App herunterladen
85.71% Lucky Me / Chapter 54: LUCKY FIFTY FOUR

Kapitel 54: LUCKY FIFTY FOUR

CHAPTER 54

LUCKY'S POV

Nakakapanghina ang umagang ito. I felt really empty malapit ng malow batt ang katawanng lupa ko. I've had enough of misfortune this morning. Tapos ng ipinatawag pa kami para sa isang emergency meeting slash judgement day. Parang sasabog na ang ulo ko sa bigat ng nararamdaman ko kanina.

Deja vu. Yung ma experience mo ulit ang isang bagay na experience mo noon. That same familliar feeling when i get inside the conference room. Like it was yesterday, all my nightmares are slowly coming back one by one. Fear, anger, my sanity is at stake.

Yung makaharap muli ang mga taong huhusgahan ka sa mga bagay na hindi mo naman ginawa. Sarado ang isip at walang handang makinig sa paliwanag mo. Muli na namang nangyari ang bagay na kinatatakutan ko noon. Hanggang kailan ba ako daranas ng ganitong kamalasan sa buhay? Pagod na pagod na ako.

Pero sa pagkakataong ito may dumating para pakinggan ako. Kasama ko rin si Ytchee para suportahan ako kaya kahit papaano hindi ako napanghinaan ng loob. Hindi ko alam kung papaano ko pasasalamatan ang mag asawang Gutierrez dahil sila ang naging savior ko.

'Kapag makarating kay Amber ang mga bagay na ito lalo niya lang akong isusumpa sigurado. Sigh.'

Papalapit pa lang kami ni Ytchee sa table sinalubong na kami ni Wesley.

"Lucky, where have you been?" nag aalalang tanong ni Wesley.

"Sa Supreme Court." Malamyang sagot ko. Hanggang ngayon nanlalata parin ako. Nagtataka namang lumapit si Kenneth sa umpukan naming tatlo.

"Umattend kami ng emergency meeting." Bulong ni Ytchee sa magpinsan habang nakatayo. Nagtatakang sulyap ang ipinukol nila sa akin at nagkibit balikat ako.

"About what?" sagot i Kenneth na nagpalipat lipat ng tingin sa amin ni Ytchee.

"Eh di sa issue ni Sir Adam at Lucky kanina." Mahinang bulong ulit niya sa dalawa.

"Tss, tinotoo pala ni Mj ang banta niya sa kanilang dalawa." Iling na sagot ni Kenneth.

"Nakakatakot sobra. Alam mo yun, nandun ang mga board at ilang faculty members at may special guests pa." Gusto kong kutusan si Ytchee sa ka oa-hang magkwento sa dalawa. Kung makapag kwento siya parang horror story dahil pa suspense.

"S-Sino?" salubong na kilay na tanong ni Kenneth.

"Si Sir Carlisle Gutierrez at Ma'am Samantha." Mahinang sambit niya.

"And what happen?" aligagang tanong ni Wesley na hinila pa si Ytchee papunta sa mesa at naupo silang tatlo. Napairap lang ako, iba na talaga ang mundo ngayon mga lalake na ang mga tsismosa. Dinaig pa ng mag pinsan si Andi at Marlon. Namiss ko tuloy ang mga baklang yun. Sigh.

"Tss, ang aga aga tsimisan na kaagad." Parinig ko sa kanila pero walang pumansin sa sinabi ko dahil tutok sila kay Ytchee. Hinayaan ko lang sila sa ganoong ganap. Umupo ako sa tabi ni Kenneth, katabi kasi ni Ytchee si Wesley. Kinuwento ni Ytchee ang buong nangyari sa hearing, ngunit nung nasa part na siya na umamin si Sir Adam sa mag asawang Gutierrez tinitigan ko siya ng makahulugan.

'I-edit mo yung kwento mo kakaltukan kita. Malakas na sigaw ko sa kanya sa isip ko, sana gumana ang telephaty niya.'

Matapos ang mahabang tsismisan nila nabaling naman sa akin ang atensiyon ng mag pinsan. Blangko at nakakainis silang tignang magpinsan dahil nanunukat ng tingin nilang dalawa.

"Bakit ba hindi ka tinatantanan ng malas?" singhal ni Kenneth sa tabi ko.

"Bakit hindi yung "malas" yung tanungin mo kung bakit ayaw niya akong tantanan?"

"Asa pa, hangga't humihinga yan si Mj hindi titigilan ng kamalasan yan si Lucky." Gigil na sagot ni Ytchee.

"Ano ba kasing nagawa mo kay Mj at sagad hanggang buto ang galit sayo nun?" naiiritang tanong ni Wesley.

"Ano pa, eh di insecure kay Lucky." Wala sa sariling sambit ni Ytchee. Pasimpleng sinipa ko ang paa ni Ytchee sa ilalim ng mesa. At mukhang nakuha niya. Ayoko lang malaman pa ng mag pinsan ang pinagmulan ng galit ni Mj. Itong nalinis na ang pangalan ni Sir Adam baka lalo pang magkaroon ng isyu kapag malaman pa nila ang pinag ugatan.

"Pag uwe natin sa Manila magpabasbas ka ng holy water para matanggal ang malas sa katawan mo." Singhal ni Kenneth sa tabi ko.

"Tapos na sinama ako nila Andi at Marlon sa Quiapo Church nung nakaraan." Naka ngusong sagot ko at nanlaki ang mata niya

"S-Seriously?" mahinang sagot niya.

"Sa suggest suggest ka tapos hindi ka maniniwala? Nag aadik ka ba?" inirapan niya lang ako.

"Hindi yun makukuha sa simpleng basbas lang, dapat isang jacuzzi ng holy water ako magbabad para mas epektib." Ngiwing sagot ko sa kanya at pinitik niya ako sa noo. Inambaan ko siya ng suntok pero nahawakan niya agad ang kamao ko.

"Pero bilib din ako dito kay Inday eh. Hindi rin nauubos ang swerte." Natatawang sambit ni Ytchee.

"I guess his name has served its purpose." Nakangiting sagot ni Wesley habang nakatingin ng derecho sa akin. Nailang ako kaya huminto ako sa pakikipag harutan.

Naalala ko yung sinabi niya kagabe na kung anong meron sa amin ng pinsan niya. Kapag ibang lalake ang kaharutan ko bumabakod siya kapag si Kenneth, deadma. Nakakahiya, napaka insensitive ko knowing na aware ako sa feelings niya. Sigh.

Naaalala ko tuloy yung pag iyak iyak ko sa kanya kanina bago niya sundan si Kenneth papalabas ng suite ni Sir Adam. Inaamin kong bumigay talaga ako dun kanina, ayokong ipakitang mahina ako sa harap nila kaso kadalasang tinatraydor ako ng luha ko kesa pakisama

"Isang bagay lang ang alam ko. Hindi madali ang maging isang Lucky Gonzaga." natatawang sagot ni Ytchee.

"Minsan masarap naman, marami lang talagang "Malas" sa paligid ko." Parinig ko kay Kenneth.

"Tss, Ako pa talaga ang malas sayo ah?"

"Oo ikaw dahil minamalas lang ako kapag nasa paligid ka." Mahinang bulong ko sa kanya. Buti na lang abala si Ytchee at Wesley sa pagkukwentuhan kaya hindi nila narinig yung isinagot ko.

"Ang sabihin mo may balat ka sa pwet kaya sobrang malas mo."

"Meron nga." Seryosong sagot ko at nanlaki ang mga mata niya.

"Serysoso meron nga talaga?"

'Dina natuto patula talaga!'

"Char lang!" inilabas ko ng bahagya ang dila ko para asarin siya.

"Buwesit ka talaga!"

"Mabuti Inday hindi ka rin accident prone?" singit ni Ytchee sa bulungan namin.

"Medyo, may pagka clumsy din kasi ako minsan. Kadalasan kasi hindi ako aware sa paligid ko kaya madalas nadadapa o kaya may bigla na lang la-landing bola sa ulo ko." At nagtama ang paningin namin ni Wesley at bigla siyang napangiti.

"Hindi ko naman sinasadiya yun." Agad na depensa ni Wesley.

"Malamang dahil kung sinadya mo yun hindi na yun aksidente." Singhal ko at napanguso lang siya.

"Arte naman nito, kung hindi naman dahil dun hindi kayo magkakakilala ni Ongpauco!" si Ytchee.

"Wow, makapag sabi namang maarte, ikaw kaya patamaan ko ng bola sa ulo? First day yun teh, first day tapos hilo ako!" inis na sagot ko sa kanya at napangiti naman yung mag pinsan.

"If i were you i'll make a list, something like "Lucky's Series of Unfortunate Events." Hindi ko alam kung nagpapatawa si Kenneth pero mukha naman siyang seryoso sa sinabi nya.

Bigla namang bumulwak ang malakas na tawa sina Ytchee at Wesley. Sinamaan ko siya ng tingin alam ko namang hindi niya mini-mean yun pero natawa parin yung dalawa.

"S-Sorry." Mahinang sambit niya. Hindi ko siya pinansin pero paglingon ko nakatitig siya sa akin.

"Sorry for what?"

"Nothing, i just wanna say sorry."

"Saan nga?" pagtataray ko sa kanya.

"Sa mga unfortunate events na nangyayari sa buhay mo."

"Don't feel sorry for me Kenneth. Hindi ang mga bagay na yun ang makapag papatumba sa akin."

"Okay sinabi mo eh." Sang ayon niya.

"I'm stronger than you know, I don't sit around feeling sorry for myself or let other people mistreat me."

"Mistreat? ang arte mo talaga." Inirapan niya ako.

"Bugak, kaartehan bang matatawag yun? Strong, maarte? Wow, ikaw na ang bida."

"I know. Pero minsan hindi rin masamang amining mahina tayo. Huwag mong solohin ang lahat nandiyan pa ang mga kaibigan mo. Sila ang lakas mo at ikaw ang lakas nila, vice versa." Seryosong sambit niya. Halos mapanganga ako sa paghanga sa huling sinabi niya. Si Kenneth Ang ba talaga ang kaharap ko?

"T-Thanks." Naiilang na sagot ko.

"Thank you lang?" hindi makapaniwalang sagot niya.

'Ano ba dapat? May bayad bang cash? Papalakpakan ko siya? Ano? Ahh. Alam ko na.'

"Thank You Ungas!" at niyakap ko siya ng patagilid.

"H-uwag mo akong y-yakapin kadiri ka!" hiniwakan niya ako sa ulo inilayo gamit ang isang kamay at ang isang kamay naman niya pinapagpag ang suot niya.

"Bipolar ka rin eh. Pa check up ka, mahirap na baka lumala yan. Tsk!"

"Actually kanina bago kami pumunta dito, may idea na kami ni Kenneth na walang katotohanan ang mga accusation ni Mj kay Lucky." Wika ni Wesley at napalingon ako sa kanya.

"P-Paano?" si Ytchee.

"Sa Wireless Bluetooth Earphone niya." Singit ni Kenneth. "Naikwento ng staff samin kanina sa lobby ang nangyari sa kanya kaninang umaga."

"Narinig din ng staff na niyaya rin ni Sir Adam si Lucky sa suite niya para magpalit ng damit." Dugtong naman ni Wesley.

"Grabe talaga yang swerte mo Inday, nag uumapaw!" kinilig na tugon ni Ytchee.

"Anong swerte dun? Ikaw kaya tapunan ko ng taho sa dibdib." Singhal ko sa kanya.

"Hindi yun shunga. Look at the bright side Inday. Hindi ka parin nauubusan ng swerte kahit sampal sampalin o sipa sipain ka ng kamalasan. Gets mo?" umirap lang ako pero sang ayon naman ako sa sinabi niya. OA lang talaga siya mag larawan.

"Eh paano kung kabaliktaran lahat ng nangyari? Paano kong tama si Mj sa ibinibintang niya?" nakangising biro ko kay Wesley at mabilis nag salubong ang kilay niya.

"Maybe, its time na ang katawan mo at ang katawan ng Adam na yun ang ipatapon ko sa gitna ng Minesview Park." Mayabang na sagot ni Wesley at bahagyang natawa ang pinsan niya.

"Psh, gaya gaya." Inirapan ko siya.

"Oh, bakit subukan mo Lucky ng makita mong seryoso ako sa sinasabi ko." Nanulis ang nguso niya at ang cute cute niya. Napailing lang ako.

"Sauce tapos kapag ipinatapon mo ipapahanap mo rin agad kasi mahal na mahal mo!" pang aasar ni Ytchee at biglang namula sa hiya si Wesley at lahat kami ay natawa sa reaction niya.

"Sira-ulo." ngusong sagot niya. Oo nga pala hindi pa pala alam ni Ytchee kung anong meron sa amin ni Wesley.

"Wesley, favor naman, pwede mo bang i-video mo yung performance ko later i-send ko kay Tita Jack mamaya gusto daw niya akong mapanuod eh."

"Sure, anything else?" ngiting tugon niya.

"Wala na yun lang si Tita Jack kasi kanina pa nangungulit sa text eh."

Nag umpisa ng magsalit ang announcer na malapit ng magsimula ang contest kaya kinabahan na naman ako. Sigh.

"Ytchee mauuna na ako, mag CR lang ako sunod ka na lang dun ah." Paalam ko sa kanila.

Naglakad ako papalabas ng hall. Abala ang lahat sa magaganap na singing competition yung iba naman busy rin sa pag re-rehease ng mga intermission numbers nila. Itinaas ko ang hood ng jacket ko habang naglalakad.

Papalapit na ako ng CR ng marinig ko ang dalawang pamilyar na boses na parang nagtatalo. Huminto muna ako sa tapat ng may kataasang halaman sa gilid ng CR. Sinilip kong tama ba ang hinala ko. Positive. Biglang nanlaki ang mata ko ng walang alinlangang paliparin ni Andi ang palad niya sa mukha ni Mj.

"PAAK!" isang solid na sampal ang binitawan ni Andi sa pisngi ni Mj." Para yan sa husay mong tumahi ng kwento." Mabilis na lumihis ang kamay ni Mj para sampalin din si Andi pero mabilis niya nahawakan ang kamay nito.

Napanganga lang ako sa nasaksihan ko. Hindi ako lubusang pumasok sa loob, gusto kong malaman kung anong nangyayari bago ako pumasok sa loob.

Natapos din ang mahabang batuhan nila ng linya...

Saka lang ako lumabas sa pinagtataguan ko.

"Tss. What ever DUMBO!" saka siya mayabang na umalis ngunit ng makita ako huminto siya tapat ko.

Napalingon sa amin sina Andi at Marlon sa kinatatayuan ko bakas sa mga itsura nila ang pagkagulat sa presensiya ko.

"Mauubos din ang swerte mo Gonzaga." Mayabang sambit niya.

"Mauunang maubos ang bulbol mo Mj bago ang swerte ko." Ngiting sagot ko. Mayabang siyang naglakad at bahagya akong binangga sa balikat. Aligaga namang sumunod yung dalawang Gasul Girls.

Akala ko tapos na. Oo nga pala part parin ito ng sinasabi ni Kenneth kanina na "Lucky's Series of Unfortunate Events." Hindi ba napapagod si Mj sa walang katapusang drama niya? Kasi ako pagod na pagod na. Sa nasaksihan ko ngayon may bagong chapter na naman ng away ang nabuksan sa pagitan ni Andi at Mj. Nagpapasalamat parin ako dahil kahit papaano nag kaayos na kami ni Andi. Ang ipinagtataka ko lang kung papaanong nalaman ni Andi ang ibang detalye tungkol kay Sir Adam at Mj.

Pagbalik namin sa loob ng hall malapit ng mag umpisa ang program. Pumuwesto kami malapit sa stage pero nasa bandang likuran kami. Si Sir Adam parin ang magho- host ng event kaya nagkagulo na naman ang makikiring senior students. Normal ang lahat sa kanya na parang walang nangyaring hearing kanina. Ang mga board members nasa harap na rin kasama sina Sir Carlsile at Ma'am Samantha bilang mga judge ng event. Nagulat si Ytchee ng makitang magkakasama kaming tatlo.

"Maygad! Bati na sila.." excited na salubong ni Ytchee sa amin at niyakap niya kami ni Andi.

"Walang choice, dapat daw ang magaganda laging magkakasama." Maarteng sagot ni Marlon.

"Oh sige na, Oo-o na lang ako baka lumabas pa akong sinungaling."

"Siya nga pala saan kayo nagkita kita? Akala ko ba magsi-CR ka Lucky?"

"Nag CR nga ako. Dun ko rin sila nakita." Nagkatinginan kaming tatlo nila Andi ng makahulugan.

"Hoy, hoy mga bakla kayo huwag ako! Nagkakamali kayo ng pinaglilihiman." Pinandilatan niya sila Marlon at Andi. Hindi ko maintindihan ang mga ikinikilos nila.

"Oo na!" singhal ni Marlon. "Nagkainitan si Andi at Mj kanina sa CR. Ayon bukas na ang Pandora's Box for public viewing and for Public use."

"Ang daya niyo hindi niyo ako isinama. Anyareh?" Reklamo ni Ytchee sa kanila. Siraulong to gusto pa atang madamay sa away naming mga bakla versus sa grupo nila Mj.

"Tatlong solid na sampal ng botchang pata ng baboy lang naman ang tumama sa makapal maitim na mukha ni Lucrecia Kasilag kanina." Dere derechong sagot ko at nanlaki ang mata ni Ytchee.

"BWAHAHAHAHAHA" Malakas na tawa niya. "Beri gud! Dun palang sa conference room, gustong gusto ko ng sakalin at sampalin ang babaeng yun sa sobrang gigil !" napaka OA na kwento niya dahil may aksiyon pa.

"OA mo Ytchee, dapat talaga may aksiyon pa?"

"Oo naman hindi mabubuo ang kwento ko kung walang action. Oh tapos?" excited na tanong niya kay Marlon.

"Siguro kung bawat batuhan ng linya na may nalalaglag na pera, ang yaman na ng dalawang yan!" turo ni Marlon kay Andi. "Ang tapang tapang ni ses Andi pang FAMAS ang acting, hasang hasa ni Direk Joel Lamangan." Natawa naman kami ni Ytchee sa sinabi niya.

"Bakit naman hindi niyo muna pinatapos ang program bago niyo inaway si negra, kakanta pa yun mamaya manigas ang panga nun." Nag aalalang tugon ni Ytchee.

'Kitain mo to kanina lang gigil na gigil tapos ngayon mahahabag. Bipolar din! Sabagay kahit ako nakaramdam ng guilt pero nangingibabaw parin ang galit ko kay Mj eh.'

"Siya ang nauna. Kung ano ano ang sinabi niya sa amin ni Marlon kanina sa CR, na kesyo wala si Amber ang lalakas ng loob nating maghari harian dito sa Baguio, keme keme.." naiinis na kwento ni Andi.

"Truth ses, pinagkakalat niya pa na ikaw Lucky." Turo niya sa akin. "Sobra ka raw makasipsip kay Ma'am Samantha."

"Paanong sipsip? Hello, close ko ba sila? " nagtatakang tanong ko.

'Lintek na Mj to sinasagad talaga ang pasensiya ko eh. Ipasipsip ko kaya siya sa pozo negro ang kaluluwa niya para makita niya ang hinahanap niya. Negra!'

"He He. Ang totoo kasi niyan kami ang nagsabi sa mag asawa na may closed door o emergency meeting chuuva kemelu bambam kanina ng masalubong namin sila sa lobby." Si Andi.

"Alam kong malaking bagay ang presence nila para magbago ang hatol sayo Lucky, dahil minsan mo naring nailigtas ang buhay ni Ma'am Samantha diba? Kaya yun nagpunta sila dun kanina." Mahinang bulong ni Marlon at nagpalinga linga pa sa paligid.

"At paano niyo naman nalamang may meeting? Kami nga inabangan lang Gasul Girls kaya namin nalaman eh." Sagot ko ulit. Nag kangitian si Ytchee at Marlon bago mag high five.

"Ikaw? Ikaw ang nagsabi sa kanila? Paano?" nagtatakang tanong ko kay Ytchee.

"Simple Aritmetic Inday! Tinext ko si Marlon kanina bago magsimula ang hearing mo. Sabi ko sa text i-record niya at tatawag ako pero huwag siyang magsasalita." Dun ko lang nakuha ang sinasabi niya. So ibig sabihin pala simula pa kanina nire-record na nila yung tawag. Brainy!

"Tss,kaya pala panay kapkap mo sa bulsa mo diyan malapit sa flat mong dibdib. Kalo ko makati lang yang utong mo." Singhal ko kay Ytchee.

"Oo, from time to time tsini-check ko kung naka ON pa ba." At saka siya tumawa ng nakakaloko.

"Kaya nga kahit wala kami ni Andi, narinig namin ang buong istorya kung papaano ka napunta sa suite ni Sir Adam keme keme. Atleast parang kasama niyo nadin kami sa hearing kanina." Ngiting sagot ni Marlon.

"Oh, okay na kayo?" gulat na napalingon kami ni Andi sa gawing likuran namin. Si Wesley at Kenneth na hindi ata nauubos ang kapugian malamig o mainit man ang klima.

"Ha? O-Oo nagkausap na kami kanina." Nahihiyang sagot ni Andi kay Wesley

"That's good. But you should apologize to me as well." Mayabang at taas noong sagot ni Wesley.

"For what?" singit ko.

"For yelling at me. Sinabihan niya pa akong tanga, that's unacceptable." Nanulis ang nguso niya. Napailing naman si Kenneth sa iginagawi ng pinsan niya.

"Hey,forget about it. Galit lang siya nun kaya nasabi niya ang bagay na yun." Maikling paliwanag ko.

"Its okay Inday, Sorry Wesley kung nasigawan kita kanina. Please forgive me, nabigla lang ako kanina."

"Okay. But promise me hindi mo na uulitin ang ginawa mo kanina. Lalo na yung pananakit mo." Seryosong sagot niya.

"Promise hindi na. Eh ikaw Ongapauco okay ka na ba?" nag aalalang tanong ni Andi.

"O-Okay? Yeah, of course why are you asking?" nagtatakang tanong ni Wesley.

"Diba na FRIENDZONE ka?" at bigla itong tumawa ng malakas kasabay ni Marlon.

"Ano? Ongapauco na FRIENDZONE ka? B-Buong A-kala ko.." Hindi makapaniwalang tanong ni Ytchee at pinaglipat lipat ang tingin sa amin ni Wesley.

"Sige isigaw mo pa! Grabe kayo! " mabilis itong lumapit kay Andi at Marlon ngunit mabilis silang nakatakbo papalayo ng habulin sila ni Wesley.

"Ytchee, hindi ko na sagutin ang buhay ni Andi at Marlon. Kakati kasi ng dila, pinaalala pa talaga nila. Tsk!" napapailing na sagot ko habang pinagmamasdan ang tatlong naghahabulan.

"So hindi mo dyowa si Ongapuco?"

"Hindi, bakit mukha ba kaming mag dyowa?"

"Sauce, so palabas lang pala ang mg apagpapa sweet niyo simula kagabe?"

"Walang nagbago sa relasiyon namin ni Ongpauco. Magkaibigan parin kami Ytchee huwag kang ano!"

"Okay sinabi mo eh." Ngiwing sagot niya.

"Psh!"

"Ay muntik ko ng makalimutan si Olive na lang daw ang papalit sa akin sa piano mas kabisado niya yung piyesa kesa sa akin eh." Paalam ni Ytchee. Alam kong kinakabahan din siya kagaya ko pero alam ko namang nagsasabi siya ng totoo.

"Ayos lang kabisado naman ni Olive ang range ko. Naka jamming ko na siya once nung birthday ni Marlon." Pagpayag ko saka naman siya umalis para tawagin si Olive. Naiwan naman si Kenneth sa tabi ko. Akward.

"W-What?" mataray na tanong ko.

"Nothing."

"Tss, nothing daw."

"Fine. Good luck." Masungit na sagot niya at namulsa.

"Good luck lang?" panggagaya ko sa kanya kanina.

"Tss, hindi mo na kailangan ng hug o kahit anong pampaswerte dahil napakagaling mo sa larangang yan."

"Yun ang akala mo." Mahinang sagot ko.

"Bakit nagdududa ka pa sa talento mo?"

"Ang totoo, mas kinakabahan nga ako ngayon. Hindi dahil sa wala akong tiwala sa kakayahan ko, kundi dahil sa mga nakaupong hurado." Napatingin siya sa harap ng stage kung saan makikita sa harap nito ang mahabang mesa ng mga judges sa harap. Sila rin ang set ng judge na kaharap namin sa hearing kanina.

"Hindi pa man nagsisimula ang laban hinusgahan na nila ako kanina. Ngayon, ano pang mukha ang ihaharap ko sa kanila?" nginitian ko siya ng mapakla. Mukhang nakuha naman niya ang pinupunto ko kaya napatango siya.

"May na gawa naman ba sila?" tumaas ng bahagya ang gilid ng labi niya.

"W-Wala."

"Then you still have the advantage to surprise them again. This is actually more exciting because they don't know what's coming." Ngiting tugon niya. Ito yung klase ng ngiting nakakainis kung iba ang gagawa, pero kakaiba ang dating sa akin nun dahil siya yung gumawa.

"I hate surprises." Malamyang sagot ko.

"I saw you and Ytchee this morning.." lingon niya sa akin.

"This morning?" nagtatakang sagot ko.

"Sa lobby."

"Kaya pala.." Kinabahan ako bigla.

"Kaya pala ano?" naaasar na sagot niya.

'Tsk, iksi talaga ng pasensiya.'

"Kaya pala minalas na naman ako kanina."

"A-Anong—" pinigilan ko siya agad.

"Haven't you noticed Mr. Ang whenever you're around me unfortunate things happened."

"That's ridiculous!"

"Yun ang napapansin ko." Nagkibit balikat ako.

"So sinasabi mong isang kamalasan ang tulungan ang isang batang nawawala?"

