App herunterladen
44.44% Lucky Me / Chapter 28: LUCKY TWENTY EIGHT

Kapitel 28: LUCKY TWENTY EIGHT

CHAPTER 28

LUCKY'S POV

Masayang masaya ako sa pagka panalo ng section namin sa volleyball. Namiss ko yung ganitong pakiramdam. Yung pakiramdam na kahit isang beses na nanalo ka. Talo man ako sa pag ibig noon atleast kahit sa larangan ng paborito kong sports alam kaya ko silang pataubin.

Matagal tagal nadin akong hindi nakakatikim ng pagka panalo at pakiramdam ko nabuhayan na ako ng loob. Nakakadagdag angas sa pagkatao kapag alam mong hanga sila sa isang bagay na mahusay ka.

"Oh mga ses, bukas invited kayo sa post birthday party ko sa bahay. Huwag kayong mawawala lahat dahil doon natin ise-celebrate ang Victory Party ng Mockingjay!" anunsiyo ni Marlon sa sa harap ng boung team. "Huwag kayong mawawala kung ayaw niyong isumpa ko kayo habang buhay!"

"Seshie Marla, huwag mo masiyadong sarapan ang handa dahil nakausap ko kanina si Papa Jesus. Nangako na akong mag da-diet na kapalit ng pagkapanalo natin kanina." Ungot ni Andres kaya huminto muna sa pagsasalita si Marlon. Hindi ko alam kung nagpapatawa si negra pero mukhang seryoso naman siya.

Malakas na tawanan ang itinugon ng mga classmates namin sa sinabi niya.

"Ahh ganun ba ses, sige mamaya kausapin ko din si Papa Jesus para kunin kana. Naku Andi mga pautot mo!" At nakitawa na din ako sa kanila kahit kanina pa naglalayag ang isip ko kung saan. Pagkatapos kasi ng laro namin kanina mabilis na hinanap ng mga mata ko si Kenneth. Plano ko sanang asarin siya at manghihingi ako ng tubig.

'Nakita ko siyang umalis kanina. Pero hindi na siya bumalik? Saan naman kaya nagsusuot yung payatot na yun?'

"Pupunta ka ba sa victory party niyo bukas?" bulong ni Wesley sa tenga ko na ikinagulat ko dahil nakakakiliti ang ginawa niya.

"H-Ha? O-Oo naman lagot ako sa mga yan kapag hindi ako pumunta. Kilala mo naman si Andi basta may pagkain perfect attendance yan." Sagot ko at pasimple akon umusod ng upo. Masiyado kaming malapit sa isa't isa.

"G-Gusto mo bang sabay na lang tayo, susunduin kita sa inyo?" alok niya bago ako akbayan. Kahit hindi ako lumingon alam kong nakangiti siya ngayon dahil sa mga paimpit na boses na kinikilig ng mga ka team ko. Ang sarap pigain ng mga pigi ni Andres at Marlon ng marinig nila ang sinabi ni Wesley. Pinandilatan ko sila at nagkunwari nalang silang walang narinig.

Nakangiti ako lumingon sa kaniya. Kanina ko pa napapansin ang .

"H-Huwag na dumerecho kana magpapa alam pa kasi ako sa bahay. May curfew kasi ako last summer kaya hindi ko pa alam kung papayagan ako." Alibi ko lang yun sa kanya. Pero ang totoo simula ng maghiwalay kami ni Jasper nawalan na talaga ako ng ganang maglalalabas at nawalan narin ako ng social life. Akala ko talaga wala ng halaga ang buhay ko after ng isang failed relationship. Hirap na hirap akong bumangon at harapin ang bawat araw. Nalunod ako sa sarili kong mundo at kinaen ako ng kalungkutan. Sa huli na realized ko na hindi ako naman nag iisa nandiyan ang mga kaibigan ko at pamilya ko. Sa ngayon binabalanse na lang talaga ni Andi at ng ibang kaibigan ko ang takbo buhay teenager ko kaya kahit papaano naging normal na tao ulet ako.

Ayokong bigyan ng malisya ang offer ni Wesley. Hangga't maaga gusto kong iwasan ang mga bagay na magpapakumplika ng unti unti ng naayos na buhay ko. Mamaya ano pang isipin ng mga kaibigan ko kung bakit may pasundo sundo pa si Ongpuco. And besides kaya ko namang magpunta dun mag isa.

"Ganun ba? 'E di mas maganda kung sabay na tayo para ipag paalam ka namin ni Andi sa inyo. At ihahatid din naman kita.. i mean namin pauwe." Masayang sagot niya.

'Yan feelingera ka kasama naman pala si Andi 'e.'

"Ayos lang magkita na lang tayo sa party. Asan nga pala yung payatot na pinsan mo at bakit biglang nawala?" Pag iiba ko ng usapan.

"Umalis na kanina pa bago pa magsimula yung Game 3. Nagtext siya may emergency lang kaya nauna na siyang umalis." Nakangiting paliwanag niya. Ang lakas talaga maka goodvibes ng aura ng batang 'to. Ang sarap gawing key chain at isabit sa bag pampa goodvibes.

"Hoy Lucky Me! Huwag kang mawawala sa party ko at ikaw ang panauhing pandangal ko kayo ng dalahirang si Andi." sigaw ni Marlon habang inaayos ang gamit sa pink niyang bag.

"O-Oo sige susubukan kong sumunod." sagot ko na ikinatigil nilang lahat sa mga ginagawa. 'KINGENANG mga 'to o-OA ampota!' "O-OO NA PUPUNTA NA! Nanalo lang kayo hindi na kayo mabiro, pag babayuhin ko kaya kayo ng bola sa mukha?!" Malakas na sigaw ko sa kanila.

"EH PUPUNTA NAMAN PALA"

"SABI NIYA NGA PUPUNTA SIYA."

"UMAYOS NGA KAYO AYOKONG MATAMAAN NG BOLA SA MUKHA GAYA NI MJ BELMONTE."

"AYAN PUPUNTA NAMAN PALA DAMI PANG PAUTOT."

'Akala mo naman ako ang may pa birthday, nagpa-papi lang ako nag sisi arte na!'

(Papi: means Papi-lit)

"AHAHAHAHAHA! Tinakot mo pa sila." Malakas na tawa ni Wesley at sinabayan nadin nila ng malakas na tawa.

'Yan RUGBY pa!'

Hindi na kami nagtagal sa campus at nagkayayan ang team namin na kumain sa labas bilang reward sa pagkapanalo namin kanina. Sumabay na kami ni Andres sa kotse ni Wesley papuntang Timog sa resto bar nila Olive. Naghiwahiwalay na kami ng landas pagkatapos ng masaganang pagkaen at walang katapusang kwentuhan. At sa huli mag isa na lang akong umuwe nahiya na kasi akong magpahatid kay Wesley kahit ilang beses niya akong kinukulet.

Bagsak ang katawang humiga ako sa malambot at malaki kong kama. Nagpaalam na akong hindi na ako sasabay sa hapunan. Plano kong matulog ng maaga, na drain ang katawang lupa ko kakalaro kanina.

"I miss you mga unan ko at ikaw din malambot kong kama!" Habang nakahiga ako at nakatingala sa kisame. Pinatay ko ang lampshade at tanging mga glow in the dark na mga stars, mga planets nalang ang nakikita ko. Hanngang sa makatulugan ko ang pag iisip sa mga nagyari buong araw.

Nagising ako sa malakas at sunod sunod na katok sa pinto sa kwarto ko.

"LUCKY ANAK, BANGON NA TANGHALI NA!" Malakas na katok ni nanay. Napilitan akong bumangon at nagsuot ng tsinelas bago ko binuksan ang pinto. "Ano ka bang bata ka. Hindi ka daw kumain kagabi sabi ng Tita Jack mo." Nag aalalang bungad ni nanay pagbukas ko ng pinto.

"Kumain po kasi kami sa labas ng mga classmates ko bago umuwe. Nagsabi naman po ako sa kanila bago ako umakyat ah." Napakamot ako ng ulo dahil bitin na bitin pa ang tulog ko. Alam ko namang nato-trauma lang si Nanay sa pinagdaanan ko nitong huli. Halos hindi na kasi ako kumakaen nung mg apanahaong broken hearted ako. Ewan ko pero hindi talaga ko makaramdam ng gutom pero may mga oras naman na ganadong ganado akong kumaen at parang hindi ako nabubusog kahit gaano pa karami ang kainin ko.

"Bumaba ka na huwag mong sabihing hindi ka din mag aalmusal?"

'Anong oras na ba? Kung maaga pa bakit panghapon na ang itsura ni Nanay?'

"Bababa na maghihilamos lang 'nay." At saka umalis si Nanay at bumaba. Pikit matang sumunod ako at dumercho sa sarili kong banyo.

Pagbaba naabutan ko si Kuya Jiggs na nag aayos ng mesa habang abala naman si Tita Jack maglagay ng pagkaing niluto niya.

"Good Afternoon Torres Gonzaga!!" Malakas at masiglang bati ko pagpasok ng dining area. Nagulat sila pareho at halos matawa ako sa mga itsura nila. Hindi maikakailang magtiyahin parehong mga OA. "Oh, anong mga mukha yan? Torres Gonzaga na nga may angal pa?" hinila ko ang silya at saka ako umupo.

"Alam mo bunso may something ka. Hindi ko lang mahulaan pero. There's something weird about you lately." Sabi ni Kuya Jiggs habang umiiling at nagkakamot ng baba.

'Yan na naman siya sa mga pangitain at panghuhula niya. Bagay na bagay sila ni Andi.'

"Oo talagang may something dahil nag champion kami kahapon. Bwahahahaha!" mayabang ang naging pagtawa ko sa harap nila ni Tita Jack.

"Sus! Hindi na bago yun Lucky alam kong saksakan ka ng galing sa volleyball napanuod na kita maglaro minsan kasama ng mga kaibigan ko remember?" Sagot ni Tita Jack.

"Balita ko nga nagkagulo ang Gymnasium kahapon sa dami ng nagpunta." Biglang sumulpot si Nanay sa tabi ko at nilagyan ng bagong lutong pancake ang plato ko.

'MY FAVORITE!'

"Siyempre ako ang naglaro kaya lahat sila ELIBS sa akin!" Mayabang na sagot ko kay Nanay habng pilit kong inaabot ang chocolate syrup sa mesa at agad itong inilayo ni Kuya Jiggs para asarin ako.

"Oo na alam naman namin yun bakit ikaw lang ba ang player?" pambabara ni kuya.

"Nay oh si Jiggen!" turo ko sa kapatid kong hindi ata nabubuo ang araw ng hindi pinapainit ang ulo ko. Nakangiting inabot ni kuya ang chocolate cyrup kay nanay saka iniabot sa akin.

"Of course not. Magagaling din ang mga ka team ko lamang lang ako ng 300%!" casual na sagot kohabang pinapaliguan ko ng syrup ang unuusok pang pancake.

"Oh siya sige kumaen na bago pa lumaki ang ulo mo." Nakangiwing sabat ni Tita Jack.

"Siya nga pala 'nay may post birthday celebration slash victory party kami mamaya sa bahay nila Marlon Trinidad. Pwede ba akong sumama?" Mahina at nagbabakasaling paalam ko.

At bigla nagkalansingan ang mga kubyertos sa mesa. Lahat sila nakangangang napalingon sa akin.

'Hala anyareh?'

"Hey what's up Torres Gonzaga!?" Pinitik pitik ko yung daliri ko sa ere.

"A-Ano ulet yun bunso paki ulet nga?" tinungga niya ang kape sa tasa at ilang ulet na napalunok.

"Huwag na nga matutulog na lang ako maghapon." bahagya akong napayuko at sumubo ng malaking slice ng pancake.

"Ano kaba Lucky sino bang nagbabawal sayong pumunta? Go ahead anak enjoy your week ends! Diba Ate El?" halos mapunit nag bibig ni Tita Jack sa laki ng pagkakangiti kay Nanay.

"Oo naman anak sige pumunta ka take your time. Mag text ka lang kung anong oras ka susunduin ng Kuya at Tita Jack mo." Magiliw na tugon ni Nanay.

"Talaga po? Thank you Nanay, Tita Jack at Kuya." Nginitian ko sila ng malaking malaki kahit punong puno ng pancake ang bibig ko.

Alam ko namang hindi nila inaasahan ang biglang pagpapaalam ko. Dati halos ipagtulakan nila akong lumabas para gumimik kasama ang mga dati ng mga kaibigan ko. Hindi ko din naman sila masisisi, ako naman talaga ang nagbago dahil sa maagang paglandi ko.

Nagbago ako sa maikling panahon. Na reset yung buong pagkatao ko at muntik na akong hindi makabangon buti nalang may kaunti pang natitira sa dati kong pagkatao.

Pagkatapos mananghalian dumerecho na ako sa kwarto para maghanda ng masusuot sa party ni Marlon.

Habang nagpapalipas ng oras humiga lang ako sa kama at nakatulala ng biglang nag vibrate yung cellphone ko na hindi ko namalayang nahigaan ko na pala.

"H-Hello." Walang kagana ganang sagot ko sa kabilang linya.

"YumYum! I Miss youuuuuuuuuuhhh!" agad akong napaupo sa kama ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Jasper sa kabilang linya.

'YumYum?! Jasper?!'

'I miss you too.' Gusto ko din sanang isagot sa kanya pero para ano lokohin ulet ang sarili ko? Tss!

"T-Teka, paano mo nalaman ang number ko?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Lahat ng contact number ni Jasper binura ko na kahit na buong puso ko yung saulado.

"Kay Andi, Hahaha. Ini-invite niya akong pumunta sa party ng friend niyo mamaya. Magka chat kami sa Messenger kanina. Sumama na daw ako para siguradong makakapunta ka." Masiglang kwento niya.

'Sinabi ko namang pupunta ako diba? Pranign talaga 'tong si negra!'

"Hey Lucky, are you still there?" nag aalalang tanong ni Jasper sa kabilang linya.

"O-Oo san naman ako pupunta?" natatawang sagot ko. Namiss ko lang bigla yung dati na halos oras oras kaming magkausap sa phone. Magkatext kapag nasa klase o kung nasaan man kami pareho.

"Pwede ba kitang sunduin diyan sa inyo mamayang 5pm?" Nag aalangang tanong niya. Kapag ganyan ang tono niya alam kong nakakagat labi na naman siya.

"Okay lang naman siguro pero ipagpapalam ko muna sa kanila." Ang pamilya ko ang tinutukoy ko.

"Sa tingin mo okay lang kela Tita at Kuya Jiggs kung susunduin kita diyan mamaya?" nahihiyang tanong niya.

"Oo naman wala na yun sa kanila, alam naman nila ang totoong nangyari." Parang may kung anong kumurot sa dibdib ko sa sinabi ko.

Nanghihinayahang ba ako sa mga panahong nasayang sa pagitan namin ni Jasper? Kapag naiisip ko ang lahat ng mga pinag usapan namin noong gabing yun parang mababaliw ako. Andaming what IF's na pumapasok sa utak ko at ayoko silang i-entertain isa.

'Pero what if nga kung nalaman niyo ng mas maaga?'

'What if sinabi ni Kuya Jiggs na may alam siya?'

WHAT IF???

'WAAAAAAHHHHHHH!'

'Makulet ka din bakla sinabing huwag mong i-entairtain isa isa eh!!!!'

"EVERYTHING HAPPENS FOR A REASON" Yan ang malaking sign board na ginawa ko sa loob ng kwarto ko. Ang tanging pa konsuelo ko sa sarili na ang lahat ng bagay na nangyayari sa atin ay may dahilan. Nakatakdang mangyare at lahat nakatadhana. Huwag ng kumontra wala ka din namang magagawa.

'Sige lokohin mo lela mong shunot!'

'Bakit ba palagi kang kumokontra brain?'

'Dahil yun ang realidad. Walang nabubuhay sa fantasy ang meron reality at yun ang dapat mong harapin.'

"LUCKY ARE YOU SURE YOUR OKAY?" nag aalalang sigaw ni Jasper sa kabilang linya na gumising sa naglalayag kong isip.

"Yes Yes Yes.. I'm sorry Jas... iniisip ko kasi kong anong sasabihin ko sa kanila." Napahiyang palusot ko sa kanya.

"Text mo ako kung papayag sila. Take a rest maaga pa naman. See you later. I miss you Lu." Hindi na niya inantay ang sagot ko at binaba na ang linya.

I miss you Lu? Hindi parin talaga siya nagbabago. Miss na miss ko ng marinig yun sa kanya. Ilang gabi ba akong nababaliw kakapakinig ng mga recorded calls naming dalawa. Ugali ko kasing i-record ang mga tawag niya. Kaya tino-torture ko ang sarili kong pakinggan iyon ng paulet ulet kapag namimiss ko ang boses niya.

Sana nga pwede pang ibalik yung nakaraan.

Pwede naman.. Nakaraan.. Nakaraan.. Nakaraan..

Napairap ako sa sobrang pilosopo ng utak ko. Oo na pwede na pisti ka! Pero ayoko ng maulit yung sakit kaya tumigil ka na. Ano bang nangyayari sayo Lucky? Nawawala ka na naman sa sarili mo. Akala ko ba ito ang matagal munang gusto. Ang makausap, makasama at magkabalikan kayo kung pagbibigyan pa kayo ng isang pagkakataon?

Dala ng inis bumangon ako ng kama. Hinanap ko si Nanay sa loob ng kwarto niya pero wala siya. Bumaba ako at nakita ko sila sa sala at habang nagkakape. Nagtataka naman silang nakatingin paglapit ko.

"Nay, okay lang ba kung susunduin ako ni Jasper mamaya. In-invite din kasi siya nila Andi na sumama sa party." Nakayukong paalam ko sa harap nila. Pumikit ako dahil inaasahan kong may violent reaction na mangagaling sa kanila lalo na't present si Jiggen Torres Gonzaga sa sala.

"Oh akala ko sila Tita Jack at Kuya mo ang maghahatid sayo?" Hindi naman galit pero may halong pag aalala ang boses ni nanay.

"May sasakyan naman yun 'nay, ayos na yun para tipid pamasahe at tipid sa gasolina si Kuya. He he he." Birong palusot ko kahit na alam kong hindi yun pasado.

"Tipid sa pamasahe or gusto mo talagang makasama siya?" gatong kaagad ni Kuya Jiggs. Kahit kailan numero unong kontrabida talaga 'tong lalakeng 'to sa buhay ko.

"Wala ba kayong tiwala sa akin?" isa isa ko silang tinitigan sa mata.

"Anak. Malaki ang tiwala namin sayo. Natatakot lang kami na baka maulit na naman ang nangyari sa inyo noon." Hinawakan ni Tita Jack ang kamay ko.

"Sayo may tiwala ako sa lalaking yun wala." Walang emosiyong sagot ni Kuya.

"Sasabay lang naman ako, wala naman akong sinabing makikipagbalikan ako sa kanya." Pambalang na sagot ko kay kuya.

"Eh dun din naman yun papunta, di ba? Mahal mo siya, Mahal ka niya. Tss kalokohan!" Sarkastikong sagot ni Kluya Jiggs habang nagde-de kwatro ng upo.

"Hindi pa namin pinag uusapan ang bagay na yan Kuya. Ang focus ko ngayon ay ang pag aaral ko. Wala munang lablayf nag promise ako kay Nanay remember?" Malamig na sagot ko. Paano kami makaka usad pare pareho kung paulit ulet nilang ipapaalala ang madilim na kahapon ko.

"Basta Lucky kung ano man ang maging desisyon mo, ninyo ni Jasper irerespeto namin iyon. Ang sa amin lang timbangin mo munang mabuti ang nararamdaman mo sa ngayon. Huwag ka munang magpapadalos dalos sa pagdedesisyon." Makahulugan at nag papaalalang wika ni Nanay.

"Alam ko po yun. Salamat Nanay.." yun lang ang tanging naisagot ko sa kanila at muling umakyat sa kwarto para mag ayos.

After an hour.

"Lucky, nandiyan na ang sundo mo bumaba ka na." Sumilip si Tita Jack dahil nakabukas naman yung pinto.

"Bababa na Tita Jack salamat." Sagot ko habang nagsusuklay ako. I wish hindi nila in-interrogate yung isa sa baba habang nagaantay sa akin.

Dahan dahan akong bumaba at sinilip ko sila sa sala. Nakita kong nakaupo si Jasper sa pang isahang couch at masayang nakikipag kwentuhan kay Nanay at Kuya Jiggs. Nagtatawanan pa sila pagpasok ko ng sala.

"Eherrrmm.." sadyang parinig ko sa kanila

"Oh ito na pala si bunso." Nakangiting bati ni Kuya.

'Ano na namang ngiti yan kuya?'

Mula pagkabata nakasanayan ko ng bigyan ng kahulugan ang bawat kilos ni Kuya Jiggs. Palagi siyang kumukontra sa mga bagay na gusto ko lalo na't kapag hindi pasado sa panlasa niya. Nung inamin ko noon sa kanila ang relasiyon namin ni Jasper siya lang ang hindi naging masaya sa desisyon ko pero sinuportahan niya ako hanggang dulo.

"Are you ready?" Masiglang salubong ni Jasper.

"Nay mauna na kami." Paalam ko kay nanay na kasalukuyang bumebeso kay Jasper. Inirapan ko lang si Kuya na makahulugang nakatingin. Umiiling lang si Tita Jack habang umiinun ng umuusok niyang kape.

Nakakapanibago. I mean yung ambience na naabutan ko kanina may pakiramdam akong may nangyare habang wala ako. Pero dinedma ko nalang baka ano na naman kasing ikinuwento ni Kuya Jiggs dun habang inaantay ako kanina. Humanda ka sakin paguwe ko sisiraan ko na naman ang kwarto mo.

BWAHAHAHAHAHA!

"Kamusta ka its been a week since huli kitang makita." si Jasper habang nagmamaneho.

"Ayos naman busy sa school. Kailangan kong humabol sa ibang lessons dahil masiyado silang advance sa Carlisle." Saka ko itinuon ang mata sa labas ng bintana.

"E tayo kamusta na ang lagay naten?" hindi ko alam kong ngingiti o sisimangot ako sa tanong niya.

"What do you mean?" seryosong tanong ko.

"Cut the crap Lu, you know what i mean." Kilala ko ang ganong tono niya at dapat akong magseryoso. "I gave you enough time and space para makapag isip at ngayon nag aantay ako ng sagot mo." Dere-derechong sagot niya ng hindi man lang sumulyap sa gawi ko.

"Ahh—ito ang nagiisip parin. Mukhang kulang pa yung time and space mo e." Nakangising sagot ko. Kulang na kulang talaga kung pwede ko nga lang ipatawag ang Babaylang si YDA ng Shaider para dalhin ako sa Time Space Warp hiniling ko na noon pa. Mas nanaisin ko pang makipagsagupaan sa mga halimaw ni Kuuma Le-ar kesa makipagsagupaan sa nararamdaman kong sakit noon.

"Do you still love me Lucky?" Prangkahang tanong niya. Parang kinagat ng dambuhalang surot ang pwet ko at napaigtad ako sa kinauupuan ko.

'Obkors idiot! Ikaw lang naman 'tong tarantado eh.'

"Yun lang ba ang dahilan kaya ka sumama Jasper?" walang emosiyong sagot ko.

"Oo at Hindi.." may diing sagot niya. "Oo dahil gusto kitang makita at makasama. Hindi, dahil hindi ko maintindihan kong bakit pinapatagal pa nating ganito tayo." Napahampas pa siya sa manibela matapos niyang magsalita. Napakainitin parin ng ulo.

"Tss! Bakit sa tingin mo ginusto ko ang lahat ng nangyari sa atin?" mapait na sagot ko. Madudurog ang ngipin ko sa pagkikiskisan kapag naaalala ko ang mga hirap na naranasan ko.

"Ako sa tingin mo ginusto ko? TANGENA naman Lucky hirap na hirap din ako!!" Sigaw niya habang nagmamaneho.

***ROUND ONE – FIGHT!***

"Kwits lang boi! Hindi mo rin naman alam kung anong hirap ang pinagdaanan ko." Kung nakakaganda ang pagiging sarkastiko ang ganda ganda ko na sigurado.

"Bakit ako sa tingin mo madali? Halos mabaliw na nga ako kakaisip kung papano ko sasabihin sa family ko na nakabuntis ako na sa murang edad magkaka anak na ako." Walang patlang na sagot niya.

"This is crazy." Umiiling na tugon ko. Umayos ako sa pagkakaupo. Akala ko magiging maayos ang pagsasama namin ngayon kagaya nung huli naming pagkikita.

"Walang may gusto ng nangyari Lucky. Wala."

"Wala pero nilihim mo.. Pinaglihiman mo ko." duro ko sa mukha ko. "Ako na nag iisang taong nakakaintindi sa bawat liko ng bituka mo." Para ko naring sinaksak ang sarili ko sa sakit sa panunumbat ko.

"W-What? That's insane! I told you humahanap lang ako ng tiyempo." Giit niya at parang ang sarap niyang tuhurin sa noo.

"Para ano i-surprise ako? Well guess what Jasper?! YOU HIT THE JACKPOT!" sa sobrang inis ko nagkarerahan na pababa ang mga luha sa pisngi ko. May switch ata 'tong mga kinangenang sakit na 'to at bigla nalang nag o-ON kapag may tiyempo.

"Its never my intention Lucky, plano ko talagang sabihin sayo yun. Naghahanap lang ako ng tamang oras. Malas lang naunahan agad ako ni Andrea." Mahinahong paliwanag niya. Hindi ko alam kung maniniwala ako o ano. Nasaan na yung pangako naming magiging tapat kami sa isa't isa, nakabuntis nadin ba?

"Mmmm nasabi mo naman.. Ang galing nga timing pa sa monthsary natin." Umiiyak at tumatawang sagot ko. "Ang bongga nga ng gift mo sana binalot muna rin bago mo pinasabog sa mukha ko." Hirap na hirap akong lunukin ang mapait na laway ko.

"I'm sorry.. Ilang beses ba kong hihingi ng tawad sa kasalanang hindi ko ginawa?"

"Pero inako mo Jasper!" napagtaasan ko na siya ng boses. "Yun ang masakit hindi ka manlang nagtanong kung gaano ka kati yang ex girlfriend mo bago ka sumalo ng responsibilidad na hindi naman sayo." paalala ko sa pagkakamali niya. Pisti! Lalo ko lang ipinamukha sa kanyang ang bitter bitter ko hanggang ngayon.

"Because we both know that its the right thing to do." Buong tapang na sagot niya.

"Yeah.. We." sang ayon ko pero naroon ang pagiging sarkastiko. Bagsik nito "We" daw pero nagawang solohin at ilihim sa akin ang bagay na yun at kung hindi ko pa sila mahuhuli wala pa siyang planong aminin.

"You know me Lu. Hindi ako katulad ng parents ko na nakalakad lang ako iniwan na nila ang responsibility sa ibang tao." Paulit ulet niyang hinahampas ang manibela sa inis.

"Hindi ibang tao ang grandparents mo. Stupid!"

"At hindi rin ibang tao ang batang yun kung nagkataong ako ang ama niya." sigaw niya pabalik.

Okay now i get it. Ayaw niyang magaya sa kanya ang bata kung sakaling siya nga ang ama nito. Ang punto ko lang naman sana inalam niya muna ang katotohanan bago siya magpakabayani. Ngayon sino ang nahihirapan?

"Sa bagay ano nga naman bang mapapala mo kung magpapatuloy pa tayo. Ano ba ang kaya kong ibigay sayo?"

"I never asked anything to you. Huwag mong ilihis ang usapan Lucky." Gigil na sagot niya at inamaan ako ng tingin.

"Bakit hindi ba totoo? Yun naman talaga ang isang bagay na hindi ko maibibigay sayo. Naglolokohan lang tayo pareho."

"THAT'S BULLSHIT!"

"ACCEPT IT. I'M DEAD END JASPER." Buklaw ko at naging tagusan ang tingin niya sa direksiyon ko.

Dahil sa pag aaway namin hindi ko napansing nasa loob na pala kami ng subdivision nila Marlon. Huminto kami malapit sa bahay nila. Nag park lang muna siya at nauna akong bumaba. Mabilis kong dinukot ang kaha ng sigarilyo sa bag ko. Kanina pa ako hindi makahinga sa loob at ito ang hanging hinahanap ng baga ko.

"Gusto mo?" Alok ko sa kanya paglapit. Hindi ko na siya inantay sumagot hinagis ko sa ere at mabilis naman niya itong nasalo. Pareho kami ngayong nakasandal sa hood ng kotse niya.

"Basta talaga sa bisyo nagkakasundo tayo." Natatawang sabi niya habang nagsisindi ng sigarilyo.

"Kasi yun lang ang bagay kaya kong ibigay sayo." sagot ko at napangiti siya.

"Psh, ano Lung Cancer?!"

"Bugak! Yung panandaliang kaligayahang naibibigay ng sigarilyo sa tao." Napangiti ako habang bumubuga ng bilog bilog na usok sa ere.

"Yeah and addiction. Because I'm addicted to you." Napangiwi ako sa sinabi niya.

"Pero pwedeng tigilan at kayang lunasan ang addiction. Basta gradual at sa tulong ng withdrawal. Makakalimutan mo din addiction mo. Makakalimutan mo din ako Jasper. " seryosong sagot ko.

"At tulad ng sigarilyo hindi kita kayang kalimutan. Kahit anong klaseng pag iwas ang gawin ko. Adik na adik na ako sayo."

"Pero nagawa mo kahit papaano sa pamamagitan ng panloloko." pambabara ko. "Bakla lang ako Jasper pero hindi ako bobo." Napanganga siya sa sinabi ko. At hindi makapaniwalang napailing ulo habang humihithit ng sigarilyo.

"Please give me one last chance. I swear and i promise i'll be better this time." Malungkot at nakayukong pakiusap niya.

"Saan sa panloloko mo?" pambabara ko. Ayoko siyang seryosohin natu-trauma na ako. "Maganda yan. Sa raffle nga "More entries, More chances of winning. Push mo yan Teng!"

"I'm serious. YumYum." Sabay hithit ng sigarilyo. Nakita ko kung paano magtiim bagang at manigas ang panga niya sa inis.

'Sabi ko nga. Pero mas seryoso ako Jasper.'

"Pwede bang iba na lang pag usapan natin Jasper?" sing lalim ata ng pacific ocean ang naging pagbuntong hininga ko. Bagsak ang balikat na sumandal siya sa tabi ko. Hindi ako sanay na makita siyang ganito. Si Jasper ang isa sa pinakamaligalig na taong nakilala ko. Hindi siya nauubusan ng baterya kapag kasama ko. Sabi ng mga kaibigan niya siya ang life of the party. Ang pinaka maloko, komikero, singer at song writer, dancer, actor dahil madalas kasali siya sa mga school plays sa campus. A Jack of all trades master of none.

Si Jasper ang nagsisilbing liwanag sa tuwing nadidiliman ako. Ang init na pumapawi sa tuwing nilalamig ako. Ang tinig na pinakikinggan ko. Ang katuparan ng mga pangarap ko..

"I'm accepting my parents offer na sa America na ako mag aral." Walang emosiyong kwento niya. "Tinanggap ko na yung offer nila a month ago." Parang nag crack ang leeg ko ng lingunin ko siya. Hindi ko alam pero walang lumabas na usok ng hithitin ko ang sigarilyo. Siguro sa tenga ko lumabas parang nabingi kasi ako 'e.

'Lupet nito iniba niya nga mas malala namang balita.'

"K-Kailan ang alis mo?" hindi ko maitago ang lungkot sa boses ko kaya nagbuga nalang ako ng usok paitaas.

"A month i guess?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Anong sense ng pakikipagbalikan niya kung aalis siya at iiwan niya din pala ako. Pektusan ko kaya 'to sa gums? Ewan pero parang naubusan ako ng enerhiya bigla. Nakakadrain yung balita.

So aalis na siya for good? Iiwan niya na talaga ako? Teka bakit ba ako nalulungkot? Ilang buwan ko na din naman siyang hindi nakikita anong ipinagkaiba nun?

"Good for you." Mapaklang sagot ko.

"You think so?" Habang pinabilog bilog din ang usok na binuga niya. Sa kanya ko natutunan yun isang beses na nagkainuman kami nung hindi pa kami.

"100%." Nag thumbs up ako. "So far yan ang pinaka the best decision na ginawa mo." Pinipilit kong hindi pumiyok sa lungkot na nadarama ko.

"Kung papayag kang maging tayo Lucky babalik ako." Bigla siyang nabuhayan ng loob at pumihit paharap sa akin. "Pagbibigyan ko lang ang parents ko na makasama ako sandali and i'll be back for you.. this time its for good i promise you." Seryosong sabi niya at kitang kita ko yun sa kakaibang kinang ng mga mata niya. Masiyado niya akong pinapaasa. At ako naman masiyadong umaasa sa maliit na pag asa.

"And that's the most stupid and selfish decision i've ever heard from you."

"I'm serious Lucky! Is it a yes or no?" pinitik niya papalayo ang sigarilyo at hinawakan ang parehong kamay ko ng mahigpit.

"No." Nagtitigan kaming dalawa ng ilang segundo. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang sagot kong yun. Basta ang alam ko kusang lumabas yun sa bibig ko. By instinct i guess? Maybe its the right thing to do.

"Why are you doing this to me Lucky?" Dahan dahan niyang binitawan ang kamay ko. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang nakaka tangang tanong niyang yun.

"I'm not doing this to hurt you Jasper. Dahil kung nasasaktan ka, mas nasasaktan ako." Unti unting naninikip ang dibdib ko habang nakatitig sa kanya.

"Ayon naman pala 'e, so bakit ayaw mo na akong balikan?" namumula na ang ilong at mga mata niya.

"I'm not into labels anymore Jasper." Paulit ulet kong kinakagat ang lower lips ko. Tangena ang ganda ko diba? Hindi yun ganun kadali kung yun ang iniisip niya. Kung matatawag na ka impoktritahan o pagiging masama ang hindi paglingon sa pinanggalingan..

OO AKO NA ANG MASAMA MGA WALANG HIYA!

"Lucky please.." napapahikbing sambit niya.

"Hindi man ako kasing saya ngayon tulad noon, mas gusto ko munang manatili kung nasaan ako ngayon." Nagkusa ang kamay kong haplusin ang makinis niyang mukha. "Ito ang bagong bersiyon ng sarili ko. I've learned a lot in this happy and painful experience. This pain thought me a lot of things and i've found new strength on my own weakness." Pinipilit kong magpakatatag at panindigan ang nasimulan ko. "Naalala ko yung mga qoutes na nabasa ko..." Napapangiting sabi ko habang dumudukot ako ng sigarilyo. "Without loss we wouldn't appreciate gain, without grief we wouldn't appreciate love. Without death, we wouldn't appreciate life and without fear, we wouldn't appreciate love.." inalalayan ko siyang sumandal at muling umupo. "Yung malampasan ko yung isang matinding unos sa buhay ko malaking achievement na yun para sa akin Jasper." Inabutan ko siya ng sigarilyo at sabay kaming nagsindi.

"You're being unfair Lucky." Napahithit buga siya sa sigarilyo niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Let's keep it this way Jasper. My way. We've done your way a long time ago and its my turn. Pagbigyan mo na ako."

"Paano ako, tayo? Yun na yun ganun ganun lang ba yun para sayo?" ayaw niya paring talagang sumuko. Ugali niya yan ang idaan sa pagpapa cute hanggang makuha ang gusto.

"I'm doing this because i know its the best for both of us. Your parents still needs you and i know deep inside your heart you need them too."

"But how about me needing you? I know you badly needed me too." sagot niya habang hawak ang isang kamay ko at dinala sa dibdib niya.

"Matagal mo ng napunan ang pangangailangan ko Jasper. Tinupad mo ang simpleng pangarap ko. Ang magmahal at mahalin ng isang kagaya mo. Kumbaga sa fairytale stories, ikaw ang Prince charming ko." Kinurot ko siya sa cheeks at ng mahuli niya ang kamay ko dinala niya iyon sa mainit niyang labi. "You're the best thing that i've ever been mine Jasper Wayne Teng."

"Me too.. Pero hindi pa ako nakukuntento sayo eh." seryoso parin ang mukha niya at ako ang unti unting natatawa.

"Kasalanan mo yan, makati ka kasi!" at bumunghalit ako ng tawa.

"Sige simulan mo na naman ako!" inirapan iya ako at napayuko. Yung irap na gustong gusto ko dahil ang cute cute niya kapag ginagawa niya yun

"At dahil sa mahal na mahal kita Jasper Teng, I really want the best for you." Nakayuko lang siya at nakatingin sa paanan ko. Maya maya narinig kong humihikbi at sunod sunod ang pagsinghot. Hinawakan ko ang baba niya pataas at parang water falls na naglaglagan ang mga luha niya.

Hindi ito ang unang beses na nakita ko siyang umiyak sa harap ko. Pero ito ang unang beses na nasaktan ako ng higit pa sa inaasahan ko. Pakiramdam ko may nagsasalitang bumabayo sa dibdib ko at unti unting dinudurog ang laman ng puso ko.

Bigla niya akong niyakap ng walang kasing higpit. Nanghihina ang mga tuhod ko kasabay ng panlalabo ng paningin ko. Tangenalangs! Bakit ko ba tinanggihan ng paulit ulit ang kaisa isang taong minahal ako kung sino ako ng walang alinlangan. Nasasaktan ako yun ang totoo. Mahal na mahal ko si Jasper pero natutunan ko naring mahalin ko ang sarili ko. Naging aral sa akin ang hirap ng pinagdaanan ko bago ako makamoved on sa pagkabigo. Natutunan kong magpatawad at mahalin pa lalo ang sarili ko. Pass muna ako sa mga lablayf lablayf na yan panira yan ng buhay teenager ko. Aalis siya at maiiwan akong mag isa. Kahit saang anggulong tingnan ako parin yung pinakamalugi at talo.

"Is that your final decision? Pwede mo pang bawiin lahat ng sinabi mo. May one month pa ako." Nakuha niya pang magbiro habang nagpupunas ng luha.

"Tss, bading ka napaka iyakin mo!" At bigla niya akong sinuntok ng mahina sa braso.

"Aray ah makapanakit ka!" at inambaan ko siya ng suntok at siay naman ang natawa. Siraulo!

"Actually nauna ko ng sinabi kanina kela Tita Elvie at Kuya Jiggs yung naging decision ko."

"Kaya pala ganun ang tingin ng hinayupak na yun kasi may alam siyang hindi ko alam." naiinis na sagot ko.

"Sorry nagpa alam lang ako ng maayos sa kanila at humingi ng tawad sa lahat ng gulong nagawa ko." Paulit ulit niyang pinipisil ang palad ko.

"Hoy kasali din ako dun kaya huwag mong solohin ang sisi."

"I just want you to know na wala akong pinagsisisihan sa naging desisyon ko since the day that i met you. Nanghihinayang lang ako sa mga oras na wala sa atin." At hinila ako papalapit sa kanya at hinalikan ako ng matagal sa noo. Namiss ko ang mga yakap at halik ng mokong na 'to. "You know I hate saying goodbye Lucky.. especially to you." Unti unti na naman siyang naiiyak. "Pero magkikita parin tayo at sa pagkakataong yun ipaparamdam ko sayo ang panghihinayang kung paano mo paulit ulit tinanggihan ang isang Jasper Wayne Teng." Mayabang na sagot niya.

"Pakyu ka ulol!" Malakas na hampas ko sa braso ang iginanti ko habang walang tigil ang pagpatak ng luha ko.

"I need to go, hahanapin ako nila Lola." At nauna siyang naglakad habang nakayuko papunta sa pinto ng kotse niya. Parang pinupunit ang dibdib ko sa sakit. Mas masakit pa ata yung pamamalaam niya kesa nung magkahiwalay kami. Bakit ba hindi ako tantanan ng pisting heartache na yan? "Paki sabi na lang kay Andi na dumaan ako." Kaway niya bago buksan ang pinto.

"JASPER TENG!" Malakas na sigaw ko bago siya pumasok sa loob.

"Bakit nagbago na isip mo?" Natatawa at sumisinghot na sagot niya.

"TENG ENE MO MAG INGAT KA PAUWE!" At saka siya tinalikuran at kumaway patalikod. Narinig ko siyang tumawa ng malakas habang papalayo ako.

Tama yan sabay tayong tumawa at umiyak habang atin ang gabi..

KENNETH'S POV

"Asan ka na ba, amputek naman akala ko ba on the way ka na?"

"On the way na sana nagka emergency si Manang Loida dinala namin sa hospital ngayon nagka heart burn sabi ni Mommy" pagdadahilan ni Wesley habang kausap ko sa kabilang linya.

"Malapit na ako sa place nakakahiya naman sabit lang ako tapos nauna pa ako sayo dito!"

"Susunod ako after ko sila ihatid. Sorry bro." natatawang sagot niya kaya lalo akong nainis.

"Ewan ko sayo bilisan mo hintayin nalang kita dito sa parking lot." Saka ko binaba ang phone. Nakakainis hindi ko alam kung tutuloy paba ako o hindi na. Bakit pa kasi ako pumayag na sumama hindi naman ako imbitado. Siya lang naman ang naimbitahan napasabit lang ako para may makasabay umuwe si Wesley. And besides hindi naman papayagan yun ng hindi ako kasama.

Lumiko at huminto ako sa guard house bago ako pumasok ng Filinvest Subdivision.

"Boss sa Trinidad Residence." Nakangiting sambit ko sa guard at nag iwan ako ng ID.

"Wait lang Ser check ko lang po yung guest list."

"Sige po!"

"Ano po palang pangalan ser?" magiliw na bati ng guard na mukhang nasa late 30's lang. Sa itsura niya at kilos mukhang baguhan guard lang pero maayos naman makipag usap at magalang.

"Kenneth James Ang at Wesley Ongpauco boss pa check nalang sa list."

"Ahh ito nasa list po kayo. Pasok na po kayo ser. Magandang gabi po ulit." Magalang na sagot niya saka sumaludo sa akin.

Saka ako pumasok sa magarang subdivision. Hinanap ko lang yung street at block nila at nung nakita ko dahan dahang akong nag park sa isang malawak na parking space na vacant lot sa tabi ng malaking bahay ng mga Trinidad.

After ko mag park tinext ko ulet si Wesley. Binuksan ko ng bahagya ang bintana ng kotse ko para makasagap ng sariwang hangin. At nagulat ako ng may isang black na Volvo na kotse ang tumabi sa parking space ko. Maya maya lang may bumaba na isang babae at isang lalake na mukhang nag aaway dahil parehong pabagsak ang pagsara ng pinto ng kotse.

'Tss, parang mga tanga dito pa ata mag aaway sa parking lot.'

At nagulat ako ng makita kong pamilyar sa akin ang babaeng nakatalikod sa kilos nitong akala mo tomboy at sa mga kilos nitong animoy walang pakialam. Hinding hindi ako pwedeng magkakamali.

Si Lucky Gonzaga. Hindi pala babae. Tch! Naka black ripped skinny jeans at butas ang dalawang parte ng tuhod at naka leather jacket na fitted na may yellow shirt na panloob. Bagay na bagay sa kanya ang simpleng look niya. Simple lang pero rock.

At nakita kong hinagis din niya ang sigarilyo sa lalaking papalapit.

'Whoa! Naninigarilyo siya?'

"Teka sino yung lalaking yun? Wala naman akong natatandaang classmate o kaibigan niya na lalaki bukod sa mga baklang palagi niyang kasama." Mahinang bulong ko sa sarili ko.

"Basta talaga sa bisyo nagkakasundo tayo." Natatawang sabi ng lalaking katabi niya habang nagsisindi ng sigarilyo sa harap ng kotse.

"Kasi yun lang ang bagay kaya kong ibigay sayo."

'Teka ito ba yung ex niya? Ano ngang pangalan ulit nun?'

Buti nalang tinted ang salamin ng kotse ko at bahagyang nakabukas ang kabilang bintana ko kaya naririnig ko ang pinag uusapan nila dahil katabi lang nila ang kotse ko. Naka sandal sila pareho sa hood ng kotse habang naninigarilyo.

"Psh, ano Lung Cancer?!" pabalang na sagot ng kausap niya.

"Bugak! Yung panandaliang kaligayahang naibibigay ng sigarilyo sa tao."

'Tsk tsk tsk ang bata bata pa nagbibisyo na.'

"Yeah and addiction. Because I'm addicted to you."

'Eww! Ang cheesy naman nito.'

"Pero pwedeng tigilan at kayang lunasan ang addiction. Basta gradual at sa tulong ng withdrawal. Makakalimutan mo din addiction mo. Makakalimutan mo din ako Jasper. "

'Ano bang pinag uusapan ng mga 'to bakit puro sa paninigarilyo?'

"At tulad ng sigarilyo hindi kita kayang kalimutan. Kahit anong klaseng pag iwas ang gawin ko. Adik na adik na ako sayo." May bahid ng lungkot na sagot nung lalake.

"Pero nagawa mo kahit papaano sa pamamagitan ng panloloko." Sarkastikong sagot ni Lucky. "Bakla lang ako Jasper pero hindi ako bobo."

'Panloloko? Sinasabi ko na nga ba 'e siya yung ex na kinukwento ni Andi. Tungkol ba sa relasiyon nila ang pinag uusapan nila?'

'What am i doing? Nakikinig ako sa usapan ng may usapan. For Pete's sake para akong babaeng nangangalap ng tsismis.'

Pero hindi ko parin mapigil ang sarili kong makinig sa kanila.

"Please give me one last chance. I swear and i promise i'll be better this time."

"Saan sa panloloko mo?" pambabara ni Lucky. "Maganda yan. Sa raffle nga "More entries, More chances of winning. Push mo yan Teng!"

Gusto kong tumawa ng malakas sa mga sagot ni Lucky. Kahit kailan talaga napaka pilosopo niyang kausap.

"I'm serious. YumYum."

'What? YumYum, Tae ang baduy ng tawagan nila! Ha ha ha!'

Nagba vibrate yung phone ko pero hindi ko masagot dahil kapag magsalita ako maririnig nila ako dahil nakabukas yung window ko. Nasa right side sila ng kotse ko at yung left window ko yung open so hindi nila ako makikita.

Matapos kong marinig ang lahat ng pinag usapan nila. Natulala lang ako ng matagal. Pinipilit kong intindihin ang pinag usapan nila, alam kong kulang ang mga nalaman at narinig ko kaya hindi ko rin maiintindihan ang sitwasiyon nila. Hindi ko sila pwede husagahan ayon sa mga bagay na narinig ko ng hindi ko nalalaman ang totoo at buong kwento.

All i know is that Lucky is so damn lucky. Hindi biro ang mahalin ka ng tapat at totoo ng isang lalake kagaya ng ginawa ni Jasper. That's real braveness for me. Hindi lahat ng lalake kayang gawin ang ginawa niya unless mahal na mahal niya siguro yung tao. At nakita ko yun kay Jasper. Nakikita ko ang kakaibang tingin at paraan ng pakikipag usap niya kay Lucky na mahalaga ito sa kanya.

Gwapo at mukhang may sinasabi sa buhay si Jasper. Siguro naging mahirap at mabigat din talaga ang pinagdaanan nilang dalawa kaya nauwe sila sa ganitong eksena. I don't know what happened to them on the past kung ano man yun silang dalawa lang ang nakakaalam.

Nabigla ako lang ako ng yakapin niya ng mahigpit at halikan ng madiin sa noo si Lucky. Umiiyak sila pareho. Napayuko ako sa manibela dahil ayokong makita kung anong susunod nilang gagawin. Naalala ko na naman yung time na niyakap niya ako. Ganoon din kaya ang naramdaman ni Jasper nung una? Ano kaya ang pakiramdam ng mag mahal ng isang kagaya niya?

'Ugh, ano ba 'tong pinag iisip ko!'

"JASPER TENG!" Nagulat ako sa lakas ng sigaw ni Lucky at halos mapatalon ako sa kinauupuan ko.

"Bakit nagbago na isip mo?" natatawang sagot ni Jasper.

"TENG ENE MO MAG INGAT KA!" Kumaway habang papalayo sa kausap niya at nagtuloy tuloy sa gate ng bahay nila Marlon.

At natawa ako dun ng sobra buti natakpan ko agad ng dalawang kamay ko ang bibig ko kundi siguradong maririnig akong tumatawa sa loob ng kotse.

'BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Siraulo ka talaga Gonzaga!'

To be continued..


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C28
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen