AN: Hello guys! Lalo na sa mga nanay na nagbabasa nito. Happy mother's day po sa inyong lahat! Love you all! At pasensya na kung matagal ang update ni Author. 😌👌
==========================================
RUBY P.O.V
PILIT NA Dinidilat ko ang aking mga mata dahil sa boses ng isang sanggol na umiiyak. Napakasakit ng buong katawan ko at parang may kung anong mabigat na nakadagan sa katawan ko.
"N-Nigel..." sambit ko ng unti-unti ko ng maimulat ang mata ko.
Nakita ko na hawak nang lalaki na nakatalikod ang sanggol na nakabalot sa isang telang itim. Mas luminaw na ang paningin ko ng humarap na itong lalaki at walang iba kung hindi si, Nigel. Talaga pa lang nanganak na ako at nakapagtataka man dahil araw lang ata ang nagdaan tapos ngayon nailabas ko na ang sanggol.
"Salamat at nailabas mo siya ng maayos," nangingiting wika ni, Nigel.
Hindi ko siya sinagot dahil doon ako sa sanggol nakatingin, gusto ko siyang makita at mahawakan.
"Bukas na bukas 'ay makukuha mo na ang kabayaran para dito at kung kulang pa ito, magsabi ka lang."
Biglang nag-init ang magkabilaan na sulok ng aking mata sa sinabi niya, pakiramdam ko nagsisikip ang dibdib ko dahil sa nararamdaman ko ngayon.
"M-maaari ko ba siyang makita?" Pigil ang luhang bigkas ko.
Tiningnan pa ako ni Nigel bago siya humakbang papalapit sa akin kung saan ako nakahiga. May kung anong saya akong naramdaman ng mabistahan ko na ang napaka-inosente ng mukha ng sanggol. Anak, kita tama? Pero bakit hindi kita makakasama, dahil sa isang kasunduan ka lang. Pero gusto ko kasama kita parang hindi ko kayang malayo sa'yo.
"Kung ano man 'yang nasa isip mo, tandaan mo ito 'ay kasunduan natin at kaya ka nagpunta dito." seryosong wika niya.
Napayukong pinigilan ko ang luhang nag-uunahan na pero hindi talaga ito maawat. "Gusto kong makasama ang anak ko, b-babayaran na lang kita doon sa pera na naibigay mo-"
"Hindi maaari!"
Umangat ang balikat ko sa malakas na sigaw niya at nakita kong umiilaw sa galit ang kaniyang mga mata.
"P-pero, a-anak ko rin siya. Na-nakikiusap ako." pakiusap ko at walang tigil sa pagpatak ang luha ko. Tinalikuran niya ako at naglakad siya papunta sa pintuan. "N-Nigel, nakikiusap ako..." nahihirapang bigkas ko hanggang sa buksan na niya ang pinto, narinig ko pa ang palahaw ng bata pagkasara ng pinto.
"A-Anak... Anak ko..." sambit ko at napapikit ako at pilit na nilalabanan ang emsyon ko.
Walang tigil sa pagpatak ang luha ko at nakatulugan ko na ito sa sobrang sama ng pakiramdam.
-------
"Ruby, Ruby!"
Napamulat ako sa dalawang beses na pagtawag sa aking pangalan, nabungaran ko ang mukha ni Michael.
"A-ang anak ko?" Tanong ko agad.
"Dinala na siya ni Nigel sa kaniyang kaharian upang ipakilala sa kaniyang mga ninuno." sagot lang nito.
Muli na namang nag-init ang sulok ng aking mga mata. "Babalik pa ba sila dito?" Tanong ko habang nasa ibang direksyon nakatingin.
"Oo, pero baka matagalan siya. Narito nga pala ang cheke, pakipirmahan na lang ito at maaari ka ng umalis anytime na gugustuhin mo. Maaari ka rin namin ipahatid sa lugar mo," seryoso lang na sabi ni, Michael.
Tiningnan ko ang papel at ballpen na hawak nito, pinakatitigan ko ito at pinahiran ang luhang nagbabadya ng tumulo.
"Pakisabi sa kaniya hindi ko matatanggap ang bayad na iyan, babalik rin ako dito upang makuha ang anak ko." seryosong sagot ko at pilit na tinayo ko na ang sarili ko.
"Huwag mo iyan gagawin dahil hindi biro ang kakalabanin mo."
Tuwid na tiningnan ko naman siya bago nagsalita. "Dahil hindi kayo tao? Anak ko 'yon kaya may karapatan rin ako." puno ng determinasyon na wika ko at nagsimula na akong maglakad.
"Nasa iyo kung iyan ang desisyon mo, mag-iingat ka lang lagi." nakangiting bigkas niya.
Hindi na ako sumagot sa kanya dire-diretso na akong lumabas ng pinto. Pagkalabas ko ng gate tinandaan ko itong mabuti at nag-iwan ng kataga. Babalik ako dito para sa anak ko.
--------
Tulala ako habang naglalakad at wala akong pakialam kung may makabangga man sa akin, kahit pa naririnig ko ang bawat pagdaing nila sa tuwing mabubunggo nila ako.
Bigla akong huminto ng makarinig ng mga boses ng mga lalaki at dito sila papunta sa direksyon ko. Hanggang sa makarinig ako ng sunud-sunod na putok ng baril, biglang nagkagulo at napahawak ako sa tenga ko sabay yuko. Nagpalinga-linga ako sa nagkakagulo na mga tao ngayon, tumayo ako upang makahanap ng mapagtataguan.
Patakbo na ako sana sa kabilang kalsada ng may tumamang kung anong sa aking tiyan. Tila nag-slow motion ang lahat sa unti-unting pagyuko ko at makita ang pulang likido sa suot ko na damit. Muli naman umangat ang mukha ko at nahagip ko ng mata ko ang isang lalaki na parang pamilyar sa akin habang tumatakbo ito palayo 'ay nakatingin ito sa akin.
Bigla na akong bumagsak sa semento at narinig ko ang malakas na sigawan ng mga tao dito.
"Miss! Miss! S-Sandali, dadalhin kita sa hospital!"
Napapikit ang mata at pilit na inaaninag ang lalaking narito sa harapan ko.
"A-ang anak ko..." nagawa ko pang sambitin.
"Pard's anong nangyari?"
Nakapikit na ako pero naririnig ko ang isa pang boses ng lalaki.
"Raf, tulungan mo ako isakay natin siya sa tricycle mo."
Muling wika ng lalaki dito sa kausap niya, naramdaman ko na lang ang pag-angat ng katawan ko. Hanggang sa nilapag akong muli pero may matigas na braso pa rin ang nakaalalay sa akin, narinig ko na ang pag-start ng motor.
"Miss, sandali lang dadalhin ka namin sa malapit na hospital,"
Muling bigkas ng lalaki habang hawak niya ang kamay ko. Mainit at may katigasan ito, bakit nadidinig ko ang tibok ng puso niya? Pati ang nasa isip niya na pag-aalala sa akin nababasa ko. Pakiramdam ko rin nawawala unti-unti ang sakit na tama ng baril sa akin kanina.
----------
"Doc, kamusta na po ang pasyente?"
"Ok naman ang pasyente dahil wala naman siyang tama ng baril na sinabi mo. Nawalan lang siguro siya ng malay at 'yung nakita mo baka naman nagkakamali ka lang, dahil wala talaga kaming nakita na kahit anong tama o bala sa kaniya."
Napumulat bigla ang mata ko dahil sa narinig ko na pag-uusap ng dalawa.
"P-paanong nangyari? Pero nakita po ng dalawang mata ko na tinamaan siya ng baril at duguan ang suot niya."
Nagpalipat-lipat naman ang tingin ko sa dalawa dahil naguguluhan ako sa kanilang pinag-uusapan.
"Ang importante ay ok siya, maaari niyo na siyang iuwi."
Nagpaalam na ang doctor na kausap nitong lalaki at binalingan ako nito ng tingin.
"Miss, paaanong nangyari na...?"
"H-Hindi kita maintindihan, pero nagpapasalamat ako sa tulong na ginawa mo sa akin." sagot ko lang at tumayo na ako sa higaan upang umuwi na sa amin.
"Sandali,"
Napatigil ako sa paglalakad nang muli siyang magsalita.
"Alam kong totoong binaril ka, tama? Gusto ko lang malaman na totoo ang nakita ko," seryosong tanong niya.
Tumango lang ako bilang sagor sa kaniya habang nakatalikod at pinihit ko na ang seradura, tuluyan na akong lumabas ng pinto.
"James, ang pangala ko."
Narinig ko pa ang pahabol na sinabi niya sa pangalan niya. Nagmamadali na ang bawat hakbang ko palabas ng hospital. Babayaran kita James, kapag nagkita tayong muli at sa tingin ko magkikita tayong muli.
Pinara ko agad ang taxi na dumaan at sumakay agad dito. Tahimik na nakatanaw lang ako sa labas ng bintana.
"May lahi ka bang bampira?"
Bigla akong napalingon at ngayon ko lang napansin na ang driver nito 'ay magandang lalaki. Matangos rin ang kaniyang ilong gaya ng kay Nigel, ang kulay ng balat rin niya 'ay maputi. Nakasuot siya ng purong itim at nakasumbrero ito.
"H-hindi ko alam ang sinasabi mo, i-baba mo na ako." kinakabahan na bigkas ko.
"Nakita kitang tinamaan ng baril na nangaling sa isa sa mga tauhan ko, ngunit ngayon 'ay parang walang nangyari sa'yo."
Napatitig lang ako sa gray na mata nito at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya.
"Hindi ko rin alam," tanging sagot ko lang pilit na nilalakasan ang loob na nakakaramdam ng kaba.
Hanggang sa huminto na ito na kinagulat ko dahil hindi ko pa naman sinasabi kung saan ang lugar ko. Kusang bumukas ang pinto ng sasakyan at nilingon ko muna siya bago.
"Ruby, hindi ito ang huling pagkikita natin..."
Nang sabihin niya 'yon parang may kung anong bumulong sa isipan ko at naramdaman ko na lang na may dumampi sa pisngi ko.
"Steaven Canley, tandaan mo ang pangala ko na 'yan."
Napukaw akong bigla sa muli niyang pagsalita at paulit-ulit na sinasambit ng isipan ko ang pangalan niya. Lumabas na ako ng taxi at hindi na ako lumingo pa, dumiretso papasok na ako sa eskinita kung saan naroon ang bahay namin.
Pagdating ko sa amin nakita ko agad ang mama ko na nagkakape dahil bukas ang pinto. Sinugod ko ito agad ng yakap na kinagulat niya dahil hindi niya ako napansin dahil mukhang malalim ang kaniyang iniisip.
--------------