< Zhio >
Malapit na ako sa sasakyan ng...
" Teka. Heto na sasama ako... kailangan mo siguro ng makakausap eh. Basta iuwi mo ako na buhay at buong-buo."
" tss.. Sasama ka rin naman pala."
"Masaya ka na?."
"Sakay" ng buksan ko yung pinto.
"Sungit nito."
"Tss.."
Sumakay na din ako.
Tinignan ko siya ...
Napabuntong hininga ako...
Kinuha ko yung seatbelt... at ikinabit yun sa kanya.
" ayy... kala ko kung ano na. Hehe... "
Napailing ako . Pinatakbo ko ang sasakyan na.
" Saan tayo pupunta?."..
Tsk. Lahat ba talaga ng babae ganto?
Tsk. Feeling close?
I boast the speed..
" Saka... kung pwede lang hinay-hinay lang sa pagmamaneho. Wala tayo sa Car Racing!!!"
Lalo ko pa tuloy pinabilis.
"Hoy! Makakasagasa ka eh! Teka! Pati ba ako idadamay mo sa pagtitiwakal mo!?!!."
"Kung yun ang gusto mo bakit hindi."
Bumilog ang mga mata niya.
"Hoy! Wala akong ginusto! Kundi magdahan dahan ka lang."
Malayo na ang lugar na'to para magkaroon ng traffic kaya ayos lang...kung magpatakbo ako ng ganito.
"Anu ba!."
"...." maasar ka kung maasar ka.
"Zhion!"
Nagulat ako sa tinawag niya sa akin. Ngunit di ko pinahalata... nagpatuloy lamang ako sa pagmamaneho.
" huwag mong sabihin sakin na di kita Binalaan....!
Kung magsuka ako... ng disoras dito!."
Na bigla kong ikinapreno...na muntikan niya ikasubsob sa salamin ng sasakyan...
Nilingon ko siya. Pulang-pula sa kaba.
At...
"Hey.!." tinignan lang niya ako.
"Don't tell me..."
burgggsp....Ayun napapikit ako nang magsuka siya.
Argh.
Parang magsusuka din ako..ng dahil sa amoy. Binuksan ko ang pinto. Lumabas ako at tinungo ang pinto upang buksan siya. Agad siyang lumabas at pinagpatuloy ang pagsusuka... Tinignan ko siya... at naibulalas ko...
" Buntis ka ba?."
Nilingon niya ako ng dis-oras.
" Hoy Mister! Kasalanan mo to eh. Sinabi ng dahan-dahan lang...At higit sa lahat hindi ako buntis!..Tss lang---"
"Ssshhh... away mag-asaw siguro."
Napalingun kami... dalawang matandang babae...na bigla nitong ikinatigil saglirt at umalis naman kaagad.
" Tapos ka na. Linisin mo muna yung suka mo sa loob."
" Eh."
"Tss... tumatakbo ang oras."
".... kasalanan mo naman kasi..." bulong niya ... na sadya namang narinig ko...
Nakatayo lamang ako sa labas. Nakamasid sa mga ikinikilos niya sa loob. Buti na lang may dala siyang tela na maaring ipanglinis.
Tinignan niya ako.
"Tapos na."... she smile a bit.
Pumasok na ako.
" Ikaw, kung ayaw mo maulit yon ...at hindi ako maubusan ng kinain ... kailangan dahan-dahan lang sa pagpapatakbo ng sasakyan. Ok?."
"Tss... amoy pa lang ng suka mo suko na ako. "
Pinatakbo ko na ang sasakyan. Lumipas ang mga minuto... Wala akong marinig. Nilingon ko ang katabi ko... Tulog. Tss kaya naman pala. Malapit na rin naman ang lugar na pupuntahan namin. May biglang tumunog... Yung Cellphone ata niya. Di ko pinaki-alaman... pero sa naririndi ako... Itinabi ko ang sasakyan. Kinuha ang bagpack niya na parang unan niyang niyayakap.
Tss... pakakuha ko ng phone niya...
Ayun... may isinet na Alarm Clock. ...Power off... tapos.
Binalik ko sa kanya... at napatitig ako ng saglit sa kanya...
At napatanto ko... Siya lang naman ang unang babae na nakasama ko sa sasakyan mag-isa.
Tumunog yung Phone ko.
Si Atty. Wenziel ang caller.
" Zhio, Nasaan ka?."
"..."
" kung nasaan ka man Umuwi ka na muna. Maraming taong naghihintay dito sa'yo.Kanina pang dumating ang labi ng iyong Ama."
"Uuwi din po ako."
"Kung Uuwi ka. Tumawag ka sa akin ng may sumundo sayo... mahirap na.. madaming tao ang dumarating."
" ..."
End call...
Inistart ko yung sasakyan at muling nagmaneho.
Gusto kong pumunta sa lugar na yun... kung saan napakatahimik...
Nang makarating... ipinark ko malapit sa malaking puno ang sasakyan.
Napabuntong hininga ako... tulog parin siya.
Halatang may pinagpupuyatan masyado.
Malamig ang buong paligid... magdadapit hapon na kasi. Inoff ko yung aircon ng sasakyan... binuksan ang katabi niyang bintana. Hinubad ko ang coat ko at inilagay ko sa kanya. Tsk... baka magkasakit, ako pa ang may kasalanan.
"Boung buhay ko... wala akong isinasamang babae dito. Ngunit tulog ka naman ...still wala parin. "
Lumabas na ako.
Napasinghap ng sariwang hangin.
Isang patag... na sa dulo ay bangin kaharap ang malawak na dagat.
Kaya napakasarap ng hangin...
Sa may bangin may mga maliliit na kahoy na nakaharang...
Naupo ako sa damuhan...
Sa totoo lang parang may tumutulak sa akin na ituloy ko lang ang paglalakad hangang sa mahulog ako sa bangin...
Pinanghihinaan ako ng loob.
Wala na iyong tao na magsasabi na maayos kong pinatakbo ang kompanya sa loob ng limang taon.Kaya nga lumago ng husto ang kompanya dahil kapag nagising siya maipagmalaki niya ako... ngunit wala na eh. Parang nawalan ng silbi ang paghihirap ko.
At ngayon napakarami ng gustong kumalaban sa akin. Saan pa ako kukuha ng lakas na loob?...
Biglang pumatak ang ulan.
...Tama, kung sino man ang siyang kumalaban sa akin... ipapakita ko sa kanya na wala siyang magagawa laban sa akin.
Tumayo ako...
At hinayaan ang sarili mabasa habang naglalakad papunta sa sasakyan.
Pumasok ako... Tulog parin siya.
Sinarhan ang bintana niya.
Nang bigla siyang magising...