App herunterladen
81.25% Carving History / Chapter 13: Kabanata Labing-Isa

Kapitel 13: Kabanata Labing-Isa

"I still don't know, Tzu En. Ma ma told me I'll have my senior high here." I told Tzu En on the other line.

Malapit na ang pasukan dito sa Banton. I'm quite nervous kasi sabi ni Philia mayroong Filipino subject. 'Di ko pa kailanman na-encounter 'yon. I never even thought I'll have my school here.

"I see... you'll meet different people. I hope they'll be good at you."

I sighed. I will be having a hard time to adjust. Sana lang ay makakaya ko. Tutulungan umano ako ni Philia. Siya na raw ang bahala sa 'kin. Grade 12 na siya sa susunod while Grade 11 ako.

"I'm a little nervous," I chuckled. "But I hope I can make it. There will be other subjects I'm not familiar with."

He sighed on the other line. Halatang nahihirapan siya.

"If only you're here..." mahina niyang sabi, enough for me to hear it.

"What about you? Your next school?"

'Di naman siguro siya puwede sa Beijing or Shanghai. Paano pag-aaral niya?

"Home study," tipid niyang sagot. "Papa will hire me tutors."

"Ah, well that's good. At least you won't be left behind."

"Yeah," his voice was hoarse. "But I still wish to study with you. You know... we've been studying together."

"Yeah," I smiled bitterly kahit 'di niya kita iyon. "But when things get better, I'm sure I'll be back in China. Just not now because we're both in trouble."

"Big trouble," sarkastiko siyang tumawa. "I wish I was never a Huang... or we don't have a big business here so we can still live like an ordinary people."

I remained quite. I was thinking na kung 'di siya Huang, probably we live in different dimension. Baka nga 'di ko siya kilala. Baka 'di ko siya kaibigan.

"If you're not Huang Tzu En, maybe we're both strangers," sabi ko. "Things happened for a reason. They have purpose in our lives. We maybe don't understand it now but we'll eventually do. Hold on, Tzu En. I maybe far from you but it doesn't mean we're miles away. You're always in my heart and my mind so please, don't give up. Okay?"

Hinintay ko ang sagot niya but only a sob from other line ang narinig ko. Mas lalo akong nasaktan kasi wala ako sa tabi niya. Kung nandoon lang sana ako, baka niyakap ko na siya. Baka 'di siya umiiyak ngayon.

"Xiexie, Lian Wan," aniya. "You make me strong. You take care of yourself, too. Okay?"

"I will, Tzu En." I said with a smile.

Matapos naming mag-usap ay lumabas na ako ng kwarto. Naghilamos ako at suminga dahil naiyak ako kanina habang kausap si Tzu En. Mabuti nalang at walang nakakaalam. Wala si ma ma ngayon dahil may inaasikaso sa Manila. Si Philia naman, 'di ko alam kung nasaan. Si Lola Tharri, baka nasa kwarto niya at si Tito Ismaelito, lumuwas na naman ng Maynila.

Naligo ako at nagbihis ng pambahay na damit. Pagkatapos noon ay lumabas ako ng bahay. Tumambay ako sa kubo kahit na sikat na sikat ang araw.

"Hey, Sol!" Rinig kong tawag sa 'kin ng sinoman. Hinanap ko ang may-ari ng boses at napagtantong tumatakbo si Kuya Gilau papunta sa 'kin. He's wearing his usual sando top, jersey shorts at tsinelas.

"Kuya!" Tawag ko. Pumasok siya sa loob ng kubo habang pinapanood ko naman siya.

"'Di ba you want to learn carvings? I'm free today."

"Really, kuya?" I smiled widely. May nabuhay sa aking kalooban. Matagal ko na 'tong hinihintay!

"Oo naman," humalakhak siya. His voice was sweet. "Tara, ano?" He jerked up. Ngumisi naman ako at tumango.

Tinahak namin ang daan papunta sa kanilang pagawaan. At habang naglalakad kami at nagtatawanan, I realized I badly missed being with Kuya Gilau. Kasi puro nalang si Ate Marianne saka ilang taon din akong 'di nakakabisita rito.

"Dito ka na mag-aaral?" Tanong niya, sounded surprised.

"'Yon ang sinabi sa 'kin ni ma ma, kuya. Saka same school lang daw kami ni Philia."

"Sa Banton National?" Pagkaklaro niya. Tumango naman ako. 'Yon ang alam kong school na papasukan ko sa susunod dahil doon nag-aaral si Philia.

"Doon ka rin ba nag-aral, kuya?" I asked. Sakto namang nasa bulwagan na kami ng pagawaan.

"Oo. Doon ko rin nakilala si Ate Marianne mo. Naging classmates kami."

"Ahh," tumango ako. Naisip ko lang na bakit sa tagal naming pagiging magkaklase ni Tzu En ay wala man lang akong espesyal na naramdaman para sa kanya. Or baka nga talaga kaibigan lang ang turing ko sa kanya.

"Marianne's a nice girl. Makuwela,"

I was looking straight at his eyes. May kakaibang lilim ito. It danced with so much adoration. Masasabi kong mahal na mahal niya talaga si Ate Marianne. At kung ganoon, ang swerte naman ng babaeng 'yon.

"Tara," aya niya. Hinawakan niya ang kamay ko at pumasok kami sa loob.

The familiar woody scent captured my nostrils. This has been my favorite place back when I was just a kid. And I think hanggang ngayon.

Binitawan ni Kuya Gilau ang kamay ko at may kinuha siyang piece of wood. Kumuha rin siya ng pamilyar na V chisel at lapis.

"You can outline your work first, Sol. It's a first step and will be your guide in woodcarving."

"Okay, kuya," I replied. Tinanggap ko 'yong lapis at kahoy. I hummed as I was thinking what should I draw or what I want to carve. Puwede na bulaklak? Mas madali lang siguro 'yon.

"Ano ba ang iguguhit mo?" Kuya Gilau asked, knocking me off from my trance. Nilingon ko siya at ang kanyang malalim na caramel brown eyes ang sumalubong sa akin. His bushy eyebrows were perfectly fine and his plump lips were in a shade of red. He has a chiseled jaw with stubbles on it. Maskuladong maskulado at unang tingin pa lang sa kanya, mature na siya.

"'Di ko alam, kuya. Ano kaya ang maganda?" I asked back. Wala akong maisip na mas madali bukod sa flowers with five petals. Okay na siguro 'yon?

"Since you're just a beginner, try the flowers." He suggested. "Kahit anong bulaklak. If you want... three, four or five petals."

"Okay, kuya," sagot ko. Itinuon ko ang atensyon ko sa kahoy.

Three, four, five? Four nalang kaya para balanced?

So I ended up having a flower with four petals. Mas madali na 'yon at nagsisimula pa naman ako. Mabuti at marunong naman ako gumuhit kaya 'di na mahirap para sa 'kin ang parteng iyon.

Matapos kong iguhit ang bulaklak ay pinakita ko 'yon kay Kuya Gilau. Ngumiti lang siya saka kumuha ng isa pang board. Baka iyon ang gagamitin niya sa pagdemonstrate.

"Then, we'll proceed to the real process," he announced. Tuwang tuwa ang puso ko. Finally!

Lumipat siya sa tabi ko. Nasa kaliwang banda ko siya kaya kailangan ko pang bumaling sa left side ko just to see him.

"This is the way to use the wood chisel, Sol," panimula niya. Kagaya ng turo sa 'kin ni Lola Tharri, ang isang kamay ay sa handle nakahawak at ang isa naman ay sa bakal. "But before that, I will name all the parts of this tool para mas mapapadali ang paggamit and you'll also know their uses."

I was nervous and excited at the same time. Si Lola Tharri kasi ay 'di naituro sa 'kin ang exact name parts ng kanyang V chisel.

"This one is the handle," he started, referring to the wood part of the tool. "Basically, ito 'yong hahawakan mo while using this tool."

Kinuha ko 'yong isa pang wood chisel. Pinasadahan ko ng daliri iyong tinutukoy niyang handle. It was smooth and shiny.

"Ito naman ay neck..." tinuro niya sa 'kin ung slim part, it's between the blade and the handle. "Minsan naman ay shaft ang tawag sa kanya. It bridges the gap between the blade and the handle."

Nakikinig ako sa kanya while I am observing the parts of the wood chisel. 'Di na rin mahirap intindihin. 'Di rin naman mahirap ang pangalan.

"Ito naman ay ang cutting edge," tukoy niya sa pinakadulo ng blade. "There are at least two types of edges: straight and bevelled. Ang straight, literal siyang straight edge. It's good for paring jobs and finishing joints with 90° angles. While the bevelled one," umalis siya sa tabi ko at tinungo ang lagayan ng mga gamit. Dalawa ang kinuha niyang tools saka siya bumalik ulit sa tabi ko. "Bevelled means the edges have been ground down to a specific angle. If you'll enrol to this kind of study, you'll probably realize my definitions are from modules." Ngumisi siya. Saglit akong napatunganga saka tumawa nang naintindihan ko ang sinabi niya.

"It's fine, Kuya Gilau," I said between a laugh. "I understand naman. Thanks for the effort."

"Ang hirap kasing i-explain sa tagalog kasi baka 'di mo maintindihan." Paliwanag niya saka bumungisngis. Umiling nalang ako habang nangingiti. I appreciate his efforts.

He continued discussing the parts of the wood chisel. English definitions and aniya'y galing talaga 'yon sa libro. Nahihirapan daw siyang mag explain sa tagalog kasi baka 'di ko maintindihan kaya 'yong alam niyang definition sa english ay 'yon ang sinabi niya.

I was having a good time with Kuya Gilau when Philia called me. Dumating siya sa pagawaan para lang sunduin ako. Kakain na raw kami. 'Di ko namalayang tanghali na at oras na para kumain. Nalibang kasi ako sa tinuturo ni Kuya Gilau. Isa pa, sinisingitan niya ng kung ano anong kwento 'yon para daw talaga maintindihan ko. Kaya 'yong mismong paggamit ng wood chisel ay 'di pa namin nasisimulan.

"Si Lola Tharri pala magaling din sa woodcarve," sabi ko kay Philia while we were heading back to our house.

"Oo, Sol. Pinsan kasi ni Lolo Jacob si Lolo Pablo. E magagaling sila sa ganyan kaya natuto na rin si Lola Tharri."

"Ah, ganun ba?" Tanging sagot ko.

Bumalik na kami sa bahay at nakahain na ang mga pagkain. Kaming tatlo lang dito dahil wala si ma ma at si Tito Ismaelito. Namiss ko bigla si ma ma. Sanay na sanay akong lagi ko siyang nakikita.

"Kain na tayo, mga apo. Baka mamayang gabi pa ang uwi ng mga magulang niyo." Ani Lola Tharri. Tahimik naman kaming umupo ni Philia sa harap ng matanda.

"La," tawag bigla ni Philia. Pareho kami ni lola na bumaling sa kanya. "May bago daw pong pump boat ang pamilyang Fegalan. Malaki laki rin 'to."

"'Yon ang balita sa 'kin ng Papa mo, Philia. Alam mo naman ang pamilyang 'yan. Makapangyarihan."

Nakikinig lang ako sa kanila. Wala akong alam sa pinag-uusapan nila. Ni hindi ko kilala ang pamilyang Fegalan. Sino ba sila?

"Magkaklase pa rin ba kayo sa susunod ni Loi?" Tanong ni lola habang nagsasandok ng kanina. Tumayo ako para kunin ang lagayan ng kanin at magsandok din ng sa akin.

"Oo, La. Nakakasawa na nga e. Tanang buhay ko sa Banton National ay kaklase ko siya."

"Sino ba 'yon, Philia?" Tanong ko. Wala naman siyang nababanggit na Loi sa 'kin. 'Di siya nagkukwento tungkol sa mga taong nakakasalamuha niya.

"Anak ng Vice Mayor dito." Sagot niya. "Unfortunately, lagi kong kaklase. Kulang nalang iisipin kong may gusto sa 'kin 'yon kasi lagi akong kinukulit at sinusundan."

"E?" Bulalas ko. "Isn't he creepy?"

Natawa si Philia sa tanong ko. Nang bumaling ako kay Lola Tharri, nangingiti rin siya. Napaisip tuloy ako kung anong mali sa tanong ko.

"Sabi mo pa," pagmamayabang ni Philia. "Well, 'di siya guwapo ha? Astig lang kasi maporma. Matangkad. 'Di na rin masama ang kulay ng balat. Mayaman 'yon, siyempre. Mabarkada."

"Do you like him?" I asked immediately. Saglit siyang napatunganga sa tanong ko at kaagad ding nakabawi dahil tumawa siya nang malakas.

"Ako? Ako talaga gusto ko 'yon? Never," she made a facial expression na parang nandidiri. "Bulok na sa 'kin 'yon, Sol. And I can swear that he's not my type. Eww." She grimaced exaggerately at pinagpatuloy ang pagkain. While me, still puzzled.

Pangit ba si Loi? Bakit parang diring diri naman 'tong si Philia sa kanya?

Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko kahit pa maraming bagay ang gumagambala sa isip ko. Parang gusto kong makilala si Loi para masabi ko kung pangit ba siya o puwede na. Kasi kung pagbabasehan ko ang reaksyon ni Philia nang tinanong ko siya, pangit si Loi. 'Yong maraming pimples, payat at ano pa man.

Nang matapos ang pagkain namin ay si Philia ang naghugas ng mga pinagkainan. Tumulong naman ako pero sa pagliligpit lang. Sinanay kasi ni Lola Tharri si Philia sa gawaing bahay kaya kumukusa na siya. 'Di na kailangang utusan.

Pagkatapos ni Philia sa gawaing bahay ay nagpaalam siya kay Lola Tharri na gagala muna. 'Di naman tutol si lola pero 'di rin naman sinabi sa 'kin kung saan pupunta ang pinsan ko. Baka makikipagkulitan sa iba niyang mga kaibigan?

I stayed inside my room, all alone. Nandito ang cellphone ni Mama and I was thinking of calling Tzu En but I ended up lying on my bed. I was tired. My mind was. And my body was draining fast kaya napagdesisyunan kong matulog na muna. I wish I'll wake up seeing ma ma by my side. I miss her already.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C13
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen