@ International_Pen
((( SENA )))
Kung pagdating sa Pag-arte Sean, wag kang mag-alala sa akin. Kering kere ko yan. Pero bakit naman kami Aarte ni Sean sa harapan ni Luis? Yun nga, para may confidence itong si Sean na di ako papayag sa gustong mangyari ni Luis, para na akong tukong nakayakap sa braso niya. Hahaha, naalala ko yung Chelsea na yun, sarap kurutin sa singit ang lalaking to. Hayaan pa naman na landiin siya ng babaing yun.
Haist.
Naamoy ko, nagseselos si Sean kay Luis. Kala naman niya magpapahila ako. Wag nga lang… siya yung dahilan na itulak niya ako kay Luis. Very bad yun Sean… wag na wag.
Ngunit ng makarating kami sa mesa…
Laging umiikot sa isipan kong tanong… Anong nangyari sa hinahangaan kong si Boss Luis.
Napakaway na lamang ako na wala man lang akong masabi.