NAGMULAT NG MGA mata ni Lexine at una siyang binati ng payapa at asul na kalangitan; malalaki ang mga ulap na kay lambot pagmasdan. Dahan-dahan siyang bumangon. Napalilibutan siya ng makukulay na bulaklak sa gitna ng malawak na lupain na binabalot ng mabeberdeng mga damo. Humahalo ang tamis ng halimuyak ng bulaklak sa sariwang hangin na humahampas sa kanyang mukha. Napakaraming lumilipad na paru-paru sa paligid. Ganoon din ang mga ibon sa langit.
Naglakad-lakad siya hanggang sa makarating sa loob ng masukal na kagubatan at doon natagpuan niya ang iba't ibang uri ng mga hayop gaya ng: rabbit, usa, squirel, unggoy at kung anu-anu pa. Labis ang kanyang tuwa. Ngayon lang siya nakarating sa lugar na `to at parang ayaw na niyang umalis.
Lumipad sa harapan niya ang mga paru-paru. Tila batang hinabol niya ang mga `yon. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na tumakbo basta't dinala siya ng mga paru-paru sa gitna ng kagubatan.
Isang tagong kuweba sa likod ng talon ang natagpuan niya. Sa loob niyon ay tila isang panibagong mundo na mas nakabibighani. Nagkalat ang kakaibang uri ng mga mushroom na naglalabas ng makukulay na liwanag. Napaliligiran ang buong lugar ng kumikinang na tubig. Maririnig ang payapang agos ng tubig kasabay ng mga kulisap at huni ng ibon. Tila isang malaking bunganga ang bukana sa ibabaw ng kuweba. Ngunit ang higit na nakamamangha sa lahat ay ang higanteng puno sa ilalim ng bukana.
Hindi makapaniwala ang mga mata ni Lexine. Tila naging isa siyang langgam dahil sa sobrang laki niyon. Halos mangalay ang kanyang leeg sa pagtingala roon. Kakaiba rin ang kulay ng mga dahon niyon—kulay ginto. Nakasisilaw ang liwanag na bumabalot sa buong puno. Kakaiba sa lahat at walang katulad.
Inikot ni Lexine ang puno at natigilan nang makita ang isang binata na nakatayo at nakatalikod sa kanya. Moreno ang kulay ng balat nito. Kulay mais ang kulot at may kahabaan nitong buhok na hindi umaabot hanggang balikat. Wala rin itong suot na saplot maliban sa puting pantalon. Agaw pansin ang dalawa at pahabang peklat sa gitnang-itaas na bahagi ng malapad nitong likuran. Ano ang peklat na `yun at sino ang lalaking ito?
"Excuse me, anung lugar `to?"
Bahagya lang ang ginawang paglingon ng ulo ng binata dahilan upang maaninag ni Lexine ang matangos nitong ilong at perpektong hugis ng parisukat nitong panga.
"Mag-iingat ka, Alexine. Nagbalik na siya."
Napigil ni Lexine ang hangin sa dibdib. Para siyang hinihele ng malumanay nitong boses. "Sinung nagbalik? What are you talking about?" Kumunot ang kanyang noo. "Who are you?"
Wala siyang nakuhang sagot mula sa misteryosong binata. Hindi na siya makapagtimpi pa at humakbang palapit dito. Inabot niya ang balikat nito at nang sandaling dumikit ang palad niya sa balat ng binata ay bigla na lang itong naglaho at sumabog sa harapan niya ang mga puting balahibo ng ibon.
***
BUMUKAS ang mga mata si Lexine kasabay ang mabilis na paghahabol ng kanyang hininga. Napabalikwas siya ng bangon. Pumapasok nang sikat ng araw mula sa balcony ng kanyang silid. Unti-unting lumuwag ang dibdib niya. Isang panaginip lang pala.
Wala sa sariling inangat niya ang kamay. Nanlaki ang mata niya nang makita ang isang bagay at agad itong binitiwan. Dahan-dahang bumaba ang bagay na tila nakikipagsayaw sa hangin hanggang sa lumapag iyon sa ibabaw ng comforter. Nanikip nang husto ang dibdib ni Lexine habang pinagmamasdan ang bagay sa kanyang harapan.
Iyon ang balahibo sa kanyang panaginip.
Ooooh. Sino naman kaya ang misteryosong lalaki sa kanyang panaginip?
Any guess? Pa-rate po ng chapter! Thank you!