Ang lugar na kung saa'y matututo ka,
Ang lugar na kung saa'y malaya ka,
Ang lugar na kung minsa'y masaya ka,
Ang lugar na kung kaila'y ayaw mo ng umuwi pa.
School, Skul, Eskwelahan, Paaralan,
Kahit ano pa ang itawag ay iisa lamang ang ibig sabihin,
Pangalawa mong tirahan,
Titser, Cher, Sir, Ma'am, Teacher,Guro, silang mga pangalawa mong magulang.
Pero di lahat masaya, malaya, matututo ka,
Minsan pa nga'y ayaw mo ng pumasok,
Sapagkat makikita mo na naman ang strikto mong guro,
Halos magdikit ang dalawang kilay habang nagtututo.
Pero di lahat masaya, malaya, matututo ka,
Minsan pa nga'y napapaaway ka pa,
Minsan pa nga'y halos pigain mo na utak mo para lang may maisagot ka,
Minsan pa nga'y sunod-sunod ang pagsusulit walang kalayaan na makhinga man lang ng hangin.
Pero di lahat ganyan, ganyan na ultimo kunting kibot taas-kilay o salubong-kilay,
Kaya nga HAPPY SCHOOL, pero sa uwian, HAPPY pa ba?
Kaya nga ginagawa ng lahat ng makakaya upang sila'y matuto,
Matututong magbilang ng pagkakamali ng guro o kaya'y paulit-ulit na sinasabi.
Pero minsan eto ang madalas mangyari,
Magulang-punta-school-report-nagwawala-aburido-faculty,
Lalo na sa mga taong GRADES ang tinitingnan hindi 'yong anak,
Lalo na 'yong mga taong mahilig magkumpara, matamaan sana.
Pangalawang linggo ko nang nagtuturo, nasabihan agad ako,
English dapat ang aking pananalita at hindi Filipino sa asignaturang Agham,
Kaya't humanda sila sa aming nalalapit na pagtutos este pagtuturo, The Game Is On,
Walang pasok ngayon kundi SOLVING ang aabutan nila, pasalmat sila sa panahon.
busy sa paggawa ng curriculum map at learning plan at instructional materials.
PS. strikto ako sa room. Sige free time ngayon dahil walang pasok hahahaha. See you !!!