"Stupid. What i'm trying to say is, dahil sa insidenteng yun kinapos kami ng oras para makapag rehearse kanina." Palusot ko sa kanya pero ang iniisip ko kung aling part dun ang naabutan niya dun kanina.

"What ever for me that's all the same." Masungit na tugon niya.

"S-So, narinig m-mo?" pilit kong kinakalma ang sarili ko. Ayokong mahalata niya na may itinatago ako.

"Ang alin?" inosenteng tanong niya. Blangko ang expression ng mukha niya pero iba ang sinasabi ng mga mata niya. Feeling ko alam niya ang tinutukoy ko. Kainis!

"N-Nothing." Napabuntong hininga ako ng malalim.

"Yeah, i heard.." Pormal na sagot niya.

Napapikit ako at napamura sa sinabi niya. Ito pa naman ang pinaka ayaw ko sa lahat. Parang gusto kong tumakbo papalabas ng convention center at magtatakbo sa field.

"L-Lucky--"

"Please stop! Fine, narinig muna okay? Huwag mo ng ulit ulitin. Gusto ko mag concentrate if you have something to say, just say it after the competition is over. Understood?!" hindi ko napigilan ang inis kaya napaupo ako. Kumunot ang noo niya at medyo natawa.

"Chill, itatanong ko lang kung si Britney Spears ba ang kumanta nung song na kinanta mo kanina." Ngiwing sagot niya.

'So, it means yung part na nung kumakanta kami yung inabutan niya. Parang gusto kong magtatalon sa tuwa dahil safe ang sekreto ko. Lintek na batang yun mapapahamak pa ako.'

Okay fine. I admit. He's interesting. Crush? Hindi ko alam, diba kapag crush kinikilig ka kapag nakikita o nakakasama mo sila? On my case, kadalasan lamang yung nginig ng laman kesa kiligin ako. Ganito siguro ang reaction ko kasi alam ko ang kahahantungan ko sa Carlisle kapag in-entertain ko yung nararamdaman ko para sa kanya. Patong patong na ang problema ko ngayon baka hindi ko na kayanin kapag may pumatong pang isa.

"Lucky? Are you still with me?" kaway niya sa mukha ko.

"Oo, si Britney Spears nga. Lucky ang pamagat nun." Mabilis na sagot ko. Kahit malamig sa loob ng hall pinagpawisan ako bigla.

"First time kong marininig yung song kanina. Its a sad song, but its sounds nice."

"I agree. Natuwa lang ako kasi pangalan ko yung title ng kanta. Ha ha" sinabayan ko ng pekeng tawa.

"Pero sa song naka relate ka? I mean the song was about a famous movie star who got everything but seemingly unhappy inside." Maikling paliwanag niya. He's keen when it comes to details. Hindi ko inaasahang ganun siya ka interesado sa kanta.

"I don't know, but like her i feel lonely and empty as well."

"That's because you chosen a different path. You could've done better."

"Either way Kenneth i still survived, i feel like i'm the luckiest unlucky person."

"I agree with that." Natatawang sagot niya.

Naputol lang ang chikahan namin ng magsimulang tawagin ni Sir Adam ang unang kalahok sa entablado. Hindi namin namalayan na nagsimula na ang program dahil abala kaming lahat kanina. Sila Wesley, Andi at Marlon ay nag check ng gagamitin naming instruments. Si Ytchee naman kababalik lang galing sa grupo nila Olive.

Tahimik ang buong convention center, lahat ay seryosong nanunuod. Masarap sa pandinig ang boses ng lalaking kumakanta sa stage ngayon, may pagka husky na raspy ang boses niya at ang sarap sarap sa tenga. Pakiramdam ko si Michael Bolton ang kumakanta kaya hindi ko mapigilang sabayan siya ng mahina. Ang sabi ni Marlon sa IV-Peacock daw ang representative na yun. No wonder karamihan kasi sa section na yun mahuhusay talagang kumanta.

Nagulat kami ng sumunod na tinawag ang IV-Scarlet Macaw. Ang section ni Amber at Mj. Kung pagmamasdan mo si Mj parang wala ring nangyaring sampalan kanina. As usual makapal parin ang make up niya. Naka pink pa rin siya dahil yun din naman ang color code ng section nila. Dahan dahang tumipa ang piano sa background. Familiar sa akin ang kanta dahil isa ito sa mga paborito kong country-christian song. Hindi ko ini-expect na ganun kaganda ang boses ni Mj, sa arte kasi ng boses niya at palaging nakasigaw na parang si Amber hindi ko inaakalang may itinatago siyang magandang boses.

"Jesus, take the wheel

Take it from my hands

'Cause I can't do this on my own

I'm letting go

So give me one more chance

And save me from this road I'm on

Jesus, take the wheel"

Swabe ang pagkaka kanta niya at wala kang maipipintas dahil sa husay niyang maglaro ng nota. Kakaiba yung mga runs na ginagawa niya, malinis bumirit at makikita mong kuha niya ang attention ng audience dahil mahusay siyang magkwento ng kanta.

"Hindi ko in-expect na ganyan ka ganda ang boses niya." Mahinang bulong ko kay Ytchee.

"Maganda naman talaga ang boses niya, yung ugali lang niya ang panget kaya hindi ko rin ma appreciate." Ngiwing sagot niya. Natapos ang kanta sa isang malakas na palakpakan galing sa audience. Napansin kong aliw na aliw din ang mga judges sa performance niya.

Sunod namang tinawag ang IV-Eagle. Babae pa rin ang kumanta pero sa tingin ko mas magaling si Mj kesa sa kanya. Nangingibabaw ang kaba sa dibdib ko dahil ako na nag next na kakanta. Pinagpapawisan na yung kamay ko at parang natatae, naiihe ako na ewan.

"L-Lucky lumapit na tayo dun sa stage ikaw na ang sunod na kakanta." Aya ni Ytchee sa kin at tinanguhan naman ako ni Kenneth. Hinanap ko agad si Wesley dahil mas comportable ako kapag nasa paligid siya.

"Kasama nila Andi at Marlon." Napalingon ako sa stage at nakita ko si Wesley na inaayos ang tripod na hawak niya. Nagtatakang napalingon ako sa kanya.

"Paano mo nalamang hinahanap ko si Wesley?" tinaasan ko siya ng kilay. Deadma lang siya. Hindi niya sinagot ang tanong ko.

'Tch, nagtanong pa ako masiyado nga palang observant tong payatot na to.'

Naglakad kaming tatlo papalapit sa kanila.'

"Kinakabahan ka ba?" huminto siya sa harap ko habang nakapamulsa. Nailang ako bigla sa paraan ng tingin niya.

"Parang, siguro, baka, ewan ko. Bahala na!" napakamot ako ng ulo.

"Focus. Sing like you always do." Yumuko siya ng bahagya para magtapat ang mga ulo namin. Hindi ako nakasagot at pumikit pikit lang ako sa harap niya. Naiilang ako pramis!

"T-Thanks." Umiwas ako ng tingin at ibinaling sa stage kung saan kumakanta parin yung taga IV-Eagle.

"You know what's weird when i saw you guys this morning?" mahinang sambit niya habang nakatingin sa stage.

"Everything is unusual to you Kenneth. Walang bago dun."

"Hindi, yung batang kasama niyo kanina. He's name is Kenneth, right?" Bumalik na naman yung kaba ko kanina.

"Kenneth ba yung pangalan nun? Hindi ko maalala eh." Maang maangang sagot ko sa kanya. Nakita kong sumilay ang ngiti sa gilid ng labi niya.

'Mukhang mabubuking pa ata nito ah. Grrr!'

"He kissed you three times and you didn't even bother to remeber his name? That's weird."

"S-So what?" masungit na sagot ko sa kanya.

"Bakit ba ang sungit mo tinatanong lang naman kita?"

"Anong masungit dun? Tumabi ka nga diyan ako na ang susunod na kakanta oh." Nguso ko sa stage.

"So?" ganting sagot niya.

"Lakasan mo palakpak mo yung maririnig ko."

"Galingan mo na lang yung matutuwa ako."

"Kapag ako matalo kasalanan mo." Dinutdot ko ang mukha niya gamit ang hintuturo ko pero mabilis niya hinawi ang kamay ko.

"Mananalo ka, yan ang sigurado."

"Paano mo nalaman?"

"Kasi nandito ako.." nag iwas siya ng tingin.

"E-Eh ano n-ngayon kong n-nandito ka?" nauutal na sagot ko sa kanya.

"Di ba dapat maging masaya ka?" mayabang na sagot niya.

"Bakit birthday mo ba?"

Lumingon muna siya sa paligid. "I was there when he asked you, twice, if you like me."mahinang sambit niya at hinawakan ako sa braso ng humakbang ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.

"LADIES AND GENTS, PLEASE GIVE A AROUND OF APPLAUSE FOR OUR NEXT PERFORMER FROM IV-MOCKINGJAY, LUCKY GONZAGA!!" Proud na proud na announce ni Sir Adam sa stage. Nagsimulang magpalakpalakan ang ilang senior students.

Kingenang yan, hindi ko mai-explain ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na alam kong kinakabahan ba ako dahil sa ako na ang sunod na kakanta o kinakabahan ako sa nalaman niya na gusto ko siya.

Mabilis kong hinila ang braso ko. "Kung nakikinig ka talaga. Alam mong hindi ko sinagot ng derecho ang tanong niya."

"Admit it. You like me Gonzaga." Hinawakan niya ako sa braso. Umangat ng bahagya ang gilid ng lips niya. Natanaw ko na sa stage na sila Andi, Marldon at Olive.

"Sige sasabihin sayo ang totoo, pero ipaliwanag mo muna yung sinabi mo sakin kagabe sa suite niyo?" binitawan niya ako bigla at bahagyang tumagilid ang ulo na parang sinusukat kung may katotohan ba yung sinasabi ko.

"W-Wala akong maalala sa pinag gagawa ko kagabe." Mahinang sagot niya.

"Pwes, wala rin akong ma alala sa ginawa ko sa lobby." Tinanggal ko ang kamay niya sa pagkakahawak niya.

YTCHEE'S POV

"Nasaan na si Inday? kami na ang susunod diyan." Natatarantang tanong ni Marlon. Nasa gilid kami ng stage dahil inaantay naming matapos kumanta ang representative ng IV-Eagle. Iniwan ko si Lucky at Kenneth sa likod dahil mukhang seryoso ang pinag uusapan nila. Kung ano man yun hindi ko alam.

"Nandiyan lang sa tabi huwag kang mag aalala alam niya." Palusot ko sa kanya. Naagaw ni Wesley ang atensiyon ko kasalukuyang abalang abala sa pag aayos ng tripod sa harapan niya.

"LADIES AND GENTS, PLEASE GIVE A AROUND OF APPLAUSE FOR OUR NEXT PERFORMER FROM IV-MOCKINGJAY, LUCKY GONZAGA!!" mabilis kong hinanap si Lucky sa likod kong saan kami nanggaling kanina. Hindi ko siya mahagilap dahil sa mga nakatayong students na nakaharang.

Nasa harap na sila Andi pero siya wala pa. Mag lalakad sana ako papuntang likuran ng masalubong ko si Kenneth.

"Si Lucky? Ilabas mo ang kaibigan ko kakanta pa siya!" inalog alog ko siya sa balikat.

"Chill, ayun siya oh?" turo niya at nakita kong nasa stage na nga sila. Saan dumaan yun?

"Ikaw sinasamantala mong abala si Ongpauco kaya sumasaglit ka!" naka ngiwing tugon ko sa kanya. As usual hindi na ata mawawala ang masungit na itsura niya, pero yun ang isang katangian niya na gusto ng lahat yung pa serious na pa mysterious.

"Baliw, may pinag usapan lang kami."

"Tungkol saan? Sa Future niyo? Style niyo bulok!" inirapan lang niya ako at ibinalik sa stage ang paningin.

"Shut up, ang ingay mo mag uumpisa na sila."

"Sauce, Number 1 fan ni Inday!" pang aasar ko at bigla niya akong sinamaan niya ng tingin.

"Tumigil ka Araullo, sasamin ka sakin!" Lumingon ako sa stage at kasalukuyang tine-test nila nag instrument.

"Okay fine number 2 na, number 1 yung pinsan mong na friendzone eh." Natatawang sagot ko.

Hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako makapaniwalang na friendzone si Ongpauco. Na surprise ako actually, patunay na hindi ko pa talaga lubusang kilala ang isang Lucky Gonzaga. Buong akala ko talaga sila na kagabe pa.

"Konting respeto naman hindi naging madali para kay Wesley ang desisyong pag amin sa nararamdaman niya kay Lucky." may bahid ng pagkainis na tugon niya. Napahiya ako sa sinabi niya, alam ko namang concern lang siya sa pinsan niya kaya niya nasabi yun.

"S-Sorry, nagbibiro lang naman ako." Ngusong sagot ko.

"Hindi magandang biro yun Ytchee, dahil kung pagpapalitin natin ang sitwasiyon natin ngayon you'll do the same." Mapait na sagot niya. Nakonsensiya tuloy ako bigla dahil sa mga narinig ko pero siyempre ano bang alam namin wala naman kaming idea na ganun na ang sitwasiyon nila dahil wala pa namang na ikwento si Lucky.

"H-Hindi ko alam na ganun ang nararamdaman niya, nakita mo naman diba? Very okay silang dalawa na parang walang nangyaring iba."

"Of course infront of you guys he will act cool and pretend nothings happened. Dahil ayaw niyang mapahiya muli sa harap niyong lahat."

"Kung iniisip mong may alam kami sa nangyayari sa kanila, sorry to disappoint you pero wala kaming idea." Biglang nangunot ang noo niya.

Yun naman talaga ang totoo, kagabe pagbalik nilang dalawa senglot na kaming apat nila Kenneth. Tapos pag gising namin bumungad agad ang problema ginawa ni Mj.

"What do you mean? Walang nabanggit sa inyo si Lucky?" nagtatatakang tanong niya.

"Hindi niya ugali ang magkwento unless magatatanong ka. Dagdagan pa ng mga kamalasan niya kaninang umaga kaya wala talagang oras na maka kwentuhan namin siya."

"I see. Actually ako din kanina ko lang din nalaman na walang namamagitan sa kanila bago kami magpunta dito ni Wesley." Ako naman ngayon ang nagulat sa sinabi niya.

'Infairness ang galing nila parehong magtago napaniwala nila kami sa mga kilos nila.'

"Atleast ikaw alam mo na, ako kanina ko lang nalaman pabiro pa. Kay Andi at Marlon pa lang siya nagku-kwento sa akin hindi pa." Hindi naman ako nagtatampo kay Lucky dahil sa dami ng kamalasang pinagdaanan niya wala ako sa posisyong artehan siya and besides sapat na ako ang unang naka alam sa totoong nangyari sa kanila ni Sir Adam kanina.

"S-Sorry din, i thought alam niyo ang nangyayari sa kanila kaya madali sa inyong magbiro sa pinsan ko. He's been having a hard time accepting why your friend refused him. Kahit ako hindi ko rin maintindihan ang rason niya."

"Lucky's different."

"I know, yan din ang sinabi ni Wesley kaya niya nagustuhan si Lucky." Napailing siya at matipid na ngumiti.

"Eh ikaw, how do you find Lucky?"

"He's a jerk."

"Wow, sorry po Saint Kenneth!" ngiwing sagot ko sa kanya. Hindi por que saksakan ng pogi yang pinsan mo wala ng pwedeng tumanggi sa kanya. Malas lang niya natapat siya kay Lucky.

"Kakanta na siya manahimik ka na." pinandilatan niya ako at muntik na akong matawa.

To be continued...


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C54
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen