Kabanata 1354: Walang Pwedeng Umapi Sakanya(5)
"Pa… patawad… mas gagalingan ko pa," Nakokonsensya si Huo Mian; kahit na alam niyang hindi niya kasalanan kung bakit hindi siya mabuntis, pakiramdam niya responsibilidad niya iyon… Matapos ang lahat, wala pa siyang naiaambag sa pamilya ni Qin Chu pagkatapos nila magpakasal.
Maganda ang pagtrato sakanya ni Qin Chu, binigay sakanya lahat ng pwedeng kainin, inumin, at gamitin. Hindi niya hinayaang danasin ni Huo Mian ang hirap.
"Huwag mong sabihin yan, hindi kami mangmang… Alam naming hindi mo ito kasalanan… Hinihintay ang mga ganitong bagay. Sana lang makapiling at maalagaan pa naming ang aming mga apo habang kami ay malakas pa." Pinagaan ng ama ni Qin Chu ang pakiramdam ni Huo Mian…
Pagkatapos ng hapunan, Umuwi na ang mag-asawa nang 8:00 ng gabi.