Kabanata 1928: Ang Pagbyahe ng Mag-anakpapuntang Estados Unidos (9)
Biglang umiling si Qin Ning. "Hindi kaya, Kuya. Mukha ba akong mabunganga? Hindi ko naman sasabihin sakanya kahit mabugbog pa ako."
"Mabuti."
Muling tumango si Qin Chu. At tumalikod at umakyat…
Nung nakaakyat na si Qin Chu, kakatapos lang maligo ni Huo Mian at nagbabasa ng magasin sa kama.
'Tinignan mo na ba ang mga bata?"
Tumango si Huo Mian. "Oo. Tulog na sila. Siguro dahil nasobrahan sila sa saya at napagod ng sobra."
"Sige. Hindi natin kailangan gumising ng maaga bukas. Hayaan nalang natin sila matulog. Syaka, pwede naman tayo pumunta ng Disneyland kahit kailan."
"Sige."
Parang ang kalooban ni Huo Mian ay nasa basurahan.
Hinubad ni Qin Chu ang kanyang putting damit at pinakita ang kanyang magandang katawan. Ang kanyang abs ay perpekto, halos lahat ay maglalaway pag nakita sya.