App herunterladen
99.07% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 964: Ang dalawa sa tatlong pinakamasasayang bagay (6)

Kapitel 964: Ang dalawa sa tatlong pinakamasasayang bagay (6)

Redakteur: LiberReverieGroup

Eight years ago, prinotektahan ni Qiao Anxia si Qiao Anhao, at mula noon,

binawian na siya ng pagkakataong maging isang insa.

Pwede…. Ang simpleng salitang ito na sinabi sakanila ng doktor noon ang

pinanghawakan niya hanggang ngayon, kaya kahit alam niyang sobrang liit

lang ng posibilidad na ito, hindi siya sumuko.

Noong una, sinasamahan pa siya ni Chen Yang na magpa'check up, pero

noong nakita nitong walang katapusan ang mga gamot na iniinom niya,

bandang huli, sinabi nito sakanya na tanggapin nalang nila baka wala talagang

pagasa…

Noong panahon na 'yun, si Chen Yang na sobrang pasensyoso pagdating

sakanya, ay sobrang nagalit noong nagpumilit siyang lumaban pa. Kaya mula

'nun, patago nalang siyang umiinom, pero kahit lumipas na ang maraming

taon, hindi pa rin talaga sila makabuo…

Kaya sa tuwing napaguusapan ang sa anak, sobrang nasasaktan siya.

-

Kinabukasan, pipirma lang ng kontrata si Chen Yang, pero pagkauwi nito,

sobrang dami nitong dala.

Nang silipin niya kung ano ang mga ito, nakita niya na puro laruan ang laman

ng kahon.

Siguro nakutuban ni Chen Yang na nagtataka siya, kaya dali-dali nitong

pinaliwanag na ang mga pinamili nito ay para sa kaibigan nitong nanganak ng

kambal.

Bukod sa mga laruan, may dalawang magandang bag din itong pinamili. Isang

pambabae, at isang panlalaki, na sigurado naman niyang para kina Little Rice

Cake at Little Red Bean.

Kung tama ang pagkakaalala niya, sa loob ng walong taon, sobrang dami na

nitong pinamili para sa dalawang bata, may mga pagkakataon din na pag

nagdedate sila, lagi itong nagyayayang pumunta sa Mian Xiu Garden, at kahit

na hindi ito umaamin, alam niyang ang totoo pakay nito ay para makita sina

Little Rice Cake at Little Red Bean….

Gusto talaga ni Chen Yang magka'anak, tama?

"Anong iniisip mo?" Nang makita ni Chen Yang na nakatitig si Qiao Anxia sa

dalawang bag, dahan-dahan nitong hinimas ang buhok niya at mahinahong

nagtanong.

Kaya bigla siyang nahimasmasan at dali-daling umiling. "Anong ulam dinner

natin?"

"Anong gusto mong kainin?"

"Maanghang?"

"Sige," Walang tutol na sagot ni Cheng Yang. "Magbihis lang ako ha?"

Tumungo lang si Qiao Anxia.

Pero kagaya ng nakasanayan, bago ito pumasok sa kwarto para magbihis,

hinalikan muna siya nito sa nito.

Pagkatapos nilang kumain, niyaya ni Cheng Yang si Qiao Anxia na manuod ng

pinaka bagong pelikula ni Lu Jinnian. Ayon sa balita, blockbuster daw ito dahil

sa sobrang ganda nito, na kinumpirma naman nila.

Alas onse na ng gabi noong nakauwi sila. Si Cheng Yang ang unang naligo,

pero pagkatapos niya, pinag'igib at hinandaan niya na rin ng pantulog si Qiao

Anxia.

Pagkatapos maligo ni Qiao Anxia, nagtataka siya kung bakit wala si Chen Yang

sa kwarto, kaya hinanap niya ito hanggang sa makarating siya sa study room.

"Ma, sabi ko naman sayo diba, ako yung may ayaw ng anak, hindi si Xia Xia."

"Gutsong gusto nga ni Xia Xia magkaroon ng anak, pero sa tingin ko kasi

malaking problema yun kapag nagkaroon ng bata dito sa bahay, kaya

pinipigilan ko siya."

"Hindi ako nagsisinungaling, nanay kita diba? Bakit naman ako

magsisinungaling sayo. Hindi… Hindi ko pinoprotektahan si Xia Xia"

"Ma, wag mong tawagan si Xia Xia. Ako nga yung may ayaw sa mga bata.

Kapag tinawagan mo siya, iisipin niya na sinisisi ko siya."

"Sabin g ako yung may ayaw magka'anak eh!"

Base sa tono ng boses ni Cheng Yang, halatang sobrang iritable nito.

Kaya napayuko nalang si Qiao Anxia at tahimik na naglakad pabalik sa kwarto

nila.


Kapitel 965: Ang dalawa sa tatlong pinakamasasayang bagay (7)

Redakteur: LiberReverieGroup

Pagkabalik ni Qiao Anxia sa kwarto nila, nakatitig lang siya sa wedding picture

nila ni Chen Yang.

Pagkalipas ng halos dalawang minuto, dahan-dahan itong pumasok, at nang

makita nitong basa pa ang buhok niya, biglang kumunot ang noo nito. "Bakit

hinid ka pa nagpapatuyo ng buhok mo?"

Dahil dito, bigla siyang nahimasmasan, at para hindi makakutob si Chen Yang

na malungkot siya, dali-dali niyang itinuro ang picture nila. "Ang ganda ko pala

talaga."

"Hehe." Natawa nalang si Cheng Yang. Pagkatapos, kinandong siya nito, at ito

mismo ang nagblower ng kanyang buhok.

Bukod sa 'whooshing' na tunog na nanggagaling sa blower, wala na ni isa

sakanila ang nagsasalita.

Habang nararamdaman ang maingat nitong paghaplos sakanyang buhok,

sobrang napapanatag siya.

Pagkatapos nitong siguraduhing tuyo na ang kanyang buhok, sabay silang

humiga sa kama, at kagaya ng nakasanayan, niyakap siya nito ng mahigpit.

Yun ang 'sign' nila para sabihin sa isa na gutso nilang makipag sexy time, pero

siguro dahil gumulo nanaman sa inisip niya ang tungkol sa pagkakaroon ng

anak, wala siya sa mood, kaya noong naramdaman niya hinuhubaran na siya

nito, dali-dali niyang hinawi ang kamay nito. "Chen Yang, medyo pagod kasi

ako eh."

"Bibilisan ko lang." Mapang'akit nitong bulong sakanya.

Medyo nakikiliti siya sa init ng hininga nito, kaya lumayo siya ng bahagya.

"Bukas kaya? Pagod talaga ako eh."

Dahil dito, biglang huminto si Chen Yang. Sa totoo lang, naiintindihan niya

naman na hindi lahat ng gabi ay pwede silang mag'sexy time, at hindi naman

ibig sabihin na tumanggi ito ay may problema sila, kaya hindi na siya

nagpumilit at tinulungan nalang itong ayusin ang dami tito, bago niya ito

yakapin ulit ng mahigpit. "Sige."

-

Mabilis na tumakbo ang oras at magmamadaling araw na, gising pa rin si Qiao

Anxia, samantalang si Cheng Yang ay mahimbing ng natutulog.

Habang nakahiga sa dibdib nito, dahan-dahang sinilip ni Qiao Anxia ang

mukha ni Chen Yang, na mahimbing ng natutulog. Sobrang gwapo talaga

nito….

Habang patagal ng patagal, naiiyak nalang siya habang pinagmamasdan ito…

Gustong gusto niya naman talagang bigyan ito ng anak…. Walang siyang

pakielam kung babae man o lalaki ang ibigay sakanila… kasi sigurado naman

siyang handa itong maging mapagmahal na tatay…

Sa mundong punong puno ng tao, nabiyayaan siya ng isang napaka bait na

lalaki, pero nakakalungkot lang dahil sa kabila ng lahat ng kabutihan nito, hindi

niya man lang ito mabigyan ng anak…

Nang maramdaman niyang tuluyan ng tumulo ang kanyang mga luha, dahan-

dahan siyang lumayo kay Chen Yang para hindi ito maistorbo.

Kanina niya pa gustong gustong umiyak… pero natatakot siya na baka

pag'awayan lang nila ulit ito…. Gusto niya lang namang ilabas ang lahat ng

lungkot na nararamdaman niya….

-

Sa ika-100 th day celebration ng kambal, maraming nagtanong Chen Yang kung

kailan nito planong magka'anak.

Nang marinig ito ni Qiao Anxia, muli nanaman siyang nalungkot, pero siyempre

dahil nasa harapan siya ng mga kaibigan ng kanyang asawa, pinilit niyang

ngumiti.

Gamit ang isang kamay, umakbay ito sakanya habang sa kabila naman ay

naki'pagtoast ito sa kaibigan nito habang sinasagot ang katanungan, "Hindi

ako mahilig sa mga bata eh… Mas gugustuhin ko pa ngang magalaga ng

maraming aso."

"Hmph.. Anong sinasabi mo jan? Eh bakit noong nalasing ka dati ang sabi mo

ang pagkakaroon ng anak ay parang isang trophy?" Naiiritang sabat ng

kaibigan ni Chen Yang.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C964
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES