App herunterladen
99.58% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 969: Ang dalawa sa tatlong pinakamasasayang bagay (11)

Kapitel 969: Ang dalawa sa tatlong pinakamasasayang bagay (11)

Redakteur: LiberReverieGroup

Dahil ginamit ni Qiao Anxia ang phone ni Chen Yang para mag'reply, natural

lang na nagpaganda talaga si Lin Wei. Pero nang makita niya na si Qiao Anxia

at hindi si Chen Yang ang dumating, biglang nanlaki ang kanyang mga mata at

napakapit ng mahigpit sa strap ng kanyang bag habang pinipilit niyang

ngumiti. "Miss Qiao."

Samantalang si Qiao Anxia naman ay ngumiti rin kay Lin Wei na walang bakas

ng kahit anong galit o kaba. Pagkatapos, tinawag niya ang waiter para

mag'order ng isang tasang kape bago siya muling tumingin kay Lin Wei, at

walang preno na nagsalita, "May gusto ka kay Chen Yang, diba?"

Dahil sa sobrang biglaan ng mga pangyayari, sobrang kinabahan si Lin Wei

dahil akala niya ay ginagawa ito ni Qiao Anxia para ipamukha sakanya na ito

ang legal na asawa ni Chen Yang.

Hindi nagtagal, dumating din kaagad ang kape na inorder ni Qiao Anxia kaya

nakangiti niya itong kinuha sa waiter at nagpasalamat. Kinuha niya ang

kutsarita sa lamesa para haluin ang kanyang kape at kalmado itong hinigop.

"Alam mo, wala ka naman dapat ika'nerbyos. Alam kong gusto mo siya, kaya

nga ako nakipagkita sayo ngayon eh. Gusto ko lang malaman kung mahal mo

ba siya?"

"Ah…." Dahan-dahang sinilip ni Lin Wei ang reaksyon ng mukha ni Qiao

Anxia. Base sa nakikita niya, mukhang hindi naman ito galit pero ang hindi pa

rin ito sapat para kumalma siya dahil hindi niya maintindihan kung ano ba

talagang gusto nitong mangyari, kaya gustuhin niya mang magsalita, bandang

huli ay nilamon pa rin siya ng takot, kaya napayuko nalang siya at nanatiling

tahimik.

Ilang segundo rin siyang nakayuko habang nakakagat sa kanyang mga labi,

bago siya hiyang-hiyang nagsalita, "Miss Qiao, pasensya na po talaga. Totoo

pong gusto ko si Chen Yang, pero wala naman po akong intensyon na sirain

ang relayon ninyo. Gusto ko lang po talagang makipag kaibigan sakanya at

makita siyang masaya…. Pasensya na po talaga sa gulo na ginawa ko sainyo.

Pangako, mula po ngayon iiwasan ko na siya…"

"Hindi mo naman kailangang gawin yan," Sabat ni Qiao Anxia.

Dahil dito, gulat na gulat na napatingin si Lin Wei.

Sa pagkakataong ito, biglang napahawak ng mahigpit si Qiao Anxia sa tasa na

nasa kamay niya, at pagkalipas ng ilang minutong pananahimik, inubos niya

ng dire-diretso ang kape at nakangiting nagpatuloy, "Nandito ako para

magpatulong sayo."

-

Pagkalipas ng halos tatlong oras na paguusap, sa wakas natapos na rin sila.

Nanatiling kalmado si Qiao Anxia, samantalang si Lin Wei naman ay

nakatulala lang, na para bang hindi niya maproseso ang mga napagusapan

nila.

Muling sinensyasan ni Qiao Anxia ang waiter para sa isa pang tasa ng kape.

Nang makakalahati niya na ito, sinilip niya si Lin Wei, na halatang gulat na

gulat pa rin. "Miss Lin, sigurdo naman ako na naintindihan mo ang mga sinabi

ko. Payag ka ba?"

Hindi sumagot si Lin Wei.

"Kung payag ka, aayusin ko na ang lahat."

Hindi pa rin sumagot si Lin Wei at napayuko nalang.

"Miss Lin, magandang oportunidad na 'to para sayo, sigurado ka bang ayaw

mo?"

Sa pagkakataong ito, dahan-dahang inangat ni Lin Wei ang kanyang ulo para

titigan si Qiao Anxia, at makalipas ang halos dalawang minuto, sa wakas ay

tumungo na rin siya. "Payag ako."

Nang marinig ito ni Qiao Anxia, pakiramdam niya ay parang may sumaksak sa

puso niya. Ang kanina niya pang kalmadong mga mata ay biglang naging

mangiyak-ngiyak, pero sa kabila nito ay pinilit niya pa ring ngumiti at buong

pusong sinabi, "Maraming salamat."


Kapitel 970: Ang dalawa sa tatlong pinakamasasayang mga bagay (12)

Redakteur: LiberReverieGroup

Sa kalagitnaan ng Mayo ay ang wedding anniversary nina Qiao Anxia at Chen

Yang.

Sa unang araw nito, nag'book si Chen Yang ng lamesa sa Rotating Restaurant

at kahit na sobrang busy ng schedule niya dahil sa tinatapos niyang pelikula,

pinilit niya pa ring makauwi sa Beijing. Bago siya umuwi para sunduin si Qiao

Anxia, dumaan muna siya sa isang mall at halos dalawang oras siyang

naghanap ng regalo para sa asawa.

Umaga palang ay tumawag na siya rito para makapaghanda na ito bago siya

dumating.

Saktong alas sais ng gabi, umuwi si Chen Yang, para sunduin si Qiao Anxia at

dumiretso na kaagad sila sa restaurant.

Pagkatapos nilang mag'order, kinuha niya sakanyang bulsa ang regalong binili

niya kanina sa mall. "Happy anniversary."

"Ano 'to?" Masayang tanong ni Qiao Anxia.

Hindi sumagot si Chen Yang pero tinulungan niya si Qiao Anxia na buksan ito.

Sa loob ng maliit na kahon ay isang makinang at sobrang eleganteng diamond

bracelet na galing sa pinaka bagong collection ng Tiffany.

Ito ang bracelet na gustong gusto ni Qiao Anxia. Tinitignan niya na ito bago pa

man ma'launch ang mismong collection at naalala niya na nabanggit niya nga

ito kay Chen Yang noong minsan siyang nagtitingin-tingin sa online site.

"Nagustuhan mo ba?"

"Sobra." Masayang isinuot ni Qiao Anxia ang bracelet sa kamay niya at

habang tinititigan niya ito ay lalo lang siyang namamangha dahil hindi niya

inaasahan na mas maganda pa ito sa personal kaysa sa nakikita niya sa

picture.

Dahil dito, masayang ring ngumiti si Chen Yang.

Dahan-dahan, ibinalik ni Qiao Anxia ang bracelet sa loob ng maliit na kahon,

at naglabas din ng isang kahon na gawa sa lata. "Ito naman ang anniversary

gift ko para sayo."

Ang laman ng kahong regalo ni Qiao Anxia ay isnag limited edition na relo na

gawa ng isang international brand. Masaya itong inilagay ni Chen Yang sa

bulsa ng kanyang suit para hindi ito magasgasan.

Hindi nagtagal, dumating na rin kaagad ang mga inorder nilang pagkain at

kagaya ng palagi nilang ginagawa, masaya silang nag-usap ng tungkol sa mga

bagay-bagay.

Pagkatapos nilang kumain, nagorder si Chen Yang ng Pu'er tea, na masaya

namang tinimplahan ni Qiao Anxia.

Malalim na ang gabi kaya nakabukas na ang lahat ng poste ng ilaw sa labas.

Habang humihigop ng tsaa, biglang naging serysoso ang itsura ni Qiao Anxia

at tinitigan si Chen Yang. "Chen Yang…. May isa lang akong hiling sa buhay

ko, at yun ay yung magkaroon ka ng perpektong buhay."

Dahil sa nakakakilig na banat ni Qiao Anxia, kinikilig na ngumiti si Chen Yang

at walang pagdadalawang isip na sumagot, "Sa piling mo, perpekto na ang

lahat."

Napayuko nalang si Qiao Anxia at para hindi makita ni Chen Yang ang lungkot

sakanyang mga mata, dahan-dahan siyang tumingin sa kalangitan. Sa

anggulong nakikita nito, para siyang nakangiti ng masaya, at pagkalipas ng

halos tatlumpung segundo, muli siyang tumingin sa asawa at nagpatuloy,

"Chen Yang, magiging masaya ka sa mga natitirang araw ng buhay mo."

"Ikaw din." Ikaw ang kaligayahan ko at ako rin ang iyo. Kaya kung masaya

ako, ibig sabihin, masaya ka rin, tama?

Ngumiti nalang si Qiao Anxia. "Lumalalim na ang gabi, magbayad na tayo ng

bill."

Masayang tumungo si Chen Yang at tinawag ang waiter. Noong tumalikod ito

para mag'swipe ng card, dali-daling nilagyan ni Qiao Anxia ang mga tasa nila

ng tsaa, at mabilisang nilagyan ng maliit na gamot ang tasa ni Chen Yang.

Pagkatapos ng transaksyon ni Chen Yang, nakatulala lang si Qiao Anxia sa

tasa nito. Noong oras na 'yun, natunaw na ang gamot kaya parang wala lang

nangyari.

"Ubusin muna natin ang tsaa bago tayo umalis." Nakangiting sabi ni Qiao

Anxia habang inaabot kay Chen Yang ang isang tasa.

Hindi naman tumanggi si Chen Yang at dali-daling inubos ang tsaa.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C969
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES