Heidi's POV...
Mga ilang araw na tin ang nakakalipas ng maadmit ako sa smith hospital at mukhang nagiging maayos na ang pakiramdam ko pero si Adam mga limang araw ko na rin siyang hindi nakikita at nung nandito siya ay parang kakaiba ang mga kinikilos niya, lagi siyang hindi makatingin sa akin ng diretso at minsan pakiramdam ko parang iniiwasan niya ako.
nagulat ako sa pagbiglang bukas ng pintuan at nakita ko si Gian, Ranzel at Cassandra.
"Hello Miss Heidi I mean Lady Miki" masiglang bati sa akin ni Ranzel.
"Kumusta kayo, paano niyo nalaman na ako si Miki?" Bago nila sinagot ang tanong ko ay lumapit muna sila sa akin. "Hehe sinabi sa amin ni sensei at pinabantay niya rin kami." Sabi ni Ranzel at biglang yumakap sa akin.
"May iba pa bang nakakaalam sa organization? Seryoso kong tanong dahil mahalagang hindi pa ito malaman ng iba pang mga taga organisasyon.
"Hindi, Lady Mik... Heidi kami lang ang sinabihan ni Sensei at pinagsabihan niya rin kaming wag sabihin sa iba" Dahil sa sinabi ni Cassandra ay nawala ang pag aalala ko.
"Kerei masakit pa rin ba likod mo?" Walang emosyong tanong ni Gian. "Hindi na masyado tsaka malapit na raw akong lumabas dito."
"Ganon ba pag nakalabas ka na Miki labas tayong apat" lumiwanag ang mukha ko dahil sa sinabi ni Ranzel.
"Sige sige" masigla kong sabi. "Pwede ba akong magsama ng iba" tanong ko na ikinatango naman nila. "Siyempre naman Miki mas marami mas masaya"
*Pak*
Nagulat ako sa ginawa ni Cassandra, binatukan na naman niya si Ranzel hehe.
"Para saan na naman iyon amasona ka talaga, aray ko huhu." Inda ni Ranzel habang hawak ang batok na binatukan.
"Baliw ka kasi tinatago nga ni Heidi na siya si Lady Miki tinatawag mo pa siyang Miki, sorry Heidi may tililing kasi 'tong babaeng ito eh." Hingi ng tawad ni Cassandra.
"Sorry Mik... ay Heidi pala."
"Ok lang naman sa aking tawagin akong Miki pero Ranzel pagkatapos na lang ng mga kaguluhan sa organisasyon." Pagpapaliwanag ko pa sa kanila.
"Nasaan ba si Adam?" Seryoso kong tanong sa kanila.
"Nahihiya siyang magpakita sa iyo Kerei, nasaktan ka daw kasi at sa harap niya pa mismo." Bigla akong nakaramdam ng tampo kay Adam, dapat nga nandito siya eh. Namimiss ko na yung lalaking yun.
*tok tok*
Naagaw ang pansin namin lahat dahil sa kumatok sa pinto at madali naman iyong binuksan ni Ranzel.
"Uwaa Heidi gising ka na pala" Biglang salubong sa akin ni Sherry na kasama si Seira.
"Heidi ayos ka na ba?" Nag aalalang tanong sa akin ni Seira. Napaka anghel talaga ng babaeng ito.
"Ayos na daw pakiramdam ko, pwede na daw akong makalabas sa susunod na linggo." Magiliw kong sagot sa kanya dahil gusto ko talaga ang mukha ni Seira at alam niyo na kung bakit.
"Ganon ba? Salamat naman." Sagot ni Seira.
"Heidi sino sila?" Tanong ni Sherrie sa akin habang tinuturo sila Gian. Di na ako nakapagsalita dahil inunahan na ako ni Gian. "I'm Gisselle Anne Kaneshiro you can call me Gian." Sabi ni Gian na itinuro kaagad si Cassandra. "I'm Cassandra Hyphens an...." hindi na natuloy ni Cassandra yung sasabihin niya dahil biglang sumingit si Ranzel. "I'm Ranzel Delos Santos at your service." Sabi ni Ranzel na naka pantay ang kamay sa kilay na parang nag sasalute.
"Hello ako si Sherrie Ferrer kaklase ako ni Heidi since grade 7 pa lang kami kaya parang kapatid na ang turing ko sa kanya." Masayang saad ni Sherrie.
Biglang tumahimik at nakita kong parang kuminang ang mata ni Ranzel.
"Hindi ko alam pero kakaiba ang nararamdaman ko sa iyo." Dahil sa sinabi ni Ranzel ay napalunok si Sherrie.
"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang ranong sa kanya ni Sherrie.
"Kasi kanina ko pa napapansin yung mga palawit mo sa bag at napagtanto kong mahilig ka rin pala sa The Masks." Biglang parang nagkikinang ang mga mata nilang dalawa.
"Di ko akalain na meron pang may isa pang gusto sa Masks na nandidito, bakit ngayon ka lang?" Arte ni Sherrie at sinunggaban ng yakap si Ranzel. Sabi ko na nga ba magkakasundo ang dalawang ito eh. Um ang The Masks ay ang sikat at misteryosong banda kakaiba ang mga kanta pati na rin ang pagsuot nila ng maskara, maraming gustong makita ang mga mukha nila pero kahit kailan ay hindi pa rin nila ito pinakikita.
Napatingin ako kay Cassandra at nakatingin siya sa dalawang parang tanga na nagtatatalon habang magkayakap.
"Nagseselos ka ba Cassandra?" Pilyo kong tanong sa kanya kaya napatingin siya sa akin. "Hindi po lady Mik... ay Heidi hindi po." Nakakatawang tignan ang ekspresyon ngayon ni Cassandra halatang nagseselos sa bilis ng pagkakalapit nung dalawang magkaugali.
Napatingin ako kay Seira at naalala ko na naman si Adam. Wala pa rin talaga siyang balak magpakita sa akin. Miss na miss ko na siya.
"Sei nasaan si Adam?" Malungkot ang tonong tanong ko kay Seira.
"Sorry Heidi kahit ako hindi ko rin alam kung nasaan si kuya eh. Hayaan mo pag nakita ko siya sasabihin ko hinahanap ka niya." Ngumiti na lamang ako sa sinabi ni Sei.
"Teka Heidi sila ba yung sinasabi mong isasama natin pagkalabas mo dito?" Masayang tanong sa akin ni Ranzel na ikinatango ko na lang.
"Talaga lalabas tayo yes!" Masayang sigaw ni Sherrie. Medyo nahihiya ako sa kanila, pumunta sila rito para pasiyahin ako pero kahit anong gawin ko napakasakit pa rin ng pag iwas niya sa aking 'to. Adam nasaan ka ba?
Dahil sa sobrang okupado ng isip ko ay hindi namalayang nasa tabi ko na pala si Gian.
"Wag mong masyadong isipin ang isang yun mahal ka nun." Napatingin na lamang ako kay Gian at namangha ako sa nakita ko nakangiti siya. Napakaganda.
Adam's Pov...
I won't go near her until I forgive myself for what happened years ago and also to what happened last week and also after I settle all the problems in the organization, I won't let her get hurt ever again.
I swear no one will ever lay their hands on her because I'll absolutely kill them.
A suivre...