@International_Pen
((( SEAN )))
Nakatayo ako sa bintana na hinihintay bumaba si Sena. Kunti na lang at ako na talaga ang susugod sa kanya.
Nang tumayo ang batang secretarya ko… at sinabi ni George na susunduin na nito si Sena.
Naupo na ako sa kabesera ng mesa. Naghihintay na muling bumukas ang pinto na kasama na si Sena. Nakahanda na ang papel na siyang pipirmahan namin pareho. Nang bumukas ang pinto… si Butler Nazi. Siyang ikinadismaya ko. Inilapag niya yung isang set ng Tsaa… Napapikit ako… at sa muli kong pabukas ng mata ko… inilapag ni Butler Nazi ang tasa ng tsaa sa harapan ko.
Napahigop na lamang ako… ngunit di ko pa nga nailulunok ang ininom ko… halos maibuga ko yun… dahil kay Sena. Sa suot niya… na parang disperada atang… lumuksa ngayon. Inabot sa akin ni Butler Nazi ang table Napkin na siyang asar kong ipinagsak sa mesa.
"Anong kinain mo ngayon?!" Di ko alam kung bakit yun ang naitanong ko sa kanya.