App herunterladen
99.89% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 972: Ang dalawa sa tatlong pinakamasasayang bagay (14)

Kapitel 972: Ang dalawa sa tatlong pinakamasasayang bagay (14)

Redakteur: LiberReverieGroup

Tinitigan ni Lin Wei ang natutulog na itsura ni Chen Yang, at habang

tumatagal, ay lalo niya lang nararamdaman kung gaano niya ito kamahal.

Ito ang lalaking na'love at first sight siya, pero ang nakakalungkot lang ay

kasal na ito sa isang napaka ganda at napaka taas na babae.

Medyo matagal niya ring inilihim ang nararamdaman niya para kay Chen

Yang. Hindi sa hindi niya pinangarap na magkaroon sila ng relasyon, pero

siguro dahil ayaw niya lang maging makasarili lalo na alam niyang wala

siyang pinanghahawakan.

Kaya ngayon na nasa harapan niya na ito, pakiramdam niya ay para siyang

nasa isang sobrang magandang panaginip.

Pakalipas ng halos sampung minuto, dahan-dahan niyang hinaplos ang

mukha nito, pero nang sdandaling dumampi ang kanyang mga baliri sa balat

nito, bigla itong gumalaw kaya dali-dali siyang napaatras.

Pinagmasdan niyang maigi ang sunod nitong galaw at nang makumpirma na

natutulog pa rin ito ng mahimbing, buong tapang siyang yumuko para halikan

ang mga labi nito.

Oo, kailangan ng tapang para magawa ito.

Kahit na alam niyang drinoga si Chen Yang ng sarili nitong asawa, at hindi

niya na kailangan pang pwersahin ito para magawa niya ang mga gusto

niyang mangyari, kailangan pa rin ng tapang at sapat na lakas ng loob.

Nag ilang pulgada nalang ang layo ng mga labi nila, biglang bumilis ang tibok

ng puso ni Lin Wei kaya napahawak siya ng mahigpit sa kumot na nasa tabi

ni Chen Yang at pumikit. Habang papalapit ng papalapit, kitang-kita

nananginginig ang kanyang mga pilikmata.

Nang malapit na malapit na ang kanilang mga labi, naramdaman ni Lin Wei

ang init ng katawan ni Chen Yang, pero noong saktong lalapat na sana ang

kanyang mga labi sa mga labi nito, si Chen Yang, na hinang hina, ay bigla

siyang itinulak papalayo ng sobrang lakas.

Kaya literal na tumilapon siya palabas ng kama at napaupo sa sahig.

Pinilit ni Chen Yang na tumayo at naglakad siya papunta sa CR. Nilock niya

ang pintuan at hindi nagtagal, nabalot ang buong kwarto ng tunog galing sa

shower.

Pagkalipas ng halos dalawang oras, muling nagbukas ang pintuan ng CR,

kaya si Lin Wei na nakaluhod pa rin sa sahig, ay dali-daling tumingin. Noong

sandaling 'yun, nakita niyang lumabas ang bagong ligo na Chen Yang na galit

na galit na lumabas.

Huminto ito ng medyo may kalayuan sa pwesto niya, at nakatitig lang

sakanya na para bang kinukwestyon siya nito kung ano ba talagang nangyari.

Kahit na hindi naman si Lin Wei ang nagplano ng lahat, siya pa rin ang nahuli

ni Chen Yang kaya nanginginig siya sa sobrang takot, na bandang huli ay

nauwi siya sa pagiyak.

Pero nanatiling tahimik si Chen Yang habang hinihintay siya nitong

magpaliwanag.

At dahil ipit na ipit na siya, hindi na kinaya ni Lin Wei ang tensyon at

nanginginig siyang umamin, "Brother Chen Yang, patawarin mo ako… Si Miss

Qiao ang nagpapunta sa akin dito… Nagkita na rin kami dati…"

Pagkatapos maligo ng malamig na tubig, tuluyan ng nawala sa sistema ni

Chen Yang ang epekto ng drogang pinainom sakanya ni Qiao Anxia. Sa totoo

lang, kinutuban na siya sa nangyari, at kagaya ng inamin ni Lin Wei, tama

nga siya, kaya hindi niya galit na galit siya.

Galit na galit siya dahil hindi niya maintindihan kung bakit ang babaeng

minahal niya ng sobra sa loob ng walong taon ay bigla nalang siyang

ipapamigay sa ibang babae!

"Drinoga niya ako at pinapunta ka niya rito? At talagang pumunta ka naman?"

Bakas sa boses ni Chen Yang ang sobrang galit na nagpakilabot kay Lin Wei.

Dahil dito, dali-dali siyang yumuko at wala ng nagawa kundi umiyak ng

malakas.

Dismayadong tumingin si Chen Yang sa bintana. Hindi nagtagal,

nahimasmasan siya at naisip na hindi naman talaga dapat siya magalit kay

Lin Wei, kaya huminga siya ng malalim at muling tumingin dito. "Ano pang

sinabi niya sayo?"

"Sabi niya sa akin, alagaan daw kita kasi hindi ka raw niya kayang bigyan ng

kumpletong pamilya at wala raw siyang ibang gustong mangyari kundi ang

maging masaya ka kaya ibinilin ka niya sakin." Humihikbing sagot ni Lin Wei.

Mula noong araw na nagkita sila ni Qiao Anxia, hindi na mapalagay si Lin

Wei, pero nang makita niya si Chen Yang na mahimbing na natutulog, bigla

siyang kumalma.

Hindi nakapagsalita si Chen Yang. Alam niyang ginawa ito ni Qiao Anxia dahil

nanaman sa issue ng pagkakaroon ng anak, pero kahit na ganun, hindi niya

pa nagagalit pa rin siya dahil hindi niya matanggap na para lang magkaroon

siya ng anak ay iiwanan siya nito?

"Sinabi niya sakin lahat ng ginagawa mo sa araw-araw, sabi niya hindi ka raw

umiinom ng gatas at kumakain ng mamantika sa gabi, paborito mo raw ang

karne ng Dongpo…

"Tsaka…sinabi niya sakin na sa buhay daw ng isnag tao, hindi lang laging

tungkol sa pagmamahal. Sabi niya sakin… karapatan mo raw na magkaroon

ng isang perpektong pamilya… Ilang taon na rin daw ang nasayang niya sayo

at ayaw niya na raw na magdusa ka ng mas matagal."

Pagkatapos sabihin ni Lin Wei ang lahat ng sinabi sakanya ni Qiao Anxia,

dali-dali siyang tumingin kay Chen Yang, "Baka umalis na si Miss Qiao

ngayong gabi…"

Pero bago pa siya matapos sa pagsasalita, biglang kumunot ang noo ni Chen

Yang at nagmamadaling tinignan ang orasan. Hindi nagtagal, kumaripas ito

ng takbo palabas ng hotel.

-

Sobrang tagal na umiyak ni Qiao Anxia at noong sandaling kumalma na siya,

tinignan niya ang orasan. Dalawang oras na mula noong umalis siya sa hotel,

at sa mga oras na ito siguradong may nangyari na kina Chen Yang at Lin

Wei….

Dahil dito, muli nanamang sumakit ang puso niya.

Isa na siguro sa pinaka masakit na pwedeng maramdaman ng isang tao ay

yung siya mismo ang maghatid sa taong mahal niya sa iba tao.

Aminado siyang madamot siyang tao, pero para sa kapakanan ni Chen Yang,

handa siyang magsakripisyo.

Pinunasan ni Qiao Anxia ang namamaga niyang mga mata at naglakad

papunta sa kwarto para mag'ayos ng gamit. Habang nageempake, muli

nanamang bumuhos ang mga luha niya.

Nang masigurong wala na siyang nakalimutan, inilapag niya sa lamesa ang

divorce papers na inihanda niya noong mga nakaraang araw, at gamit ang

isang ballpen, puno ng pagaalinlangan niya itong pinirmahan. Noong oras na

'yun, ang luha na pinipilit niyang pigilan ay muli nanamang bumuhos.

Pagkatapos, dali-dali niyang tinakpan ang ballpen at noong ilalapag niya na

ito sa lamesa, biglang nagbukas ng malakas ang pintuan.

Kaya bigla siyang napatingin at bumungad sakanya ang basang-basang Chen

Yang na nakatayo sa may pintuan.

Literal na nanigas siya sa kanyang pwesto pero bago pa man din siya

makapagsalita, bigla itong naglakad papalapit sakanya at kinuha ang

pinirmahan niyang divorce papers. Kitang-kitang niya sa mga mata nito ang

sobrang galit at hindi pan din niya napoproseso ang mga nangyayari, bigla

nitong pinagpupunit ang mga papel at itinapon sa mukha niya.

Kahit na magaan lang ang mga papel, nasaktan pa rin si Qiao Anxia sa

sobrang lakas ng pagkakabato ni Chen Yang.

Sa sobrang galit, tinuro ni Chen Yang ang asawa pero wala ni isang salita

ang lumabas mula sakanyang bibig. Bandang huli, sinilip niya ang kwarto at

nang makita niya ang mga maletang hinanda ni Qiao Anxia, muli nanaman

siyang nag'init sa galit at pinagsisipa ito ng sobrang lakas.

"Qiao Anxia, ikaw…" Pinilit ni Chen Yang kumalma dahil ayaw niyang

magbitaw ng masakit na salita lalo na para kay Qiao Anxia. Nagpatuloy siya

sa paglalakad, at pagkarating niya sa coffee table, may nakita siyang isang

malaking garbage bag na punong puno ng iba't-ibang klase ng bote.

Dahil dito, bigla siyang napakunot. Dali-dali niyang binuksan ang bag at

tumambad sakanya ang iba't-ibang klase ng gamot. Chinese… Western…

lahat ay gamot para sa matris at pampabuntis.

Tandang-tanda niya na ilang taon na rin ang lumipas mula noong pinatigil

niya itong uminom ng mga gamot. Siya nga mismo ang nagtapon ng mga ito,

pero bakit sobrang dami pa rin… Ngayon, naiintindihan na ni Chen Yang ang

lahat. Ibig sabihin, sa lahat ng taong lumipas, pinipilit pa rin ni Qiao Anxia na

makabuo, tama?

Ilang beses niya ng sinabi na masaya na siya kahit wala silang anak.

Kahit na mahilig siya sa mga bata, wala siyang pakielam kahit hindi siya

magkaroon ng sarili niya.

Pero hindi niya naman naisip na hindi pala ganun ang nararamdaman ng

asawa niya, sa puntong para na itong mababaliw sa sobrang

pagkadesperadong mabigyan siya ng anak.

Ilang minuto rin siyang nakatitig sa bag na punong-puno ng mga gamot bago

siya maglakad papalapit kay Qiao Anxia. Hinila niya ito at niyakap ng

mahigpit. "Xia Xia, wag mo 'tong uulitin, pwede ba?"

Sa pagpkakataong ito, muli nanamang umiyak si Qiao Anxia.

"Chen Yang, ayoko naman talagang iwanan ka, pero ayoko ring…"

"Alam ko, alam ko…" Habang nagsasalita, lalong hinigpitan ni Chen Yang ang

pagkakayakap sa asawa. "Pero wala akong pakielam. Alam mo ba? Mas

gusto kitang makasama kaysa magkaroon ng mga anak."

-

Pagkalipas ng kalahating taon, pasko nanaman.

"Chen Yang, hindi pa tayo manunuod ng fireworks? Bakit nandito tayo?"

Nagtatakang tanong ni Qiao Anxia habang nakatingin sa isang sira-sirang

bahay.

Hindi sumagot si Chen Yang at ngumiti lang saknya. Inalis nito ang seatbelt

nito at pinagbuksan siya ng pintuan. Habang hawak ang kanyang kamay,

sabay silang naglakad papasok sa bahay.

Halata sa itsura at amoy ng bahay na matanda na ito.

Hindi talaga maintindihan ni Qiao Anxia kung anong nangyayari pero

hinayaan niyang hilain siya ni Chen Yang papasok sa isang kwarto.

Sa loob, may isang batang lalaki na base sa pagkakatantsa niya ay nasa

walong taong gulang na-maputi ang balat nito at medyo mukhang babae.

"Chen Yang?" Naguguluhang tanong ni Qiao Anxia. Noong sandali ring iyon,

kumaway si Chen Yang sa batang lalaki, na naglakad papalapit sakanila at

magalang na yumuko. Dahan-dahang binitawan ni Chen Yang ang kanyang

kamay para lumuhod at hawakan ang balikat ng batang lalaki. Hindi nagtagal,

itinuro siya nito at malambing na nagsalita, "Gusto mo bang sumama samin.

Ako ang magiging papa mo at siya naman ang magiging mama mo."


Kapitel 973: Extra

Redakteur: LiberReverieGroup

[Ang bawat libro ay kayamanan]

Pagtungtong ni Little Rice Cake ng tatlong taong gulang, bumili si Qiao Anhao

ng maraming play cards para turuan ito ng mga bagong salita.

Pero mas gusto nito ang mga laruan kaysa sa mga card.

Sa takot niya na baka lumaki itong mangmang, sinubukan niyang baguhin ang

pagtuturo niya, pero kahit anong gawin technique, ayaw talaga nitong pansinin

ang mga card.

Kaya isang araw, kinausap niya ito, "Lu Qiaochen, alam mo ba na ang bawat

libro ay isang kayamanan?"

Dala ng kamusmusan, hindi maintindihan ni Little Rice Cake kung anong

gustong iparating ng ng mama niya, pero alam niya ang ibig sabihin ng

salitang 'kayamanan' kaya interesado siyang nagtanong, "Mommy, saan po

ako makakakuha ng kayamanan?"

"Kapag nagbasa ka ng libro hanggang sa masira siya at magkapunit-punit."

Masayang tumungo si Little Rice Cake, na para bang naiintindihan niya ang

sinabi ni Qiao Anhao.

Pagkatapos patulugin si Little Rice Cake ng tanghali, hindi namalayan ni Qiao

Anhao na nakatulog rin siya, at pagkagising niya, wala na ito sa tabi niya kaya

dali-dali niya itong hinanap sa buong second floor hanggang sa makita niya ito

sa study room.

Nakita niya itong nakasalampak ito sa sahig habang pinupunit ang mga libro ni

Lu Jinnian. "Mommy, nagsisinungaling ka pala eh. Ang dami ko na pong

pinunit na libro pero bakit wala pa rin po akong nakikitang kayamanan?"

-

[Ang pangarap]

Habang nakahiga sa kama, kinuha ni Qiao Anhao ang kanyang phone para

mag'browse ng Taobao. Hindi nagtagal, may nakita siyang advertisement na

may kasamamang kasabihan galing kay Ma Yun, "Lahat ng tao ay kailangang

mangarap dahil malay natin baka matupad naman pala."

Kaya dali-dali siyang bumangon para ipakita ito kay Lu Jinnian na

kasalukuyang nagtatrabaho sa sofa. "Totoo 'tong kasabihan na 'to. 'Lahat ng

tao ay kailangang mangarap dahil malay natin baka matupad naman pala'.

Kasi ganitong-ganito ang nangyari sa akin."

"Anong pangarap mo?" Sagot ni Lu Jinnian habang tutok na tutok sa screen

ng kanyang laptop.

"Ikaw!" Walang pagdadalawang isip na sagot ni Qiao Anhao.

Ngumiti lang si Lu Jinnian habang nagpapatuloy sa pagtatrabaho.

Dahan-dahan, inilapag ni Qiao Anhao ang kanyang phone sa katabi niyang

lamesa para titigan si Lu Jinnian. "Lu Jinnian, alam mo ba? Pangarap ka ng

maraming babae."

"Alam ko," walang emosyong sagot ni Lu Jinnian.

Dahil dito, napanguso nalang si Qiao Anhao. 'Nagyayabang ba si Lu Jinnian?'

Pero bago niya pa tuluyang dibdibin ang naging sagot nito, muli itong

nagpatuloy, "Pero ano naman ngayon? Wala akong pakielam dahil pangarap

lang ni Qiao Anhao ang gusto kong tuparin."

-END-


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C972
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES