App herunterladen
14.68% I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 37: It's Official

Kapitel 37: It's Official

Laine's Point of View

OMG! Ngayon na ba yung right time? I know I'm asking for it but I didn't expect it this soon.Kinakabahan ako ngayong nandito sya sa harap ko.Hindi ko ma- explain yung feeling habang gulat na gulat naman sya na nakatitig sa akin.

Oh! God how I missed this handsome guy in front of me.

Natauhan lang ako nung magsalita na sya.

" Akala ko ba bukas pa kayo uuwi? Nagulat talaga ako na makita ka dito.

Nakayuko ka kasi kanina kaya hindi ko nalaman agad na ikaw yan." sabi nya.

Hindi pa rin ako makakibo.Gosh! nalulon ko yata dila ko.Kasi naman nagulat talaga ako tapos parang lalong naging gwapo tong kaharap ko eh two months ko lang naman syang hindi nakita.

Dugdug..dugdug...

Ano ba naman tong heart ko ayaw kumalma hindi tuloy ako makapagsalita.

" Uy Laine , natulala kana dyan! anong nangyari sayo?Ganitong sobrang miss na kita gusto na kitang yakapin dyan."

" Ha?" yun lang nasabi ko.

Nagulat na lang ako nung mabilis syang lumapit at niyakap na nga ako ng mahigpit.

" Uy, Nhel hindi naman ako makahinga!" reklamo ko pero kinikilig naman ako.

" Sorry! Sorry! Sobrang miss kaya kita.Hmm.amoy baggage ka na galing US Laine!"

" Sira tsansing kana nga dyan nang-aasar ka pa!"

" Tsansing pala eh bakit nakayakap ka rin sa akin? Hahaha!"

" Hmp! Ewan sayo, tara na ngang umupo nangangalay nako!"

"Hindi nga, bakit nandito na nga kayo?" tanong nya habang inaalalayan akong umupo.

" Ayaw mo nun, nandito nako?

Pero seriously, humabol kasi ako sa enrollment, last day na, kaya nagpa book si mommy ng mas maagang flight.Pinauna nya na akong umuwi dahil babalikan nya pa sila daddy sa Dasma.Maaga pa, kaya dumaan na muna ako dito..May tanong pa po?"

Ngumiti sya bago nagsalita. " Meron pa akong tanong.Na missed nyo po ba ako mahal na prinsesa?"

Naku po! Bakit ganyan yang tanong nya parang ang hirap sagutin.Doble na yata ang tibok ng heart ko.Ang tagal kong hindi sumasagot kaya nainip na yata.

" Bakit nga ba ako nagtatanong pa sayo?Ako lang naman yata yung naka miss.Sa ating dalawa syempre ako lang yung nangungulila at nagmamahal.Asa pa ako na the feeling is mutual."

" Uy, Nhel san naman galing yan ha? Bakit bigla kang naging ma-drama ngayon?

" Sorry naman.Sobrang miss kita tapos yung reaction mo ganyan lang, kanina ka pa tulala lang."

I sigh.So heto na.I will finally give him the answer he would want to hear.Breath in, breath out.Bahala na si Batman!

" Nhel do you really love me?" umpisang tanong ko na kinakabahan.

" Of course Laine, I love you so much, sobra pa sa sobra." mabilis nyang sagot.

" At our age, kaya mo na ba talagang mag handle ng relationship?

" Wait a minute, bakit mo ako tinatanong ng ganyan? Huwag mong sabihing sasagutin mo na ako ngayon, baka mabulabog ko ang lahat ng rebulto dito pag nagkataon."

" Teka lang, wag kang atat sagutin mo muna yung tanong ko kanina."

" Of course Laine, pag nagmamahal ka meaning kaya mo ring panghawakan at protektahan kung ano yung meron kayo.Maaring bata pa tayo pero maagang ipinaramdam sa akin ito, siguro kaya ko ring I- handle ng mabuti ito lalo na kung ikaw yung katuwang ko."

Napangiti ako sa sinabi nya." If ever na maging tayo can you promise me na hindi ako iiyak at masasaktan.?

" Hindi ko maipapangako na hindi ka iiyak at masasaktan dahil kasama yon pag nagmahal ka, hindi ko yun kontrolado.Ang maipapangako ko lang sayo ay mahalin ka,alagaan,irespeto at protektahan.Yun ang kaya kong ibigay sayo ng buong-buo hanggang sa ating pagtanda." sabi nya.

Natuwa ako sa sinabi nya.Seryoso nga talaga sya.Kaya naman magpapasya na ako, kumpleto na rin naman yung signs na hinihingi ko.

Lord, may guidance mo to ha? Ikaw na po bahala.

" Wait lang ha?" at inilabas ko yung notebook na kinasusulatan ng rules at inabot ko sa kanya.

" Ano to? nakangiti nyang tanong.

" Buksan mo at basahin mo."

utos ko.

" Lainel's Relationship Rules

Anong ibig sabihin nito? You mean..."

tumango ako..hindi na nya natapos yung sasabihin nya dahil pinigilan ko agad sya,akma na kasi syang sisigaw na parang nanalo sa lotto.

" Laine ano ba masaya lang ako, can't help it! Hahaha"...

" Uy, Nhel wag kang baliw dyan kaya ko nga dito hiningi yung huling sign ko kasi gusto ko kaharap si God pag nag promise tayo sa isat-isa.Kaya behave ka dyan mamaya kana magwala pwede?"

" Okey! Masaya lang ako,sobrang saya Laine.Ang tagal kong hinintay to.Yes! Thank you Lord." parang batang tuwang tuwa sya.

" Okey kailangang magkasundo tayo sa limang rules na yan.Ginawa ko yan kasi nga bata pa tayo para sa relasyon.So kailangan sundin na lang natin yang mga yan para guide na rin nating dalawa.Okey ba yon Nhel?"

" Sige, pero explain mo isa- isa para mapagkasunduan natin."

" Sige!"

Rule#1: God must be the center of our relationship.

" Kasama natin si God dito.Siya ang gawin nating sentro ng relasyong ito.Kung may pagkakataon we'll attend mass and pray together.Mas magiging strong ang relationship if we put everything in His care.Approve ba yon?"

" Approve na approve" sagot nya.

Rule #2: Don't let our fights lasts overnight.

" Hindi naman maiiwasan ang misunderstanding di ba? Kung sino may kasalanan mag sorry na agad huwag hayaang lubugan ng araw ng hindi nagkakasundo..Okey ba yon?

" Approve!"

Rule#3 : What's yours is mine and mine is yours.

" Meaning, may access tayo sa mga bagay- bagay or problems ng isat-isa at hindi rin issue sa atin ang pera ha? Approve ba yon?

" Okey! Pero pwera pag undies ha? Hehe.

" Heh! Oo naman, subukan mo lang manghiram ng bra sa akin.hahaha"

Rule#4 : I love you three times a day.

" Not literally naman, basta nagkita lang tayo huwag nating kakalimutan sabihin sa isat-isa yon..Okey Nhel?

" Okey Laine, I love you!"

Napangiti ako dun at nag blushed.

" I love you din po."

Ngumiti sya ng maluwang sabay nagsabi ng " yes!".

And lastly Rule#5 : No kisses,or any kind of intimate acts,and no dating without parents permission.

" Walang kiss sa lips ha until I reached the age of 16..Hugs lang na walang malisya at holding hands lang pwede..Maliwanag ba Nhel?"

" Grabe naman yun Laine ang tagal mo pang mag 16.." reklamo nya.

" Nagmamadali Nhel? Kung ayaw mo eh di.." hindi ko na natapos kasi pinigilan nya ako.

" Okey na po! Akina pirmahan na natin." sabi nya na parang masama loob.

" O heto na!" inabot ko sa kanya pagkatapos kong pirmahan.

" Tandaan mo yung date ha? Anniversary natin yan." sabi nya.

" Opo.Susundin natin to ha?At pwede ring mabago o madagdagan in the future." sabi ko.

" Okey! Since hindi pwedeng I sealed yan with a kiss, eh di hug na lang!"

At yun nga, ni-hug nako ng gwapo kong boyfriend..

Ihhh..kakilig.

Ang harot lang Laine!

At 14, I fell in love.Hindi ako sigurado kung ano ang gagawin ko.Sabi nila mahirap.Sabi nila kumplikado, pero ginusto ko ito.Pareho kami.I jumped.We both jumped.Kung ano man ang kahihinatnan wala kaming dapat pagsisihan, dahil nagmahal lang kami.Maaring sa maling panahon pero sigurado kami na sa tamang tao.

Dahil akin sya.Kanya ako.

And now it's official...💗


AUTORENGEDANKEN
AIGENMARIE AIGENMARIE

Aw kakilig, sila na.. ano kaya ang mangyayari sa susunod?Abangan lang po.

Thank you for reading.

Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C37
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen