@International_Pen
((( SENA )))
Masakit na ang ulo ko… ang dami ko nang nainom na Juice kahit gusto na akong upakan ni Sean. Tinititigan niya ako na parang may nakakalimutan ko ang situation ko. Opo, buntis ako… kaya nga di ko iniinda ang hilo ko dahil alam ko pagdadalang Tao ko ito. Hangang sa feeling ko nga wala ng problema, okey na kami ng mga kaklase ko… Umagang umaga, ayos kami no? Nagsi-inuman.
Napabulong ako kay Sean.
"Wala ka bang pasok Sean?" tanong ko na lang na para na akong lanta sa ibabaw ng mesa yung ulo ko. Kanya-kanya na kasi ang mga asungot kanta sa karaoke na sa ilalim ng tirik ng araw, may gana talaga sila.
"I told you na wag ka nang iinom ng inumin na yun."
"Kulang pa nga sa akin Sean… ubos na. Bitin kami ni Baby. Pagawa ka ulit kay Aljace… Dali na…"
"Mamaya uuwi na tayo."
"Tsk! Kanina nangyaya na akong umuwi pero ayaw mo. Ano ka ba Sean, sarap mong pektusan eh."
"Pektusan?"