"Bakit hindi tayo pumunta sa ibang lugar?" Rekomendasyon ni Zhu Lingling nung nakita niya ang pagbabago sa ekspresyon ni Huo Mian.
Tumango si Huo Mian. Sa totoo lang kasi, sumama ang loob niya nung nakita niya si Mrs. Qin, dahil ayaw niya talaga rito.
Siguro ito ay dahil sa lalim ng pag-aaway at pagkamuhi sa isa't isa kaya hindi na ito ganun kadali mawala.
Nung paalis na sila, biglang umikot si Mrs. Qin at nakita si Huo Mian.
Kaagad siyang lumapit at pinigilan ito. "Bakit ka tumatakbo papalayo sa akin? Natatakot ka ba sakin? Wala ka talagang pinag-aralan! Hindi ako makapaniwala sa pagiging malas ko, nakasalubong kasi kita sa lugar na ganito."
"Nakakatawa ka, minsan kasi, kaya ko iniiwasan ang isang tao ay hindi dahil sa takot ako, sadyang ayoko lang talaga sa taong yun. Halimbawa, kapag nakakita ako ng ate sa daan, tatapakan ko ba ito? Syempre hindi; iiwasan ko ito dahil sobrang nakakdiri ito." Kalmadong ngumiti si Huo Mian.