Yat's POV
"Kasalanan ko 'to."
Ayan na naman sya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na nyang sinabi ang sentence na yan.
Eto na nga ba ang sinasabi ko eh! Alam kong pareho silang masasaktan.
Masasaktan si Zoid, dahil obvious naman na mahal na mahal nya si Zai, at masasaktan din si Zai, hindi lang dahil mahal nya din si Zoid kahit ayaw man nyang aminin. Kundi dahil kapag nalaman nyang HINDI ASTHMA ang sakit ni Zoid, baka gayahin naman nya ang kabaliwang ginawa ko noon. (Suicide)
NOOOO!! Hindi magagawa yun ni Zai!!
At kung nagtatanong kayo kung alam ko ba ang totoong disease ni Zoid, my answer is a big YES.
Jared told me everything nung nag-dinner kami dun sa tree house. Remember? Our courtship chapter?
He knows everything about Zoid. Kung bakit sya naging playboy, yung first love nya and everything.
Alam kong tinatanong nyo rin kung bakit hindi ko manlang sinabi kay Zai na alam ko ang totoong disease ni Zoid.
Syempre, ayoko naman na sa'kin manggaling yun, noh! Gusto ko mang sabihin kay Zai, pero sabi ni Jared, wag ko daw sabihin. Kaya ayun, nagbibigay nalang ako ngclue kay Zai minsan. Kaso naman itong babaeng 'to, naturingang topnatcher, ANG SLOW! Hindi maka-gets agad!
Tama na nga, ang dami ko nang nasabi. Anyway, andito nga pala kami sa clinic. Pinag-stay ng nurse si Zai dito, kasi hindi sya okay. Iyak sya ng iyak. Tapos na ang lunch break. Nagpaalam ako sa next teacher namin na sasamahan ko si Zai.
At nasaan si Zoid?
Nung dinala kasi sya nila Jared at Dwayne dito sa clinic, chineck-up muna sya ni Ms. Nurse. And sabi nya, "His heartbeat is not normal. Fatal ang condition nya ngayon. So, it's better kung sa hospital nyo na sya dadalhin."
Kaya ayun, dinala sya ng mga school staffs sa hospital kasama si Jared at Dwayne. Gusto nyo ng flashback para malaman nyo kung pa'no namin na-rescue si Zoid? (rescue talaga? Haha)
Ito ang..
*** FlashBack ***
Yat's POV
Kumakain ako mag-isa sa cafeteria. Di ko makita si Sophi eh.
"Labs, asan na si Zai? Himala ata at hindi kayo magkasama." Si Jared yan, kasama si Dwayne.
Pareho silang wet look. Pugeee :">
Well, hindi ko sya pinansin. Kinakabahan ako. Kain lang ako ng kain ng macaroni cheese.
"Baka naman magkasama si Zoid at Zai." - Dwayne
Sabihin ko kaya kay Jared yung nagyari kanina? Hindi nila alam kasi nasa shower room sila.
"Jared, may sasabihin ako sa'yo." I said with hand gesture. Napatingin naman ako kay Dwayne. "Dwayne, takpan mo muna yung tenga mo."
"H-huh? Bakit?"
"Basta. Takpan mo na."
Nagtataka nyang tinakpan yung tenga nya.
"Jared, kanina kasi.. *blah blah blah blah blah....*"
"WHAT??" -Dwayne
"Narinig mo?" Tanong ko sakanya.
"Sorry." Sabi nya.
"Sabi ko takpan mo yung tenga mo eh."
"Tinakpan ko naman eh, Pero narinig ko pa rin eh."
Biglang tumayo si Jared. Seryoso yung face expression nya. I find it hot >////<
"Sa'n sila nagpunta?" - Jared
"Papunta sila sa mini park nung huli ko silang nak---" Di na nya ako pinatapos magsalita, hinila na nya ako.
Hinila ko rin si Dwayne. Ahahaha. No! Stop it, YAT! Wag ka munang tumawa ngayon.
Pagkarating namin sa park, na-shock muna kami ng 5 seconds, bago tumakbo palapit sakanila.
Nakahiga kasi si Zoid sa ground ng walang malay, habang si Zai naman, iyak lang ng iyak at mukhang hindi ata alam ang gagawin. Yakap-yakap nya lang si Zoid habang walang tigil sa pag-iyak.
Lumapit si Jared at Dwayne kay Zoid para buhatin at dalhin sa clinic. Ako naman, niyakap ko muna si Zai bago tulungang tumayo.
Pati ako naiiyak sa itsura ni Zai. Ngayon ko lang sya nakitang ganito umiyak.
*** End of FlashBack ***
"Zai, tama na yan. Let's pray for him nalang instead na sisihin mo yang sarili mo."
"H-hindi, Yat. In the first place ako naman talaga ang may kasalanan eh. Alam ko na ngang may Asthma sya, tinuloy ko pa rin. Dahil sa nagalit sya kanina, sinumpong tuloy sya ng asthma nya."
Asthma pa rin ba, Zai? (_ _)^^
Diba nya na-gets yung sinabi nung nurse kanina? HA? Aish.
"ZAI, WHAT HAPPENED?!" Sigaw ni Sophi.
"Sophi, diba class hour pa ngayon? Buti nakalabas ka?"
"Hehe. Nagpaalam ako sa teacher ko eh. Sabi ko, hihingi ako ng gamot para sa LBM sa clinic."
"Ganun? Humingi ka na dun sa nurse! Baka abutin ka pa dit--- ARAY!"
Binatukan ba naman ako!!
"Gaga! Excuse ko lang yun, para makapunta ako dito. Nabalitaan ko kasi yung nangyari eh."
"Nabalitaan mo na pala, eh bakit sumigaw ka pa kanina ng 'ZAI, WHAT HAPPENED?'"
"Hehe. Wala lang. Trip ko lang. Walang basagan ng trip, Yat."
Sabi ko nga.
Nagkatitigan kami ni Sophi. Para bang nag-uusap kami through glances. Then we faced Zai at the same time.
"Ang s-sakit.. Ang sakit na ng mata ko kakaiyak. *sniff* Pati yung ilong ko. *sniff*"
"Here." Inabutan ko ulit sya ng tissue.
Alam nyo na siguro yung gagawin nya dun. Ayoko ng sabihin. So gross. Haha.
"Yan ang napapala ng mga in-denial queen." I said.
Napatigil sya sa ginagawa nya sa tissue. Kumuha sya ng panibagong tissue tapos pinunas sa nose nya then tinapon sa trash bin na nasa gilid ng table.
"Ano bang sinasabi mo?" -Zai
"Hay nakoo~ Umiyak na't lahat-lahat, di mo pa rin matanggap sa sarili mo na...."
"Ang alin? Pa-suspense pa." -Zai na atat na atat.
"Inlove ka kay Zoid. Baket, HINDI BA?"
Hindi sya nakasagot. Halata sa face expression nya na nag-iisip.
"See? Di ka nakasagot. Iiyak ka ba kung hindi ka nasasaktan, at mas lalong hindi ka masasaktan kung hindi mo sya mahal."
"Nagi-guilty lang ak---"
"HEP! Wag mong idahilan na guilty lang yang nararamdaman mo, kasi hindi ka dapat ganyan maka-iyak kung guilty lang yan."
"Zai, alam mo may point si Yat. Hindi mo lang kasi nakikita yung sarili mo kapag kasama mo sya. Yung kahit madalas mo syang tarayan, kita pa rin sa mga mata mo na masaya ka. Laking gulat ko nga nung sinabi mo sa'king nagpapanggap ka lang eh." -Pagsang-ayon sa'kin ni Sophi.
"Atsaka, diba unexpected na nasabihan mo si Zoid ng 'I love you'?? It's just a proof na that time, hindi ka umaarte o nagpapanggap lang sa harapan nya. What you have shown to him is all true." -ako
"Mahal mo na talaga sya, Zai. Ganun kasi sa love eh. May magagawa or masasabi ka sa isang tao, UNEXPECTEDLY. Hindi mo pinagplanuhan or pinag-isipan. Basta nalang lalabas sa bibig mo. Kaya nga, EXPECT THE UNEXPECTED IN LOVE. You really love him na, ZAI!" -Sophi
"Hay naku! Intindihin nalang natin ang babaeng yan. First time nya kasing ma-inlove eh. Ahahahaha."
Nag-apir pa kaming dalawa ni Sophi habang tumatawa.
"Edi kayo na LOVE EXPERT!" - Si Zai na tumatawa.
It's better na okay na sya :3
"Yat, Sophi, thank you sa inyong dalawa, huh? Because of you two, medyo nabawasan yung bigat na nararamdaman ko." She wiped her tears. "Sophi, kahit ngayong school year lang tayo naging super close, I really thank you for your kindness and sincerity. Hindi na kita friend ngayon. Bestfriend na kita. Tayong tatlo nila Yat."
"Awww... teka lang, naiiyak ako." Umarte si Sophi na naluluha.
"Yat, thank you kasi whatever happens, lagi kang nasa tabi ko. And sobra talaga akong nagpapasalamat, kasi lagi nyo akong sinasabihan na itigil ko na yung dmn plan ko kay Zoid, pero nagmatigas pa rin ako. Di ko kayo sinunod. Di ako nakinig sainyong dalawa. Sobra kasi akong nagalit nung nag-suicide ka because of him. Natakot ako na mawala ka sa'kin."
Ayan, lalo syang naiiyak.
"Kaya sakanya nabuhos lahat ng galit at sama ng loob ko. *sniff* Kaya naisip ko na maghiganti sakanya. Gusto kong maranasan nya yung sakit na pinaramdam nya sa'yo. And now, I succeed. Nasaktan ko na sya. Dahil sa'kin, na-ospital sya. He's not in a good conditon because of the hell ME! Pero kahit ganun, ni isang sumbat, wala akong narinig galing sainyo. I'm really lucky to have you guys. I'm contented enough kahit na wala akong kapatid, basta andyan kayo."
Nag-group hug kaming tatlo.
Ito ang pinaka-masaya sa teenage life. Yung malaman ang importance ng friendship.
You can live without boyfriend, but you can't live without your bestfriend <3
Sophi's POV
"Thank you sainyo, mga ija." - Sabi ni Tita Zail. Mommy ni Zai.
"Wala po yun, tita. BFF eh. Haha." -Yat
"Sige, uwi na kami. Ingat kayo, huh. Ang gaganda nyo pa naman."
"Ayt. Di naman po masyado. Hihi." Sabay flip ko ng hair ^__^
Pumasok na sila sa kotse nila. Sobrang mugto ng mata ni Zai.
*BEEP*
*BEEP*
"Sundo mo?" I asked Yat nang may humintong car sa tapat namin.
"Yep."
"Uwi ka na."
"Pinagtatabuyan ako?"
"Haha. Di naman . Andyan na kasi yung sundo mo eh."
"Okay lang. Antayin ko muna yung sundo mo. Samahan muna kita dito maghintay." -sya
"Okay lang ako! Sige na. Umuwi ka na. Malapit na rin naman dumating yung driver ko eh. And besides, andito si Manong guard oh." Tinuro ko pa yung guard ng DH Academy na nasa guard house. Nasa tapat kasi kami ng school gate.
"Sige na nga. Sure ka, huh?"
"Sure na sure. Bye."
Nagbeso-beso kami, tapos sumakay na rin sya sa kotse nya. Naiwan akong mag-isa dito.
Tagal naman ng driv----
"SOPHI!"
O////O
S-si..
"D-Dwayne."
Ow. Why am I stammering?
Topic nga please! please!
"Kamusta na si Zoid/Zai?" We both asked.
Natawa kami pareho. ^o^
Napatigil ako sa kakatawa nung napatingin ako sa feslak nya. Ang gwafuuu talaga.
(@__@,)
"Bakit? May dumi ba 'ko sa mukha?"
O___O
"H-huh? W-wala. >.<^^ Ano uhmm... okay na nga pala si Zai. Sinundo sya ng mommy nya kani-kanina lang."
"Ah. Good."
"Eh, si Zoid?"
"Hindi ko pa masabing okay eh. Na-confine kasi sya sa Hospital. Nandun pa rin si VJ, tas yung parents nya, on their way na nung umalis ako."
"Ah." Yan nalang ang nasabi ko.
SILENCE
Wala akong maisip na topic.
TT___TT
"I can't believe na nagawa yun ni Zai kay Zoid. Pero di ko rin sya masisisi. Napaka-playboy naman kasi ni Zoid eh. Malamang madadala na yun." He paused. "Sophi, diba kaibigan mo naman si Zai?"
"Yes, w-why?"
*BEEP*
*BEEP*
"Andyan na pala yung sundo ko. S-sige, uwi na 'ko. Bye." Tumakbo na ako papunta sa kotse.
"Sophi, wait!" Sabi nya, pero hindi ko sya nilingon. Pumasok agad ako sa kotse namin.
Ayokong marinig yung mga susunod nyang sasabihin. Siguro, akala nya hindi mahal ni Zai si Zoid. At dahil sa akala nyang yun, nabuhayan sya ng pag-asa kay Zai.
Malamang ang susunod na sasabihin nya sa'kin ay...
"Sophi, diba kaibigan mo naman si Zai? Pwede bang..
Ilakad mo naman ako sakanya?"
Outch >___<
Halata naman sakanya na may gusto sya kay Zai eh.
"Ma'am, okay lang po ba kayo?" Sabi nung driver ko na nakatingin sa rearview mirror, then sa road.
"Opo. Bakit po?"
"Umiiyak po kasi kayo eh."
Napahawak ako sa pisngi ko, may luha nga.