Kapitel 265: Chapter 48 Sure Then
Napatitig nga ako sa Kalendaryo …
Nakiki-alam si Kuya tungkol sa Menstruation ko… dahil nga… makalat ako… di ko kasi alam kung kailan ako dadatnan… at isang araw nga noon… akala ni Kuya pinatay na ako… dahil sa nakita niyang dugo sa sofa… sa upuan… at napatakbo sa silid ko…
"Charm?!" sabay hablot ng kumot… ang sakit ng puson ko sa araw na yun… at di alam ang gagawin sakin ni Kuya… ng makita nga namin na duguan ang higaan ko…
Di ko alam… dalaga na pala ako.
Nataranta si Kuya na dalhin ako sa Hospital..
At yung nurse natawa na lamang sa aming magkapatid.
Kaya naman binilhan ako ni Kuya ng isang libro para sa PMS na yan. Alamin ko daw yung duration ko at magbilang sa calendaryo kung normal pa ba ang menstruation ko. Si Kuya yung naging silbing magulang ko… nang magdalaga na nga si ako.
Kinuha ko yung kalendaryo… dahil naalala ko lang si Kuya…
Kuya… Miss ka na ng Bunso mo.
Aral ka nang mabuti dyan…