App herunterladen
100% The Promdi's Game (Tagalog) / Chapter 4: Chapter 3

Kapitel 4: Chapter 3

CHAPTER 3

Mahirap mapalayo sa pamilya. Lalo na't nakasanayan mo na silang kasama sa buhay.

Kasamang lumutas ng problema.

kasamang kumain.

Kasamang tumawa.

at kung ano ano pang mga nakasanaysan ko nang kasama sila.

Na mi-miss ko na sila. Gusto ko ng bumalik sa probinsya. Parang hindi ko ata kakayaning mawalay sa kanila.

Pakiramdam ko, may nawala na kalahati sa pag katao ko. Nanghihina ang katawan ko. Mabigat ang nararamdaman ko. Simisikip ang dibdib ko, hindi ako maka hinga ng maayos.  Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko.

"Miss! Nasa terminal na tayo. " nagising ako sa boses ni manong budol-budol. Ang tindi nito ni manong budol-budol di parin ako tinatantatan.

Itataas ko sana ang kamay ko para ituro si manong budol-budol. Kaso di ko maigalaw.  Nakadagan pala sa akin ang Malaki kong bag. Kaya pala parang may mabigat.

Inayos ko muna ang sarili ko at Tumingin sa binta' nabasa ko ang isang  karatulang 'TERMINAL' sa may labas ng bintana. andito na pala ako. Tinignan ko si manong budol-budol. Binuksan ko yun bag at hinanap ang ticket na kanina nya pang gustong kunin. San ko ba nailagay yun?

Ibibigay ko na sa kanya tong tiket ko, paratigin na ako ni manong budol budol. tutal nandito na rin naman ako.

"Alam mo manong budol-budol. Ang tibay mo rin no? Ganyan ba ang mga budol-budol dito. Hindi tinatantanan ang biktima pag wala pang nahuhuthut? Aba! Sa amin nga pag may nasalubong kang budol-budol tapos nakita nilang pangit yung tao, pag uusapan pa nila tulad ng 'wag yan pre ang pangit eh. Halatang walang pera' ganun. dapat ganun din dito pag alam nyo ng walang pera, pag usapan nyo nalang, pero wag yung 'pangit' ah di naman ako pangit eh. kahit 'kuripot' nalang ayos na yun" nakita ko na yung ticket na hinahanap ko.

Hinarap ko si manong budol-budol para ibigay ang ticket na kanina nya pang gustong kunin. Baka marami tong back-up pa rape pa ako nito sa mga tropa nya. 

" oh! Ito na iyong ticket nahina—asan na yon?" luminga-linga ako sa paligid ng bus. Napansin kong ako nalang pala ang tao dito.

Hayop nayan! Bastos din tong si manong budol-budol. ibibigay ko na nga sa kanya tong ticket na to. Bigla pang nawala. 

Ang haba ng sinabi ko kanina, akala ko may nakikinig sa akin. Wala naman pala. Parang nakikipag usap ako sa wala.

Bumaba na ako ng bus. At inamoy ang simoy ng hangin. Bigla akong inubo dahil sa usok na nalanghap ko. Naalala ko nasa maynila na nga pala ako, wala na ako sa probinsya.

Nag lakad nalang ako. Kahit na Malaki pa tong bag na dala ko. kasi di ko alam ang pupuntahan ko. Baka sakaling sa pag lalakad ko may Makita akong trabaho.

Sa kabutihang palad may nakita nga ako ng trabaho. nag hahanap sila ng security guard. Sinubukan kong mag apply.

Hindi ako tinanggap dahil lalaki daw ang kailangan nila.

Sinubukan ko ring mag alaga ng bata. Sa kabutinghang palad tanggap naman ako.  Nung nakita ko yung aalagaan ko bigla akong tumakbo palabas ng bahay. Dahil hindi pala tao ang aalagaan ko kundi literal na tigre!

Nag hanap na ulit ako ng panibagong trabaho.

Malalim na ang Gabi pero wala pa akong nahahanap na trabaho.

Nanghihina na ako, gustom na ako. Hindi pa pala ako kumakain. Pinanghihinaan na ko ng loob. Parang wala na akong mahahanap na trabaho ngayon. Kaya mag hahanap nalang ako ng matutulugan ngayong gabi. Bukas ko nalang ipag papatuloy ang paghahanap ng trabaho.

Sa ngayon, Kailangan ko munang makabili ng pagkain na mag bibigay laman sa aking tiyan.

Gabing gabi na. madilim na ang palid.  wala akong masyang nakikitang tao sa paligid. Wala ng bukas na tindahan. Wala ng akong makitang pwedeng pagbilhan ng pag kain. Kanina pa sumisigaw yung tyan ko sa gutom.

Nanghihina na ako. Pasuray suray na akong maglakad. Umiikot narin ang paningin ko. Dahil sa pinag samang pagod at gutom.

Sa pag lalakad. Hindi na kinaya ng katawan ko kaya agad akong natumba sa may gilid ng isang malaking bahay. Masakit ang binagsakan ko kaya bigla akong nawalan ng malay.

MANANG MIRNA POV:

Alas kwatro na nang madaling araw. Kasalukuyan akong nag luluto ng makakain ang aking mga amo. Ang kalat ng kusina. Kaya nilinis ko muna ang kusina. Nilagay ang kalat sa basurahang kulay itim na plastic. Ngayong araw kasi dadaan ang truck ng basura. Itatambak ko nalang muna sa labas tong basura nato para dito ko makaligtaan.

Pag labas ko ng bahay. Agad akong nagulat sa aking nakitang babaeng nakahiga sa basurahan.

"Jusko. Anung ginagawa ng batang ire dito sa basurahan? Bakit dito ito natutulog?" agad ko itong ginising pero ayaw pagising. Napasarap ata ang tulog ng batang ito.

Paano nya kinaya ang baho ng amoy ng basurahan dito?

Napansin ko rin yung hawak nyang Malaki bag.

Hindi naman sa pangingi-alam ane? Gusto ko lang malaman ang laman ng bag na ito.

Baka bomba ang laman. Sumabog pa kami dito. Edi patay na ang mabait na yaya dito diba?

Mabigat ito. Kaya may kung anong nag udyok sa akin na buksan ito. Nang buksan ko ito. Ang laman ay mga damit at litrato na tila isang masayang pamilya ang laman ng litrato.

Nag halungkat pa ako sa bag. Puro damit at litrato lang ang nasa bag nito.

Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ito sindikato.

Agad kong tinawag si mang erning ang security guard dito. Para mag patulong ipasok ang batang ito sa bahay.

Nakakaawa naman. Ang baho pa.


Load failed, please RETRY

Bald kommt ein neues Kapitel Schreiben Sie eine Rezension

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C4
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen