Nakikita ko ang sarili ko na naglalakad sa kahabaan ng side-walk habang nakasunod sa isang babaeng sumisipa ng tincan na nakita niya lamang sa daan.
Nakapamulsa at nakasuot ito ng kanyang hanggang tuhod na uniporm.
Kung ganun, nag-aaral pa pala siya.
Binilisan ko ang paglalakad ko hanggang sa mapantayan siya ng bigla itong tumingin saakin. Natakpan ko ang mukha ko sa pagkagulat pero huli na dahil doon ko lang namalayan na kahit takpan ko pala ito ay hindi rin naman niya ako makikita.
Napansin ko na napatitig na siya roon kaya sinundan ko narin naman ito ng tingin.
Biglang pumasok sa isip ko ang nangyare sa lugar na ito taon na ang nakakaran.
Itong lugar na ito ang naging saksi kung paano ko ibinuwis ang aking buhay para lang mabuhay ang napakagandang babaeng ito.
Naibalik ko ang tingin ko sakanya, may nakita akong isang butil na luha ang tumulo mula sa mata niya.
Umiiyak siya.
Kinapa ko ang kandila na nakatago sa aking bulsa.
"Kung gusto mo nang bumalik, sabihin mo lang saakin"
Napasinghap ako, kailangan ko pa ba talagang balikan ang nakaraan? Kaya ko bang baguhin ang mga nangayare noon? kaya ko bang mabuhay?
Napatigil ako sa paghakbang ng tuluyan ko na siyang makita sa loob ng kanyang silid.
Tahimik ito at walang kaibigan.
Paano ko ba babaguhin lahat ng ito, ano ang magiging epekto nito saamin at saakin.