App herunterladen
80% Rainbow Road (Tagalog) / Chapter 20: Chapter 20 : Can we talk?

Kapitel 20: Chapter 20 : Can we talk?

Kasey's POV

"R-ryouma?" nauutal kong sambit.

'paano nya nalaman ang cellphone number ko?, bakit sya tumawag?, anong kailangan nya?' yan ang mga katanungan na ngayon ay paulit ulit na dumadaloy sa isipan ko.

"yeah" tipid nitong sambit

Ilang segundo pang katahimikan ang pumailanlang sa pagitan namin, hindi ko alam kung ano ba ang dapat na sabihin sa ganitong pagkakataon kaya naman...

"Merry Christmas sayo" mahina kong sambit upang putulin ang nakabibinging katahimikan

"same for you" he said

At muli isang nakakabinging katahimikan ang pumailanlang.

"Kasey! Halika ka na kumain na tayo" sigaw ni Tito mula sa kusina

"opo!" pabalik kong sigaw

"kung wala kang sasabihin ibababa ko na itong tawag mo" sambit ko

"o-okay.... Kasey?, can we talk?" tila nauutal nyang sambit

"aren't we already talking?"mataray kong sagot

Ano ka ba naman Kasey, nahawa ka na ata sa kasungitan at pagka pilosopo ni Nice.

"that's not what I mean, what I mean is.... Can we talk tomorrow? Not here over the phone, but on personal.. Like that" paliwanag nya

"o-okay" tangi at wala sa huwisyo kong sagot

"thanks, I'll be waiting for you tomorrow 4pm in front of our school, okay, thanks and merry christmas to you, bye" he said, then he hang up the call.

Pagkatapos naming kumain ay isa-isa nang nagsisipulasan ang mga tao dito sa bahay, kanya kanya na silang hanap ng puwesto para matulog, nalasing na kasi ang iba, samantalang kami na mga bata ay ito pagod na din at nag kanya-kanya na ring akyat sa kwarto para magpahinga.

"Wait lang Kasey!, mamaya ka matulog" pagpigil sa akin ni Cherry na mahiga sa kama

"ano ba yun?" matamlay kong sagot

"anong nangyari sa inyo ni Nice kanina?" tanong nito na tila kumukislap pa ang mata

"kanina?" taka kong tanong

Pero sa hinuha ko ay alam ko na kung ano ang tinutukoy nya.

"yung kanina sa Ferris wheel, anong ganap sa inyo?" walang ekspresyong saad ni Denise

"ah.. Yun ba?, wala" poker face kong sabi

"wala?!, di ako naniniwala, sige na Kasey magkuwento ka na" pagpupumilit ni Cherry

Wala akong sasabihin, at mas lalo na wala akong balak na ikuwento ang mga nangyari kanina.

"oh?, namumula ka, may ganap eh~ .. Sabihin mo na ano yun?" mapang asar at intriga na saad ni Cherry

"wala nga!" sabi ko at saka pabagsak na nahiga sa kama at nagtalukbong ng kumot

"Kasey!, meron eh, sige na sabihin mo na, sabihin mo na dali, sige ka hindi talaga kita tatantanan hanggat di mo sinasabi sa amin ang mga nangyari kanina, in full details pa!" saad ni Cherry habang pilit na inaagaw ang kumot

"wala akong ikukwento sa inyo!, at mas lalong hinding hindi ko sasabihin na hinalikan ako ni Nice kanina!"

Huh?, ano yung sinabi ko?.

"Talaga?!, nag kiss kayo?!, Denise narinig mo yung sinabi nya di ba?, narinig mo na sinabi ni Kasey na nag kiss daw sila ni Nice kanina" kinikilig at tuwangtuwa na sambit ni Cherry habang hinahampashampas nya pa sa braso si Denise

Ano ba naman Kasey?, kailangan ba talaga na lumabas pa ang mga salitang yun sa bibig mo?.

"oo narinig ko, at pwede tama na ang kakahampas masakit na kaya" mataray na saway nito

"so Kasey, inamin mo na kay Nice na gusto mo rin sya at kayo na?" sambit ni Cherry

"hindi" maikli at mahina kong sagot

"HA?!" sabay na saad nilang dalawa

"nag kiss na kayo pero hindi pa kayo at higit sa lahat hindi mo pa sinasabi na gusto mo sya?" inis na sabi ni Cherry

"nabigla ako sa mga pangyayari, si.. S-si Nice!, sya ang biglang humalik sa akin, a-at saka wala naman akong sinabi sa inyo na gusto ko sya ah!, kaya bakit ba pinagdidiinan nyo na gusto ko sya" nauutal kong protesta sa kanila

"dahil yun ang totoo at ang nakikita namin, pero in fairness kay Nice ha, sya na ang gumawa ng first move" sambit ni Denise

"ay ewan ko!, lalo lang sumasakit ang ulo ko sa kakaisip dadagdag pa kayong dalawa, dyan na nga kayo"

Kunwaring naiinis kong sabi saka padabog na lumabas at nagdiretso sa kwarto ni kuya na kasalukuyan nang mahimbing na natutulog, mukang pagod na pagod talaga si kuya tapos bukas ay babalik na sya sa Tokyo para sa naka schedule nya na TV guesting, sobra na nyang busy sa pagma-manage ng restaurant busy pa sya sa showbiz career nya.

Dito na lang ako matutulog dahil panigurado na walang katapusan na namang sermon at tanong ang ipupukol ng dalawang yun, bakit ba kasi frustrated sila masyado sa buhay pag ibig ko.

Pero sa kabilang dako ay, hindi maalis sa isip ko si Nice at Ryouma. Gusto ko na nga si Nice?, nakalimutan ko na nga ba si Ryouma?, handa na nga ba akong magmahal muli at pumasok sa isang relasyon?.

No one's POV

Samantala, ang anim naman na binata ay mahimbing nang natutulog. Sa iisang kuwarto na sila natulog dahil nasa kabilang kuwarto ang mga kamag anak ni Kasey.

"HOY NICE!!!" sigaw ni Cherry na syang gumising sa kanilang pagkakahimbing

"ano?!, may sunog ba?!" tarantang sabi ni Kris na napatayo pa sa gulat

"wala, pero ngayon magkakaroon na" may halong pagbabanta nitong sabi

"huh?" sabay sabay na reaksyon ng anim

"anong kailangan mo sa akin kailangan pa na sumigaw ka" mataray na sambit ni Nice habang inaayos ang buhok nya na gulo na, ngunit hindi naman nakabawas sa pagiging maganda nitong lalaki.

"may kailangan tayong pag usapan" maawtoridad na sambit ni Cherry

"hindi ba yan makakapaghintay ng bukas?, iniistorbo mo ang tulog ko eh" pagsusungit nito

"hindi naman siguro ako pupunta dito kung pwede pang makapag intay hanggang bukas ang sasabihin ko hindi ba?" pagtataray pang muli nito

"kumalma ka muna Cherry" mahinahong sambit ni Denise sa kaibigan

"okay, ano ba yung gusto mong sabihin?"

Sambit ni Nice na ngayon ay naka upo na sa higaan at handang makinig sa kung anong sasabihin ni Cherry, gayundin ang lima pang kalalakihan na nasa silid.

"IKAW!!!, bakit mo hinalikan si Kasey!, eh hindi pa naman kayo!, manyak ka ba ha?!, ha Nice!, hindi ba sinabi sayo ng papa mo na igalang at irespeto ang mga babae!, bakit mo hinalikan si Kasey!, ikaw na bakulaw ka!!!"

Litanya ni Cherry matapos magpakawala ng isnag bunting hiniga.

"hinalikan?!" sabay na saad nila James as Kris

"p-paano mong nalaman ang tungkol dyan?" nauutal na tanong ni Nice na ngayon ay para ng nagmumurang kamatis sa pula ang muka,

"kanino pa, edi kay Kasey" pagtataray pang muli ni Cherry

"woah!, nice one pre!" pilyong sambit ni Kris

"tumahimik ka nga dyan Kris, anong nice one ka dyan!?" pagsita ni Cherry sa nobyo

NICE'S POV

Tsk. Wala bang balak na magpatulog ang mga ito?, halos sikatan na kami ng araw ay wala pa ring tigil ang mga kumag na ito sa pang aasar, pangpipikon at pang i-interrogate sa akin, dumagdag pa sila Cherry at Denise.

"ang totoo nyan mga tol, nakita namin yung ginawa ni Nice na paghalik kay Kasey" pag amin ni Vincent

"ha?!, nakita nyo pala di nyo man lang sinabi sa amin, ano others lang kami?" inis na saad ni Kris

"kasi naisip namin na hindi naman na dapat naming sabihin ang bagay na yun, bakit ikaw ba nung bigla mong hinalikas si Cherry kasi sinagot ka na nya, pinangalandakan ba namin sa campus?, hindi di ba?, kaya ganun din ang ginawa namin para kay Nice" paliwanag ni Claude

Nakakalimutan ata nila na nandito pa ako, at rinig na rinig ko ang usapan nila tungkol sa akin.

"kung ako lang naman ang balak nyong pag tsismisan, pwede ba dun na lang kayo sa labas dahil sobrang gusto ko nang matulog, kaya bago pa ako tuluyang mainis at magdilim ang paninginin ko lumabas na kayo?!, o baka gusto nyo na isa isa ko pa kayong ibato palabas!" inis kong sambit

"ito naman, wag ka ng beast mode dyan, sige na matulog ka na, para gwapo ka pa rin mamaya" pangaasar ni Kris

At dahil sa pikon na talaga ko at antok na antok na ay di ko na lang sila pinansin, sa halip ay pinilit ko na lang ang sarili ko na makatulog kahit pa na paulit-ulit na bumabalik sa alaala ko ang ginawa kong paghalik kay Kasey.

Kasey's POV

Tulog pa rin sila Cherry nang umalis ako ng bahay para pumunta sa napagkasunduang lugar namin ni Ryouma. Paskong pasko ay mga tulog sila, papalubog na muli ang araw ay mahimbing pa rin ang tulog nila, kaya di ko na sila ginising para magpaalam, tutal naman wala naman akong balak na magtagal.

"anong pag uusapan natin?" diresta kong tanong kay Ryouma ng makarating ako sa tapat ng school.

"dun tayo mag usap, masyadong malamig dito sa labas" pag iiba nya sa usapan.

Sinundan ko na lang sya, ng pumasok sa sya sa isang coffee shop dahil giniginaw na din ako.

"Kasey" panimula nya matapos nyang umorder.

"hmm?" walang kabuhay buhay kong sagot

"I'm sorry"

"Sorry for what?" walang damdamin kong sagot

"for everything..... And Kasey, can we go back to what we were before?" nauutal nyang sabi

'Go back?', did I just heard it right?, tama ba ang pagkakaintindi ko sa sinabi nya, gusto nyang ibalik ang kung anong meron kami noon, tama ba ako?.

"what do you mean?" tanging naging tugon ko

"what I mean is... I love you Kasey, I still do, I still love you" sambit nya saka hinawakan ang mga kamay ko na nakapatong sa lamesa.

Mahal nya pa ako?, Imposible!.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C20
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen