" Be a good girl Alyanna Maine, " sabi ni Ate Emy sa akin, ang panganay sa mga ate ko.
" Bawal na ang spoiled brat dahil ikaw na ang magiging ate dun at mag- aasikaso sa mga baby brothers natin."
" Oo nga baby", segunda ni ate Sugar ang bunso sa kanila at sinundan ko.
" At maaga kng magma-mature" sabi naman ni ate neris ang pinaka cute sa mga ate ko...
" Ngayon pa lang gusto ko ng umiyak dahil mami- miss ko kayo mga ate ko..simula baby ako kasama ko na kayo!"
Nangingilid sa luha na sabi ko sa kanila.
Lumapit silang tatlo sa akin at niyakap ako ng mahigpit..." Basta baby uuwi ka pa rin dito pag bakasyon ha at pag nasa States na kami , magbabakasyon ka rin dun ha?" sabi ni Ate Emy na naluluha na.
"Of course naman teh" at tuluyan ng bumagsak ang pinipigilan kong luha...
Mahal na mahal ko kasi ang mga ate ko dahil ako ang baby nila nun at super spoiled ako sa kanila lalo na sa dalawa kong kuya., at kahit malaki na ako baby pa rin ang tawag sa akin sa bahay..and I'm sure I will miss them badly....
KINABUKASAN
Maaga pa lang ginising na kami ni mommy para hindi daw kami abutin ng traffic sa daan...
Dalawang kotse ang gamit namin, yung isa kila mom at dad at yung isa na ginagamit naming magkakapatid pag hinahatid kami sa school.Yung driver ni dad na si Mang Gusting ang nag drive sa amin at yung isa ay si mommy ang nag drive....nabanggit ko ba kanina na hindi na nakakalakad si daddy? Na- stroke sya last year, medyo matindi yun kaya hindi na sya nakalakad at si mommy na lang nag- aasikaso ng business nila pero yung mga paper works kaya pa rin ni dad..
At kaya pumayag na rin sya na manirahan na kami sa province ay para na rin sa health nya.Pero sabi naman ng mga doktor nya, may pag-asa pa na makaalis sya sa wheelchair nya basta't regular lang ang theraphy nya.
After a few hours nakarating na rin kami sa bahay nila mommy and definitely magiging bahay na rin namin...
And as I step out of the car, alam ko maraming pagbabago ang magaganap at magsisimula na ang pagbabago ng aking buhay...
" Ok na ba lahat ng gamit mo?"
Bungad ni mommy sa akin habang pinapanood nya akong mag-unpack ng things ko sa bagong room ko.
" I'm almost done , mom".
" So, how do you find your new room?"
" It's nice and quite comfy mom"...
Totoo yun sa loob ko kasi super cute naman talaga nung room parang pinaayos nga muna nila dahil pang kikay ang design., may built in closet sya and bathroom, hindi sya kasinglaki nung room ko sa Manila but it's fine with me, may aircon din naman sya.
"O sige baby, punta lang ako ng palengke para sa stocks natin dito sa bahay at kakausapin ko na rin tita Baby mo para sya na ang mag- aasikaso sa inyo pag nasa work ako."
" Ok mom, ingat po"..
AFTER a couple of hours, natapos din ako sa pag- aayos sa room ko, naisipan kong lumabas ng bahay at nakita ko si daddy na pinapanood ang mga brothers ko na naglalaro sa garden.
" Hi! Dad," bati ko sa kanya sabay yuko ko at yumakap sa likuran nya dahil nakaupo sya sa wheel chair nya.
" Hello,baby!" how's your day?"
" I'm perfectly fine dad, no worries".
" Buti naman anak, sana magustuhan mo rin dito, kasi look at your brothers, I think they like it here."
" Mukha nga po dad, nag- eenjoy nga sila oh"...sabi ko habang tinitignan kong nagkakatuwaan ang mga kapatid ko.
" Huwag po kayong mag- alala mukhang magugustuhan ko rin po dito, konting adjustments lang siguro." dugtong ko pa.
" Salamat anak, alam namin na hindi magiging madali agad sayo dahil nasanay kana sa buhay dun sa Manila pero sa nakikita ko sayo ngayon mukhang ok naman yata na."
" Oo nga po dad, yung lugar lang ang nagbago pero yung luxury and comfort nandun pa rin naman kaya ok naman na, mami- miss ko lang po siguro sila ate at kuya at pati yung mga pinsan ko,sila Elize.
" Masasanay ka rin baby, makikita mo".
" Opo naman,kasama ko naman ang gwapo kong daddy eh".
" Hahaha, binola mo na naman ako."
natawa na lang si daddy sa kapilyahan ko.Sanay na sila sa akin, kumbaga ako kasi yung pinaka makulit sa bahay pero pinaka-malambing sa lahat.
THAT night.,medyo nahirapan akong matulog dahil na rin siguro sa bagong room ko, namamahay ika nga pero alam ko kailangan ko na rin na masanay sa pagbabago, after this summer panibagong adjustments na naman dahil magiging iba na ang school ko, pero ok lang, kakayanin ko dahil kasama ko ang pamilya ko.
With that thought, nakatulog na rin ako after kong umusal ng panalangin ng pasasalamat sa Lord and ask Him to make things easier for me...
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES