Hindi ako sinagot ni John sa tanong ko sa halip ay tumitig lang s'ya sa akin bago ako tinulungan. Tumayo ako at pinagpag ang pwetan. Tumingala ako sa kan'ya at tumingin sa itim na sasakyan.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko ng mahinhin.
"I think I should be the one who will ask you that." Sabi nito.
"A-ayos lang naman ako." Nauutal na sambit ko. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung kailangan ko bang maging masaya kahit ngayon lang dahil sa simpleng pag-aalala n'ya.
Biglang lumaki ang mata ko at mas nadagdagan pa ang pagtatambol ng puso ko na para bang gusto nitong lumabas nang bigla akong hinawakan ni John sa kamay at dahan-dahan akong iginaya sa sasakyan n'ya.
Napakalambot ng kamay n'ya at parang gusto ko iyong pisilin pero baka bigla nitong mapansin na pinagnanasaan ko ang kamay n'ya.
Binuksan n'ya ang pintuan ng kaniyang kotse at pinaupo ako sa tabi ng driver seat. Umikot s'ya sa harapan para pumasok sa driver seat at umupo. Ilang sandali ang namutawi bago ko binasag iyon.
"B-bakit mo ginawa 'yon?" Biglang tanong ko habang nakayuko, may halo paring kaba at hiya.
Tumingin s'ya sa akin at kumunot ang noo. "Did you just ask me why I helped you with that dog earlier?"
Mas lalo akong kinabahan at may bigla nalang akong naramdaman na umiinit ang pisngi ko. "Ah, oo- 'yon. Pero 'yong ano... 'yong hawak..." nagsisimula na akong gumalaw na parang pinapaliwanag ko 'yong ginawa n'ya.
"What? Tell me, I'm confused." Naguguluhang sambit n'ya.
Itinaas ko ang kamay ko para himasin ang likod ng leeg ko. "Ah, 'yong hinawakan mo 'ko sa kamay... 'yong tinulungan mo 'ko na tumayo."
Ilang sandali n'ya akong tinititigan bago nagsalita. "Stupid," bulong n'ya at may parang may kumislap na kung ano sa kan'yang mata pero rinig na rinig ko parin na pagsabi n'ya, "of course, you're my girlfriend's bestfriend. I had to. She'd be worry."
Napatigil ako. Para akong naistatwa sa sinabi n'ya. Oo nga pala, may kasintahan pala s'ya at hindi pala para sa'kin ang ginagawa n'ya.