App herunterladen
39.28% I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 99: Chances

Kapitel 99: Chances

Laine's Point of View

NILAMPASAN lang namin ni Anton si Nhel na masama ang tingin sa amin.Pain and jealousy was written all over his handsome face.What was that for? He's the first one who broke our promise years ago.

Nang medyo malayo na kami sa kanya ng konti, nagsalita si Anton.

" Baby mauna ka na sa room natin, hintayin mo na lang ako dun."

" Why?"

" Kakausapin ko lang tong ex mo. Mukhang galit talaga, para naman kumalma kahit konti kung magkakausap kayo." bulong nya sa akin. Desidido na sya na magkausap kami ni Nhel.

" Ok be sure na mag-uusap kayo ng maayos, alam mo na, galit yan at medyo nakainom kayo pareho."

" No baby, trust me on this one."

" Okay, I'll go ahead.Ingats hubby!"

He just nodded and kissed me on the side of my head.

Pagdating sa room namin, naligo lang ako at nagsuot ng pajamas.Pinatuyo ko ang buhok ko sa hair blower na nakita ko sa ibabaw ng vanity table habang hinihintay kong bumalik si Anton.

Thirty minutes na ang nakalipas hindi pa rin sya bumabalik.Nag-aalala na ako baka kung saan na napunta ang pakikipag-usap nya kay Nhel.Kaya napag-desisyunan ko na puntahan sya sa labas.

Muntik na akong mauntog sa pinto ng pagpihit ko ay siya namang pagbukas nya para pumasok.Papagalitan ko sana pero laking gulat ko ng mapagmasdan ko ang itsura nya.

" OMG! What happened?!" hilakbot kong turan.Putok ang labi nya,may sugat ang gilid ng kilay at may pasa sa pisngi.At puro buhangin ang damit.

" I tried to talk to him but he punched me.Galit na galit sya.Sorry baby, wala naman akong issue sa kanya pero hindi naman ako papayag na bangasin na lang nya itong gwapo kong mukha ng ganon na lang.Gumanti na rin ako.Hayun nauwi kami sa wrestling sa buhangin.Buti na lang dumating si Pete at naawat kami."

I heaved a deep sigh.Sabi ko na nga ba kaya ako nag-aalala kanina pa.

" Maligo kana hubby para magamot ko yang mga sugat mo." pagtataboy ko sa kanya.Pagpasok nya ng CR saka ko naman inayos ang isusuot nyang damit pantulog.

Ilang minuto lang ang lumipas at palabas na uli sya ng bathroom.Inabot ko sa kanya ang mga damit nya at nagsimula na syang magbihis.

Nang matapos sya ay hinila ko na sya paupo sa kama para gamutin ang kanyang mga sugat.Magpo-protesta sana sya pero sinamaan ko lang sya ng tingin.Ayaw kasi nya ng dinadampian ng alcohol o betadine ang sugat nya.Masakit daw.Ang laking tao, takot pag ginagamot ang sugat nya.

" Ouch naman baby, dahan-dahan lang naman! " reklamo nya.

" O eh sino ba kasi may sabi na magbangasan kayo ng mukha ha?" nayayamot kong tanong.

" Eh sya naman ang nauna. Ang lagay hindi ko dedepensahan ang sarili ko? Ang mabuti pa baby puntahan mo na sya sa room nya at gamutin mo rin ang mga sugat nya.Napuruhan ko yata yung gwapo nyang mukha."

Nag-alala naman ako kay Nhel dahil sa sinabi nya.Kawawa naman. Kaya lang baka hindi ako lalong kausapin nun dahil sa nangyari.

" Ton baka lalo akong hindi kausapin nun." nag-aalala kong turan.

" Laine chance mo na nga ngayon. Siguro naman papayag yon kung sasabihin mong gagamutin mo lang yung mga sugat nya.Then pag pumayag, yun dun mo na kausapin.Pag sinungitan ka,hayaan mo lang.Hindi ka naman nun sasaktan,mahal ka nun."

Napangiti ako sa huling sinabi nya. Para namang siguradong sigurado sya na yun pa rin ang nararamdaman ni Nhel sa akin.Wish ko lang.

I sighed." Umm...okay, if that's what you want.Magpahinga ka na at kung ano man ang mangyari,babalik ako agad."

" Okay baby,matutulog na ako.Dalhin mo na lang yung susi baka mapasarap ang tulog ko,walang magbukas sayo. Napagod din ako dun ah!"

Natawa na lang ako at kinuha na lang ang susi sa ibabaw ng mesa.

Yumakap ako sa kanya at hinalikan naman nya ako sa ulo.

" Ok, good night hubby. Wish me luck ha?"

" Sige baby, cross fingers na nga ako oh." napangiti na lang ako ng itaas nya ang mga daliri nya.

Lumabas na ako dala ang medicine kit ng masiguro kong nakahiga na si Anton para matulog.

Pagdating ko sa harap ng pinto ng room na inookupahan ni Nhel, nagdadalawang isip ako kung kakatok ba ako o babalik na lang sa room namin ni Anton.

Gosh bakit ba kinakabahan ako ng ganito?

Nanginginig ang kamay na naglakas loob akong kumatok.Ilang katok pa ng may marinig akong pag click ng doorknob.

Lord heto na po sya!

Pagkabukas ng pinto, isang bagong paligong Nhel ang bumungad sa akin. Napansin ko kaagad ang malaking sugat nya sa ibabaw ng kilay, putok ang labi at may black eye sa kaliwang mata.

Lokong Anton yun ah,mukhang napuruhan nga nya!

" What?" masungit nyang tanong.

Kaya imbes na kapayapaan ang dala ko sa pagpunta sa kanya ay biglang nairita naman ako sa paraan ng pagtatanong nya.

Kaya ng sagutin ko sya, iba ang lumabas sa bibig ko.

" Bakit naman ganon ang ginawa mo kay Anton? Wala namang issue sayo yung tao! Kung galit ka sa akin wag mo syang idamay."

" Ah, nagpunta ka dito para pagalitan ako kasi nabangasan ko yung  gwapo at yummy mong asawa." may diin pa talaga sa pagbigkas nya ng mga salita.

" Oo at kaya ako nandito para gamutin ka sa damage na ginawa nya dyan sa mukha mo!"

" Wag na lang! Ang bait naman nya para papuntahin ang asawa nya dito gayong ako ang nag-umpisa."

" Precisely, ganon sya kabait kaya ako nandito.Kaya hindi mo sya dapat idinadamay sa galit mo sa akin.So pwede na po ba kitang gamutin sir?"

He heaved a sigh first.." Bahala ka!"

At iniwan na ako sa nakabukas na pinto saka dumiretso ng upo sa kama.

Ang sungit ha!

Sinarado ko ang pinto at sumunod sa kanya.Ibinaba ko ang medicine kit sa side table at inilabas ang mga gagamitin ko sa paglilinis ng mga sugat nya.

Medyo nanginginig ang kamay ko ng marahan kong idampi ang bulak na may alcohol sa sugat nya.

" Ouch! Dahan-dahan naman babe, bakit ba nanginginig yang kamay mo?" napatulala ako hindi dahil sa pagsusungit nya kundi dun sa salitang binanggit nya.

Babe...parang normal lang ng banggitin nya yung endearment nya sa akin. Parang hindi naman nya napansin na nabanggit nya.

" Sorry masakit ba?" nag-aalalang tanong ko.

" Sobrang sakit!"

" Ha?" sambit ko, parang iba naman ang pinatutungkulan nya sa sakit na sinasabi nya.

" Yung sugat na iniwan mo five years ago, lalo lang kumirot ngayong bumalik kana." hindi ako kumibo,tinuloy ko lang yung ginagawa kong paggamot sa mga sugat nya sa mukha.

Hindi na rin sya kumibo at hinayaan na lang nya akong tapusin ko ang ginagawa ko.

Nang matapos na ay iniligpit ko na ang mga gamit sa medicine kit.Nang akmang lalabas na ako ay saka siya nagsalitang muli.

" Bakit bumalik ka pa Laine? Para ba ipamukha lalo sa akin yung ginawa kong pagpapakasal sa iba? Na kung kaya kong gawin ay kaya mo ring gawin?Nangako ka na babalikan mo ako pero hindi mo ginawa dahil nag-asawa ka na rin.Ngayon bumalik ka para isampal sa mukha ko ang katotohanan na wala ng tayo.Naghintay ako Laine. Kahit na nung mabalitaan ko na nag-asawa ka na, naghintay pa rin ako.Umaasa ako na sa kabila ng lahat babalik ka pa rin para tuparin mo ang pangako mo."

Hindi ako kumikibo.Nanatili akong nakatalikod sa kanya dahil nag-uumpisa ng mamuo ang luha sa mga mata ko.Bumabalik na naman kasi sa akin yung sakit ng nakaraan sa mga sinasabi nya.

" Ayokong tumigil sa pag-asam na babalik ka pa kahit pakiramdam ko pagod na ako. Kapag tumigil na ako, tapos na ba? At kung sa huli wala na pala akong hihintayin, makakaya ko ba? Kasi Laine hindi ko kaya na makita yung taong hinihintay ko ay may nagmamay-ari ng iba.Pero ganun talaga, kahit hindi ako tumigil o tumigil man ako, wala na, tapos na.Tinapos mo na nung hindi mo na ako binalikan kaya hindi mo ako masisisi kung magalit man ako.Masakit eh.Sobrang sakit."

Mahabang katahimikan ang namayani sa amin bago ako nagsalita.Kinalma ko muna ang sarili ko at pinunasan ang luha ko ng humarap ako sa kanya.

" Bumalik ako!" bulalas ko pagharap ko sa kanya.

" What?" gulat nyang tanong.

" Oo Nielsen, bumalik ako pagkatapos ng isat kalahating taon matapos kong ayusin ang sarili ko.Pero ano ang dinatnan ko? A picture of a perfect family.Gusto kitang sorpresahin nun sa pagbabalik ko. Handa na akong ayusin noon ang lahat sa atin. Handa na akong bawiin ka kay Marga. Handa sila dad na tulungan tayo sakali mang umabot tayo sa korte para mabawi kita.Pero ako ang nasorpresa mo.Nakita kita na masayang-masaya habang karga mo ang sanggol na pinapaarawan nyo ni Marga.Yun ang eksena na nagpaguho sa paninindigan ko.Ano ba ang sinabi ko sayo bago tayo naghiwalay? Babalikan kita basta't hindi ka gagawa ng dahilan para hindi kita balikan.May anak kayo Nhel, ikaw ang unang sumira sa pangako hindi ako.Ngayon kung mayroon mang Anton sa buhay ko, yun ay dahil sa wala na akong babalikan dito." hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagpatak, sa tuwing mababanggit kasi ang nakaraan,kumikirot ang puso ko.

Nakatulala lang sya na tila ina-absorb ang lahat ng sinabi ko, kaya kinuha ko ang pagkakataon para makaalis na tutal nasabi ko na yung mga dapat kong sabihin.Siguro naman hindi na nya kami aawayin ni Anton ngayong alam na nya ang lahat.Hindi pa pala lahat, bahagi pa lang pala ng katotohanan.Saka na yung iba pag ayos na ang lahat.

Nung akmang pipihitin ko na ang doorknob para lumabas, nagulat na lang ako ng bigla nya akong hilahin at kulungin sa mahigpit na yakap.

" Please stay with me here tonight babe!"


AUTORENGEDANKEN
AIGENMARIE AIGENMARIE

Hala! bakit mo pinag-sstay si Laine, ha Nhel? Ano balak mo ha? Haha.

Thanks for reading!

Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C99
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen