@International_Pen
((( SENA )))
Di ako makapaniwala sa nakikita ko sa salamin. At lalong napatunayan ko na may lahing Sean din si Elaine. Naalala ko yung suot ko noong… ewan nililibugan ata si Sean noon eh!
"Lalabas ako ng ganito?" tanong ko na lamang kay Elaine, na pareho nga ang suot naming dalawa. At kampante siyang napatango.
"Yan ang uso ngayon, at di tayo paghahalataan na binuntis ka ng isang Madrid at dumadaloy ang dugo ng madrid sa akin. Diba, parang higschooler lang.
Di naman masama… kaya lang talagang maikli… buti na lang napapayag ko siya na magsuot ako ng Jacket. Saka niya ako masayang hinila palabas sa silid. Heto ba ang sinasabi niyang Balik Alindog Challenge? Yoko na.
Nang madaanan namin si Luis, na may kinakausap sa Telephono at ng makita ako. Nabitawan niya yung telephono. Gusto ko nang maglaho na lang. Di siya makapagsalita, kaya nagulat na lamang ako ng… kunwari sinalo ni Elaine yung laway niya…
"Kuya, ang laway."