App herunterladen
79.12% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 307: Chapter 307

Kapitel 307: Chapter 307

Eight palang ng gabi pero nakaka anim na bucket na kami paano itong mga kasama ko ginawang tubig yung light beer kaya nagpalit ako ng beer kasi mukang di sila nasisiyahan.

"Punta lang ako sa banyo!" paalam ko.

"Samahan kita?" sabi ni Dina.

"Okay lang ako, lapit lang naman nung banyo!" sabi ko medyo nasusuka kasi ako nahihiya naman ako kay Dina. Medyo gumegewang na yung lakad ko pero matino pa naman yung utak ko.

Pagdating ko ng banyo agad akong sumuka sa bowl, ng mailabas ko lahat ng nakain ko agad akong pumunta ng lababo para maghilamos kahit papano bumuti yung pakiramdam ko.

Pulang-pula na ng mga pisngi ko di ko akalain na napadami yung inom ko. Nawili kasi ako sa pakikipagkwentuhan kaya di ko namalayan na sumasabay na ko sa lagok.

"Patay nanaman ako nito sa nanay ko!" nasabi ko habang sinusuklay ko ng daliri ko yung hanggang balikat kong buhok.

"Lasing ka na!" sabi ng baritone na boses paglabas ko ng banyo at laking gulat ko ng makita ko si Martin.

"Bakit andito ka?"

"Sunduin kita!"

"Bakit mo ko susunduin? Isa pa may susundo sakin kaya umalis ka na!" sabi ko kay Martin sabay tabing sa kanya pero mabilis niya kong hinawakan sa braso at hinila palapit sa kanya. Muntik pa kong masubsob kasi nga bigla niya kong hinila.

"Aray ko!"

"Di naman kita sinaktan ah, bakit ka umaaray!"

"Tigas kaya ng dibdib mo, sakit!" sabi ko habang hinihipo yung ilong.

"Di naman tumama!"

"Aaray ba ko kung di tumama?" sabi ko sa kanya habang hinampas yung braso niya.

"Eh di sorry!" sabi niya sabay halik sa noo ko.

"Alis ka na nga!" sabi ko sa kanya sabay layo sa kanya pero di na niya binitawan yung baywang ko.

"Martin!" saway ko.

"Tara na!" yaya niya sakin.

"Di pa ko pweding umuwi," protesta ko kasi nga di pa ko bayad sa ininom namin kaya di ako pweding mawala pero parang walang narinig si Martin at patuloy ako kinaladkad.

Nagpapanic na ko kasi mukang maghuhugas ng pinggan yung mga kasama kung magkataong iuwi ako ni Martin pero buti nalang dinala niya ko sa kubo namin kung saan andun yung mga kasama ko.

Nagulat yung mga kasama ko ng makita nilang kasama ko si Martin kaya lahat sila ay biglang natahimik.

"Join ako ha!" sabi ni Martin habang umupo sa bakanteng upuan kung saan katabi ako.

"Madami niyo na kasing ininom saka pinulutan wala na kong pambayad kaya naghanap ako ng pweding magsettle ng bill natin!" pagbibiro ko habang dinampot ko yung baso ng beer na iniwan ko kanina pero bago yung lumapat sa labi ko ay inagaw iyon ni Martin sakin at siya yung uminom.

Pagkaubos niya nun ay agad siyang tumayo at lumapit sa telephone receptacle na nakadikit sa dingding.

"Pa-order naman ng tatlong pang bucket na beer, dalawang iced tea, fruit platter and buffalo wings sa Kubo 10." diretsong sabi ni Martin sabay balik sa tabi ko.

"Don't mind me, tuloy lang ang kasiyahan!" sabi niya pero syempre dahil nga first time nilang maka harap sa inuman si Martin di alam ng mga kasama ko kung paano kumilos.

"Wag niyo siyang pansinin, isipin niyo nalang wala siya dito!" segunda ko pero syempre imposible yun na di sila makaramdam ng pressure lalo pa nga at big time itong katabi ko.

"Inom na!" sabi ni Alvin ng makabawi.

Dumapot ako ng bote ng beer at naglagay ako uli sa baso pero nung mapuno yun agad kinuha ni Martin, kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Lasing ka na! Tama na!" bulong niya sakin. Biglang nanayo yung balahibo ko sa batok dahil sa init ng hininga niyang dumapi sa tenga ko.

"Hays!" napabuntong hininga nalang ako habang inabot yung mani na nasa lamesa at yun nalang yung kinain ko kasi nga wala naman na kong choice mas matindi pa sa security guard yung katabi ko.

Maya-maya dumating yung inorder ni Martin at inabot niya sakin yung iced tea na isa at kay Dina yung isa.

"Inom pa at madaming pangbili ng alak yung katabi ko!" sabi ko sa lahat kaya nagtawanan sila.

"Mukang naka ligtas ka nanaman Michelle ah!" pagbibiro ni Alvin.

"Syempre, sumama siya eh kaya dapat siya magbayad. Isa pa mas madami naman siyang pera kaysa satin kaya kayang-kaya niya itong bayaran. Maning-mani sa laman ng ATM niya!" mahaba kong salaysay habang kumakain ako ng pakwan.

"Inom, ako bahala!" sabi ni Martin na nakangiti.

"Sabi sa inyo, kaya inom lang don't be shy!" pagbubuyo ko.

Muli kaming nag-ingay at nagtatawanan at ang nakakatuwa lang nakikisama si Martin. Marunong narin siyang makipagbiruan at sumakay sa mga kasama ko.

"Siya nga pala Alvin, Andito na yung may ari ng Casa Milan kung ako sayo maki usap at magmaka-awa ka na para di ka na suspidedo!" pang-aasar ko.

"Oo nga Alvin maki-usap ka na!" sagot ni Sir John.

"Tama! Tama! Tama!" sagot ng lahat.

"Kaya na yan ni Michelle lambingin!" pasa ni Alvin ng bola sakin.

"Hoy di niya ko girlfriend kaya di ko siya kayang lambingin!" deretso kong sabi.

Bigla uling natahimik ang lahat na para bang bigla silang nagtaka kasi kung di kami bakit andito si Martin at naka sunod sakin.

"May utang kasi ako sa kanya kaya binabatayan niya ko baka daw tumakas ako!" kibit balikat kong paliwanag. Yun kasi yung tingin ko pero actually naguguluhan ako kasi sinasabi ng puso ko na mahal ako ni Martin pero sabi ng utak ko niloloko niya lang ako at katawan ko lang yung habol niya sakin.

"Segurista kasi ako!" sagot ni Martin habang inilagay yung kamay niya sa balikat ko at kinabig ako palapit sa kanya.

"Sabagay dapat lang mag-seguro ka lalo pa nga at two weeks na lang ako dito."

"Naku Sir Martin, bakuran mo na para di makaalis!" pambubuyo ni Arvin.

"Di ko lang siya babakuran, ikukulong ko pa!" Confidence na sabi ni Martin. Bigla kumunot yung noo ko kasi parang literal yung ibig niyang sabihin.

"Anong ibig mong sabihin?" bulong ko ky Martin.

"Malalaman mo mamaya!"

"Anong malalaman ko mamaya?"

"Basta!" huling sagot ni Martin sakin bago tinunga yung beer na hawak niya.

Mid-night na kami natapos at si Martin yung nagsettle ng bill namin, syempre pabor yung sakin yun ang akala ko.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C307
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen