Iwinagayway ni Francis ang kamay sa tulalang mukha ni Julian. Kanina pa naghahamon ng pustahan ang kambal pero parang nasa ibang planeta ang kaluluwa nitong si Julian. "Hoy, tol! Maglog-in ka na. Magsa-start na ang game, o."
Matamlay na tinignan lang ni Julian ang mga kaibigan. "Pass muna ako."
"Aist! Ano ba yan! Tara na!" pamimilit ni Ark.
"Hayaan niyo na. Alam niyo namang brokenhearted si lover boy, eh."
"Tsk. Weak!" komento ni Ark. Hinayaan nalang nila ang kaibigan na magpakaemo. Patuloy ang pustahan at ang laro. Bahala siya dyan.
Umalis si Julian. Pinuntahan niya ang blangkong upuan ni Sharry.
May nakasulat sa armchair na: Sharry loves Julian. May arrow sa taas na papunta sa pangalan ni Julian. Sa baba ay may arrow na papunta sa pangalan ni Sharry.
For a moment, memories flooded him. A feeling of nostalgia enveloped his now shattered heart.
Sharry scribbled something on her armchair.
"Sharry loves Julian?" basa ni Julian.
"Hmm." Sharry nodded and smiled.
"Bakit ikaw lang? Mahal din kaya kita. The feeling is mutual kaya dapat, reciprocal." Kinuha ni Julian ang ballpen mula kay sharry at nilagyan ng reciprocal arrows ang drawing.
'Kamusta na kaya siya?' tanong ni Julian. Ilang araw na siyang hindi mapakali sa kaiisip.
Sinubukan niyang tawagan si Sharry, ngunit nakapatay ang cellphone nito. Nagleave din siya ng messages pero walang reply. Walang seen.
Kinausap niya rin ang papa ni Sharry pero pinagbawalan siyang bumisita dahil nakakaistorbo siya sa pagpapahinga ng pasyente.
Walang balita tungkol kay Sharry. Para na siyang mamamatay sa pag-aalala.
Sana okay lang siya.
Sana ako nalang ang may sakit.
Sana hindi nalang nangyari 'yon.
Sana masaya pa kami ngayon.
Sana kami pa rin..
Sana mahal niya pa rin ako.
Sana wag siyang sumuko.
Puro sana. Ang daming sana pero anong magagawa niya kung nilalayuan siya ng babaeng mahal niya? Ni ayaw na siya nitong makita, may pag-asa pa bang mapatawad siya nito?
Napabuntong hininga si Charlotte habang pinagmamasdan si Julian. "Hay."
Ilang araw na niyang napapansin ang pagiging matamlay ni Julian. Para siyang patay. Buhay nga ang kanyang katawan, pero patay naman ang kanyang puso.
Katunayan, hindi lang siya ang nakakapansin. Tahimik niyang pinapakinggan ang usapan. Ayaw niyang makisali dahil kaibigan niya ang pinag-uusapan.
"Yan, ganyan! Pagkatapos manloko, saka iiyak at magsisisi! Tsk. O ayan, edi nakuha niya ang premyo niya," sabi ni Sophia habang tinitignan nang may pang-uuyam si Julian.
"Mga lalake talaga! Mga manloloko!"
"Hoy, eh bakit nilalahat niyo? Pag lalake, masama agad. Pero pag babae, mabait? Lahat ba ng babae mabait? Ano kayo, mga santa?" bwelta naman ni Eren.
Ipinatong ni Christian ang braso sa balikat ni Eren. Nakisali na rin siya sa usapan. "Oo nga. Tsaka, hindi naman kasalanan ni Julian yun eh. Tamo, si Lexine ang nauna. Nakita niyo di'ba? So, paano naging kasalanan ni Julian yun?"
Nangunot ang noo ni Ryan, na bagamat may ginagawang project sa kanyang upuan, kanina pa nagpapanting ang tenga sa mga naririnig.
"Tanggapin niyo nalang kasi, na kung may mga lalakeng di makuntento, may mga babae ring malandi at mang-aagaw."
"Yon! Boom!"
"Grabe, malandi agad? Di'ba pwedeng desperada lang? HAHAHA."
"Korek, sis. You know naman, desperate times, calls for desperate measures."
'Kilala kita, Lexine. Kahit na anong mangyari, kaibigan mo pa rin ako.'
Kitang-kita ng dalawang mata nina Ryan at Charlotte ang nangyari noong araw na iyon. Pero kilala nila ang kaibigan kaya hindi sila naniniwala sa mga sabi-sabi. Mayroong dahilan, yun nga lang hindi nila alam.
Hindi nagsasalita si Lexine.
Iniiwasan niya pati ang mga kaibigan. Alam nilang naririnig ni Lexine ang lahat ng masasamang chismis tungkol sa kanya pero tahimik niyang iniinda ang lahat.
*-*-*-*-*
Napabuntong hininga na naman si Charlotte habang nakatingin sa sandamakmak na mga letters, envelopes, at gifts sa bag niya. Hindi na nga niya makausap ang kaibigan niya tapos eto, dumagdag pa 'to sa mga problema niya.
'Hindi sakit ang ikamamatay ko, eh. Kung'di STRESS! Hay kaloka.'
Pakiramdam niya, makukuba pa siya sa lagay na 'to. Sa sobrang dami ng bitbit niya, hindi na siya makapaglakad nang maayos pauwi. Patay. Malayo pa naman ang gate.
Huminga siya nang malalim. "Oh? Teka…"
Magpapaka- strong -independent-woman na sana ang kanyang peg kaso, may natanaw siyang dalawang tao na nagbigay pag-asa sa kanya.
Yehey! Hindi na siya makukuba! "Thank you lord! Ang bait mo talaga!" sabi niya sabay tingin sa itaas na animo'y hinulugan siya ng grasya. "SISSY! Charity!" sigaw niya.
Kunot-noong nilingon naman siya ng kapatid na ngayo'y naglalakad kasabay si Sigmund palabas ng campus.
"Patulong, huhuhu. Palagay ko makukuba na talaga ako!" reklamo niya sa kapatid.
"Ano ba yan? Hindi naman ganyan karami ang dala mo pag-alis ng bahay kanina."
"Tulungan na kita dyan, Cha." Kinuha ni Sigmund ang dalang shoulder bag ni Charlotte.
"Pati ito pa, Sig." Akmang kukunin na sana ni Sigmund ang bagpack ni Charlotte nang may pumalo sa kanyang balikat.
"Aray naman, sis!"
"Wag kang abusada."
"Sorry naman, no! Ako yung kapatid mo dito pero parang sa kanya ka pa kampi. Kelan pa kayo naging close? Kayo ah? Napapadalas ang pagsabay niyo ng uwi. Ayieeee! Kinikilig ako sa'yo sissy. Sumbong kita kay mama."
Sinamaan lang siya ng tingin ng kambal. "Joke lang. Secret natin 'to, okay? Basta support ako sa inyo. Boto ako kay Sigmund."
"Sigmund, pinahirapan ka ba nitong kapatid ko?"
Pinahirapan? Wala namang naalala si Sigmund na tinorture siya. "Hindi naman."
"OMG! Sissy, bilib ako sa taste mo! HAHA."
"Tumigil ka nga. Kung ano-anong pinagsasabi mo dyan."
"HAHA. Labyu sis! Wag mo akong kalimutan kahit may lovelife ka na, ha? Sissy tayo forever." Parang tukong niyakap ni Charlotte ang kapatid.