App herunterladen
25% The Mafia Next Door / Chapter 2: Prologue

Kapitel 2: Prologue

Hinihiling ko sana na bumukas na ang elevator ngayon din. Hindi ko kakayanin ang nagaganap na atmosphere dito sa kalooban ng elevator.

I was the only one girl na kasama ang mga naglalakihang armadong lalake sa loob ng maliit na elevator. Mukha palang nila para silang sasabak sa gyera.

Nasa likod lang ako at nasa pinakataas pa ang kwarto ko. Para akong minamalas ngayon. Napatingin ako sa buttom at nakitang nasa 12th floor din ang pupuntahan ng mga lalakeng 'to.

Mas lalo ako kinabahan dahil naroroon din ang room ko. Yes. Kanina pa ako kinakabahan! Bakit kasi ganito sila kapormal at parang napakaseryoso ng mukha nila? Siguro naman hindi nila ako irarape nuh?

Shit ka Laila. Hindi ka ba nag iisip? Kailangan mo umalis d'yan sa kinatatayuan mo at kung ano ano pa iniisip mo!

Alam kong marami akong naging kasalanan simula pinanganak ako pero hindi pa ako handa para sa mga bagay na alam kong ayaw ko pa gawin.

Agad ako naalarma ng bigla bumukas ang elevator. Gusto ko na makaalis dito! Hindi ko na kakayanin na may mga kasama akong mga armadong lalake. Nakakatakot leche.

Nagsilabasan ang mga kalalakihan at ako naman ay nagmamadaling tumungo sa staircase. Oo babalik ako sa pinakababa dahil ayaw kong makita nila ulit ako na papasok sa kwarto ko. At mas lalong ayaw ko na malaman nila na ang kwarto ko. Baka magkaroon pa silang ideya na gahasain ako. Wag naman.

Nang makarating ako sa pinakababa tila parang bibigay na ang tuhod ko lalo na ang katawan ko. Lupaypay ang mga braso ko habang nakasandal sa hagdanan. Bakit ka ba kasi bumaba ulit?

Napakatanga mo Laila, maaari mo naman gamitin ulit ang elevator kanina. Sa hagdanan ka pa dumaan. Shit.

Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang pagod at sakit ng katawan ko. Ganito nalang palagi ang nangyayare. Dapat masanay na ako pero mas lalo lang ako natatakot.

Sa tuwing dumadaan ang biyernes o sabado. Pumupunta ang mga lalakeng iyon sa katabi ng kwarto ko. At iyon ang hindi ko alam kung bakit. Kaya ngayon ang malas ng buhay ko dahil nakasabay ko ang mga nakakatakot na nilalang sa elevator. At ang malala pa ay baka matandaan nila ako dahil ilang beses ko sila nakakasabayan at ilang beses rin ako minsan bumababa sa hagdanan.

Nakakapagod diba? At ang mas nakakagulat, ay hindi naman sabado ngayon o biyernes para pumunta sila dito. Napabuntong hininga ako at napatingin sa guard. Gusto ko magtanong patungkol sa mga lalakeng iyon pero baka mawrong move ako. Iniisip ko na baka mga sindikato ang mga iyon.

At alam kong sa mga ganung ayos na mga kalalakihan, hindi ako tanga para hindi malaman na may mali sa pinupuntahan nila sa tabi ng kwarto ko. Oo. Sa katabi pa ng kwarto ko. Siguro ang kapit bahay ko ang pakay nila at hindi ko alam kung bakit.

Pagkatapos ko mamahinga ay aakmang tatayo ako upang bumili ng tubig nang makita ang elevator na may mga lumabas na naglalakihang lalake mula sa loob. Agad ako napatago at napahawak sa puso.

Hindi nila ako nakita pero abot ang kaba ko sa puso ko. Hindi nila ako kilala para kabahan ako pero mukha talaga silang mga nakakatakot na sindikato. Mukha palang nila parang alam mo na na may tinatagong kasamaan.

Sinundan ko sila ng tingin at dalawang limousine ang nakita kong nakaparada sa labas at sumakay sila. Wow. Ang yayaman. At baka tama nga ako. Mga sindikato ata mga iyan. Kasi karamihan sa mga sindikato ngayon mga mayayaman.

Ngunit kung sindikato ang mga iyon, bakit hindi naalarma ang mga staffs dito? Atsaka may mga security naman dito pero bakit parang wala naman sila pake?

Bumili ako ng tubig sa labas pagkatapos umalis ang mga nakakatakot na tao. Buti naman hindi nila ako ginagalaw sa tuwing magkakasabayan kami.

Pagod akong sumakay sa elevator at pinindot ang kung saan floor ako. Napasandal ako at iniisip ang nangyare kanina.

Kung ganito ba naman palagi mangyayare, lilipat nalang ako ng apartment. Nakakatindig kasi ng balahibo ang mga aura ng mga lalakeng 'yun. Akala mo kase may papatayin sa mga tingin pa lang nila.

Nakarating ako sa floor ko ngunit kasabay ang pagbukas nito ay pagbungad ng isang lalakeng pamilyar sa akin sa labas.

Nakasalamin siya at may mga makakapal siyang libro na dala with his usual back pack. Pumasok siya habang nakayuko. Ito yung nasa katabi ng kwarto ko. Actually hindi ko alam kung alin doon sa katabi ko na kwarto. Pero isa siya sa neighbor ko dito sa apartment na 'to.

Lumabas na ako bago pa maisara ang elevator. Napalingon ako sa lalake at agad na nagtama ang mata namin. He's very familiar to me at dahil iyon ay palagi ko din siya nakakasabay sa labas pauwi dito. Naglalakad galing eskwelahan tulad ko.

Hindi naman siguro siya ang pakay ng mga lalake kanina diba? Atsaka sa mukha palang ng lalakeng 'yun ay napakabait na tignan. Hindi siya 'yung tipong lalakeng makabad boy look. Para siyang mahinhin na pusa habang iniisip lang ay ang pag aaral at kinabukasan niya.

Napakibit balikat nalang ako at napatingin sa katabi kong kwarto nang mapadaan ako rito.

Siguro ang nakatira dito ay may malaking atraso. At baka pati ako ay madamay pa. Mukha palang ng mga lalake kanina parang may balak na masama talaga. 'Yung alam mo'ng may gagawin sila sayo kapag nagkamali ka. Mga ganun ang aura na hindi mo maipaliwanag kundi matakot nalang bigla.

Papasok sana ako sa kwarto ko ng bigla may humila sa akin.

"L-Laila!"

Nagulat ako na makita ko ang lalakeng nakakasabayan ko sa uwian. Ang nakasalamin.

Kumunot noo ako sa tinawag niya sa akin. Atsaka, close ba kami para hilahin niya ako?

"A-Ano, pwedeng magpasama sa labas?"

Tinitigan ko siya ng maayos ng itanong niya sa akin 'yan. Magpapasama? At sa labas lang? Hindi ko alam kung anong nakain ng lalakeng 'to at bigla nalang manghihila at magsasabi na magpapasama siya sa labas.

"Huh? Magpapasama ka sa labas? Hindi ka ba marunong lumabas?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

Atsaka pano niya rin nalaman pangalan ko? Hindi ibig sabihin na nagkakasabay kami umuwi patungo rito ay malalaman ko na pangalan niya at alam kong isa din siya.

"Hmmm.. I-I can't—"

Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng may narinig kaming bumukas na elevator dahilan para mapalingon kami.

"F-Fuck."

Nanlaki ang mata ko ng makita ko ulit ang mga kalalakihan! Shit! Ano nanaman ang ginagawa nila dito? Bago pa ako makapagsalita ay agad na ako hinila ni... Who is he again?

Whatever.

Dahan dahan isinara ng lalake ang pintuan ng kwarto ko habang ako ay nanatili pa rin gulat sa nakita kanina.

"Akala ko ba umalis na sila kanina? Bakit bumalik nanaman sila?" Wala sa sarili kong natanong.

Wala akong pakealam kung ilang ulit sila bumalik dito pero bakit dito pa sa floor na 'to kung saan nasa kwarto ko?

Tumingin ako sa lalake at nakita kong nakatitig siya ng marahan sa akin. He's observing my facial expressions and I don't like it. I feel like he's going to spill my nervous inside me. Para siyang tanga na nakatitig sa akin.

"Are you scared?"

I knew it. Nabasa niya ang ekspresyon ko kung kaya't tinanong niya 'yun. I am very good at pretending and hiding my real emotions but this one guy, hindi ko alam papaano niya nalaman na natatakot ako.

O siguro dahil nabigla ako.

"No." Madiin na sabi ko.

Hindi siya nagsalita. Kung sagutin ko na oo? Mapapalayas niya na ba ang mga lalakeng 'yun at masasabing hindi na babalik ang mga iyon?

Shit. I admit. Natatakot talaga ako. Natatakot ako sa mga ganun klaseng tao! It's as if they will kill you in just one snap and boom. You're already gone.

Agad ko kinuha mineral bottle ko sa maliit kong lamesa at ininom 'yun. Nanonood pa rin sa akin ang lalakeng 'to. Ano pala balak niya at hinila niya ako dito sa kwarto ko?

Natatakot rin ba siya sa mga lalakeng dumadating dito? Siguro, dahil kong kilala niya ang mga ito. Hindi ko sana siya kasama ngayon dito.

Natigil lamang ang paglagok ko ng tubig ng makarinig kami ng katok. Agad nanlaki mata ko na parang nasa pintuan ko ang nanggagaling na katok na 'yun!

Napatingin ako sa lalake na nanatiling nakatayo at nanonood sa akin. Hindi ako makapagsalita. Takot na baka marinig nila.

Shit I hate this kind of situation! Ano ba pinupunta nila dito?! Pati mga katulad ko ay nadadamay! Hindi ba nila napapansin na nakakatakot sila tignan?!

Tutungo sana ako sa pintuan ko ng hinawakan ako sa braso ng lalake.

"Do not open."

Kumunot noo ako. Hindi ko naman bubuksan. Sisilipin ko lang. Tanga nalang ang bubukas ng pintuan kapag alam mong nasa delikado buhay mo. Agad ko binawi ang braso ko ngunit nagulat ako ng hindi ko matanggal ang braso ko sa mga matitigas niyang kamay.

"Sa kabila sila kumakatok.." Mahinahon na aniya.

Kabilang kwarto? Kung saan doon ang pakay nila? Agad ako guminhawa at tila parang natanggalan ng tunok.

"Are you really that scared?"

Nawala ang ginhawa sa loob ko ng magtanong muli ang lalakeng 'to.

"Are you really that scared at hinila mo ako papasok sa kwarto ko?" Sarkastikong pabalik na tanong sa kanya.

Ngumuso siya at pilit na hindi matawa. Anong nakakatawa? Pilit ko inagaw ang braso ko mula sa kanya at agad naman niya binitawan.

"I'm sorry."

Gusto ko sana siya palabasin para siya ang lapain ng mga lalakeng nasa labas pero konsensya ko nalang kung mabalitaan ko kinabukasan o mamaya na may pinatay sa labas pa ng kwarto ko.

"Husher. Husher Caverly."

Tinanggal niya ang salamin niya at agad ako napaiwas ng tingin ng makita ang boung pagmumukha niya. Mahaba ang harapan ng buhok niya kaya natatakpan ang kalahating mata niya kasabay mo ang malaking salamin niya.

Hindi mo mapapansin ang kanyang boung mukha dahil sa ayos ng buhok niya pero kung tutuosin, kapag nag ayos siya alam kong may ibubuga ang lalakeng 'to pagdating sa mukha.

Hindi lang ata 'to marunong mag ayos kung kaya't hindi siya napapansin ng karamihan. May pagkanerd din kasi to. Parang walang pake sa paligid.

Ibinalik niya kamay niya sa harap ko pagkatapos niya punasan ang salamin niya at ibalik sa natatabunan niyang mata dahil sa buhok niya.

"Laila."

Tinanggap ko ang kamay niya ngunit agad ko rin binitawan. Kakaiba man sa pakiramdam dahil siguro sa ilang at hiya ay hindi ko kayang makipaghawakan sa lalake. Siguro dahil first time ko makipagkaibigan sa isang lalake. Kadalasan kase mga babae kung kaya't ganito ata nararamdaman ko.

Napaupo siya sa kama ko habang ako ay nakatayo. Pinapakiramdam pa rin ang mga kalalakihan sa kabila. Ayaw ko man magsalita pero hindi naman siguro nila maririnig.

"Kilala mo ba sila?" Tanong ko sa kanya.

Umiling siya habang nakatitig pa rin sa akin. Napabuntong hininga ako. Parehas lang pala kami. Hindi kilala ang mga nakakatakot na nilalang. Siguro takot na takot din ito doon sa mga lalake.

"Pero may alam ka sakanila?" Tanong ko muli. Umiling lang siya.

"Pero takot ka rin ba sa kanila?"

Umiling lang siya.

"Eh bakit mo ako hinila dito papasok?" Natanong ko sa kanya.

Ngumuso siya at napaisip. Tila nagpipigil ng ngiti.

"Alam ko kasi na natatakot ka sa mga ganun klaseng tao." Mahinahon na aniya.

Agad ako naalarma.

"Eh ano pake mo kung takot ako o hindi?" Tanong ko. Umangat ang gilid ng labi niya ngunit mas lalo ako napakunot noo. Agad ko naalala ang pagpapasama niya sa akin kanina.

"At ikaw hindi natatakot? Eh kanina nga lang ay gusto mo magpasama sa akin sa labas."

Hindi siya nagsalita. Nanatili pa rin siyang nakangiti o ano. Hindi ko mabasa ang nasa mukha niya ngunit alam kong may iniisip siya!

"I care for you because you're my neighbor." Aniya habang nagpipigil ng ngiti.

Mas lalo kumunot ang noo ko.

"Nagpapasama ako kasi nasanay ako na magkasama tayo pauwi."

Parang pusang nagwala ang puso ko sa huli niyang sinabi. Hindi ko man maintindihan kung bakit ganun agad naramdaman ko pero agad ako kinabahan at namula.

Shit. He is not my type but he made me feel this way!

______

Updated.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C2
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen