App herunterladen
50% Hate To Love / Chapter 3: Chapter 3 - Conference Room

Kapitel 3: Chapter 3 - Conference Room

Lulan ng puting sasakyan ay ang isa sa mga anak ng pamilya Alfonso. Hindi nito napansin ang sasakyang magpa-park sana sa bakanteng parking space na nakita nito. Basta na lamang nito ipinasok ang sasakyan nang makita nitong available ang parking space. Agad namang umalis ang sasakyan na kanina ay nasa likuran lang nito. Matapos niyang mag-park ay agad itong nagtungo sa opisina ng ninong nito.

"Good morning, Nong!" bati ni Rick sa ninong niya na kanina pa naghihintay sa kanya. Abala naman sa pagbabasa ang matanda ng papeles na ibibigay sa binata para pagsisimula ng kanyang trabaho.

"Good morning, Rick! How are you!" masayang bati ng matanda. Inilapag nito ang hawak na papeles at kinamusta ang inaanak. Tunay na anak na ang turing nito sa binata. Sa kabila ng matagumpay na negosyo nito. Kailan ma'y hindi nabiyayaan ng anak ang biyudong Lopez kahit hanggang sa huling hininga ng asawa nito. Tanging ang negosyo na lamang nito at si Rick ang itinuturing nitong anak.

"Ayos lang, Ninong. Looking good ah!" sabi ng binata sabay abot ng kamay nito para magmano sa ninong niya.

"Nako. Ako ba o ikaw?" natatawang saad ng matanda. Kahit kailan talaga ay lagi siya nitong pinasasaya.

"Tara at naghihintay na ang mga tao sa conference room." sabay tayo nito mula sa kinauupuan. Pero bago pa man ito makarating sa pinto ay napahinto siya nang marinig ang sinabi ni Rick.

"Nong, may request sana ako. Ayaw ko kasing maging usap-usapan dito sa opisina. Puwede bang---"putol niya sa sasabihin. Nag-aalangan kasi siyang magsabi dahil nahihiya rin siya sa ninong niya.

"Puwede po bang… Rick Alfonso na lang ang pagpapakilala niyo sa akin? And, please don't mention that I'm part of the Alfonso clan." saad nito habang nakahawak sa batok. Nahihiya siya sa ninong niya pero katulad ng nabanggit niya ay ayaw niyang maging tampulan ng chismis.

"Please, ninong... Please?" paki-usap nito sa ninong niya na alam naman niyang pagbibigyan siya nito. Hindi naman siya nagkamali at agad itong pumayag.

"Oo naman, Iho. Ikaw pa ba? Malakas ka kaya sa 'kin." tapik nito sa balikat ng inaanak.

Saka lumakad papunta sa pinto. Sabay silang lumabas ng opisina para pumunta sa conference room. Masayang naglakad papuntang conference room ang magninong habang nag-uusap tungkol sa magiging posisyon nito. Hindi nagkamali ang matandang Lopez sa pagpili kay Rick dahil naging humble na bata ang inaanak. Nang makarating sa conference room ay agad na ipinagbukas ng pinto ang matandang Lopez ng secretary niya. Agad namang nagsitayuan ang lahat ng mga managers at sabay-sabay silang bumati.

"Good morning, Mr. Lopez!" bati ng mga empleyado at yumuko ang mga ulo tanda ng pagrespeto sa boss nila.

"Good morning! Are you all good?" nakangiting tanong ng matanda. Nagsitanguan naman ang bawat isa bilang pagsagot sa katanungan nito.

"I would like all of you to meet Ma--- I mean, Rick Alfonso. Our new intern as an operations manager." pakilala nito kay Rick sa mga empleyado.

Agad namang nagsitinginan ang mga empleyado sa binata at ganoon din naman si Mika. Halos dalawang beses siyang napalingon dito. Hindi makapaniwala sa nakita. Nanlalaki ang mga mata nang mamukhaan ang lalaking ipinakilala ng matandang Lopez. Halos hindi maalis ang paningin nito sa binata.

Hindi lang siya basta napatitig dito dahil sa naalala niyang manager ito sa shop na pinanggalingan niya kahapon. Kung hindi ay dahil sa hitsura nito. Hangang-hanga siya sa kagwapuhan nito ngayon. Ibang-iba ang mukha at hitsura nito nang makita niya ito sa shop. Mas fresh at mas gwapo kumpara kahapon.

"Anong--- anong ginagawa niya dito?" napatanong sa sarili na sabi ni Mika. Nakatitig pa rin siya kay Rick. Pero muli niyang naramdaman ang pagkayamot nang maalala niya ang insidente sa mall kasama ang aroganteng lalaki. Habang siya ay nanggi-gigil sa inis ang mga kasamahan naman niyang manager ay tila kinikilig sa kagwapuhan ng intern.

Tulala rin ang mga ito sa binata pero hindi kasing tulala na katulad ni Mika. Paano'y may ilang segundo na pala nang makaupo ang mga tao sa loob ng conference room para magsimula na ang meeting. Pero siya ay nakatayo pa rin. Mabuti na lang at napansin siya ng katabi niyang manager bago pa man siya mapansin ng iba. Agad siyang hinila nito sa kamay at napaupo. Inayos na lamang niya ang sarili para hindi mapahiya.

Nanlalaki pa rin ang mga mata ni Mika dahil hindi makapaniwalang makikita niyang muli ang mukha ng lalaking kinaiinisan niya kahapon. Muling nagbalik sa alaala niya kung gaano ka-arogante ang lalaki na akala mo'y kung sinong magaling. Acting cool pa sa mga empleyado niyang stupid. Habang busy sa pagdi-discuss ang matandang Lopez ay busy naman sa pag-sketch si Mika. Pinilit niyang gawing busy ang sarili niya para lang hindi siya mapatingin sa lalaking kinaiinisan niya.

"Ms. Salvatore? What can you say about it?" tanong ng matandang Lopez habang nakatingin kay Mika.

Malaki ang respetong natatanggap niya sa may-ari dahil sa kahanga-hangang performance niya sa kumpanya. Kaya naman siya ang inaasahan ng matanda pagdating sa Designing Department. Pero tila nawawala siya sa sarili ngayong araw na ito. Napaawang na lamang ang kayang bibig nang marinig ang tanong ng matanda. Hindi niya alam kung tungkol saan ang sinabi nito dahil naglalayag ang isipan niya tungkol sa maraming bagay.

"Is there something bothering you, Mika? You look stress lately." sabi ng matandang Lopez nang makita niya na parang hindi naka-focus si Mika sa meeting nila. Hindi ito ang normal na kilos ng Mika na kilala niya. Kahit na ang matandang Lopez ang may-ari ng kumpanya ay hands-on pa rin ito sa lahat ng bagay mula sa pamamalakad nito hanggang sa pakikitungo sa mga empleyado niya. Kilala niya na attentive ang dalaga lalo na oras ng trabaho.

"I'm sorry, Mr. Lopez. Medyo sumama lang ang pakiramdam ko." wika ni Mika sabay yuko dahil sa pagka-pahiya. Naisip niya rin na siguradong nagdiriwang ang antipatikong lalaki dahil dito.

Hindi naman niya magawang tingnan ito kaya hindi niya alam kung nakatingin ba ang lalaki sa kanya. Nang matapos ipakilala ng matandang Lopez ang binata ay agad niya itong pinaupo sa upuan na nasa harapan ng dalaga. Ramdam niya ang paglapit nito sa upuan kaya naman alam niyang nakatingin na ito sa kanya. At hindi nga siya nagkamali. Napatingin si Rick sa kanya at kitang-kita ng binata ang pamumula ng mukha ni Mika.

"Hmm... Siguro na-realized na niya na mali ang ikinilos niya kahapon." bulong ng binata sa sarili. Lihim pa itong nangingiti habang tinititigan ang dalaga.

"By the way, Rick. Mika is one of our best managers in the company. Should you have any questions or if you need some help, you can always ask her." proud na sabi ng matanda kay Rick.

"I will have Mika tour you around since I have an appointment after this meeting. Right, Mika?" dugtong pa ng matandang Lopez na ngayo'y nasa tabi na ni Rick. Tinapik pa nito ang balikat ni Rick. Agad namang tumingin si Rick sa dalaga habang tatango-tango.

Parang nakakaloko ang mga tingin na itinatapon niya sa dalaga. Para bang ipinapaalala niya ang naganap sa mall. Sumagot naman si Mika sa sinabi ng matanda. Kahit pa kinaiinisan niya ang binata ay magtatrabaho pa rin siya professionally. Ayaw niyang ihalo ang personal issues nila lalo na sa trabaho.

"Yes, Sir!" nakangiting sagot niya sa matandang Lopez. Agad din namang napawi ang mga ngiting iyon at sumeryoso ang mukha nito nang mabaling ang tingin sa lalaking arogante na animo'y lalo pa siyang iniinis.

"Okay, then. This concludes our meeting. I hope to see you all happily working together. Have a nice day everyone." masayang saad ni Mr. Lopez sa mga empleyado.

Nang lumabas na sa conference room ang may-ari ng company ay nagsilabasan na rin ang iba pang managers. Huli namang tumayo ang dalawa para lumabas ng conference room. Halos nakalabas na ang lahat at sila na lang ang natira sa loob. Si Mika ang naunang lumabas at sumunod naman si Rick. Paglabas ng conference room ay agad itong nagbitiw ng salita kay Mika.

"What a small world, Ms. Salvatore? Let me introduce to you myself again. I'm Rick." pakilala ni Rick habang in-extend pa ang kamay kay Mika para makipagdaupang-palad. Pero mukhang walang gana ang dalaga para dito.

"Anyway, tatlong buwan lang naman akong mag-aassist kay Rick. And after that ay hindi ko na siya makikita pa." bulong niya sa sarili. Parang napahiya naman si Rick nang talikuran siya ni Mika at hindi abutin ang kanyang kamay.

"This way, Mr. Alfonso." Hindi man lamang siya nagkomento sa sinabi nito. Bagkus ay iniba niya ang usapan. Ayaw nitong makipagplastikan sa binata. At lalong-lalo na ang makipag-close dito. Kaya naman deadma lang siya sa mga sinabi ng isang ito.

"Ganyan ka ba talaga ka-sungit sa mga taong naka-palibot sa 'yo? Marunong ka bang ngumiti kahit kaunti lang? Sayang maganda ka pa naman. Kaya lang---" napahinto ang binata sa sasabihin nang putulin ni Mika ang sinasabi niya at magsalita ito.

"You're not here to talk about my personal life. Just do your job and I'll do mine." saad ng dalaga na puno ng awtoridad. Kanina pa ito naiirita sa pagiging cool nito sa lahat na alam niyang hindi uubra sa kanya.

"Kung minamalas ka nga naman. Bakit ba siya pa ang bagong intern?" sambit niya sa sarili sabay hinga ng malalim.

Sinubukan niyang sumeryoso at ayusin ang pakikitungo dito para sa trabaho. Naglakad-lakad sila para libutin ang opisina kasama ang bagong intern. Habang nagsasalita si Mika at pilit na ipinapaliwanag ang iba't ibang trabaho ng iba't ibang departamento sa kumpanya ay abala naman na nakatingin si Rick sa kanya. Nag-iisip kung paano pa-aamuhin ang magandang babaeng tigreng ito. Nacha-challenge siya dahil hindi umuubra ang karisma niya rito.

Nasanay siyang nginingitian ng mga babae kapag nakikita siya. Ang halos sambahin siya ng mga ito maliban sa babaeng ito. Bigla siyang natauhan nang mapansin niyang nakatingin na pala si Mika sa kanya. Inis na nagtanong si Mika kung bakit ito nakatingin sa kanya pero hindi niya ito sinagot at isang matamis na ngiti lamang ang ipinukol niya rito. Halos umusok ang ilong ni Mika sa inis sa lalaking kaharap dahil sa parang nakakalokong titig nito na hindi seryosong nakikinig.


AUTORENGEDANKEN
GorgeousJourney GorgeousJourney

Muli ay nagkita ang manager ng shop at ang customer na mapang mata sa tao. Ano kaya ang mangyayari sa meeting nila? Chaos ba o kakalimutan na lang nila ang nangyari? Abangan mga ka hate to love!

Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C3
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen