App herunterladen
53.33% Aloha (The First VIP Club Trilogy) / Chapter 8: Chapter 8: Adonis

Kapitel 8: Chapter 8: Adonis

Maagang nagising si Aloha, iwan niya ba kung nakatulog siya. Nababaguhan kasi siya, pabaling baling lang siya sa higaan. Bumangon na siya at nag unat. Maya maya ay tumayo na siya. Napahinto siya ng nakita niya ang kanyang mukha sa salamin. Sinipat pa niya kung totoo nga 'yon. Taghiyawat nga, may tumubong taghiyawat sa mukha niya. Napaisip siya kung ka- bulanan  na ba niya, ngunit hindi pa. Ngayon lang siya nagkaroon nito ah.

Napailing  nalang siya na tumungo sa bathroom, maliligo na siya dahil may papasok pa siya ng alas nuwebe. Pagpasok niya ng bathroom, agad niya ini on ang shower.  Napahiyaw pa siya sa lamig ng tubig. Ano ba 'to nasa korea ba ako. Mukha siyang timang dahil kinurot pa niya ang kanyang balat. Baka lang naman. Nilalamig talaga siya sa tubig.

Pinakialaman na niya ang gamit ni Lovie. Nakapagtataka, kahit wala na ang babae ay todo ayos pa rin ang mga gamit at kompleto pa. Iba nga naman kapag mayaman. Hindi pa rin niya maiwasan isipin kung bakit naglayas ito. Imposible kung dahil kay Don Javier, masyado itong mabait sakanya na hindi siya anak nito paano na kaya kung ang anak nito.

Nararamdaman niya ang lungkot para kay Don. Kahit ang anak nitong si Third ngayon lang bumalik. Nabuhay ang inis niya sa lalaki lalo na sa nangyari kagabi. Bakit ko layuan si Don Javier? Wala naman akong ginagawang masama.

Pagkatapos niyang maligo ay agad siyang nagbihis. Mabuti nalang at natuyo ang uniporme niya. Tiningnan niya ito, hindi naman madumi kaya sinuot niya muli. De- deritso na kasi siya sa University, dalawang klase lang naman ngayon.

Pagkatapos niya magbihis, tiningnan naman niya ang kanyang imahe sa salamin. Nang nakuntento ay bumaba na siya.

Sinipat niya ang orasan na nakasabit sa dingding ng sala. Alas sais pa ng umaga may oras pa siyang magluto. Dumiretso na agad siya sa kusina, tinignan niya ang laman ng ref, may nakita siyang hotdog at bacon at may nakita din siyang letchon manok, kinuha niya 'yon at nilagay sa oven. Kaunti lang laman ng refrigerator ni Don Javier. Siguro hindi ito lagi kumakain dito sa bahay. Siguro nalulungkot ito mag isang kumain hindi tulad niya na sanay na mula bata pa.

Nagsimula na siyang magluto ng hotdog nang nakarinig siya pagbukas ng pinto. Napakunot ang noo niya. Ang aga pa ah. Hindi naman siguro si Third'yon, ang aga pa. "Aloha?" tawag sakanya sa labas ng kusina. Lumingon naman siya dito nang nakilala niya ang matandang babae, si Manang pala.

"Good Morning po." aniya na ngumiti ng matamis dito, nakahawa kasi ang ngiti ni Manang abot hanggang tenga. "Ang ganda mo naman bata ka, aba'y naka uniporme kana pala. Maaga ba ang pasok mo. Ako na diyan." agaw ni Manang sa sandok.

"Mamayang alas nuwebe pa po, maaga kasi akong nagising. Ipagluto ko si Don Javier bago ako umalis." sabi naman niya dito.

"Ang bait mo talaga ano? Hindi nga mali si Manuel sa sinasabi niya. Kung hindi mo alam aba? Lagi ka niya kinukwento sa'kin." anito sabay sandok sa hotdog na niluto.

"Po?"

"At hindi lang mabait, marunong din magluto at maganda pa. Naku! Ang swerte ng nobyo mo sayo." she is flattered, napangiti nalang siya dahil wala siyang masabi. Ang perfect naman yata niya kung ganun. Pero sabi nga nila walang perpekto sa mundo at totoo 'yon. Bumaling si Manang sakanya at ngumiti, ngumiti din siya dala ng pait.

"Binobola mo naman ako Manang e'." aniya at tumawataw habang kinuha ang manok na nasa oven at nilagay sa mesa.

"Oo nga, sa edad kung 'to? Mambobola pa ba? Magkahawig kayo ng ugali ng pamangkin ko na nasa probinsiya." anito na naglalagay ng lutong hotdog sa pinggan.

"Nasaan na po 'yong pamangkin niyo?"

"Hindi ko na alam Aloha, matagal na kasi akong hindi nakadalaw dun e."

Pinanood lang ni Aloha si Manang na naglagay ng bacon sa kawali naaliw siya dito. Panay ang kwento nito sakanya noong kabataan. Lalo siyang namangha sa kwento nito sakanila ni Don Javier.

"Kababata po pala kayong dalawa?" aniya sa masiglang boses.

"Ay naku! Oo Aloha, bata palang kami nandito lang kami sa subdivision. Naglalaro, naghahabulan siya ang unang naging kaibigan ko dito. Galing kasi akong probinsiya lumipat lang kami ng nandito na syudad nadestino ang ama ko na isang pulis noon." kwento nito.

"Bakit hindi kayo ang nagkatuluyan?" wala sa sarili niyang tanong, tinakpan niya ang kanyang bibig ng iniisip ang sinabi.

Tumatawa ng malakas si Manang na nagpakunot sa noo niya. Akala niya magalit ito kaya sumabay na din siyang ng tawa dito. "Ano ka ba Hija, mapagbiro ka talaga! Saan mo naman napulot ang tanong na 'yan." anito habang walang tigil sa pagtawa. Ganun nalang ba nakakatawa ang sinabi niya.

"Tatlo kaming magkaibigan, pero hindi si Manuel ang nagkagusto sa akin at hindi ko rin gusto si Manuel. Magkaibigan lang kami hija. Matalik na kaibigan." nakangiti naman sambit ni manang. Tumango nalang siya.

Hinain naman nito ang niluto na Bacon. Pagkatapos ini- off ang gas stove at humarap sakanya."Ikaw hija, Nasaan ang nobyo mo?" napalunok siya ng ilang beses, parang walang salitang lumalabas sa bibig niya.

"Ah... - e.. Ahmm wala po akong boyfriend." sagot naman niya dito sa mahinang boses. Napangisi naman si Manang sakanyang sinabi.

"Talaga bang wala?" anito, parang hindi ito naniniwala. Kinuha nito ang lutong Bacon at Hotdog  at nilagay sa hapagkainan. Sumunod naman siya dito, dinala niya ang kanin.

"Wala po talaga e."

"Aba at bakit naman, ang ganda mo at mabait pa. Naku! Kung ako ang lalaki, susuyuin talaga kita." anito na napahagikik ng tawa. Natawa naman siya sa sinabi ng matanda. Mapagbiro talaga si manang kanina pa siya binobola.

"At kung ako ang lalaki, papakasalan talaga kita sa lahat ng simbahan dito sa syudad." napahinto naman sila sa narinig mula kay Don Javier na bumaba ng hagdan. Mabilis naman siyang tumungo para alalayan ito. Ngumiti siya ng bahagya medyo naguluhan siya sa sinabi nito.

"Naku! Manuel tumigil ka baka mailang si Aloha sayo." ani Manang, sumunod pala ito sakanya.

"Biro lang 'yon Fe, ikaw talaga! Parang hindi mo ako kilala." ani naman ni Don Javier, tumingin ito sakanya at ngumiti.

"O! Siya maiwan ko muna kayo magtitimpla lang ako ng Kape." ani Manang na naglakad papunta sa kusina napahinto naman ito ng tinawag niya.

"Ano 'yon Aloha?"

" Gatas nalang po kay Don Javier." tumango naman si Manang Fe, pinaupo naman niya si Don Javier, sa hapagkainan.

"Kumusta po kayo?" tanong niya kay Don Javier, at umupo siya sa kaliwang silya.

"Salamat Aloha, maayos na ang pakiramdam ko. Magaling ka ng nurse." napatikom na naman ang bibig niya, hindi niya kasi alam kung ano ang sasabihin niya dito. Magkababata talaga silang dalawa ni Manang Fe pareho silang mapagbiro at mambola. Ngumiti ito ng bahagya na tumingin sakanya. Napangiti na din siya.

"Good Morning Everyone!" lumingon naman siya sa bagong gising na si Third. Napanganga nalang siya habang tumingin dito. Bigla kasing nagslow motion ang paligid. Muka kasing nakakita siya ng isang Adonis Tanging tinig ng pitik ng puso niya ang naririnig.

Balik diwa siya ng may binubulong ito sakanya. Tumikhim naman si Don Javier, ngumisi pa ito ng nakakaloko. Kinindatan pa siya ng lalaking hambog.

"Join us Third." yaya ng Don dito.

at umupo naman ito sa kanan ni Don Javier. Kahit bagong gising ay gwapo pa rin. Umiwas siya ng tingin dito, nakakailang kasi.

Gwapo ba? Naglalaway kana diyan. Umalingawngaw ang kataga ng lalaki sa kanyang tenga. Ang hambog talaga ng lalaking 'to saan ba nagmana ang damuho na 'to.

Dumating naman si Manang dala ang gatas ni Don Javier. "Ito na ang gatas niyo---- Third?" bulalas ni Manang Fe dito. Mas malala pa ang reaksiyon nito sa reaksiyon niya kagabi. I feel the misses voice of Manang Fe dito kay Third. Oo nga naman sino naman ang hindi.

"Third? Hijo? Ikaw ba talaga 'yan?" hindi makapaniwalang kinurot ang pisngi ni Third.

"Salamat sa diyos at bumalik kana matapos ang pitong buwan. Na miss talaga kita."

Nagyakapan ang mga ito, nakita ko ang malayong tingin ni Don Javier. Alam kung miss na miss niya din si Third. Pitong buwan pala itong umalis ng bahay. Pitong buwan na din niyang nakasama si Don Javier. Sa huling kwento sakanya ay nag away ang dalawa. Napahilot siya sa sentido ng maputing uniporme niya sa kaiisip. Ganun ba ka komplikado ang buhay ng mayayaman. Sa pera marami sila pero sa pagmamahal ay kulang na kulang.

Bumalik ang tingin niya kay Third na seryosong nakatingin sakanya. Kinakabahan siyang bumaling sa ibang deriksiyon. Ano na naman kaya ang iniisip nito.

"Sumabay kana sa amin manang, ang sarap naman ng niluto mo. Na miss ko talaga 'to." kumalas naman ito sa pagkayakap kay Manang Fe, at iminuwestra nito ang silyang katabi nito. Ibinigay ko naman ang gatas ni Don Javier.

"Naku! Talaga lang ha? Binobola mo naman ako niyan. Saka hindi ako ang nagluto niyan." tumingin sa gawi ko si Manang Fe at ngumiti ng matamis.

"Sino? Si Dad?" anito at umupo na rin sa tapat ko.

Humahalakhak si Manag Fe, kaya tumingin kaming lahat sakanya. Tumigil naman ito nang nakita niyang hindi kami tumatawa.

"Si Aloha ang nagluto niyan."

Ms. Sahara

hi guys, sana magustuhan niyo feel free to comment ans vote na rin thanks po sa inyo. maramings alamat po❤


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C8
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen