App herunterladen
50% Carving History / Chapter 8: Kabanata Anim

Kapitel 8: Kabanata Anim

"He did that, sweety?" 'Di makapaniwalang tanong ni ma ma.

I told her the whole story. She was somehow disappointed but she can't blame me. Ayaw naman niya kasing tumutol sa gusto ni ba ba. Kaya nagawa kong gamitin si Tzu En. But Tzu En can just reject me pero pumayag siyang gamitin ko siya. Naguguluhan na ako.

"Yes, Ma. But I... I know it was a bad idea but hindi siya tumutol."

Natahimik si ma ma, mukhang nag-iisip. I suddenly wondered what's on her mind now. Is she disappointed?

"Maybe he just wants to help you, sweety. Tzu En is a nice boy."

"I know, Ma. I even like him but I just don't understand why ba ba keeps on pushing me to Tzu En. Ayaw niya akong makipagkaibigan sa ibang lalaki. What if he'll know about Kuya Gilau and Kuya Saturnine? Will he get mad? Ba ba will probably hurt me."

Natatakot ako na dumating 'yong araw na sasaktan ako ni ba ba physically. I know he has the potential to.

Hinawi ni ma ma ang buhok ko. She looked worried. Niyakap niya lang ako at 'di na muli nagsalita.

It was the end of our school dahil summer na. At kagaya ng ipinangako ni Tzu En sa akin, siya ang magpapaalam para makauwi ako ng Pinas. Isa pa, naisip kong maganda na rin 'yong bagong paligid naman ang titirhan ni Tzu En. 'Di 'yong puro China lang. He should experience Philippines, too.

"Thank you so much, Tzu En." Sabi ko sa instik na wika. I kissed his left cheek and smiled at him, making his face flush in red. "You know you've been a good friend of mine. I don't know how to pay you enough but I've been so thankful that you came into my life."

Tzu En just smiled at me and kissed me in the forehead. He's now taller than me. Dati ay magkasingtangkad lang kami.

"Wo xihuan ni, Lian Wan. I will do everything to make you happy." (I like you)

I smiled at him. I actually like him but I know we're still to young for this feeling. Let's just be comfortable enough with each other. Mahaba pa ang panahon. Marami pang mangyayari kaya ayokong magmadali. He might grow up loving someone else rather than with me.

"Let's go?" Aya ko. Ngumiti lang siya, revealing his perfect white teeth.

Napapayag namin si Mr. Huang at ba ba. Alam kong tutol si ba ba but he had no choice but to let us. Si Tzu En naman ang kasama ko at sasama rin naman si ma ma sa amin. Siya ang magbabantay.

Pagdating namin sa airport ng NAIA ay sumakay ulit kami ng eroplano papuntang Romblon. Lagi kong nasa tabi si Tzu En na tahimik lang na nagmamasid sa paligid. Natutuwa ako sa kanya dahil kahit papaano'y may bago siyang mararanasan sa buhay. He'll meet Philia too. Sigurado akong magkakasundo sila.

"Welcome to the Romblon!" Bati ko kay Tzu En. Natawa si ma ma while Tzu En smiled sweetly. He's so adorable. "You know there are lots of Filipino dishes you should try, Tzu En. I'm sure you'll love them." I wiggled my brows at them.

Pinasok na sa loob ng sasakyan ang mga gamit namin. Sumunod naman kami. Magkatabi ulit kami ni Tzu En while ma ma was sitting near the door.

Natulog muna si Tzu En habang nasa biyahe while I was wide awake. I was spotting any difference from what I saw two years ago. Mukha namang walang nagbago. Ganoon pa rin ang lugar.

Pagdating namin sa tamang lugar ay mahina kong tinapik ang kamay ni Tzu En. Nagising siya at ako kaagad ang hinanap. I smiled to him and told him we're home. Nagkusot siya ng mata and turned to ma ma.

"We're here, sweety," ma ma told Tzu En then she turned to me. "You should accompany him, Solaire. Keep him safe, okay?"

"Yes, Ma." I replied. "Tzu En, let's go." I held his hand. Medyo nagulat pa siya but I just smiled at him.

Nauna na ang mga gamit namin, sumunod naman doon si ma ma habang ako ay nanatili sa tabi ni Tzu En. Mukhang 'di sanay sa magubat na lugar dahil sa itsura niya ngayon, he was suspecting the entire place with his horrified face. Gusto kong matawa pero nakakaawa naman kung gagawin ko 'yon. Ako pa naman ang dahilan kung bakit nandito siya sa teritoryo ko.

"It's okay, Tzu En. This is a safe place, I promise." I assured him. He looked straight at me and his throat moved. Mukhang kabado kaya hinawakan ko ulit ang kamay niya. "I'm here. I won't leave you."

"Is there any snake here?" Takot niyang tanong.

"Maybe?" I shrugged. "But don't worry because I've been living here and nothing happened to me. Besides, the sun is still up. We can go straight to the house without any problem."

Magubat man ang lugar, alam kong ligtas pa rin kami dahil bukod sa wala akong nababalitang may ahas dito, may araw naman para maggabay sa amin papunta ng bahay. Isa pa, sanay na ako rito kaya kabisado ko na ang daan at mga pasikot sikot na lugar.

Magkahawak kamay kaming naglalakad. I assured him na walang masamang mangyayari sa kanya dahil ako ang malalagot kay Mr. Huang. Isa pa, nagpadala ng dalawang tauhan ang Papa niya para magbantay sa amin. Mahal na mahal kasi masyado si Tzu En ng pamilya kaya alagang alaga.

"Nasaan si Solaire?" Rinig kong boses ni Philia. My heart celebrated upon hearing her voice. Halos dalawang taon kaming 'di nagkita ni nagkausap man lang. Wala kasing telepono rito at isa pa, nasa China ako. 'Di rin ako puwedeng magkaroon ng kahit na anong koneksyon dito sa Pinas. Sobrang higpit ni ba ba.

"I'm here!" Sigaw ko. Hinanap kaagad ako ni Philia at nang nakita niya ako'y lumawak ang ngiti sa mukha. She ran towards me with so much excitement. Niyakap niya ako pero nanatili akong nakahawak kay Tzu En.

"Ugh! I hate you! 'Di ka nagparamdam sa 'min ng dalawang summer!" Pagmamaktol niya. Tumawa naman ako saka nilingon si Tzu En na ngayo'y tahimik lang na nanonood sa amin.

"By the way, this Tzu En, a good friend of mine." Pakilala ko sa kanya. Namula naman ang mukha ni Philia. Siguro nahiya siya dahil 'di siya sanay makakita ng pure instik.

"Oh, hi!" Philia finally greeted. Binitawan ko si Tzu En para makipagkamayan kay Philia. "I'm Philia, Solaire's second cousin. Nice to meet you and welcome to my territory!"

"Solaire?" Pag-uulit ni Tzu En. Pinagsalubungan naman siya ng kilay ni Philia.

"They usually call me 'Solaire' here, Tzu En." Sabi ko sa lalaki. "But in China, my name is Lian Wan."

"Oh, I see..." tumango si Tzu En. Nakuha niya kaagad ang punto ko. He's smart. "I didn't know about that."

"Because her father will get mad if he'll find out his daughter is using other name rather than Lian Wan," Philia butted in. Isa pa 'to. Mukhang gustong makipag-away kay Tzu En.

"Okay," Tzu En nodded. Si Philia naman ay bumaling sa 'kin.

"Ganyan ba talaga 'yan?" She asked in furrowed brows.

"What do you mean?" I asked back. Ako lang naman ang slow sa aming tatlo.

"Aish!" She groaned and I chuckled at her reaction. "Let's go inside. Lola Tharri is waiting for the two of you."

"Okay!" I smiled at her. I turned to Tzu En and held his hand again. "You okay?"

"Yes," tipid niyang sagot. Tumango ulit ako saka siya hinila papasok ng bahay.

Pagpasok namin ay may nakahaing pagkain. Binitawan ko si Tzu En para makapagmano kay Tito Teodoro at Lola Tharri.

"Aba mabuti at nakauwi ka ngayon, Solaire?" Komento ni Lola Tharri. Ngumiti naman ako. Napansin niya si Tzu En na ngayo'y tahimik lang na nakaupo sa kahoy na upuan. "Sino naman 'yan, apo?"

"Kaibigan ko, La." Sagot ko at bumaling kay Tzu En. "Tzu En, come here!"

Nahihiyang lumapit si Tzu En sa akin. I somehow regret of bringing him here. Mukhang 'di sanay sa ganitong lugar. Sosyal kasi sa kanila tapos biglang naging payak na bahay ang madadatnan niya rito. Napaisip ako bigla kung ano ang inasahan niya rito. Baka akala niya'y mala palasyo ang lugar dito at mga emperor at empress ang mga naninirahan.

"Tzu En, this is Lola Tharri, Lola Tharri, this is Tzu En."

"Hello, Lola Tharri," nahihiyang bati ni Tzu En. Humalakhak naman si lola. Natutuwa siguro sa kaibigan ko.

"Oh, Tzu En. You're so adorable."

"Xiexie," Tzu en bowed a little.

"Baka gutom na 'yan, Solaire. Pakainin mo na."

"Sige, La. Aayusin lang namin ang gamit niya."

"Sige, apo. Baka 'di 'yan sanay sa 'di malambot na kama."

"Ewan ko lang, La. I will ask ma ma."

Pumasok kami ni Tzu En sa loob ng kwarto. Nadatnan namin si ma ma na nag-aayos ng mga gamit namin.

"Ayos lang kaya si Tzu En dito, Ma?" I asked ma ma. Tumigil siya sa pagliligpit ng gamit para harapin ako.

"Maybe, Solaire. But don't worry, I already asked your Tito Arthur to send me a bed here. Doon nalang matutulog si Tzu En."

"Thank you, ma ma." I smiled at her. Ngumiti siya pabalik saka pinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit.

I turned to Tzu En na mukhang inaantok. Namamasa at namumula ang kanyang mata. Kagagaling lang sa paghikab.

"I don't know if you'll be comfortable here but don't worry, we'll do our best to accommodate you here."

"It's fine, Lian Wan. Can I rest for awhile?"

"Yeah, sure," I nodded and he gave me a small smile then I turned to ma ma. "Inaantok daw siya, Ma. Maybe we can open the windows and let him sleep in my bed first while we're waiting for the arrival of the mattress."

"Sure, sweety. Come here, Tzu En. Feel comfortable to sleep here. It's just for a mean time. We'll wait for your bed."

"Xiexie, Ayi Kenya." (Thanks, Aunt Kenya.)

"You're always welcome, Tzu En. Now, you go to sleep. Just call me if you need something, okay?"

"Shirh, Ayi." (Yes, Auntie.)

Umalis na kami ni ma ma para 'di maistorbo si Tzu En. Mabuti at mahangin ang paligid, presko at masarap matulog. Sure akong mahimbing ang tulog ni Tzu En kung 'di siya mamamahay.

Nakipaglaro muna ako kay Philia while ma ma was waiting for the bed mattress. Pumunta kami sa baybayin dahil namiss ko ang puting buhangin roon.

"Bakit 'di ka umuwi last two summers?" Biglang tanong ni Philia while digging the sand. Naghahanap ng talangka.

"Ba ba didn't allow me to. Umiyak nga ako, e."

"Bakit naman 'di ka pinayagan?" Pinagsalubungan niya ako ng kilay. "Grabe naman kahigpit ang Papa mo. Parang kailan lang siya na mismo ang nagpauwi sa 'yo rito."

"I don't know," I shrugged and looked away. Inabala ko ang sarili ko sa paghuhukay ng buhangin. "'Di naman kasi tumutol si ma ma. Hinayaan niyang kontrolin ako ni ba ba."

Tumahimik kaming dalawa, walang nangahas na magsalita. Mas mainam na rin 'yon para makapag-isip kami nang maayos o magkaroon ng kapayapaan sa utak.

"Mabuti nalang at nakauwi ka ngayon. Nagdala ka pa ng kalahi mo."

I chuckled. "Ang sama ko nga, e." I smiled bitterly.

Mali talaga na gamitin ko si Tzu En para lang makauwi ulit dito. But I have promised to myself na 'di ko na ulit gagawin 'yon. Tama na. Ayos na 'yong isang beses. I don't want Tzu En to think I am taking him for granted. Ngayon lang talaga kasi dalawang taon na akong 'di nakakauwi rito sa Romblon. Gusto kong makapagpaalam sa kanila nang maayos kapag sigurado na akong 'di na ako makakabalik pa rito.

"Bakit naman?" Tanong niya. Bumuga naman ako ng malalim na hininga.

"Kasi sa totoo lang, I used Tzu En just so I can go back here. 'Di ba ang sama ko?"

Kumurap kurap siya, mukhang nag-iisip o nabigla sa narinig niya.

"But does he already know about this?"

"Oo," I nodded while pouting.

"'Di mo na kasalanan 'yon, Solaire. He already knew it pero pinili niyang magpagamit. 'Di kaya may gusto sa 'yo 'yon?"

"Huh?" I battered my lashes slowly. "Paano mo nasabi?"

"Look, Solaire... 'di naman 'yon papayag na magpagamit kung wala kang halaga sa kanya. Alam na niya ang totoo pero pinagpatuloy niya ang plano mo. It means you mean so much to him."

I pondered a bit. 'Di ko alam na seryoso si Tzu En sa 'kin. Kasi sabi naman niya na gusto niya ako. Kailangan ko ba siyang magustuhan din?

"Bihira lang ang ganoon, Solaire. Kaya maswerte ka sa kanya. Sana lang 'di na 'to mauulit." Dugtong niya.

"I promise," agap ko at nagtaas ng kamay, sign na nangangako. "'Di na ulit 'to mangyayari. Naaawa nga ako sa kanya, e. He doesn't deserve this. He's good enough to be taken for granted."

Pilit na ngiti lang ang sinagot ni Philia saka naglihis ng tingin. Pinagpatuloy niya ang paghuhukay ng buhangin.

Binaba ko ang kamay ko. "But you know what? He told me he likes me."

But I wasn't sure what kind of "like" he was referring to. Kung gusto niya ba ako bilang kaibigan o higit pa roon.

"You see?" Agap niyang sagot sabay baling sa 'kin. "E ang tanong, gusto mo ba siya?"

Napaisip ako sa tanong na 'yon. 'Di ko pa rin matukoy kung gusto ko ba si Tzu En. Mas sanay akong magkaibigan kami at lagi siyang nasa tabi ko. Kung sakaling darating ang araw na mamahalin namin ang isa't isa at mawawala na 'yong feelings, 'di kaya masasayang ang nabuo naming pagkakaibigan?

"'Di ko alam, Philia. 'Di ko masasabi." Sagot ko.

I don't want to rush this thing. Bata pa naman kami. I just want to enjoy my childhood life just like what Kuya Gilau told me.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C8
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen