App herunterladen
99.38% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 967: Ang dalawa sa tatlong pinakamasasayang bagay (9)

Kapitel 967: Ang dalawa sa tatlong pinakamasasayang bagay (9)

Redakteur: LiberReverieGroup

Tawag galing sa mama ni Chen Yang, ang kanyang biyenan.

Nang mag'ring ang kanyang phone, saktong nakaluhod siya sa tapat ng

basurahan habang nagbabalat ng sibuyas, kaya sinilip niya lang ng bahagya

ang screen nito. At nang sandaling makita niya ang pangalan ng tumatawag,

bigla siyang natigilan sa kanyang ginagawa at bumilis ang tibok ng kanyang

puso, kaya ilang segundo pa siyang nanatiling nakatitig sakanyang phone

bago siya dahan-dahang tumayo para sagutin ito. "Ma?"

"Xia Xia, busy ka ba ngayon? Bakit ang tagal mong sumagot?" Malambing na

tanong ng mama ni Chen Yang.

"Hindi nanaman po, ma…. Nagluluto po kasi ako…."

"Nasaan si Chen Yang? Hindi ka niya tinutulungan?"

"Medyo nakainom po kasi siya kaya natutulog siya ngayon."

"Ang batang yan talaga… uminom nanaman? Bakit ba lagi nalang siyang

naglalasing…"

"Kaunti lang naman po ang nainom niya…" Dali-daling paliwanag ni Qiao

Anxia para ipagtanggol ang asawa bago niya baguhin ang usapan. "Ay ma,

bakit po pala kayo napatawag?"

"Wala naman, ano lang kasi…" Base sa boses ng mama ni Chen Yang,

halatang nagaalangan din ito, kaya halos tatlong segundo itong natigilan

bago ito magpatuloy, "Xia Xia, walong taon na kayong kasal ni Chen Yang,

wala ba kayong planong magka'anak?"

"Ma…." Hindi alam ni Qiao Anxia kung ano ang isasagot niya.

Siguro naramdaman ni Mrs. Cheng na nabigla si Qiao Anxia, kaya dali-dali

itong napatuloy, "Xia Xia, hindi kita tinawagan para sabihin sayo na

magka'anak na kayo ngayon, gusto ko lang itanong kung may plano ba

kayong magkaanak kasi hindi naman na kayo mga bata ni Chen Yang. Lalo

na ikaw, kapag medyo tumagal pa, baka mahirapan kang magbuntis dahil sa

edad mo…."

"Xia Xia, tinawagan ko rin si Chen Yang. Alam kong wala kayong planong

magkaanak dahil sakanya. Sinabi niya sakin na ayaw niyang magka'baby

kayo dahil gusto niya raw na masolo ka. Pero para sakin, mali kasi yung

ganung mentality…. Sa paglipas ng panahon, maiintindihan niyo rin kung

gaano kahalaga na may anak kayo….

"Mama ako ni Chen Yang kaya alam kong nalilito pa siya ngayon, pero sana

wag mo siyang tularan… Isa pa, siya nalang ang nag-iisang anal na lalaki ng

Chen family. Mula noong ikasal kayo, naghihintay na ang lolo niyo ng apo…

Yun lang naman ang gusto niya…

"Xia Xia… Kung ang inaalala mo ay marami kayong ginagawa, wag kang mag-

alala…. Tutulungan kitang mag-alaga ng baby niyo… Xia Xia, ang tagal niyo

na kasing kasal ni Chen Yang. Wala naman akong ibang hinihiling sayo, pero

sana pag-usapan niyo ang tungkol dito…"

Alam ni Qiao Anxia na sa kabila ng malambing na boses ni Mrs. Chen, ay

isang obligasyon na kailangan niyang tuparin. Pero paano? Habang nakikinig

sa sinasabi ng biyenan, dahan-dahan siyang sumandal sa dining table.

Sobrang putla ng kanyang mukha, habang nakahawak ng mahigpit sa

sibuyas, at maging ang kanyang mga labi ay nanginginig din dahil sa

magkakahalong emosyon na nararamdaman niya, pero nang sandaling

matapos na sa pagsasalita si Mrs. Chen, pinilit niyang kumalma at magalang

na sumagot. "Ma, naiintindihan kop o, kakausapin ko po siya."

Maraming pang sinabi ang mama ni Chen Yang bago tulyang nito putulin ang

linya.

Pagkatapos ng tawag, biglang nabalot ang kusina ng sobrang katahimikan.

Halos sampung minutong nakatulala sa kawalan si Qiao Anxia, bago siya

muling lumuhod sa tapat ng basurahan para ipagpatuloy ang pagbabalat ng

sibuyas, na para bang walang nangyari. Pero kahit anong pilit niyang

magpanggap, hindi niya pa rin napigilan ang kanyang mga luha sa pagbuhos,

kasabay ng paglaglag ng balat ng sibuyas sa loob ng basurahan…

-

Kinabukasan, hinintay lang ni Qiao Anxia na pumasok si Chen Yang sa

trabaho bago siya patakas na pumunta sa ospital para kausapin ang doktor

na ilang taon ng gumagamot sakanya.


Kapitel 968: Ang dalawa sa tatlong pinakamasayang bagay (10)

Redakteur: LiberReverieGroup

Pagkarating niya, may pasyente pang inaasikaso ang doktor kaya halos

kalahating oras pa siyang naghintay bago siya ma'entertain nito. Walang

pinagkaiba sa palagi niyang ginagawa sa loob ng nakalipas na walong taon

ang ginawa niya ngayong araw. At noong lumabas na ang resulta, binasa niya

ito ng tahimik at imbes na itanong ang palagi niyang tinatanong na "Kamusta

na ang kundisyon ko?" ay biglang siyang nagtanong ng, "Wala na ba talagang

pagasa na mabuntis ako?"

Dahil dito, biglang natigilan ang doktor at halos isang minuto rin itong

natahimik bago makasagot, "Miss Qiao, base sa kundisyon mo…"

"May pagasa pa akong mabuntis?" Kalmadong sabat ni Qiao Anxia, "Pero ang

pagasang ito ay sooobrang liit sa puntong mas posible pa ring hindi, tama?"

Dahil sa sinabi ni Qiao Anxia, biglang natahimik ang buong clinic, at noong

akala niyang hindi na magsasalita ang doktor, bigla itong nagpatuloy ng

malumanay, "Sa totoo lang, sobrang lalim ng naging pagkasaksak sayo.

Dumiretso 'yun sa matris mo, kaya naapektuhan ang ovaries mo. Kaya diba

palagi kong sinasabing maliit lang ang tsansa mong magbuntis ay dahil hirap

ang ovraries mong mag'ovulate. Gusto kong maging tapat sayo. Sa tagal na

nating nag'gagamutan, wala talaga akong makitang improvement lalo na

ngayon na tumatanda ka na, magkaroon man ng milagro na gumaling ka,

masasabi kong mahihirapan ka pa ring magbuntis dahil sa edad mo…" Base

sa itsura ni Qiao Anxia, ramdam ng doktor na sobrang nasaktan ito, kaya para

gumaan ang pakiramdam nito kahit papano, dali-dali siyang nagpatuloy, "Pero

kung gusto niyo talagang magka'anak, bakit hindi kayo mag'ampon? Hindi

naman kailangan na kadugo niyo ang bata para matawag niyo siyang anak

diba? Kapag tumagal ang pagsasama niyo, mararamdaman niyo yung

koneksyon niyo sa bawat isa…."

-

Saktong tanghalian nang makalabas si Qiao Anxia sa ospital, pero matapos

ang lahat ng mga narinig niya, wala siyang ganang kumain, kaya imbes na

dumiretso sa isang restaurant, naglakad siya papunta sa katabing park ng

ospital at umupo sa isang bench hanggang mag'gabi.

Pagkauwi niya, nasa bahay na rin si Chen Yang, pero dahil sa sobrang bigat

ng naging araw niya, dumiretso siya kaagad sa kwarto para makapagpahinga.

Kasalukuyang nagshoshower si Chen Yang at nakalapag lang ang phone nito

sa kama, kaya kinuha niya ito para ilagay sa side table pero bigla itong

nag'alert at bumungad sakanya ang isang text galing kay Lin Wei.

"Brother Yang, birthday ko sa darating na Linggo. Manlilibre ako ng dinner sa

Golden Magnificence, sama ka?"

Alam ni Qiao Anxia ang galawan ni Lin Wei…. Base sa pagkakakilala niya rito,

maganda at mahaba ang pasensya nito, at hindi kagaya ng mga tipikal na

mayayamang babae, hindi nito umaamin na gusto nito si Chen Yang. Ilang

beses niya na ring dinalaw ang asawa niya sa trabaho, at sa tuwing gagawin

niya 'yun, nakikita niya si Lin Wei na pasimpleng naglalagay ng merienda sa

lamesa nito. Siguro gusto talaga ng babaeng ito ang asawa niya, pero

natatakot lang itong makasira ng pamilya.

Ilang segundo rin siyang nakatitig sa screen ng phone ni Chen Yang, bago

siya mag'reply kay Lin Wei. Kagaya ng inaasahan, mabilis itong nagreply

sakanya kaya nakailang palitan rin sila ng message pero noong magrereply na

sana siya ulit, narinig niya na biglang huminto ang tubig kaya dali-dali niyang

binura ang ebidensya.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C967
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES