App herunterladen
4.65% Aprodisiac Love Affair / Chapter 2: Chapter Two

Kapitel 2: Chapter Two

             Kadarating lang namin sa La Paraiso. Hapon na. Kiko welcomed us sa gate at sinamahan niya kami rito sa hotel. Ang rinig ko sa kanya ay dumating na daw yung ibang angkan namin kaninang umaga. Yung iba naman kahapon. He already reserved a room for us. Kiko owns this whole La Paraiso fyi.

             Naiwan ako sa labas ng hotel. Ang bwesit na Stephanie na yun! Ipadala ba naman sa akin yung bagahe niya. Sarap bigwasan. Ang liit liit na nga mg braso ko, pagbubuhatin pa ako ng mabigat na bagay.

             Napatingin ako sa hagdan na dadaanan ko pa bago makapasok ng hotel. Sinong gago ba ang nag-imbento ng hagdan sa labas ng hotel at papatayin ko? Aba, hindi birong maghila ng maleta papunta roon sa taas. Hindi nga masyadong mataas but still... Ugh!

             Nagsimula na akong maglakad. Hinding hindi na ako papayag na mapag-utusan ni Stephanie. Saan na ba kasi yung mga dapat nagdadala nito.

             Napahinto ako saglit ng makitang na-untie ang sapatos ko. Mahina na lang akong napamura. Nagpatuloy ako sa paglalakad at ng makarating na sa wakas sa taas ay huminto muna ako at inayos ang sapatos ko. Nasa ganun akong posisyon ng may marinig akong parang tumatawa sa likod ko. Agad akong napatayo at napatingin doon.

             "Nice butt." anang lalaki habang nakatingin sa akin.

             Namula ang mukha ko sa sinabi niya. Halos nakalimutan ko nang isang maiksing skirt nga pala ang suot ko.

             I squint my eyes. "Bastos!"

             He laughed. "I am complimenting you."

             "I don't need your compliments."

             Maglalakad na sana ako ng bigla siyang lumapit sa akin. Napaigtad ako ng maramdaman ko ang kamay niyang pumunta sa may pwet ko. Hinila niya pababa ang skirt na suot ko. Namilog ang mga mata ko sa ginawa niya.

             "Naisip ko lang na baka gusto mong ibaba ang skirt mo bago ka pumasok sa loob or everyone will have a nice look at your butt." aniya sabay kindat.

             Sisigawan ko na sana siya ng tumakbo ito papasok sa loob ng hotel. Namumula na ako sa sobrang inis. How dare he?? Ano yung ginawa niya??? Nagdadabog akong pumasok sa loob. Hinanap ko siya pero he's out of sight. Napaigting ang panga ko. Whoever that jerk is, sana kainin siya ng shark.

             "What took you so long?" paanas na wika ni Stephanie ng makita ako.

             Inis kong binigay sa kanya ang maleta niya. "Fuck you!"

             Natawa ito sa naging reaksyon ko. Nauna na akong naglakad sa kanya. I asked the key to my room from mom. This week will probably be the worst week of my life. Maisip ko lang na magste-stay ako sa hotel kung saan nagste-stay ang lalaking yun, naiinis na ako.

             "Ang laki na ng mga anak mo, Almira and they are very beautiful." anang Tita Lana. She's mom's sister.

             Isa-isa naming binabati lahat ng mga nakikilala namin. Since I'm the good daughter, syempre I need to act nice to everyone kahit na pagod na pagod na ang mga paa ko kakatayo. Si Stephanie? Nasa isang banda lang, kumakain habang nakikipagkwentuhan sa mga pinsan namin.

             Nang hindi ko na makayanan ay umupo na ako sa tabi ni Stephanie. Napangiti ako ng makita si Ericka, si Acey at si Maria. Isa sila sa mga closest cousins namin.

             "Ang ganda mo na, Casandra. I heard you're a future doctor?" tanong ni Ericka.

             I smiled. "Yeah. First year pa lang pero ang hirap na."

             Tumango siya. "Ganun talaga. Pero worth it naman sa huli."

             Ericka's a doctor. Actually, sa kanya ako na-inspire na mag doctor. Idolo ko na siya noong bata pa lang ako. Ang galing kasi niya. Ang talino. Ang ganda. Nasa kanya na lahat. My other cousins are pretty too. Ewan pero kay Ericka lang siguro talaga ako naging ganito kalapit. Lagi kasing siya ang nauunang makipag-usap sa akin. Sina Acey kasi at yung iba, napakataray. Parang si Stephanie lang..  But they're still better than Stephanie though.

             Lumapit sa amin si Kuya Nathaniel. Kapatid siya ni Maria. He's my crush. Ang gwapo gwapo kasi. Sayang nga lang at magpinsan kami. May kasama siyang maliit na bata. Noong una akala ko ay anak niya, pero narinig kong tinawag nito si Maria na mommy. I guess totoo yung narinig ko na nabuntis si Maria nung boyfriend niya tapos ay tinakbuhan siya. Ang bobo lang nung lalaki. Mataray si Maria pero sa angkan namin, siya yung isa sa may pinakamagandang mukha.

             People always praise Maria for her beauty. Lagi kong naririnig na sinasabi ni mommy na sa lahat, nakuha ni Maria yung ganda ng great grandmother namin. Her deep black eyes covered with innocence, dark brown curly hair, red lips, yung maliit niyang mukha na napakaperpekto ng pagkakahulma... Kung lalaki lang ako, malamang nagkagusto na ako sa kanya. They're all over-protective to her because she reminds them of our great grandmother.

             "May night band daw later ah? Punta tayo?" yaya ni Stephanie, as always.

             "Game!" sigaw naman ng iba naming pinsan.

             "I think I can't go. Maggy's with me." pagtanggi ni Maria.

              "Come on, Maria... Matagal na simula nung huling punta mo rito. I'm sure you miss your night life." ani Ericka.

             "As long as I'd want to, I can't. Walang magbabantay kay Maggy."

             Tumikhim si Nathaniel. "Go with them, Maria. Ako na ang bahala sa pamangkin ko."

             Mukhang wala ng nagawa si Maria. Kahit na ayaw sana ay sumama na siya. Magpa-pass sana ako, I'm sure wala naman silang pakialam kung wala ako pero bago pa man ako makapagsalita ay hinila na ako ni Stephanie. Hinayaan ko na lang. Tutal, boring naman kung sa kwarto lang ako. Mas magandang ma-enjoy ko rin ang stay namin rito.

             We ordered drinks. Mas masaya daw na makinig ng music kung may iniinom. Tahimik akong napangiti. Mukhang hindi ko naman pala kailangang maging trying hard sa pagpapanggap. All I need to do is to go with the flow.

             Dumating na ang inumin namin, saktong pagbukas rin ng ilaw sa stage. Napatingin kami lahat doon. Naghahanda na ang bandang tumugtog. Narinig ko ang mahihinang bulong ng mga tao sa paligid. They're all good looking nga naman lalo na yung vocalist ng banda. Pati yung mga kasama ko napanganga. Pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang lalaking nasa likod ng mga drums. Pinagmasdan ko pa siyang mabuti bago ko na-confirm na tama ang hinala ko.

             Siya yung lalaking nambastos sa akin kanina sa hotel!!! Siya yun!!! Hindi ako pwedeng magkamali! Kilalang kilala ko ang pagmumukhang yan! Paano ko makakalimutan yung nunal niya sa adam's apple? Gosh. Yang lalaking yan? Drummer?? Kaya naman pala feeling niya papatulan siya ng lahat ng babaeng babastusin niya dahil may banda. Naku! Alam na alam ko ang likaw ng bituka ng mga tulad niya.

             Nagsimula na silang tumugtog. Sandaling nawala ang galit ko dahil sa ganda ng boses ng kumakanta. As in, natulala na lang kaming lahat kahit na hindi naman talaga smooth yung beat ng kanta. Parang may pinapatamaan siya sa kanta niya kaya tagos na tagos.

             "Shot guys--"

             Hindi natapos ni Stephanie ang sasabihin ng agawin ni Maria ang baso. Nagulat na lang kami sa ginawa niya.

             "Oh well." ani Stephanie saka nilagyan ulit ng beer ang baso.

             "Here's to Adam and Gab!" ani Stephanie saka ininom ang alak.

             Ganun lang ang takbo ng gabi namin. Inom. Usap. We enjoyed every song the band plays. They're really good... Except dun sa nagda-drum. Ugh! That face!


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C2
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen