HINDI makapaniwala si Lexine sa nakikita. Nakatayo si Night sa tabi ni Lucas. Wala na ang mga itim na ugat sa mukha nito, bumalik na rin sa dati ang mga mata ngunit, bakit nito hinarang ang arrow na dapat ay para kay Lucas?
Alam niya ang sagot pero natatakot siyang tangapin. Parang bigla ay nanigas si Lexine sa kinatatayuan habang mabilis na namuo ang mga luha sa kanyang mata.
Malamig pa sa yelo ang mukha at mata ni Night nang lingunin siya nito. Nagtama ang mga mata nila at pakiramdam ni Lexine ay may matulis na bagay ang tumusok sa puso niya.
Ang mga mata ni Night… bumalik nga ito sa dati pero nawawala ang init at buhay doon.
"Night…"
Tumaas ang sulok ng bibig ni Night at ininspeksyon ang umiilaw na arrow na hawak niya. Mas lalong napangisi ang Tagasundo at dahan-dahang naglakad palapit sa kanila.
"Nice, I didn't know that you know how to use this. You always surprise me," tumigil ito at tumayo ilang dipa ang layo sa kanya.
"What the hell Night! Don't tell me…" hindi makapaniwalang saad ni Miyu sabay napapailing. Nagpabalik-balik ang tingin niya kay Night at Lucas.
"No… this is not happening…" pilit na itinatangi ni Lexine ang nakikita ng mga mata.
"You should all be proud. It's the first time in the history that the king and prince of darkness will fight together," saad ni Lucas.
Hindi na nakapagpigil si Lexine at mabilis na hinakbang ang mga paa, "Night! Gumising ka 'wag kang magpada—"
"Lexine!' napasigaw si Miyu dahil biglang hinagis ni Night kay Lexine ang arrow at buti na lang ay mabilis itong yumuko at nakaiwas. Tumama ang arrow sa pader at malakas na sumabog.
Nanlalaki nang husto ang mata ni Lexine. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Night.
"Ooops! It slipped in my hands," ngumisi ito nang nakakaloko.
"Night! Bakit mo ginagawa 'to?" nababahalang tanong ni Lexine.
Umilaw ang tattoo ni Night sa kanang pulsuhan at lumabas ang espadang si Gula, "He's my father. Do I need to explain why?"
Umiling si Lexine, "Night! Alam kong wala ka lang sa katinuan. Please, labanan mo ang halimaw na kumokontrol sa'yo!"
Tumawa si Night, "Lexine, tangapin mo na kung ano ang nakikita mo. I am the prince of darkness and this is the reason of my existence," naglakad si Night paikot kay Lexine habang nakahanda ang espada sa kamay.
Napatingin si Lexine sa espada nito at bumalik sa mukha ni Night. Wala siyang choice kung hindi itaas ang bow at itutok kay Night.
Sumipol si Night, "Oohh… Fierce… don't you know that you look so hot with that bow?"
Tumalim ang mata ni Lexine habang nakatutok ang arrow head kay Night, nakahanda na ang isang kamay niya habang nakadikit sa kanyang pisngi. Isang maling kilos ni Night ay pakakawalan niya ito.
"Night… please."
Muling ngumisi ang demonyo at sa gulat ni Lexine ay mabilis na tumalon si Night at tumakbo patungo sa kanya.
"Lexine!" sinubukang lumapit ni Miyu pero hinarang siya ng mga demons. Nakita ni Cael ang nangyari at mabilis na sinipa si Winter na nakadagan sa kanya at nagmadaling binuka ang pakpak para pumunta kay Lexine. Pero mabilis na nagtapon ng mga ice needles si Winter at tinamaan sa binti si Cael kaya nahulog siya sa sahig.
"Saan ka pupunta?" sa unang pagkakataon ay nagsalita si Winter at dahan-dahang lumapit kay Cael.
Nakita ni Ansell ang nangyari at dahil mas malapit ang pwesto niya kung kaya hindi na siya nagdalawang isip pa at agad na naglakad patungo kay Lexine. Habang nakahawak ang dalawang kamay sa hand gun at nakatutok sa direksyon ni Night saka pinaputukan ito nang sunod-sunod.
Tumama ang mga bala sa likod at balikat ni Night, agad itong nahinto sa tangkang paghampas ng espada kay Lexine.
Dahan-dahan itong lumingon sa gawi ni Ansell sabay napangisi, "Someone wanted to die first."
Mabilis na humakbang si Night palapit kay Ansell. Hindi tumigil ang huli at sunod-sunod na pinutok ang baril pero tila matigas na bato ang katawan ni Night na hindi iniinda ang mga bala, hanggang sa isang iglap ay nakarating na ito sa harapan ni Ansell at sinakal sa leeg ang huli.
"You're so brave human," nanlilisik ang mga mata ni Night. Tinaas niya ang espada upang saksakin si Ansell pero mabilis na tumama ang arrow ni Lexine sa kamay niya at nabitawan niya si Gula.
"Bitawan mo siya ako ang harapin mo!" matatag sa saad ni Lexine. Hindi niya hahayaan na saktan ni Night ang mga kaibigan niya.
Ngumisi si Night. Binigyan niya nang malakas na suntok sa sikmura si Ansell bago niya ito pinakawalan. Napaupo si Ansell sa sahig at namilipit sa sakit. Nang makalayo si Night ay agad itong dinaluhan ni Miyu at inalalayan.
Dire-diretsong humakbang si Night palapit kay Lexine na hindi binibitawan ang bow at nanatiling nakatutok ang arrow sa kanya.
"Come on Lexine, do it. Kill me…" he provoked her.
Nanginginig ang kamay at darili ni Lexine. Patuloy na naglalakad palapit si Night.
"Fight me, I'm a horrendous demon exisiting in this world. It's your mission to protect the humanity against our kind, aren't you? Go on, kill me!"
Pero hindi magawang bitawan ni Lexine. Isa-isa nang mabilis na nag-unahan pumatak ang mga luha sa kanyang mata. Hirap na hirap ang kalooban ni Lexine at hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. Hindi niya kailanman gustong kalabanin o saktan si Night.
"Paano mo tutuparin ang misyong binigay sa'yo kung mahina ang puso mo? How can you kill my father if you can't kill me, huh? Nephilim."
The way he called her by that name made Lexine's whole body quivered in terror. Konti na lang at makakalapit na si Night sa kanya at patuloy pa rin sa panginginig ang mga daliri niya.
"Kill me Lexine, kill me!" isang iglap ay nakatayo na si Night sa harapan ni Lexine.
Napakadilim ng mga tsokolate nitong mata na walang kahit katiting na buhay. Pilit na hinahanap ni Lexine ang lalaking minamahal niya sapagkat, wala siyang ibang nakikita sa mga sandaling ito kung hindi isang nakakatakot na halimaw sa kanyang harapan.
Nahigit ni Lexine ang hininga nang humakbang pa ng isang beses si Night at dinikit ang leeg nito sa dulo ng arrow head.
"Release it Lexine," he continued to provoked her without breaking their eye-contact.
Labis na ang paghihirap ng kalooban ni Lexine. Nadudurog ang puso niya sa maliit na piraso. Never in her dreams she had imagine the day would come that they need to fight each other. Mahal na mahal niya si Night at pinipilit niyang hawakan ang pag-asa na babalik pa ito sa dati.
"Release it Lexine! Kill me! Kill the monster in front of you! Kill me!!! Kill me!!! Kill me, Lexine!!! Kill me… Kill me!!!!!
Tila may bagay na bigla na lang sumabog sa kalooban ni Lexine at sumigaw siya nang malakas, "Aaaaaahhhh!" kasabay niyon ay pinakawalan niya ang nock sa kanyang daliri. Nagulat ang lahat sa nangyari.
Sumabog ang ilaw ng poste sa kabilang kalsada na siyang tinamaan ng arrow ni Lexine dahil iniwas niya ito. Sa sobrang galit ni Lexine ay isang malakas na sampal ang binigay niya kay Night. Sa sobrang lakas nito napatagalid ang mukha ng prinsipe ng dilim.
Tumaas-baba ang dibdib ni Lexine sa pag-aalab ng damdamin. Iyon lang ang kaya niyang ibigay dito dahil pagbalik-baliktarin man ang mundo ito ang nag-iisang lalaking tinitibok ng kanyang puso at kaluluwa. Ang saktan ito ang huling bagay na gagawin niya.
Saglit na katahimikan ang namagitan sa dalawa bago unti-unting humarap si Night. Hinawakan nito ang gilid ng labi na dumugo dahil sa lakas ng sampal ni Lexine. Napangisi siya at tinigan ito.
"Ikaw lang talaga ang babaeng may lakas ng loob ng sumampal sa akin."
"Tumigil ka na Night. Itigil mo na ang kabaliwan mo," madiin na sabi ni Lexine na hindi kumukurap.
Lalong nagdilim ang mga mata ni Night at masamang sinalubong ang mga mata ni Lexine, nanginginig ang bagang nito.
"Alexis!"mariing sigaw ni Lucas.
Naputol ang mainit na pakikipatagisan ng tingin ng dalawa.
"Tama na ang laro," malamig na sabi ni Lucas. Nagsimula itong humakbang palapit sa kanila.
Nababahala si Cael sa nakikita. Sugatan na siya dahil sa dami nang tinamong ice needles habang hindi siya pinapakawalan ni Winter. Sila Elijah, at ang iba pa ay hindi rin makalapit dahil sa dami ng mga demons na patuloy na sumusugod at humarang sa kanila.
"Give up your hopes Nephilim. Alexis is my son and he will obey whatever I say."
"Hindi totoo 'yan. Hayop ka! Ano'ng ginawa mo kay Night!?" buong pagkamuhing sigaw ni Lexine.
"I did nothing. I just let him understood the true significance of his existence. Don't you still get it? My son is a demon, and you're an angel. Good and evil together as one will never be possible as they are signified to revolt against each other."
Hindi makasagot si Lexine. Nanatili siyang nakatayo at napipi. Masyadong nang masakit ang lahat nang nangyayari ngayon sa harapan niya. Gusto niya pa din panghawakan ang pagmamahalan nila ni Night at ang paniniwala niya na matibay silang dalawa. Ang paninindigan niya na mabuti si Night at hindi ito tuluyang magpapalamon sa kasamaan.
"Night, please… alam ko naririnig mo ako. Alam ko nandyan ka pa. Please lumaban ka para ating dalawa," pakiusap ni Lexine.
Lumingon ang malamig na mukha ni Night, "Tumigil ka na Lexine. The man you loved is no longer here."
Pakiramdam ni Lexine gumuho ang buong mundo niya sa binitawang salita ni Night. Umiling siya nang umiling, "Hindi totoo 'yan, Night, please listen to—" sinubukan niyang hawakan sa braso si Night pero mabilis na hinila ni Night ang braso nito at sa gulat niya ay sinampal siya nito nang malakas. Natumba si Lexine sa sahig at hindi makapaniwala.
Napanganga siya sa sobrang gulat at magkahalong takot. Lumuhod si Night sa kanya at hinablot siya sa buhok, tumingala ang mukha niya habang patuloy sa paglandas ang kanyang mga luha.
"Ganyan ka ba talaga ka desperadang babae ha, Lexine?" dinikit ni Night ang mukha sa kanya sabay umismid, "Baliw na baliw ka ba sa sex natin kaya hindi ka pa maka-move on?"
Tila naputol ang dila ni Lexine at hindi siya makapagsalita. Kung mayroon pang mas liliit sa pulbos… ganoon na ka-durog ang puso niya. Tila paulit-ulit na sinasaksak ang dibdib niya sa labis na kirot.
"Night is gone. Huwag ka nang umasa babalik pa sa dati ang lahat," binitawan siya nito at nasubsob siya sa sahig.
"Let me help you to fully grasp everything, Nephilim. I have a little surprise for you," ngumiti nang nakakakilabot si Lucas.
Mabilis na binalot nang matinding takot ang buong katawan ni Lexine. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bumilis nang husto ang tibok nang kanyang puso na para bang paparating ang pinakamalaking delubyo ng buhay niya.
Pumitik si Lucas at sa isang iglap. Dumating ang dalawang Lethium Demon na may bitbit na lalaki. Nakayuko ito at duguan.
Napanganga si Lexine at nanlamig ang buong katawan niya. Hindi…. Hindi… hindi….
Kaya pa ba? Ano na Night! Naiinis ako sa’yo! How could you do this to Lexine!!!
Besh... the next chapter, naka-ready na ba tissue?? Hinga muna... inhale, exhale hahaha!