ang hinahanap niyo!" tumayo ito at naglakad palabas ng bahay. Kumuyom ang kamao niya sa huling sinabi nito. Iba? Sino ang tinutukoy nito? Ako ba? Parang tinusok ng punyal ang puso niya ng narinig niya 'yon.

Tumayo ang Don at nabigla pa ito ng nakita siya. Ngumiti siya sa matanda na parang wala lang akong narinig. "Papasok na po ako sa University."aniya, inunahan na niya ito sa kung ano man ang sasabihin.

"Talaga? Ihatid na kita hija." anito at naglakad palabas. Naiwan siyang nakatulala sa kinatatayuan. Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Third kanina. Umakyat siya sa kwarto at kinuha ang bag niya.

"Are you ready?" bungad ni Don Javier.

"Huwag nalang po, may sakit po kayo dapat magpapahinga kayo." aniya, ayaw niyang mabinat ito. Kaya naman niyang pumunta sa university mag ta taxi nalang siya para hindi maipit ng trapik.

"No.. No.. Let me be Aloha, para makabawi naman ako sa ginawa mong pag alaga." ngumiti ito ng bahagya at binuksan ang kotse. "Get in." napalunok siya, bakit ngayon iba ang dating sa pagkasabi ng Don sakanya. Nagdadalawang isip siya kung sasakay ba siya dito. Sa totoo kaya naman niya talagang pumunta sa University mag isa. Ayaw din naman niya tanggihan ito baka kung ano pa ang iisipin.

Sasakay na sana siya ng nakita niya si Third na papunta sa gawi nila. Mataman itong tumingin sakanya. Wearing his serious look. Parang hanggang kaluluwa niya ay kitang kita ng lalaki. "Ako na ang maghahatid Dad. Narinig kung may sakit kayo baka mabinat pa kayo." baling nito sa ama. Tama ba ang narinig niya mula dito? Nag alaala ito sa ama? Agad naman tumango ang Don at ngumiti ng matamis sakanya.

"See you Aloha." anito at pumasok na sa loob. Sinunod nalang niya ito ng tingin. Siya ay naguguluhan sa mag ama. Kanina lang ay nagbabangayan ang mga ito. Umiiling siyang tumingin sa harap niya pero wala ng Third akong  nakita.

"Faster Lady!" sigaw nito sa loob. Aba speaking of gentleman zero percent ang lalaking 'to. Sinimangutan lang niya ito at binuksan ang kotse at padabog na sumakay siya dito.

Tumingin naman ito sakanya na nakakunot ng noo habang pinaandar ang kotse. "What!?" singhal niya,  hindi kasi niya maiwasan maiinis sa damuhong 'to. Hay naku Aloha, ano pa ang mapapala mo sa happy go lucky guy na 'yan. Solsol naman ng isip niya. Napabuga nalang siya sa inis.

"Maganda ka kapag galit." napalingon naman siya dito, ngumiti ito ng nakakaloko. Isa nalang talaga ang taong 'to. Hindi lang pala hambog, manloloko na din pala.

Hindi siya umimik. Instead of fighting with him, pinindut niya ang on button para sa music. Love song ang bumungad sakanya kaya mas lalo lang siyang nainis kaya ini- off niya ito at sumandal sa headboard ng kotse. Hindi man lang siya nakaramdam ng kilig ng sinabihan siya ng mabulaklak nitong salita. Imbis kikiligin siya ay lalo lang siyang nainis dito.

What is wrong with her, a bit strange feelings bothered her. Ngayon lang siya nakaramdam ng awkward sa isang lalaki. Parang may tambol sa loob ng dibdib niya. Hindi siya mapakali. Huminga siya ng malalim parang na suffocate siya. Nakita niya sa pheriperal view niya na tumingin ito sakanya. Nagtutulog tulogan nalang siya. Hindi namam siya inaantok pero naiilang kasi siya sa mga titig nito. Mukhang may nais itong sabihin o ano.

"Dito na." sabi niya ng marating nila ang university. And luckily to her alam ng lalaki kung saan siya ihatid. Wala pa naman siyang balak makipag usap dito. Bumaba na siya at isinarado niya ng malakas ang pinto ng kotse saka naglakad papasok sana ng gate.

"Good Morning Aloha!" gayak na salubong ni Jim sakanya sa labas ng gate. Same course din sila, nursing din ang kinuha ni Jim pero sabi nito may balak daw itong mag do- doktor. Naging matalik silang magkaibigan hanggang sa dumami ang kaibigan niya dahil naging kaibigan din niya ang kaibigan ni Jim.

"Good Morning Jim." aniya sa masiglang boses. Ngumiti pa siya dito ng matamis.

"Let's go?" anito.

Tumango naman siya dito at sumunod ngunit hindi pa nga siya nakapasok ay may umakbay sakanya. Masyado mabigat ang kamay nitong nakapatong sa balikat niya kaya agad niya itong nahawi. "Third?" bulalas niya, huminto naman si Jim. Nakita niya ang matalim na tingin dito kay Jim. Anong problema nito? At sumunod pa talaga.

"May nakalimutan ka yata?" anito na bumaling sakanya, hinawakan pa ang ang siko niya. Nakaramdam siya na may kuryenteng dumaloy sakanyang katawan gawa ng pagkahawak nito sakanya.

Tumaas ang kilay niya sa sinabi. Ano naman ang nakalimutan niya? Chi-n-eck niya naman ang kanyang bag pero nandun naman lahat ang gamit niya.

"Ano ba ang sinasabi mo?" mahina lang 'yon. Nakakahiya kasi ang dami ng pumasok na estudyante.

"Nakalimutan mong pagpasalamat." bulong nito sa tenga niya, parang sinadya nito dahil tumingin pa ito kay Jim.

"Kailangan pa ba? Hindi naman kita inuutusan na ihatid ako." bulong niya din dito saka binawi ang siko niya. " Bye Mister! Malate na ako." aniya at pinupulupot kay Jim.

Pumasok na sila ng tuluyan. Lumingon ako ng bahagya kung nandiyan pa ba ito. Nang nakita ko ng wala na ay nakahinga ako ng maluwag at humiwalay agad ako kay Jim. "Mukha naman akong may sakit niyan Aloha." nakangiting sambit nito sakanya.

"Nobyo mo ba 'yon?" siniko siya ni Jim.

"Hindi no. Anong nobyo sinasabi mo sapak gusto mo?" asik naman niya dito.

"Sus! Kahit hindi mo sasabihin, halata naman. Kita mo ba ang tingin niya sa'kin? Mukang kakain ng tao. Nagseselos yata ang nobyo mo sakin Aloha." patuloy pa rin panunudyo ni Jim sa'kin. Selos? Imposible. Bakit siya magsisimula hindi kami mag nobyo.

"Pwede ba 'yon? Hindi ko naman talaga nobyo iyon Jim." umirap siya dito hindi kasi maniwala e'.

"Kung hindi bakit hinatid ka niya? Maniwala ka sa'kin. Nagseselos 'yon. Lalaki ako Aloha, alam ko ang mga moves na 'yan."

Umirap ako ulit. Kahit anong gawin ko na kumbinsihin ito ay hindi talaga makumbinsi si Jim. Bahala nga siya, totoo naman na hindi kami mag nobyo saka kung siya nalang ay thank you nalang. Ayaw ko sa happy go lucky guy, iba ang gusto ko. Iyong material boyfriend. Iyong hindi basta basta, responsable, maalaga at higit sa lahat, mahal na mahal ako.

Pagyapak nila sa kanilang department ay saktong nakita niya si Wine na umakyat sa taas. Isang Marine Engineering, nasa taas kasi ang mga Marine Engineering student sila naman ang nasa baba. Nakanganga akong tumitingin, sinundan ko ito ng tingin hanggang sa mawala ito. Ang gwapo talaga niya, lalo lumabas ang kagwapohan dahil sa maputi nitong uniporme.

"Hoy! Tulo laway ka na naman diyan!" gulat niyang tiningnan ang pagbungad ni Akiko sakanya sa pintuan ng room.

"Kasi naman nakita na naman niya si Mr. Engineering." ani Charlotte,

Hindi niya pinansin ang mga kaibigan niya at ang hiyawan, dumiretso siya ng pasok sa room at umupo. Hindi siya umimik nag busy busyhan nalang siya. Bigla kasing uminit ang pisngi niya ayaw pa naman niyang may makakaalam na crush niya ang Marine Engineering na si Wine.

"Tumigil kayo diyan, may nobyo naman 'yang si Aloha." ani Jim, tiningnan niya ito ng masama. Ang daldal talaga ng lalaking 'to daig pa ang bakla.

"Talaga? Gwapo ba Jim?" tanong naman ni Akiko, isa pa 'to. Chismosa talaga. Sumandal siya sa upuan at tiningnan sila isa-isa, nakikinig lang sa mga pinagpuputok ng butse nito.

Nagkibit balikat ito at nag alas kuwatro ng upo. "Gwapo naman pero mas gwapo pa ako dun Aki." anito at kininditan si Akiko. Bungisngi na tumawa naman si Charlotte pati ako ay nakitawa na din. Ang lakas din kasi ng confidence ni Jim.

"Tsee! Ang kapal ng mukha mo." asik nito kay Jim sabay hagis ng ballpen.

Hindi pa rin tumigil si Charlotte sa kakatawa kaya binato rin siya ng ballpen ni Akiko. "Ikaw gusto mo?" baling naman nito sakanya. Baliw talagang babaeng 'to isali pa ako.

"No thanks, I have one." aniya sabay pakita ng ballpen.

Pinindilatan naman siya ni Charlotte, hahagis pa sana ito pero dumating na ang prof namin. Pinindilatan siya ulit ni Charlotte, na ngayon ay sinabayan ng malakas na tawa.

"Ms. Miller?"

"Ano 'yon Prof?" kampanteng sabi nito, tumingin naman sa gawi namin ang ibang student. Nakita niyang pinindilatan ito ni Akiko.

Nakakatawa talaga 'tong dalawa na 'to. Lagi nalang magbabangayan, pero sa huli ay wala naman personalan. Maya maya lang ay magkakaayos din naman. Namiss ko tuloy ang matalik kung kaibigan na si Alona. Kamusta na kaya siya, hindi ko man lang nadalaw. Pitong buwan na pala nakalipas ang bilis ng panahon. Parang kailan lang lagi kaming magkasama.

Iniisip niyang dalawin ang matalik na kaibigan. Pagkatapos niya sa duty niya sa opisin. I really miss her.

Author's Pov

Hi po, maganda araw! nais ko po sana magpasalamat sa nagbabasa ng storya na 'to. I hope you enjoy it. Feel free to comment po. Thanks.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C9
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen