(Dahlia POV)
Naihubad ko na ang apron ko at nakatulog na din si lolo. Napatitig sa orasan, wala parin yung mga pinsan ko. Malakas ang ulan sa labas na ikinasara ko na nga ng bintana. Sa katunayan, masarap magsulat kapag ganito ang panahon.
Kaya nanabik akong umakyat sa hagdan papunta sa aking silid. Dati rati tambakan lang ng mga lumang kagamitan, at kung ano ang temperature sa labas, yun din ang nasa loob. Ngunit masaya ako at kuntento sa silid na ito.
Ayaw ng mga pinsan ko dito dahil nga sa ipis at mga dagang sa katagalan, namahay na ata. At yung pugad ng termites na kailangan alisin buwan-buwan. Ang sisipag nila na i-rebuild ulit ang territoryo nila. Kaya… hinayaan ko na lang. Since di naman kahoy ang sinisira nila. Saka baka, gusto lang nila sumilong. Basta ba sa malayo sila kumuha ng sisirain nilang kahoy.