Chapter 1663: Ngayon Ko Lang Siya Nakitang Mahinahon (4)
Ito ay bideyo ni Huo Mian habang tahimik na naghahapunan.
Pinalakas ni Su Yu ang seguridad sa hospital ng army, na magiging mahirap para sa mga tao na masilip siya.
Dahil sa pinaigting na surveillance, sinusuhulan niya ang mga narses para mapadalhan siya ng ilang bideyo ni Huo Mian.
Ang Huo Mian na nasa bideyo ay may suot na puting damit. Mukha siyang malinis sa kanyang suot.
Nakalugay ang kanyang buhok at walang make up.
Mukha siyang inosente na pakiramdam mo ay bumalik sa nakaraan, bumalik sa mga araw ng high school.
Ang pagkakaiba lang ay medyo tumaba ang kanyang mukha.
Mukha siyang panatag at masyadong tahimik. Hindi siya nakangiti pero hindi rin naman siya mukhang nag iisa at malungkot.
Gusto niyang makita niya ito ng ganito, tahimik at sobrang payapa...