@International_Pen
((( SENA )))
Agad ako napalingon sa pinto ng silid namin ng narinig kong bumukas ito. Si Sean. Naglakad ako papunta sa kanya.
Pero bago pa man ako makapagsalita.
"We will going to visit the Spoiled Brat."
Napangiti na lamang ako. Di ko na pala kailangan mamilit.
Kaya within in 20 minutes, ready na ako… at sabay kaming bumaba ni Sean, tipong nagmamadali na parang may isinugod sa hospital.
"Careful…" na muntik na akong madulas, ngunit mabuti na lamang mabilis na kumilos si Sean, para saluhin ako. Maulan pa kasi… at madulas ang sahig dahil sa nakakapasok na hamog ng ulan.
Sumalubong sa amin si George…
"Master Sean, malakas ang ulan at hangin para gumamit ng chopper ngayon. Kaya inihanda na naman yung sasakyan."
"Good."